4 Chapter 3

Chapter 3: Quae tellurem

Someone's POV

I lift the unconscious princess over my shoulder with no effort at all. She looked different from the photo I'd been given because she looked like this hard headed version of princess Seraphina. The way she talked earlier? She seems to have lived a long time in the world of mortals and not from a high descent royal, Kestramore.

And about her hair, I thought I would see it pink but it was ash gray. Hmm, she probably changed color so that I couldn't find her easily, huh? Matalino. Pero kahit ganoon, I don't really expected that she is really this good looking especially when you are close to her.

For twenty five years I have lived there, bakit nga ba ngayon ko lang nasilayan ang prinsesa na ito? Now I could see the real reason why prince Rufus admired this beautiful woman. I thought it was because he planned something bad.

If I had the opportunity to bed such a woman like her? I wouldn't hesitate.

I shooked my head and blinked at that random thought of mine. Darn it. Parang piling ko nagkasala ako bigla sa mahal kong si Halle ah. Focus handsome, focus. Inalis ko ang isip ko sa prinsesa, and tried to just focus on our way up to where I can control this shitty aircraft before my diminished state led me to do something disallowed by my contract. This sky vessel was invisible to NASA or other agencies that might be detect aircraft orbiting Earth.

Bumuntong hininga na lang ako. Remember handsome, your mission was to return this princess to her affianced and collect your bounty, not to seduce the next empress of your world. But even knowing that I shouldn't admire this bad mouthed princess couldn't keep my pants from growing uncomfortably tight as I switched her to a more comfortable position so I could reach the transporter button in front.

Calm down there, banana J! Hindi ka naman ganyan kapag malapit ka kay Halle, ah?

The first pod we entered, was just big enough for the two of us, but darn it because she had to sit on my lap before moving on the next pod kung saan pwede ko siyang ihiga ng mas maayos. Darn it! Katapusan ko na ba? I thought with a grin as her exposed curves touched against mine.

Nang marating na namin ang sunod na pod, I quickly get her off of my shoulder and softly dragged her in this small bed for one. I stared at her a little while suddenly felt exhausted when I remember this urgent assignment that prince Rufus gave me.

Few later, I just found myself drawing nearer at the sleeping princess to examine her features more closely. Bakit parang pakiramdam ko ay magkakilala na kami matagal na? Sobrang tagal na. I shooked my head again as I am now stroking my finger to her sweet and kissable lips. It's soft and too pinkish, while Halle has this reddish. Darn it, why is it look like inviting me to bend over and to taste it?

Suddenly, I stopped when I remembered that I couldn't allow myself to dwell on this tempting sweetly face of this princess. My pants grew tighter still but I forced myself to resist the urge. With the decisive nod I turned away from the bed where she lay at nag umpisa ng pumunta sa ship controller, trying to block out the memory of her sweetly features.

It didn't take long to disengage the autopilot and set us on course to Auqualis. I looked at my Spexamino in my hand -my magic mirror scanner, and saw the latest scan yielded the same result as earlier. Pero nang maalala ko ang mukha ng babae kanina? the determinantion that she's not really the princess I was looking for? I found myself questioning my own confidence for the first time.

Was it possible I had been mistaken her as the princess of Kestramore?

Argh. Hindi eh. They're a hundred percent look alike, and their DNA matches with one another!

Ana's POV

Hoy gago, bakit parang ang sarap sa pakiramdam? Parang ngayon na lang ulit ako nakatulog ng maayos pagkatapos ng limang taon, ah. Aba malupet.

Ano nga ba ulit ang nangyari?

Teka nga, pucha. Kanina umuwi ako ng apartment. Tapos may lalaking mukang magnanakaw na natutulog sa sofa. 'Yung mga mata niya nakakatakot. Tapos may usok! Oo 'yon nga. Itim na usok na nagpatulog sa 'kin at nagising na lang bigla sa isang bakanteng kwarto. Oo tama uli! May painting doon. Parang umiilaw. Oo tapos lumitaw yung lalaki. Tapos ano. Tapos hinila niya 'ko gamit 'yung bwisit na usok niya. Tapos humakbang na siya kasama ako.

