6 Chapter 5

Chapter 5: Pictura

"H-hindi.."

Teka pucha, nasaan nanaman ba ako ngayon? Ilang lugar ba dapat ang mapupuntahan ko ngayong araw, ha? Ang epal mo naman talaga masyado author.

"Hindi siya patay.. H-hindi patay ang aming anak.. H-hindi siya patay, d-diba?"

Napataas ako ng isang kilay ko sa paulit-ulit na pagsasalita o pagtatanong ng babaeng nakahiga ngayon sa isang parihabang lamesa.

Kung papaikliin ko ang paliwanag, ang buong eksena na ito ay pagpapa-anak. Mula kasi sa babaeng may ginintuang buhok na nakahiga ngayon na may tapis pang maliit na puting panyo banda sa may pagitan ng binti niya, hanggang doon sa lalaking nakatalikod mula sa akin na tanaw kong may hawak-hawak na ngayong sanggol.

Nakakapagtaka. Dahil imbis na ang marinig ko ay ang iyak ng sanggol na nasa bisig ng lalaking iyon, ay iyak ng ginintuang buhok na babaeng nakahiga pa rin ang bigla nalang bumalot sa loob ng silid na ito kung nasaan ako kasama nila ngayon. Hindi ko pa nga alam kung nakikita nga ba nila ako o hindi.

"H-hindi ito maaari.. Hindi. Hindi. Bakit? H-hindi pwede.." iyak pa rin ng iyak ang babaeng 'yon, dahil siguro sa isiping hindi manlang nabigyan ng pagkakataong mabuhay ng mas mahaba pa ang sanggol na kakasilang palang niya.

Psh, kawawa ka naman po mamsh, condolence nalang po sa baby.

Natigil ako sa pagbibiro ko sa isip nang bigla nalang umiyak ng napaka lakas ang sanggol na hawak ng lalaking nakatalikod pa rin sa pwesto ko. Grabe muntikan pa 'kong mapatalon sa gulat. Kakatapos ko lang mag condolence, buhay agad?

"Buhay siya, Aureum. Buhay ang anak.. ninyo."

Sa gitna ng pag-ngiti at pag-tango ng babaeng nasabing Aureum sa nag salitang lalaki, bakit bigla naman akong napahinto? Bigla akong nangilabot sa boses ng nag salitang lalaking 'yon.

Onti-onti akong umalis sa pwesto ko at naglakad sa direksyong mas makikita ko pa ng mas maigi ang lalaking nakatalikod sa kung saan ang pwesto ko mula pa kanina.

"Maraming salamat, napakasaya ko. Maraming salamat talaga sa 'yo.."

Tuluyan nang nanlamig ang buo kong katawan, nang sa wakas mapagtanto ko kung sino at tama nga ako ng iniisip kung kanino ang boses na iyon.

".. Joaq-"

"PUCHANGINA!" napabalikwas ako ng bangon at bahagya pang napahawak sa dibdib kasabay ng mabilis na paghingal.

Panaginip..

Kainis, ano ba naman kasing klaseng panaginip 'yon, aba? Sa loob ng limang taon, ngayon ko pa talaga uli mapapanaginipan si papa? Ngayon kung kailan ang araw ng kamatayan niya? Bakit naman ganoon? Argh, puchangina naman talaga oh.

Nasabi kong ito pa rin ang araw simula noong ma-kidnap ako sa amin dahil natanaw ko mula rito ang isang bilog na kulay gintong orasan na alas otso pa lang pala ng gabi. Nasabi ko namang gabi, dahil pagka-lingon ko sa may bintana dito sa gilid ng malaking kwarto na ito, isang napaka laking maliwanag na buwan ang nagpakita sa akin.

Sumakit ang mga mata ko kasabay ng pag-alala ko bigla sa kung anong napanaginipan ko kanina, kaya napahawak ako rito ng mariin.

