5 Chapter 4

Chapter 4: Palatium

"Ohh, well thank you for having there musketeer Kin. I owe you a lot of bounty." rinig kong tukoy niya sa nakasalo sa akin, "My princess, you have to get down here.. in a nice and safely way."

Napatingin na ako ng tuluyan sa lalaking bagong dating na nasa ibaba at ngayon lang napansing naiiba pala ang suot niya sa suot ng mga kawal na humahabol sa 'kin kanina. Pati na rin sa suot ng lalaking alien na tinawag niyang.. Ano? Musketeer Kin? Musketeer? Parang narinig ko na 'yon ah, teka pucha.

Hindi ko namalayan na nagpatinaod na pala ako nang ibaba ako ng nasabing Kin na ito, mula sa bubong kung saan muntik-muntikan na akong mamali ng hulog. Ipinasa niya naman ako sa bagong dating na lalaki.

Alam kong nakatulala pa rin ako hanggang ngayon, aaminin kong medyo kinabahan kasi talaga ako kung sakaling mamamali nga ako ng hulog kanina, dahil kusang sumasang ayon sa ngayon ang buo kong katawan sa kanilang dalawa at hindi makapag protesta.

"All yours, prince Rufus."

Napaangat naman ako bigla ng tingin at napataas ng kilay sa nasabing Rufus. So base sa pagkakaintindi ko kanina, ito pala dapat yung prinsepeng papakasalan sana ng akala nila ako? Bwisit naman na buhay ito aba, bakit ba kasi ako?

"Ahm, wait." naramdaman kong hinawakan bigla ako ni Kin sa pulsuhan ko kaya hindi natuloy ang pagpapa-akyat sa 'kin nitong si Rufus sa brown niyang kabayo.

"You dropped this important thing, princess." banggit niya nang may inilabas siyang kumikinang na bagay. Iyon yung nahulog mula sa ulo ko kanina!

Nang kukuhanin ko naman na sana ang importanteng bagay 'kuno' na inaabot na ngayon sa akin nitong bwisit na si Kin, bigla namang may naunang umagaw rito mula sa kaniya. Hindi pa nga ako nakakapagsalita sa kumuha nang bigla nalang ako nitong iharap sa kaniya.

"You're always this clumsy, baby." 'saka walang pasabi nitong isinuot sa ibabaw ng aking ulo ang bagay na inagaw niya nalang kanina bigla sa bwisit. Teka-

Pucha.

Anong.

Sinabi.

NYA?

"BABY?" ndkdbdbsuskbqphdyv!!!

Sa biglaang pagkairita ko, nalaman ko nalang na marahas ko na palang isinagi ang kamay niya na bahagyang inaayos pa ng mabuti ang bagay na nasa ulo ko na ngayon. Rinig ko kasi ang mada-dramang singhap ng mga nilalang sa paligid.

Bwisit naman kasi, aba! Kung iyon yung 'my loves' ni Loy, ayos pa eh, sanay na 'ko roon. Pero ito? Yung isiping maririnig ko mismo sa harap ko na tawagin akong puchanginang 'baby' ng kung sino? Pwedeng makahingi nalang ng kutsilyo? nang sa ganon makita niyang mayroong sanggol paláng mamatay na ng tao.

Pinanlakihan ko ng mga mata ang ngayong nangungunot noo ng lalaki sa harap, na mukhang unggoy na nagtataka. Naputol lang 'yon nang may bigla na lang kaming narinig na bungisngis na nanggagaling lang sa gilid namin pareho.

"Pfft.." sabay naman kaming napatingin ng nasabing Rufus na ito sa bumu-bungisngis paring nilalang hanggang ngayon na pagkatingin ko, ang bwisit na si Kin pala. Sabay namin siyang tinignan ng masama.

Maya-maya, tumigil na rin siya nang makitang nakatitig na pala kaming dalawa sa kaniya, "Oh! Haha pasensya na mga kamahalan, but I think Halle's calling me right now. So I'd better go, before she could feed me a stone again. Ciao, baby birds!" at wala pa nga atang dalawang segundo, wala na siya sa harap namin. Letsugas na 'yon, nag iwan pa talaga ng peste niyang usok.

"Sephi baby, please." hindi ko namalayan na nagsasalita nanaman pala ang panibagong ugok na 'to sa harap ko, "Nisha and I, had nothing-" mabilis ko namang binitawan ang dalawang kamay niya na bigla na lang ulit humawak sa akin at pinutol ang sinasabi nya.

