7 Chapter 6

Chapter 6: Haeream

Ana's POV

"Your royal highness?"

"Hayy.." isa , tatlo o pito? Pang ilang buntong hininga ko na ba 'to?

Napahinto ako sandali sa ginagawa ko nang marinig ko nanaman ang nakakairitang boses ni kuyang Alphonse sa likod ng nakasaradong pinto at saka isa nanamang walang katapusan nitong pagkatok.

Pucha naman. Ang sarap sarap na kasi ng pahinga ko rito, kahit hindi ko naman talaga natitikman, tapos sisirain niya lang? Huhu maawa ka kuyang Alphonse aba, limang taon na akong hindi nakakaramdam ng pahinga. Nakakainis naman, oh!

"Ano ho bang ginagawa ninyo riyan? Hindi niyo ho ba mabuksan ang pintuan? Ipapakuha ko na ho ba ang susi ng pintuang ito para mailabas ka nalang ho ng mga babaeng tagapagsilbi ninyo mula riyan, mahal na prinsesa?"

Napairap naman ako sa muling narinig. Inabot ko na lamang yung kulay pink na hugis bulaklak na sabon na nandidito sa gilid ko para lagyan pa ng mas maraming bula ang naguumapaw ng tubig ng medyo malaking bathtub na ito, kung saan ako nakahiga pa rin hanggang ngayon. Grabe, hindi ko talaga akalain na sa simpleng pag ga-ganito lang ng mga mayayaman, mare-relax na pala yung isip nila kahit papaano, 'no? Kaso nga lang-

"Rinig ko ho na ang inyong panligong tubig na galing pa sa mahiwagang bukal, ay patuloy pa rin ho sa pag-agos palabas ng inyong banyera, hindi ho ba nakatulog na ho kayo riyan?"

Letsugas! Ang tubig na ito na sinasayang-sayang ko lang ay galing pa pala sa bukal? Bakit hindi niya agad sinabi? Minadali ko tuloy iniabot ang parang gripo na kung saan nanggagaling ang dumadaloy na tubig na ito, 'saka ito mas nilaksan pa. Aba't anong akala niyo? Hindi ko ito papalagpasin, 'no. Pangatlong beses ko palang itong nakaligo gamit ang tubig sa bukal, kaya hindi dapat sinasayang ang ganito kagandang oportunidad.

Sa apartment kasi, hindi na nga bukal ang tubig kailangan mo pa laging magtipid. Bwisit lang.

"Mahal na prinse-"

"Argh! Bakit ba ang ingay-ingay mo diyan kuyang Alphonse? Kanina ka pa tanong ng tanong pati katok ng katok. Ano bang dapat ginagawa rito sa banyo? Sa tingin mo ba kumakain ako ng isang dusenang toblerone at ayaw kitang bigyan kaya ako nandito sa banyo para kumain? Ha?" balik na sabi ko naman sa kaniya sa pagitan pa rin ng nakasaradong malaking light pink na pinto ng banyo, habang nakahiga pa rin sa bathtub, pinaglalaruan ang mga bulang nagpapalutang-lutang lang.

"P-pasensya na ho, mahal na prinsesa. Kaso mag tatatlong oras na ho kasi kayong nariyan sa loob." weh?

Tatlong oras na ba?

Teka.

Bwisit naman, akala ko apat na.

"Sa ngayon mag a-alas onse na rin ho ng maaga mahal na prinsesa, at kinakailangan mo pa hong pumunta sa bilihan ng damit pangkasal para ho sa malaking araw ninyo ng prinsepe na magaganap bukas." pagkakarinig ko pa.

Ano ba kasing paki ko roon? E' hindi naman ako ang dapat na nandidito kundi ang alien na si Sirena na siyang totoong prinsesa ninyo. Siya ang dapat mamili ng susuutin niya para sa kasal niya bukas at hindi ako.

Gusto ko man sabihin 'yan, sa tingin ko ba maniniwala sila sa akin? E' likha rin atang matigas ang ulo ng totoo nilang prinsesa para sabihin niya sa lahat ng naririto na ayaw niyang maging isang prinsesa eh, 'yan tuloy ang akala nila nagbibiro lang ako sa tuwing sasabihin kong hindi ako ang prinsesang tinutukoy nila. Pucha.