Hindi ko pa rin maintidihan kung bakit nga ba bigla nalang sumulpot sa panaginip ko si papa, dahil totoong simula pa ng araw na mamatay siya, kahit ni isang araw hindi ko manlang siya napanaginipan noon. Kaya ako lubos na nagtataka ngayon kung bakit ko na lamang siya biglang nakita muli.

Kahit na sa panaginip nga lang.

Napabuntong hininga na lamang ako nang hinanakit at lungkot nanaman ang bigla nalang dumaloy agad sa loob-looban ko ngayon. Parang anytime makakabasag ako rito at magwawala nalang na para bang isang mabangis na kingkong ng hindi ko namamalayan, imbis na umiyak nalang at magluksa sa gilid kagaya ng ibang mga babae kapag nakakaramdam ng lungkot at pag-iisa.

Paki mo ba? Eh, 'yon ako eh.

Isang katok- este dalawang bagsak ng pagkatok galing sa doblehang pinto, ang siyang nagpabalik sa akin sa wisyo.

"Your highness? Batid ko hong gising ka na rin ho ngayon sa wakas, narinig ko ho kasi ang inyong sigaw mula sa kusina. Inihanda ko na ho uli ang dapat kaninang gabihan ninyo. Lumabas ka na ho riyan para makakain."

Boses 'yon nung kuyang Alphonse. Bumaba na rin naman ako sa malaking kama na ito, medyo nairita pa nga ako nang mapagtantong suot-suot ko pa pala ang pucharagis na gown na ito hanggang ngayon. Hindi ko nga lang inisip muna na alisin na agad ngayon dahil bigla namang kumulog ng malakas ang tiyan ko.

Bwisit, at parang sinasabi pa niyang "Mamaya ka na mag inarte Mariana, pakainin mo muna ako letsugas ka." kaya 'yan, nagpatuloy na lang ako sa paglalakad patungo sa doblehang light pink na pinto kung saan ako pumasok kanina at kung nasaan rin nanggaling ang boses ni kuyang Alphonse ngayon.

Pinihit ko ito at agad din namang bumukas, hindi na ito naka-lock katulad ng kanina, lumabas na ako ng tuluyan sa kwarto at sinalubong naman ako ng isang malaking ngiti nitong si kuyang Alphonse. Aba't buti pa siya, tumama sa loto.

Sanaol.

Naglakad na rin naman kami papalayo roon sa kwarto ni Sirena nitong si kuyang Alphonse nang makalapit na ako kanina sa kaniya. Hindi ko na rin munang pinag-pilitang hindi ako ang prinsesang sinasabi nila, dahil baka patayin na nga ako ng sarili kong tiyan.

Tamad lang akong sumusunod sa kaniya ngayon, habang naglalakad na kami papunta sa kung saan. Feeling ko napakarami na ng nangyari ngayon pa lang sa isang buong araw, bwisit malaki nanaman ang naidagdag panigurado sa eyebags ko nito, letse.

Huminto sa harap ko si kuyang Alphonse kaya napahinto na rin ako. Medyo natalisod pa nga ako sa ginawa niya kaya nung papagalitan ko palang sana siya dahil hindi ako sanay na walang inaaway maya't-maya, kaso bigla nalang akong litiral na napanganga. O pwede ring lagyan ng laway na dumadaloy pababa effects kung gusto niyo.

Doon kasi ako literal na napanganga sa may mahabang lamesan na may punong-puno ng iba't-ibang masasarap na pagkain ngayon na hinintuan pala namin.

"Kumain ka na ho ng inyong gabihan mahal na prinsesa." nakangiting sabi ni kuyang Alphonse sa gilid. Hindi naman ako nakatingin sa kaniya dahil hindi talaga maalis ang titig ko sa iba't ibang putahe na naroon ngayon, pero alam ko pa ring nakangiti siya. Marami naman akong mga mata kaya alam kong tama 'yon.