"Pucha, 'wag mo nga 'kong hawakan!" sigaw ko, "At 'wag mo nga rin akong matawag-tawag na baby diyan letsugas ka, nakikita mo ba akong naka-diaper para pagkamalan mong isang sanggol, ha?" dagdag ko pa.

"W-what?"

"Ang sabi ko, 'wag mo 'ko-"

"Please forgive me now, princess Sephi. I'm telling you the truth. Nisha's just my friend, we're not-"

"Puchangina! Hindi ako ang prinsesang sinasabi mo, tsaka sino ba 'yang letseng Nisha na 'yan? Kanina ka pa-"

"Oh crap. Princess Sephi, we have to go. I will not let these people here see our quarrel more."

"Hindi nga sabi ako ang prinsesa mo!! Pucharagis naman!"

"I know-"

"Oh alam mo naman palang depungal ka, bakit tinatawag mo parin akong princess Sirena, ha?"

"No- what?" lumakad ako papalayo roon dahil mukhang hindi naman siya matinong kausap,"Wait! W-what I mean is yes, I know that you didn't want to be a princess for a long time, so now here you are again saying that you're not princess Seraphina. You say that for almost every minute, do you think I'll believe you?"

"Alam mo? Pucha ka." sinabi ko pa rin 'yan kahit na hindi ko alam kung narinig nga ba niya dahil medyo nakalayo na siya sa 'kin ngayon, binalikan niya kasi yung kabayo niyang hindi naman kalayuan sa kinatatayuan ko nang matapos siyang magsalita.

Nakasakay na siya sa kabayo niya nang makalapit sa akin, "Hop on now, princess." kinunutan ko lamang siya ng noo nang sabihin niya 'yan, habang pinalo niya pa ng bahagya ang bandang upuan ng likod niya kung saan naupo ang taong sumasakay sa kabayo, "Hey, your mom and dad are worried to death right now, did you know that?"

Mukha naman na siyang pikon ngayon. Marami na rin kasing nakatingin sa gawi namin. Mga uchuserang palaka. May mga tsismosa rin palang mga alien? hindi ko 'yon alam, ah.

Pagkatapos non hindi ko alam kung bakit napasunod nga niya ako bigla na sumampa na agad sa kabayo niya, "For now I will not ask you where you learned to uttered an unpleasant word, because we need to get back to the palace first." sabi niya,"Hiyah!"

"Ay pucha!" napakapit nalang ako bigla sa balikat niya nang umandar nalang bigla ang kabayong sinasakyan namin dahil bigla niyang hinila ang taling nagpapagalaw rito.

Bwisit, parang naduwal ko ata bigla ang kaluluwa ko, aba. Ang tagal na rin kasi noong araw na huling sakay ko sa kabayo, grade 2 palang ako non hoy!

Maya-maya, naging tahimik na rin naman ako sa byahe, kahit na ang nasa isip ko pa rin hanggang ngayon ay sa anumang oras posible talaga akong mahulog rito sa sinasakyan naming kabayo ng nasabing Rufus na ito. Kahit na sabihin pang mabagal naman ang pagtakbo nito kanina pa.

Tahimik lang rin naman ang lalaki na nasa harapan ko na bahagya pang ngumingiti at kumakaway sa kaninang mga OA na tao nang tumakbo ako sa bubongan nila, kaya inisip ko nalang muna kung ano na nga ba ang susunod na mangyayari sa akin ngayon rito sa kung saan mang puchang lugar na 'to.

Natanaw ko rin mula sa likod namin yung napakaraming mga kawal na humabol sa akin kanina, sabay-sabay na silang nagma-martsa ngayon habang tinutungo rin ang kung saang tinatahak namin.

Hindi naman nag-tagal, huminto na rin naman ang kabayo sa kung saan mang lugar na ito, kaya tahimik nalang akong nakapag pasalamat dahil hindi ako namatay ng maaga.

"Your royal highness! Holy Lord of Lords, salamat naman ho ay naisipan nyo ring bumalik kaagad-"

"Puchanginang kalabaw!"

"H-ho?" napatingin ako sa kanya at nakitang medyo matandang lalaki pala ang bigla nalang sumulpot nang makababa ako sa sinasakyan kanina naming kabayo.