Ang bwisit na musketeer Kin rin kasi na iyon, siya talaga dapat ang sinisisi sa lahat ng nangyayari sa akin ngayon dahil mali siya ng babaeng kinidnap!

Paano kaya "KUNG TUMAKAS NALANG AKO? Ayy-" bigla ko namang na-itakip ang dalawa kong basang palad sa bibig ko nang maisigaw ko pala bigla ang nasa isip ko.

"May sinasabi ka ho ba mahal na prinsesa?" iyan tuloy muntik pang marinig ni kuyang Alphonse, "Bubuksan mo na ho ba ang pinto para maayusan na ho ikaw ng mga babaeng tagapagsilbi ninyo?"

Pinatay ko na ang gripo at umahon na rin naman sa kulay light pink na bathtub ng prinsesa Sirena nila na ito at 'saka agad na kinuha ang malambot niyang puting bathrobe, bigla nalang kasing parang umihip ang malakas na hangin na nanggaling sa maliit na bilog na bintanang nakabukas pala dito sa loob ng banyo, kaya medyo gininaw ako.

"Makikihiram lang Sirena ah? Hiram lang, walang personalan. Ibabalik ko rin naman 'wag kang mag-alala." paalam ko pa habang inaayos ang pagkakasuot nito.

"Hala, gago." medyo napatalon naman ako nang mapagmasdan ko ng mabuti ang kutis ng balat ko ngayon. Pucha, ang mga gasgas, galos at peklat ko mula sa pakikipag banatan ay naging isang makinis at malinis nalang ngayon. Bwisit, paanong-

"Mahal na prinsesa?" at isa nanamang katok. Napairap na lang ako nang tumungo na nga ako palapit sa pinto at hindi nalang muna inisip pa ang nangyari sa balat ko.

Pagka-pihit na pagka-pihit ko pa lang ng pintuan para makalabas, imbis na ang atat na atat na si kuyang Alphonse ang sumalubong sa akin, ay ang tatlong mga babaeng naka suot pang katulong ang bigla nalang ngumiti ng napaka laki sa harapan ko ngayon. Yumuko ang mga ito sa akin at binati ako ng sabay-sabay.

Tinanguan ko lamang sila at maglalakad na nga sana papalabas ng banyo, nang hindi na nila ko hinayaan pang makahakbang manlang sa sarili ko dahil sila na mismo ang humila o parang bumuhat sa akin paaalis doon at ipinunta sa kung saan.

Pinaupo nila ako rito kaharap na ngayon ng isang malaking kalahating oblong na salamin at walang sabi-sabi nilang inayusan nga ako. Ang bilis. Seryoso. Mula sa pag ayos nila sa mukha at buhok ko hanggang sa pag suot rin nila sa akin ng susuotin ko

At sa isang kisap mata?

"Puchangina." ang tangi kong naisabi nang sabay sabay nila akong iharap sa panibagong malaking oblong na salamin kung saan makikita ko na ang buong kabuuan ko.

Maya-maya, "Nakuuu, totoo nga ang usap-usapan sa bayan na nagsasalita na ng lapastangang pananalita ang mahal na prinsesa, ano?" napataas ang kilay ko sa biglang narinig mula sa likod hindi kalayuan sa akin. Pero nanatili parin akong kunwaring sinusuyod ng maiging tingin ang isa nanamang pucharagis na damit na sinuot nila sa akin ngayon mula sa harapan ng oblong na salamin na ito.

"Oo nga Kakay, sinabi mo pa. Iba talaga kapag nakapunta kana sa Earth." rinig ko namang sabi nang isa sa katabi nya.

"Kaya nga Dadang, siguro sinaniban na sya roon ng iba't-ibang masasamang espiritong may sungay na ma-grabe ang mga tabas ng dila."

"O pwede ring nakipag kaibigan siya sa isang mortal na nagbabalat kayó lamang na isang normal na tao, pero ang totoo isa pala siyang alagad ng Dyablong may sungay sa ulo."