"Pasensya na raw ho pala, mahal na prinsesa, kung nauna na hong kumain ng gabihan ang mahal na emperatris at hari." sa sobrang gutom, pati nga ata ilong, kilay, buhok, mata, mga paa at kamay ko ay mamamatay na sa gutom, nalaman ko nalang na naka upo na pala ako ngayon sa isa sa mga upuang naririto kasama ang mahabang lamesa na naglalaman ng pagkaing mapupunta na ngayon sa tiyan ko, hindi ko na napansin pa ang sinabing 'yon ni kuyang Alphonse. Wala rin naman kasi akong paki.

"A-aarghh." dighay ko 'yan, huwag ka.

Mabilis akong natapos kumain, dahil nga sa sobra kong gutom. At isa lang talaga ang masasabi ko, pakiramdam ko kasi parang ngayon lang ata ako nakakain ng sapat sa buong dalawampu't isang pagkabuhay ko. At ang sapat na tinutukoy ko na iyon ay ang halos kalahating lamesa ng pagkain na naubos ko ngayon lamang gabi.

Nag pahinga pa muna ako sandali ulit sa upuan ko kanina sa hapag bago tuluyan nang naglalakad ngayon pabalik sa malaking kwarto ng prinsesang akala nila ako.

Hindi ko pa nga makalimutan ang gulat na mga mukha nina kuyang Alphonse at ng mga katulong roon nang makalahati ko nga ang ganoong karaming pagkain, eh. Siguro hindi ganoon kadami kumain ang prinsesa nila. Kung ako ang nakatira dito? Siguro, napaka taba ko na ngayon.

Ay teka, medyo nainis rin pala ako sa kanila. Grrr.

Doon kina kuyang Alphonse tsaka doon sa mga katulong na nasa gilid lang rin kasama niya, inaya ko kasi silang saluhan ako sa hapag kaso agad naman silang sabay-sabay na tumanggi sa alok ko, aba't pucha lang? Ang choo-choosy naman pala ng mga nilalang rito, hindi nila alam hindi ko rin naman sila aayain kung hindi ganoon karami ang nasa harapan ko 'no!

Sinabi nilang labag raw kasi iyon sa royal rules achuchu na kesyo hindi daw maaaring makisalo sa hapag kainan ang tagapag-silbi lamang sa mga nakakataas na pinagsisilbihan nila maliban na lamang kung ang emperatris o hari nila ang nag utos.

Psh, ang ayaw ko lang naman kasi kanina eh naiirita talaga akong nakatitig lang sila lahat sa akin habang kumakain, ayaw na ayaw ko pa naman na may tumitingin sa akin kapag kumakain ako. Mabuti nga't nakakain pa ako ng maayos kanina at hindi ko natuluyang naibato sa mga mata nila yoong iba't ibang klase ng tinidor na nadoon sa harapan ko dahil sa kakatitig nila eh.

"Ay, pucha naman talaga oh. Nasaan na bang bansa itong nilalakbay ko, aba?" nagpalinga-linga pa ako nang hindi na pamilyar pa ang tinatahak kong daanan ngayon.

"Grabe naman 'yon Ana, nakakain ka lang ng napakarami pati utak mo nabusog na rin? Sa sobrang pagkabusog, tinapon niya na yung memorya kung nasaan ang daan pabalik sa kwarto ni Sirena?" tanong ko pa sa sarili ko.

Nagpatuloy pa rin naman ako sa paglalakad kahit ganoon, nagbabakasakaling magiging pamilyar na rin kahit papaano ang dinadaanan ko at makakabalik na rin sa malaking kwarto ng prinsesa Sirena nila at tuluyan na ngang makakatulog ng mahimbing, kaso parang lalo lang atang nagiging kakaiba ang napupuntahan ko eh. Puchang buhay 'to, aba.

Kusang huminto ang mga paa ko at nalaman ko nalang na nasa harap na pala ako ngayon ng isang malaking portrait painting. Medyo napatalon pa nga ako sa loob-loob ko dahil napagtanto kong ang babaeng nasa painting na ito ay yung babaeng nasa panaginip ko rin.