"She's just tired." ngiting sabi ni Rufus sa matandang lalaking gulat na gulat na sa harap namin ngayon.

Dahil siguro sa pag mura ko. Ano bang problema don?

"Ah eh, hehe m-masaya ho talaga akong nakabalik ka na ngayon mahal na prinsesa, tinakot niyo ho talaga kasi ako ng husto, ang iyong mga magulang, pati na ang buong bayan ng Kestramore."

Hindi ko na siya pinansin pa at namalayan ko nalang na naglalakad na pala kaming tatlo patungo sa nakita ko kaninang pamilyar na palasyo.

Nakita ko na talaga ito eh. Isip ko nang makalapit kami.

Pinag buksan kami ng dalawang kawal na nasa katabi ng higanteng pintuan ng palasyo na ito saka kami pumasok. Pagkapasok namin, hindi ko akalaing may imamangha pa pala ang loob nito, akala ko kasi sa labas lang maganda.

Alam kong naka nganga na ako ngayon, kulang na nga lang eh maglaway na ako sa bawat gintong bagay na nakikita ko. Takte! Parang na-miss ko tuloy bigla magnakaw.

May biglang lumapit na isang medyo matanda na ring babae sa kaninang sumulpot nalang bigla na matandang kasama na namin ngayon at inabutan ito ng kung hindi ako nagkakamali ay isa yoong bilog na salaming pang mata.

Medyo kakaiba nga lang, kaya parang hindi ako sure. Bwisit, iisang bilog lang kasi ang nandoon, tapos sinabit niya na agad sa bulsa ng unipormeng suot niya. Ngayon ko lang rin napansin ang pangkatulong na porma ng babaeng lumapit, yumuko at bumati ito sa aming dalawang 'kamahalan kuno' daw bago umalis.

Maya-maya naman, habang naglalakad papunta sa kung saan, yung mga nadadaanan naming iba pang tao -o alien sa loob ng palasyo na naka pormang pang katulong rin, eh bigla bigla nalang hihilera sa gilid ng dinaraanan namin at sabay sabay na yuyuko.

Kotongan ko kaya 'tong mga 'to isa-isa?

Nabalik ako sa wisyo nang may isang babaeng kasing edad ko lang ata ang kumakaripas ng takbo papalapit sa aming tatlo. Isa sa mga katulong rin ata, dahil kaparehas ng kaniya ang suot nung matandang babae kanina. Huminto siya sa harap namin at yumuko.

"Magandang umaga mga kamahalan, patawarin niyo po ako sa aking kalapastanganang pagtakbo sa palasyo, hindi ko po gustong makitilan ng mahigpit na parusa dahil sa paglabag ng isang dalawampu't isang taong gulang pa lamang na ako sa panuntunan dito sa kaharian po ng Kestramore sapagkat may importante lamang po akong sasabihin sana sa aking tatay na si Alphonse-"

"Bakit ba ang dami mong sinasabi?"

"P-pasensya na p-po mahal na-" makikita mong gulat ang mukha niya ngayon sa harapan ko habang sinasabi 'yan. Hindi na rin naman siya pinatapos pang magsalita ng depungal.

"Your highness is just tired. Just tell now your father what the important thing is." tukoy ng depungal na si Rufus sa babaeng kaedad ko lang.

"Patawarin niyo ho ang aking anak, your highness." sabi naman nung matandang lalaki sa gilid namin na kung hindi ako nagkakamali ng rinig ay siya si Alphonse.

Bakit parang medyo kinilabutan naman ata ako sa mga inaasal nila dito? Feeling ko kasi lahat sila rito anghel, at ako napulot lamang sa tabi-tabi ng impyerno.

Nakaharap ako ngayon sa mag amang medyo lumayo sa gawi namin para makapag usap, pero kita ko mula sa peripheral vision ko ang pagkunot ng noo ng depungal sa gilid ko na nakatitig lang sa 'kin ngayon. Naks naman talaga may pa-peripheral vision ka na Ana, napaka talino talaga tsk tsk. Sagilt lang rin naman 'yon dahil napansin niya atang nahuli ko siyang nakakunot.