Tapos pumasok kami sa painting, puchangina!

Nasaan na ba 'ko ngayon? Pucha naman.

Arghhh pucha pucha pucha ulit! Napahawak ako sa ulo ko nang maramdaman kong parang masusuka ako sa hilo nang sinubukan kong tumayo mula rito sa kamang hinihigaan ko. Napaupo ako, at habang minamasahe ang noo nasilaw nalang ako bigla sa liwanag na nanggagaling sa may bilog na bintana sa gilid ko kaya agad ako doong napatingin.

Halos matanggal na ata ang mga mata ko ngayon nang tignan ko ang nasa labas mula rito. "AAAAAAAAAAAA!!!" wala na rin akong paki kung gaano pa kalakas ang abutin ng sigaw ko, basta hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon, gago!

"Darn it! Why are you screaming? What happened? Okay ka lang ba?"

"Puchanginang kalabaw! Ikaw na magnanakaw kang gago ka anong ginawa mo sa akin?!!"

Kumunot ang noo niya sa sinabi ko, "Hey, calm down there, princess. You can save the hysterics for prince Rufus. I'm not being paid enough to deal with them."

Ngayon ko lang rin napansin na may hawak pala siyang patalim -kutsilyo na kumikinang ata 'yon, nang makapasok siya sa silid kung nasaan ako. Ibinaba rin naman niya agad ang bagay na 'yon ng mapansin ang reaksyon ko, at 'saka inilagay na sa gilid ng bulsa niya pero patago pa rin akong napalunok, at pinilit alisin ang takot. Malay ko ba kung bigla niya nalang akong saksakin, diba? Pero teka,

"Princess? Aba, pucha ka ba? Sino ka? At nasaan na ba ako ngayon? Bakit parang lumilipad tayo sa ere? Bakit puro ulap nakikita ko dyan sa puchanginang bilog na bintana na 'yan? Bakit? Paano? Saan?" kasabay ng pag iling niya ang pag iling ko rin nang mapagtanto kong parang sumanib sa akin ngayon ang kaluluwa ni Loy sa pagiging OA.

Nakita kong ngumisi lang siya pagkatapos niyang umiling. Masyadong halata ang pagka mangha sa mukha niya. At bakit naman, aber?

"We're in an Airship, owned by your kingdom, princess." at nahuli ko pa ang pag-irap niya, "And as I said earlier, drop that act of yours. Don't show me and make it looked like you're one on those movies na ginagawa ng mga Earthlings. You know, a woman in an accident and having amnesia? because I'll tell you, it won't work, princess." pagkatapos niyang sabihin 'yon, aalis na sana siya pero pinigilan ko siya.

"Teka. Ha?" grabe naman kasi 'to maka english, wagas.

"What n-"

"Hatdog?" tinitigin niya lang ako ng blangko sa sinabi ko 'saka muling binalak nang umalis, "Teka teka lang pucharagis, hindi naman kasi talaga ako ang prinsesa na- hoy sandali, aba! Asan ba muna ang banyo mo dito, puchangina nasusuka ako. Nakakahilo yung amoy, saan ba nanggagaling 'yon? Umutot ka ba?"

Nakita kong biglang nagsalubong ang mga kilay niya sa sinabi ko. Ngayon ko lang rin napansing, normal na ang kulay ng mga mata nya, kagaya na nung akin.

"What smell?" tanong niya na parang hindi narinig ang huli kong sinabi.

"Parang gas na ewan-"

"I should run a diagnostic on you then, princess Seraphina. You shouldn't have this kind of side effect from the gas, but you're clearly confused. Or more like a good actress."