Yoong may ginintuang buhok at may pangalang, "Aereum.." basa ko pa sa nakaukit na mga letra sa malaki ring kahoy na frame nito.

Napataas uli ang tingin ko sa babaeng nasa painting at napansing malaki ang tiyan niya rito. Mukhang pinagbubuntis pa lamang pala niya rito ang sanggol na nakita ko rin sa panginip ko. Pero..

Paanong nandoon rin si papa-

"Aray naman, pucharagis." napahawak ako ng madiin sa mga mata ko ng sumakit nanaman bigla ito. Hindi ko tuloy natapos ang iniisip ko. Aba't, naka ilang beses na nga rin bang sumakit ito ngayong araw lang? Mabubulag na ba ako nito? Letsugas, 'wag naman sana.

"Mahal na prinsesa Seraphina!" napamulat lamang ako nang marinig ang boses ni kuyang Alphonse na halatang hinihingal pa papalapit sa akin, kasabay naman non ang hindi na ulit pag sakit ng mga mata ko kaya nabalik na uli ako sa dati kahit papaano.

"Ibabalik ko lamang po sana itong naiwan ninyong tiara sa hapag, nakalimutan nyo ho kasing kunin mahal na prinsesa." at doon ko lang naalalang nilapag ko nga pala ang kumikinang na bagay na 'yon nang magsimula akong kumain.

Nagpasalamat na rin ako ng tahimik dahil dumating naman sa wakas itong si kuyang Alphonse na tila hulog ng langit, dahil tuluyan na akong nagpasama sa kaniya pabalik sa kwarto ni Sirena.

Hindi ko na rin pinansin pa muli ang portrait painting na iyon, grabe nagpapasakit kasi ng mga mata nakaka badtrip.

Tahimik akong pumasok sa kwarto. Inayos ko muna sa isang bag na nakita ko sa loob lang rin ng kwarto na ito ang mga gintong iuuwi ko, 'saka walang sabi-sabing ibinagsak na uli ang sarili sa malaki at malambot na kama.

Ni Sirena.

Kin's POV

I am now walking to the place where prince Rufus and I talked about where he could give me his promised bounty for making his beloved princess return to him.

It even took me a while to get out, because the love of my life didn't want me out of the house at this time of night. Darn it, if I hadn't told that prince Rufus -her crush, was the one I would meet tonight? She wouldn't have let me out.

Her crush.. tsk.

Bumuntong hininga ako nang makita ko rin naman na siya na nakaupo na hindi kalayuan dito sa akin. I jumped on the giant rock blocking my path before running over to where prince Rufus was. And as I entered the Umor shop of mang Tino, a lot of soldiers filled my eyes. They're on the every corner of the shop and side of the prince, guarding out for anything that might go wrong.

"Prince Rufus, pasensya na kung pinaghintay pa kita." I said as I bowed to him to show my respect.

"Thank you and It's fine."

"Halle is pissed, hard as rock to please for whatever reason I have, so it took me a while to get here. Ang hirap pa ngang papayagin." I added and sat next to him.

"Ohh, your girlfriend?" he asked.

"Not yet."

"Haha okay, I see." I gave him a small smile as he took something from his side and handed it over to me, "So here is the bounty I promised you, musketeer Kin. Thank you for bringing princess Sephi back to here. To me."

"It's nothing. Just doing what a musketeer should be."

That was the last thing I said, nang maya-maya sinabi nkya ng, "Pardon musketeer, but I still have to take care of our wedding stuffs which will take place the day after tomorrow so I'm leaving now." he said patting my shoulder.

I didn't plan on staying there either so I left the shop after him and went home.