"Ang mahal na emperatris po at mahal na hari ay may pupuntahan lamang raw sandali. Ibilin ko raw po sa iyo itay, na mabutihin mo raw po na nasa loob ng palasyo ang mahal na prinsesa Seraphina, sapagkat usap-usapan na po ngayon sa bayan ng Kestramore na maaaring sa anumang araw o oras ay manggugulo na raw po ang mga nox imortalis sa atin at makakayanan na nilang makapasok sa obice lucem. Dobleng ingat sapagkat kailangan raw pong maging ligtas ang mahal na prinsesa, kahit na anong mangyari."

Hindi ganon kalakas at hindi din naman ganon kahina pero sakto lang para marinig ko dahil sinadya ko talagang pasimpleng lumapit sa gawi nila para marinig ko nga ang kung anomang pag uusapan nila, kaso parang mali pala ang pagkikinig ko ng palihim dahil parang wala naman ata akong naintindihan sa sinabi niya.

Ano ba kasi yung nox martinis at paano naman naging ube si Lusem?

Lumapit na pabalik sa amin ang medyo matandang lalaki pagtapos non, at sinabi ng mas maayos sa amin ang binalita ng anak. Nagkunwari na nga lang akong hindi ko pa alam kahit na nakinig nga ako sa kanila ng pasikreto. Nagpaalam naman na rin na aalis na ang anak niyang babae, dahil may niluluto pa raw ito sa kusina ng palasyo. Kinailangan lang daw sabihin agad 'yon dahil nga utos ng achuchu emperatris at hari nila.

"Alphonse, you-"

"Ginoong Alphonse! Ginoong Alphonse!" natigil ang pagsasalita ni Rufus sa matandang nasabing Alphonse na kasama pa rin namin hanggang ngayon habang naglalakad uli nang may nilalang nanaman ang kumakaripas ng takbo ngayon papunta sa gawi namin.

Tumigil ito sa tapat namin ng medyo hinihingal pa, "Magandang umaga ho mahal na prinsesa at mahal na prinsepe. Paumanhin na rin po sa aking pagtakbo." at muli nanamang yumuko nang sa amin ni Rufus muna siya bumaling bago sa matanda.

"Ginoong Alphonse.. ang sikretong yungib." 'kita ko ang mabilis na pagbabago ng mukha ng matandang nasabing Alphonse nang marinig iyon. Bumaling si kuyang Alphonse sa aming dalawa at nang magsasalita na sana,

"It's okay, I'll take princess Sephi on her bedroom. You can go with him."

"Maraming salamat prinsepe at paumanhin ho mahal na prinsesa, sapagkat may kailangan pa ho akong dapat asikasuhin muna. Maiwan ko na ho muna kayo. Caspian, tara na't samahan mo ako."

"Aalis na ho kami mga kamahalan." paalam naman nung nasabing Caspian.

Ngayon, dalawa nalang uli kami ng panibagong ugok. Wala na ngang Loy, meron nanamang panibago.

"Princess-"

"Pucha naman talaga oh, nakakapagod rin kayang paulit-ulit ko nalang sasabihing hindi ako ang prinsesang sinasabi ninyo. Alam niyo ba 'yon, ha?"

"Oh come on, princess Sephi. Just tell me that you're now forgiving me, so that I no longer have to worry."

"Paano kita papatawarin kung-"

"Please, baby?"

"Puchang-"

"Please please please?"

"Hindi ka ba ti-"

"Pretty please?"

"Isa!"

"Baby, pleaseeeeee?"

"PUCHANGINA! OO, PINAPATAWAD NA KITA!!" sa kung anomang bagay na nagawa mong hindi ko naman alam, gago ka.

"Really? Oh yes!" dahil sa kanina pang ingay ng kasama kong 'to, hindi ko namalayan na huminto na pala kami sa kanina pang paglalakad.

Nasa isang medyo malaki ring light pink na doblehang pinto. Kasing kulay ng suot-suot ko pa ring letsugas na gown ngayon. Si Rufus na ang pumihit ng dalawang hawakan ng pintuan na nasa gitna ng doblehang pinto.

"You can have a rest now, my fiancée. I'll see you on the day after tomorrow.. our wedding day." bago ako sinabihang pumasok.

Kulay puti, gold, at light pink ang sumalubong sa akin nang makapasok dito sa napaka ganda at napaka laking kwarto. Hindi ko gusto ang kulay dahil nakakasuka sa totoo lang, pero nakakamangha lang talaga dahil sa sobrang lawak nito. Parang sampung apartment namin ata ang kakasya rito sa loob.

