1 PROLOGUE

Madaming beses ko nang tinangkang umpisahan, pero di ko alam kung sa paanong paraan ko sisimulan.

Sabi ko nga, sa ibang araw na lang pag kaya ko ng sariwain muli ang ating nakaraan.

Lumipas ang ilang taon, sa di sinasadyang pagkakataon.

Nabuklat kong muli ang isang kwaderno. Isang kwadernong talaan ng ating ala-ala.

At umayon naman sa akin ang tadhana, dahil nang mga oras na yun ay nag-iisip ako kung ano ba ang dapat kong ihandog sa iyo.

Sapatos ba? Bag? Damit? Relo? Singsing? Kwintas? Album ng paborito mong banda? O Boxer na may kasamang brief na may burdang pangalan mo ulit?

Pero naisip ko, marami ka na nun. Marami ka naman pambili nun.

Saktong-sakto naman na nag text ka, "Oi! Author, kailan mo ba balak mag-update?"

Napatulala ako dun sa hawak kong napakalumang kwaderno at kasabay nun ang paulit-ulit na pag-sink in sa utak ko ng text mo.

Hanggang sa may namuong ideya sa aking isipan.

Isang ideya na sobrang nagpangiti sa akin.

Alam kong mahirap at kulang sa panahon, pero handa akong sumugal.

Kilala mo naman ako di ba? Gusto ko yung ma-effort, dahil ganun din ako.

Kaya pagpasensyahan muna ang munti kong handog, di man ito expensive. Pero ako yung mismong gumawa nito.

Hindi ito made in China, Japan, Korea, Hongkong­, Thailand, Singapore o Philippines.

Made in BABY CUTE mo 'to!

Ui, wag kang tumawa! Seryoso ko. Nagmula ito sa aking puso't isipan na ikaw lamang ang nilalaman.

Halika basahin mo tong.. STORY OF US.