"Maaaring tama nga kayong dalawa Kakay at Dadang, pero may nabasa rin kasi akong libro mula sa silid aklatan doon malapit sa gitna ng bayan at sinabi roong ang mga naninirahan raw sa Earth ay parang mga demonyo sa impyerno. Kaya siguro ang mahal na prinsesa ay tinubuan na din ng hindi natin nakikitang sungay at naging demonyita na ri-" hindi ba nila nakikitang nandito pa ang pinag uusapan nila?

"Ay oo! Pucha haha, muntikan ko na ngang makalimutan. Matagal-tagal na rin palang tumubo ang sungay ko, gaano na kaya ito kahaba ngayon? Sapat na kaya 'to para maipang-tusok sa mga lalaugan ng mga chismosang alien?" pagpuputol ko sa pangatlong babaeng bubulong pa akala mo naman hindi naririnig.

Nakatalikod pa rin naman ako sa kanila at bahagya pang inaayos pa rin kunwari ang panibagong pucharagis na gown na sinuot nilang tatlo sa akin kanina. Pagkatingin ko sa bandang itaas ng oblong na salamin kung saan makikita ko ang repleksyon nilang tatlo, nakita kong nagtutulakan na sila habang nakayuko na ngayon.

"Ang ingay kasi ni Bibeng, eh."

"Hala ikaw nga nag umpisa Kakay, bakit ako?"

"Shh, manahimik nalang ka-"

"Hoy! Kayong tatlong bibe diyan, hanapin niyo na nga lang si kuyang Alphonse nang may magawa na uli kayo at hindi na pag usapan pa ang pagkakaroon ko ng sungay." sabay sabay naman silang tumango sa akin nang harapin ko sila at nanatiling naka yukong nagpaalam lumabas ng malaking silid na ito.

"Hmp, sungayin kita dyan, eh." habol ko pa sa kaninang nasabing Bibeng.

Sungay sungay pang nalalaman ang mga 'to.

Mukhang nahanap naman din nila kaagad si kuyang Alphonse dahil namalayan ko nalang ngayon na magkasama na kaming naglalakad palabas ng palasyo. Pagka-labas namin, isang kulay light pink na karwaheng walang bubong ang sumalubong sa amin dito sa harap ng palasyo. Nilahad ni kuyang Alphonse ang kamay niya para alalayan sana akong maka akyat sa karwaheng ito nang makalapit kami pero hindi ko ito tinanggap. Aba't, huwag niyang sabihing baby na rin ang tingin niya sa akin, kundi masasapak ko talaga siya kahit na sabihing matanda pa siya.

Umandar naman ng matiwasay ang karwaheng sinasakyan ko kaya medyo nakapag pakawala pa ako ng maluwag na hininga.

Natandaan ko nanaman kasi ang pagsakay ko sa kabayo kahapon, bwisit.

Teka pucharagis, nasabi ko namang 'matiwasay', hindi ba? Bakit maya-maya nalamayan ko nalang na nakakapit na pala ng mahigpit ang dalawa kong kamay sa magkabilang gilid ng karwahe, nang bigla nalang umandar ng napaka bilis ang sinasakyan naming karwaheng ito?

Napansin ko ring medyo malayo na pala kami sa may palasyo pagka-lingon ko.

"Teka naman hoy! Mamang driver, dahan dahanin mo nga lang ang pagpapatakbo-"

"What if I don't want to?"

Napakunot ako ng noo sa gulat nang hindi na si mamang driver kanina ang naka upo na ngayon sa harapan at nagpapatakbo ng sinasakyan kong karwahe, kundi isa ng maputing babae.

Gustuhin ko mang paulanan ng mura ang babaeng bruhang nasa harap, ay alam kong hindi ko ito magagawa dahil aaminin kong natatakot ako ngayon sa sobrang bilis ng patakbo nito, as in sobra puchangina, parang isang maling galaw ko lang malalaglag ako mula sa karwaheng ito, at ang mas nakakatakot pa doon, sa bangin ang hulog ko nito kung sakali at wala manlang pwedeng makakita ng pagkamatay ko! Depungal!

Minaigi ko na lamang ang pagkapit ng dalawa kong kamay sa magkabilang gilid ng karwaheng ito at tiniis na lang ang nararamdamang hilo, nakalagpas na kami sa may manipis na tulay na dinaanan namin at hindi rin naman nagtagal huminto na rin kami sa pag-andar. Sa wakas. Puchangina, nagmadali akong bumaba at nagtungo sa may mga halaman sa gilid saka doon sinuka ang kanina ko pang pinipigilang pagsuka.

