1 Batang ina?

Kwento na huhusgahan ka nila base sa nakikita nila.

Kwento sa totoong buhay na aakalain mo hindi mangyayari sayo kasi isa kang batang madaming pangarap sa buhay tulad ng bigyan ng magandang buhay ang magulang na sobrang nagsakrepisyo at naghihirap at habang nakikita mong yung mga kapatid mo maagang namumulat sa hirap yung gusto mong madaming pera mabili lang mga gusto nila,yung simpleng makakain ng isang beses sa isang linggo o buwan ng karne ang hirap na sana lahat ng iniimagine mo sana totoo nalang, halos sabihin ko sa magulang ko na Ma Pa paglaki ko iaahon ko kayo sa hirap bibilhan ko kayo ng bahay kakain tayo ng masasarap na pagkain bibilihan ko kayo ng damit hindi yung bigay at hingi lang natin naranasan ko at ng mga kapatid kong Mangalakal para lang may pambaon o pambili ng bigas nagsumikap magulang namin para mapatapos kami pero....

Nakapagtapos ako ng highschool sabi ko sa sarili ko ito na magkacollege na ko pero bat ganun bat ang daya ng mundo isa lang ang batang babae na madaming pangarap na sisirain lang ng isang lalaki lang.

No Boyfriend since birth mapusok ako nagpatalo sa tukso nagbago ugali sa isang iglap lang sinira ko yung pangarap ng magulang ko Walang araw na hindi ko pinagsisihan ang araw na umibig ako ni wala pang bawi sa magulang na mabuti Nagbuntis ako ng maaga sa edad na 17 anyos hindi ko maintindihan bakit 17 lang Hindi ako makapaniwala sa ginawa ko May anak na ko ngayon pero sobrang hirap ng buhay mangyayari nanaman yung naranasan ko noon na halos hindi na kumain sa hirap ng buhay,

Bogbogin ng karelasyon, mangaliwa, ang masakit susumbatan ka mumurahin ka di ko alam san pupunta yung buhay ko ngayon gustong gusto ko magaral para naman may pagmalaki ng anak ko mabigyan ko sya ng magandang buhay pero parang ayaw ng mundo ansama ko na sigurong tao.

Nagdadasal ako na sana baguhin nya yung tadhana para samin ng anak ko.

Lahat ng kamaganak mo huhusgahan ka imbes na tulungan ka kasi pinakitaan mo na kaya ko to makakapagtapos ako pero walang nagyayari sa mga sinabi mo huhusgahan ka nila diba matalino diba magaling yan tapos nagpabuntis lang kala mo kung sinong malabirhen malandi naman pala, hindi lang nila alam sa gantong edad matured na utak mo madami kanang stress sa buhay halos magpakamatay kana sa sama ng loob at hirap pero kinakaya mo para sa anak mo

kaya kayong mga kabaataan ngayon sana wag kayo magaya sakin.

pero sa nakikita ko mas grabe na yung panahon ngayon naglalabasan na puro kabataan napakadaming scandal sa edad na 12 may karelasyon madami ng nagpapakamatay na ano nga ba dahilan nila Sino nga ba talaga ang may mali Ang magulang o ang barkada o sila mismo gumagawa base sakin naeemplowensyahan sila ng mga technolohiya ngayon sa mga nakikita nila sa facebook sa youtube mga napapanuod nila nagiging marupok na mga kabataan ngayon ang hirap sa part na magulang kana narerealize mo yung mga ginawa mo nung dalaga ka na bat ganyan mga kabataan ngayon eh isa ka naman pala dun bakit nga ba pati ako eh alam mo naman palang mali, sabi Ko noon kay mama, Ma di ako magaasawa sabi naman ni mama Nak nasasabi mo lang yan pero pag tinamaan ka ng pagibig hindi ka makakawala pa, totoo pala wag ka magsasalita ng patapos kahit gaano ka kabuti kahit gaano kapa katalino kastudy hard pagikaw yung nakatadhan mangyayari na hindi mo kayang baguhin yung nakatadhana para sayo, pero kaya mong magbago ng buhay Maging mabuting taga payo ka para sa mga kabataan na wag kang gayahin kasi nagkamali kana, Wag nyo husgahan mga kabataan ngayon kung umiibig sila ng maaga hindi nila alam ginagawa nila kulang lang sila sa payo marupok ang kabataan ngayon kailangan ng matinding payo masyado ng mahirap ang sitwasyon natin wala ng makakapigil pa kundi tayo din na may alam na kailangan ipakita na mali tayo ito mangyayari sainyo pag ginawa nyo payan kaya please guys wag nyo nalang kaming tularan

madami nako sinulat na kwento sana maisulat ko lahat yun dito

-Mia07

avataravatar