"Nanay Lydia, hindi pa po ba umuuwi si Kin?" I was walking back to the house where I was staying nang marinig ko ang bagong gising na boses ni Halle mula sa loob, "Sinasabi na nga ba't dinahilan nya lang ang prince charming kong si Rufus para makaalis siya eh. Ang lalaking 'yon."

I smiled at the thought of what she looked like by now, "I'm home!" I said happily as I opened their wooden door and entered.

"Oh, masaya ka na niyan?"

"Ahm, yes? Hi, nanay Lydia." I hugged the old lady and was about to hug Halle too, she pushed me away from her so I just shrugged and let out a laughed.

"Sa tingin mo ba magiging masaya ka pa kung papakainin na kita uli ng bato?"

"Why? Wala naman akong ginawa-"

"Wala? Eh, dinahilan mo lang naman ata na makikipagkita ka sa prince charming ko para makalabas ka eh. Tignan mo ang oras, sabi mo mabilis ka lang, ha?" I pouted to prevent myself from smiling at the thought that she's starting to sound like she was one of a terror mother again right now while crossing her arms in front of me.

"Ata." pag-uulit ko sa sinabi niya, "You don't have a proof yet."

"At bakit? Nasaan rin ba ang pruweba mo?"

"Here." I took the money out from my pocket and show them, "Nanay Lydia, I'm telling the truth. I went out to meet prince Rufus for me to get his promised bounty, malaki po ang halaga nito kaya sa inyo na po ang kalahati." I immediately gave the half of my bounty to the old lady. Not planning to get her consent dahil alam ko namang hindi niya iyon tatanggapin.

"Ay wow naks naman pala, naibalik nga talaga ang mahal na prinsesa Seraphina ng manyak na 'to. Mabuti't hindi mo ginahasa, Kin?-"

"Halle, ang bibig mo."

"Hahaha it's okay nanay Lydia, she was just jealous because I didn't see her as one of my flings."

"Tsk. Ito gusto mo?" and in less than a second, a crushed stone was now floating in her hand right in front of us. Trying to scare me.

If I hadn't already mentioned it, Halle was one of the seven chosens to be an elementalists here at Lux territorium. She has the half of Earth Magic that can summons quakes, eruptions and encases enemies in stone. The rest half of it was in princess Seraphina.

"Woah! Nanay Lydia, ang Halle oh papakainin nanaman po ako ng bato. Did you know that the last time she fed me with your salad? My tooth ached because of what I thought was raisins, ay mga dinurog na bato niya pala." pagsusumbong ko.

"Mga bata nga naman kayo oh. O'siya siya tigilan mo na ang mahika Halle, magsi-tulog na kayo't mag aalas diyes na ng gabi."

"Hay buhay! Pasensya na po, 'nay. Sige matutulog na po uli ako sa itaas, magandang gabi po." she gave her mother a peck first before leaving us both here in the kitchen.

"Kin, tatanggapin ko ito. Ulit. Pero ipangako mong ito na ang huli mong magbibigay sa amin, ah? Lagi mo nalang ibinibigay ang pera mo sa amin, bata ka."

I just gave her a smile to show that it was just nothing to me. Besides, they are the family I have known since then so it's okay for me to give them the money or whatever things I received.

Pagka-akyat ko sa hagdanan, I saw Halle standing in front of my door's bedroom, "Oh, why aren't you asleep yet? Sabi mo kanina kay nanay Lydia matu-"

"Ibibigay ko lang kasi 'tong invitation na pinakalat nina Aki kanina. Ise-celebrate daw kasi bukas ng gabi sa bayan ang tagumpay mo sa pag balik ng mahal na prinsesa dito sa Lux territorium ng ligtas. Akala ko pa nga noong una hindi totoo."

"Oww. Okay, sis."

"Ano ba 'yan, hindi mo nga sabi ako kapatid! Huwag mo akong tawaging sis."

"Okay okay fine, haha."

You even have no idea how much I would like to call you 'love' instead of 'sis', Halle. The love of my life since then until now.

-------

-,-

avataravatar
Next chapter