Bwisit na babaeng 'yon. Kung may balak siyang patayin ako? Siya ang mauuna!

Maya-maya napansin kong wala pa rin palang katao-tao ang hinintuang lugar namin. Nang lingunin ko naman na ang babaeng bigla nalang sumulpot sa karwahe, nakita kong nakatitig na pala siya sa akin at bahagya pang ngumanga ng saglit saka lamang kumunot ang noo ngayon. Aba't! Ako lang dapat ang may karapatang kumunot noo ngayon, depungal siya!

"How did you do that?" ang tanging lumabas sa bibig niya. Anong nagawa ko? Hindi pa nga kita namumura't nasasapak puchangina ka eh! Lumapit ako sa kaniya ng nakasalubong na rin ang parehong mga kilay.

"Ga-"

Hindi ko alam, kung gaano na ba kalalá ang idinoble ng pagkaka-salubong ng mga kilay ko ngayon nang hindi niya ko hinayaang makapag mura manlang. Sabayan mo pa nung bigla niya nalang hinawakan ang braso ko gamit ang isa niyang kamay at ang isa naman ay pinantakip sa bibig ko, mariin niya rin akong tinitigan kasabay non.

Puchangina, ARAY! Lalo pang humihigpit ang pagkahawak niya sa braso ko at halatang puwersahan niya akong sinasaktan!! Pucha ulit, hindi ako makagalaw. Tinitigan niya ko kaya hindi rin ako nagpa talong titigan rin siya pabalik, tsk babae lang ang isang 'to, wala syang kaide-ideyang marami na akong lalaking nailumpo.

Pero bakit parang may kakaiba siyang lakas na wala ako?

Hinila niya ako papunta sa parteng may mas matataas na mga halaman kung saan paniguradong walang makakakita sa amin dalawa mula sa inalisan naming lugar kahit na mukha rin namang tago roon.

"Listen, you little shitty princess. I don't know how you got back here, but I'll make sure you get out of my way."

Marahas niya akong itinulak papalayo sa kaniya pagkasabi non, hindi agad ako nakatayo dahil sa ginawa niya. Parang may malakas kasi talaga na enerhiyang nananakit sa akin ngayon na nagmumula sa kaniya at hindi ko 'yon nakikita. Teka seryoso ba 'ko don? Pucha naman, basta kayanin mo nalang Ana! Hindi ka mahina, aba!

Tinignan ko siya gamit ang nakasalubong ko pa ring mga kilay na mula pa kanina nang makatayo ako, mukhang ito lang muna ang magagawa ko sa ngayon ah, puchangina. Hindi ko kasi alam kung bakit nga ba hindi pa rin ako makapag paulan ng mura, parang may pumipigil talaga sa akin na gumanti at sumugod sa kaniya. Parang may kumokontrol sa 'kin kumbaga!

Sabayan mo pa nung ideyang, may kung ano rin akong kakaibang nararamdaman ngayon sa loob ko na para bang lumalaban ito sa kumokontrol sa akin kahit papaano, hindi ko nga lang maipaliwanag ng maayos kung ano nga ba talaga 'yon, pucha.

Lumapit siya sa akin ng parehas sa kung anong ekspresyon ng mukha ko ngayon kaya kung titignan mo kaming dalawa, halatang nagaaway nga kami.

"Since when did you ever learn to do that face in front of me, huh you little shit?" kasabay ng pagkasabi niya non ang mariing paghawak niya naman sa baba ko kaya mas pinilit ko talagang labanan ang ginagawa niyang pag pigil sa akin, kaya ang resulta? Sa wakas, nasapak ko rin siya sa mukha ng napaka lakas. Hindi, sakto pala sa mata niya.

"AAHHH!" nabitawan niya ako dahil sa ginawa ko. Nagtaka pa nga ko kung bakit parang feeling ko nakatakas ako sa isang kulungan at naramdamang sobrang lakas ng katawan ko nang magawa ko 'yon sa kaniya. Puchangina, proud na talaga ako sayo Ana, good job! 'Yan ang bagay sayo, hindi babaeng nanampal ang binagga mong bruha ka kundi nanapak.

