1 chapter 1 kamusmusa

Good afternoong guys! Sa mga kapwa ko adik na sa webnovel!😁 Hopefully magustuhan nyo ang storya ng aking buhay at suportahan..salamat!happy reading!

"Mahuli syang magliligpit"!, yan ang sigaw na maririnig mula sa ate ko na unang babangon sa aming pitong magkakapatid na babae. Agad agad at maguunahan na babangon upang maiwasan ang magligpit ng higaan sapagkat kami'y maghahanda na pagpasok sa eskwela. Si bunso ang laging huli, "Nay! ako daw magliligpit!, sabay iyak. Ako na mag-aayos nyan mamaya", sagot ng naman ng aming ina.Kaya lumaking tamad eh dahil lagi kinumunsinti.

Ako'y nasa elementarya pa lang y namulat na sa akin ang hirap ng buhay ngunit hindi ito hadlang upang hindi pagsipagan ang pag-aaral. Bago pumasok, may kanya kanya kaming gawain, ako taga pakain ng manok ni tatay at magsasaing na rin. Madidilig o magwawalis sa bakuran naman ang iba kong kapatid. "Kain na!" ,sigaw ng nanay sa amin. Ang ulam namin 2 pakete ng pancit canton at nahahati sa walo, ganyan kahirap ang buhay.

Pagkatapos kumain sabay sabay kaming tatlo, si ate kris, ako at ang nakababata kong kapatid na si malou. Ang baon namin tagpipiso. Pagdating ng eskwela pagkababa ng bag lalabas ako at bilis ang takbo papunta kina lola pacing para kunin ang ilalako kong yema, sa 100pcs my tubo akong 10 piso. Ganito ang buhay namin mula nagkamulat ako at sa awa ng Diyos grumadweyt ako bilang Salutatorian at nagkamit ng scholarship mula sa municipyo para sa highschool.