Nabalik ako sa wisyo nang ngayon lang bigla pumasok sa isip ko ang sinabi niya, "Hoy, teka sandali-"

"I'm sorry my princess, but I have something to take care of today too. The dear empress and king wants to keep you in the palace so I have to make sure you were really here and won't leave. Goodbye now, baby." hindi pa 'ko nakakapagsalita ay mabilis niya ng isinara ang dalawahang pinto bago pa ko matapos sa gusto sanang sabihin.

Kaso bigla naman uli itong bumukas, "Before I forgot. Your new hair color is very beautiful and it really suits you, my princess." 'saka nginitian niya pa ako ng matamis, bago tuluyan na talagang sinarado ang pinto at umalis.

Pucha, bagong kulay ng buhok? Argh, bakit ba naman kasi hindi nalang sila maniwala sa akin? Hindi ako ang prinsesang sinasabi nyo!

Lumapit ako sa doblehang pinto kaso napa-busangot nalang ako nang hindi ko ito mabuksan. Bwisit. Ano ng gagawin ko rito? Tatambay at nganganga nalang sa napaka laking kwarto na 'to?

Maya-maya namalayan ko nalang na humahakbang na pala ako papunta sa gitna. Inikot ko nalang ang paningin sa buong silid at panandaliang nawala ang pagkabusangot ko dahil alam kong napanganga na talaga ako ngayon sa mga nakikita.

Sa itaas na may isang maliwanag at malaking kulay light pink at gintong chandelier. Sa ibaba naman mula sa napakalaking kama, kaso light pink nanaman, patungo sa mahabang sofa, sa maliit na salamin na may maliit na kabinet at isang upuan, sa may light pink na shelf na puno ng mga libro kalapit ang isang malawak na study table, sa bintanang tanaw mo ang magandang tanawin na meron pang maliit na kama sa tabi, at huli sa kahoy na kabinet na may transparent na salamin.. at..

.. at makikita mong naglalaman 'yon ng iba't ibang klase ng bagay na kulay GINTO!

"Pu-chang-i-na." mayaman na ko!!!

Tumakbo ako patungo roon sa kabinet na 'yon saka ito binuksan ng dahan-dahan. Pag bukas ko agad naman akong kumuha ng isa, alam ko ang isang 'to ay bato -gintong bato. Kinagat ko yung kinuha ko, tinetesting kung totoo ba o hindi. Napahinto lang ako sa pagkagat nang mapansing may mga maliliit na gawa ring kahoy ang kalapit ng bawat bagay doon, may pangalan ng kanya-kanya ang nakaukit.

Agate Chalcedony Quartz 'yan yung nakasulat sa maliit na kahoy ng pinagkuhanan ko ng gintong bato. Parang collection ata 'to ng mga iba't ibang klase ng ginto ah, aba't napaka malas naman ata ng nagmamay-ari nito. Dahil simula ngayon, akin na 'to at hindi ako makakapayag na hindi ko maiiuwi ang lahat ng 'to sa mundo namin para maisanla!

Hindi naman kasi sila naniniwalang hindi ako ang prinsesa o your highness nila eh, kaya bahala na sila diyan. Palitan nalang nila 'yang koleksyon ng mga ginto na 'to ng prinsesa nila, mayaman naman sila susme yakang yaka na nila yan.

O kaya naman pwede ko rin isumbong nalang, na si kuyang Alphonse o si Rufus ang nagnakaw ng lahat ng mga 'yon para hindi ako hulihin ng mga kawal.

Wala akong makitang TV dito sa loob pero masaya ako dahil may mga ginto naman akong maiuuwi.

Napahikab ako maya-maya kaya hinayaan ko ng bumagsak ang sarili ko sa napakalaking kamang nandidito sa loob rin ng napaka laking kwarto na ito.

Nakaramdam na rin kasi ako ng sobrang kapaguran sa katawan kaya doon lang rin bumigat ang mga talukap ng mga mata ko.

--------

Author: My younger cousin's ask me if bakit daw 'hari' po ang ginamit ko instead of using 'emperador' which is the tagalog word of emperor partnered by an empress.

I used 'hari' po to show you, na sa mundong kinabibilangan nila ay hindi ang lalaki ang mas nakakataas kundi ang babae po. I used the 'empress' instead of queen which is traditionally, has a higher rank than Queens and Kings.

Malay ko ba.

avataravatar
Next chapter