Siya ang unang nanlaki ang mga mata, dahil siguro sa ginawa ko. Ibang tao nga pala ang nakikita nila sa mukha ko. Pero hindi nagtagal 'yon dahil ngayon ako naman ang pinanlakihan ng mga mata nang makita kong hinawakan niya lang agad ang isang mata niya kung saan ko siya nasapak 'saka nagkaroon doon ng kaonting ilaw. Pagka-alis niya, wala ng bakas doon ng malakas na sapak ko. Luh gago, alien din ang babaeng 'to?

Dumura siya at tumingin uli sa akin, "For the second time, how did you-"

"Gago ka ba?- ay teka mali. Isa kang gagong puchanginang tarantadong depungal na bruha ka para pag diinan ang braso ko ng ganon kasakit, itulak ako ng ganon karahas, at hawakan ang baba ko ng ganon kadiin!! Isa kang walanghiyang pucha!"

Litiral na napalaki uli ang mga mata ng bruha sa binitawan kong salita. Napangiti naman ako dahil sa wakas nasabi ko rin 'yon, akala ko habang buhay na yung bagay na pumipigil sa 'kin at habang buhay na rin akong pipi. Ganda kasi ng trip ni author, epal lang.

Alam kong gaganti palang sana siya pabalik sa akin nang may bigla nalang sumigaw sa kung saan, "NISHA!"

Nang makalapit, agad dinaluhan ang gawi ko ng depungal na si Rufus at itinago pa ako sa likod niya na para bang hindi ko kaya ang sarili ko mula sa babaeng bruhang 'yon. Humarap siya sa babae at nag sukatan lamang sila ng tingin.

Mga mukha na nga ata silang baliw dito kasi para silang nag uusap gamit lang ang mga mata.

Naputol lang 'yon nang makita kong ngumisi bigla ang bruha, "Now you-"

"Stay. Away. From. Seraphina." hindi naman pinatapos nitong si Rufus ang sasabihin sana nitong bruhang- ay teka, Nisha? Nisha yung pangalang sinigaw ng depungal kanina, diba? Ito pala yung Nisha na paulit ulit sinasabi ng depungal na ito kahapon? Pucha, aba't maganda sana ang pangit ngalang ng apog.

"Come on, baby. We have to go." nagpatinaod na rin naman ako sa depungal nang harapin niya na ako't hinila papalayo roon. Hinayaan ko nalang din dahil hindi ko rin naman alam kung nasaan na bang lugar kami ngayon. Letsugas kasing bruha na 'yon aba, hindi ko maintindihan ang problema.

Binalik ko ang tingin ko sa bruhang Nisha na 'yon, at nahuling nakatitig pala siya sa 'kin. Inirapan ko siya at binelatan ko with matching pag taas pa ng middle finger para dama.

Natawa naman ako bigla sa reaksyon niya nang makita niyang nagawa ko ang bagay na iyon.

Matigas ang ulo pero masyadong mabait nga siguro ang prinsesang kinikilala nila.

Kin's POV

"Kin! Long time no see?" I glanced at the woman whom I heard my name. I gave her a smile and also the other two beside her.

I returned my gaze back to Mang Tino who is now pouring me an another umor -or what you called alak in your world, to drink. And yes, right now we're here having a party in town in the middle of the night, celebrating-

"Maligayang araw ng pagbabalik ng mahal na prinsesa!!" and I think, that's what I'm goin' to say.

"Wiii! Princessy Seraphiny is finally backy!"

"Haish ano ka ba naman, Aki! Ngayong gabi ka nalang uli magdudugtong ng 'Y' sa mga sinasabi mo, ah? Nako, pag narinig ko pa talaga 'yan sayo bukas, malilintikan ka na talaga sa 'king isip bata ka."

"Uwu!! Waaah ate Lumy oh, ate Fira is being harshy nanaman kay baby Aki, huhu."

"Fira, hayaan mo nalang kasi."

"Ay wow, ha? Napaka supportive mo naman ata sa pagiging baby damulag niyan, girl."

"I'm not baby damulagy!"

"Oh, kitam?"

-------

-,-

avataravatar