Nakita kong inilabas niya uli ang parang ewan na salamin kasabay ng kaonting itim uli na usok at naglabas uli iyon ng pulang laser katulad ng kanina, at bago ko pa ulit isiping susunugin nanaman ako neto, ngayon ko lang napagtantong parang scanner lang pala ang peg nito. 'Yon ata ang tinukoy niyang diagnostic test na ewan.

"Anong good actress? Hindi nga sabi ako ang prinsesang sinasabi mo. Tsaka ano bang sabi diyan ng parang ewang salamin na yan sa diagnostic test? Bakit daw ako nahihilo?"

"It say's that you're in perfect health princess Seraphina, I don't know why you feel vomiting and dazed. Perhaps it's just the adjusment of space travel after being on Earth. The radiation levels on that planet, coupled with the oxygen content, air pollution, and chemical residue, are enough to alter anyone's brain function. Tsk, Earthlings."

"Teka teka nga pucha. Para ka naman ngayon yung panot kong prof na asawa ang science eh! Lintek, wala akong maintindihan. Pero teka nga, sinasabi mo ba na alien ka? Tsaka hindi nga sabi ako ang prinsesa mo!"

"I don't know what game you're playing, princess Seraphina, but there's no need and no point. I won't be manipulated, and I have mission to complete. Once I dump you on Prince Rufus' lap, you'll be his problem and not mine. In the meantime, save the head games."

"Gago ka ba? Pucha bakit ba kanina mo pa ko tinatawag na princess princess ukinam na 'yan? Hindi ako ang prinsesa mo kaya pwede bang ibalik mo na lang ako sa apartment ko, kung saan kita nakitang prenteng nakahiga lang sa sofa namin depungal ka!"

"Nice try, princess, but for the nth time, you can drop the act. I don't know why you didn't want to marry prince Rufus, and it's not my concern. All I can do is get you back to the palace and you can work it out with him." tamad niyang pagkakasabi. My bleed is nose-ing na mga pre. Help.

"Hindi ako naglalaro dito puchanggala kang gago. Hindi ako ang prinsesa na hinahanap mo. Mariana Piñero Delcine! 'yon, naiintindihan mo ba 'yon, ha? 'Yon ang pangalan ko at hindi Sirena."

"Seraphina." pagtatama nya, "Well that's a certainly an interesting theory, princess, except your DNA matches the DNA profile stored in my scanner."

"Baka naman kasi peke 'yang scanner mo-"

"Fake? And just happens that the princess' of a high royal DNA match to some random Earth woman's?"

"Aba pucha hindi ko alam. Pero seryosong usapan tayo dito pre ha, hindi ako prinsesa ng mga alien, mahirap lang ako, hindi dapat mga katulad ko ang kini-kidnap mo dahil wala ka namang makukuhang ransom sa nag aalaga sakin, ang mama ko ay laging wala dahil palagi naman siyang nasa depungal niyang lalaki. Walang paki sa 'kin yung taong 'yon, na kahit tumalon pa 'ko sa pinaka mataas na building at malalim pa na bangin, hindi ako pipigilan non."

"I don't-"

"At limang taon nang patay ang papa ko."

Nakita ko namang litiral siyang napahinto nang marinig ang idinugtong kong pangungusap, "Kitam? Nagkakamali ka ng kinidnap pre. Baka naman pwede mo na akong iuwi oh."

"I'm done with your shenanigans, princess. Play your head games with yourself."

Hahabulin ko pa lang sana siya dahil mabilis na siyang lumabas ng pintong kahoy o kung anumang disenyong pinto ito, kaso 'yan nanaman ang itim na mga usok na nanggagaling sa lalaking alien at papalapit na uli iyon sa akin ngayon.

Naramdaman kong pumasok iyon sa ilong ko at nalaman ko na lang na nakatulog na ako. Ulit.

...

Naramdaman kong parang nasa mga bisig na ako ngayon kaya agad akong napamulat, "Puch-" natigil ko ang sariling pag-mura nang ang sumalubong sa pagmulat ko ay ang nakakatakot na mga mata ng lalaking alien na magnanakaw.

Ngayon ko lang rin napagtanto ang posisyon naming dalawa. Buhat-buhat niya na pala ako ngayon ng istilong pangkasal habang naglalakad papunta sa kung saan at nakahawak pa ang dalawa kong pesteng mga braso sa batok niya. Puchangina? May sariling buhay ba ang mga kamay ko?

Napatingin ako sa bandang labas ng parang kuweba ata ito, maliwanag doon at mukhang doon rin nanggagaling ang mga boses ng mga kung sino. Teka kweba? O tunnel? Teka pucha bakit nga ba kami nandito? Nang lingunin ko ang liwanag, nakita kong may nakalambitin roon na parang mga baging pero hindi lang ordinaryong green na halaman dahil may mga ibat-ibang kulay ng bulaklak ang nakadikit roon kaya hindi kami makikita rito sa loob kung sino man ang mga nasa labas.

Ibinaba ako ng lalaking alien nang makalapit na kami sa dulo. Hinawi niya ang mga baging na humaharang sa labasan ng kuweba at hinila na ako papalabas, medyo nairita pa nga ako dahil sumabit pa ang ilang bulaklak na nandoon sa buhok ko. Pucharagis.

Pagkahakbang namin sa labas, hindi ko alam kung bakit ako napangiti nalang bigla. Parang ang lambot kasi sa pakiramdam nung hangin at damuhan sa ibaba.

Umikot ang paningin ko sa paligid at nakita ko ang mga nagtataasang puno, iba't ibang kulay ng bulaklak, halaman at iilang mga maliliit na hayop. Iba't ibang uri rin ng huni ng mga ibon ang sumalubong sa akin.

Parang.. ang payapa.

Kumunot lang naman ang noo ko nang maramdamn kong bumigat bigla ang katawan ko, "Aaaaaa!! Gago! Puchangina!"

Lahat na ata naimura ko na sa isip ko nang makita kong iba na ang suot-suot ko ngayon. Nanlalaki pa rin ang mga mata ko, at hindi makapaniwala. Gago talaga, andami ko ng tanong sa isip ko ngayon at wala pa ring nakakasagot tapos dadagdagan pa neto?

G-..g-gow.. GAGOwn!! Bwisit? Aba, bwisit talaga! Pucha, kulay light pink ba naman na gown ang suot-suot ko ngayon, paanong hindi ako maiinis? Eh hindi naman ako nagsusuot ng ganito at nakaka gago pa yung kulay na light pink.

Samahan mo pa ng mga light pink rin na nakadikit rito tapos kumikinang!! Nangaasar 'yon sa mga mata ko ARGHHH! Ay teka hindi, pwede ko 'tong maisanla. Mukha namang tunay.

Agad kong inabot ang likod ko, nagba-bakasakaling may zipper doon o ano para matanggal ko na tong puchang gown na 'to kaso,

"See? Now tell me if you really are not Princess Seraphina. Look, even the magical barrier has made a beautiful gown just for you, sa araw ng pagbabalik mo, mahal na prinsesa." bigla naman akong napa-talon dahil sa biglaang pag sulpot sa likod ko ng alien na lalaki.

"Para sa ika-isang libong pagkakataon, hindi nga sabi ako ang prinsesa mo. Tulungan mo kong alisin 'tong pucharagis na gown na 'to para maka lakad ako ng maayos! Bilisan mo."

"No, princess. Unless.."

"Aba't ako pa talaga ang hinamon mo-"

"..you want to walk back to the palace.." kinunutan ko sya ng noo. Aba't kikidnapin nya 'ko tapos babalakin nya pang paglakarin ako? "..naked."

Napahinto ako ng kaonti, tanga ako magsalita ng english pero hindi ako tanga makaintindi, "P-puchangina ukinam!" natawa naman siya sa reaksyon ko kaya mas lalo lang akong naasar, "Alam mo? Pucha ka! Kung ayaw mo akong tulungan, pwes umalis ka diyan sa daraanan ko."

May natanaw akong mga bahay-bahay mula rito sa itaas, siguro doon nanggagaling yung mga boses ng mga taong narinig ko kanina mula sa kuweba at siguro doon nalang rin ako hihingi ng tulong para maalis na ang pucharagis na gown na 'to.

Tumatakbo na 'ko ngayon papalayo roon nang mapansin ang isang kulay pink na.. karwahe? totoo ba 'to? papalapit 'yon doon sa lalaking alien. Tapos may dalawang puting kabayo pa sa harap non. Gagoooooo paaalisin niyo na ko rito!!

Nakita ko pang may sobrang daming lalaki ang nakasunod sa karwaheng 'yon. Mga naka dark pink at itim na pormang pang kawal, ata, lahat sila naka ganon, tapos may mga espada pang nakasabit sa gilid ng bewang nila. Letse sanaol diba? Sana kahit ganon nalang rin yung akin, hindi itong nakaka bwisit na gown na 'to.

Nakita kong ngumisi nanaman ang lalaking alien sa reaksyon ko nang lingunin ko ito at nanlaki na lang ang mga mata ko pagkatapos dahil onti-onti ng nagmamartsa papalapit sa gawi ko ang mga parang kawal na lalaki, kaya walang sabi-sabi na akong tumakbo pa ng mas mabilis papalayo sa kanila.

Tumakbo lang ako ng tumakbo, kaso yung feel na feel ko na ngang nasa isang action movie ako na parang tumatakas sa isang crime scene eh 'saka ba naman ako biglang nadapa. Argh, pucha! Panira. Nasapo ko nalang ang noo ko nang makita ang kumikinang na takong sa paa ko dahil itinaas ko ang malaking gown na suot ko.

Ang dami ko pang naimura sa isip ko nang subukan kong alisin ang takong na suot ko pero hindi ko 'to maialis dahil hindi ko alam kung paano tanggalin!! Mangyan bwisit. Tumayo nalang ako at tumakbo nalang ulit, nag iingat para hindi na madapa uli.

Napangiti ako nang makitang malapit na ako sa mga bahay-bahay kaso napasimangot rin kaagad nang pag lingon ko ay sangkatutak na kawal ang humahabol sa akin. Napalinga pa ako nang hindi ko naman makitang nakasunod ang lalaking alien, tanging ang mga kawal na lang.

Pagka tung-tong na pagka tung-tong ko sa may pinaka unahan ng mga bahay-bahay kung saan may arko, nakita kong nagsitinginan sa akin ang mga taong naroon. Nag simula silang yumuko at bumati sa akin.

"Maligayang pagbabalik, mahal na prinsesa!"

"Magandang umaga rin po, prinsesa Seraphina!"

"Magandang umaga, prinsesa!"

"Maligayang pagbabalik ho, kamahalan!"

Gusto ko sanang isigaw sa kanilang lahat na hindi ako ang mahal na prinsesa nila kaso itong mga ugok na humahabol sa akin nakaka bwisit. Huminto ako at medyo hinihingal na, masakit na rin ang paa ko dahil sa takong, lumingon ako at nakitang papalapit na yung mga humahabol sa akin. Tawag rin sila ng tawag ng 'Your highness! Prinsesa! Blah blah blah'. Nakaka irita, alam ba nila yun?

Nagpalinga-linga ako at napangiti sa nakita. Umakyat ako sa may nakita kong medyo mababang bubong ng isang bahay malapit sakin at naisipang doon tumakbo.

Pag akyat ko naramdaman kong parang may nahulog na kung anong bagay mula sa ulo ko kaya napalingon ako pabalik. Nakita kong kumikinang rin 'yon kagaya ng takong na suot ko, kukunin ko na nga sana kasi naisip ko na baka pwede ko pang maisanla 'yon pagbalik sa bahay namin kaso nakita kong may mga ilang umaakyat na rin sa bubong kasunod ko.

"Hala!"

"Diyos ko, Panginoon. Mahal na prinsesa bumaba ka ho riyan!" sigaw nung ale sa baba.

"Your highness, mag dahan dahan ka lang po!" sigaw naman nung mga nasa may likuran ko.

"Hindi ako ang prinsesa niyo!- Aray puchangina." medyo natapilok pa ako, nakakaasar naman. Bawas na nga sa astig points yung gown eh, epal pa 'tong takong.

"Your highness! Baka mapaano ka ho diyan sa itaas!"

"Please go down here, your highness!"

Kasabay ko na ngayon tumakbo yung mga kawal sa ibaba habang ako patuloy pa rin sa pagtalon at pagtakbo dito sa itaas. Nakikisabay na rin silang sumigaw sa mga tao rito na todo pagaalala sa akin, na kesyo baka mapano raw ako dito sa itaas psh.

Hindi ako mahuhulog dito mga hunghang! Patag naman ang mga bubong nila at semento pa kaya sobrang dali lang naman tumakbo, bakit ba ang o-OA nila? Mga angkan ni Loy!

Napahinto ako nang isang malaking pader ang sumalubong sa akin sa dulo. Hinihingal pa ako, kaya napahawak na 'ko sa dibdib ko. Ramdam ko na rin ang pag kirot ng mga paa ko sa baba. Huminto rin naman yung mga nakasunod sa akin sa likod ko kanina, mga hinihingal na rin.

"Hindi ako ang prinsesa niyo kaya huwag kayong lalapit sakin! Subukan niyo lang, makikita niyo, nanapak ako." pananakot ko sa mga kawal na nasa bubong rin katulad ko. Sumunod naman sila kaso hindi pa rin umalis sa bubong, naka abang lang sa likod. Hindi naniwala sa sinabi kong hindi ako ang prinsesa nila. Bwisit.

Dumura ako sa gilid at naglakad sa dulo ng bubong para silipin ang mga tao sa ibaba, ramdam ko ang pag kilos ng mga kawal sa likod ko, matapang kong tinignan ang mga tao sa ibaba at kita ko sa kanila ang takot at pag aalala. Hindi naman kasi ako ang prinsesa niyo, ano ba!

"Mahal na prinsesa!"

"Bumaba ka na ho rito ng ligtas!"

"Huwag ka hong tatalon!"

"Umatras ka ho, mahal na prinsesa!"

"Baka tumalon nga, naku!"

"Diyos ko!"

Napangisi ako sa mga naririnig kong kung ano-ano mula sa kanila. Kung makikita niyo lang ang mga mukha niyo mula rito, matatawa nalang kayo! Hindi naman ako mamamatay rito kung ganito lang kababa ang tatalunan ko, mga shunga.

Sasabihin ko pa lang sana sa kanilang hindi ako ang puchaninang prinsesa nila kaso, isang malakas na 'neeiigghhh' ng isang kulay dark brown na kabayo ang bigla nalang umagaw sa atensyon ng lahat ng mga nagkakagulong nilalang rito.

Maliban sa mga guards, syempre, dahil sa akin parin ang atensyon nila, baka raw kasi tumalon eh. Sa kabayong 'yon nakita kong may nakasakay na isang lalaki, tumingin siya sa banda kung saan ako nakatayo, "Woah! Good morrow and welcome back, my princess!"

"Hindi ako ang-Aaa!!"

"Not too fast, princess." hindi ko namalayan na namali na pala ako ng tapak at kung hindi nga ako nasalo ng bigla nalang lumitaw na lalaking alien na 'to sa likuran ko, malaman pa sa alamang, pinaglalamayan na ako ng mga tao rito.

-------

-,-

avataravatar
Next chapter