4 CHAPTER ONE

Finally

Mehanie Leigh Smithsonian

ISANG malaki at matamis na ngiti ang aking ginawa nang lumakas ang ihip ng hangin. Nasa balcony ako ngayon, mag-isa. Kay sarap pagmasdan ang mga maliliit at mapuputing bituin sa kalangitan. Noon pa man, gawain ko na ang mag star gazing.

Kakauwi lang namin kahapon at sobrang pagod namin sa byahe. Hindi ko alam kung tulog na ba sila ngayon dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin ako lumalabas ng kwarto. Sobrang haba ng tulog ko kanina kaya nagising ako ng ganitong oras. It's already 11:30 in evening.

Kinuha ko ang candy na nasa maliit na plate at binuksan iyon. Nilagay ko ito sa bibig ko nang matapos ko itong buksan. "That you can't afford to need me," mahinang kanta ko. Kanina ko pa inuulit ang kantang ito, Faith by Nurko.

I know I'm the reason you're hurting...

And I know that I still don't deserve it...

And you know that I'll never be perfect...

I'm trying though...

When I was young I loved to listen to music. Nakawawala ng stress at pagod galing sa school. Masarap sa pakiramdam lalo na habang natutulog.

"Bakit hindi ka bumababa?" Halos mahulog ako sa kinauupuan ko nang may narinig akong boses lalake sa likuran ko. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa kaba. Si Kuya Fritz lang pala. "Kuya Fritz! Bakit hindi ka muna kumatok!?" Kinuha ko ang tubig sa gilid ko at nilagok iyon. Mabuti na lang may tubig ako rito.

Hindi niya sinagot ang tanong ko at umupo siya sa tabi ko. "I knocked a few times but you did not hear," he answered, inimon ang beer na dala niya. Hindi ko napansin 'yon, ah? Pero, hayaan na, sanay na kasi ako nakikitang umiinom siya. "Okay," Umayos ako ng upo.

Nilingon ko si Kuy Fritz, nakatingin sa  labas—dito sa balcony ng kwarto ko kitang-kita ang mga tao naglalakad sa daan at mga jeep na dumadaan. Napataas ako ng kilay, mukhang malalim ang iniisip ni Kuya Fritz, ah?

Hindi kaya may girlfriend na 'to si Kuya Fritz? At iniisip niya paano suyuin ang girlfriend niya? Nag-away kaya sila? Kaya siya nandito para tanungin ako paano suyuin ang girlfriend niya?

Naku naku! Hindi ako marunong!

At saka wala akong girlfriend, eh. So, 'di ko alam paano manuyo. At isa pa, babae ako! Hmp. Napanguso ako na lang ako sa naisip ko. Kailan kaya ni Kuya Fritz balak magsalita? Naiinip na ako!

Narinig ko ang malakas niyang buntong hininga. Nilingon ko ulit si Kuya Fritz na ngayon ay nakahilig ang kanyang ulo sa sofa at nakatingin sa langit. "I saw him...yesterday," mahinang sambit ni Kuya Fritz sapat na para marinig ko ang sinabi nito.

Him?

'Omo! Hindi kaya lalake ang jowa ni Kuya Fritz?' Sabi ko sa isip ko. Kapag sinabi ko iyon baka awayin ako ni Kuya Fritz. E, sa pagkaalam ko lagi sila nag-aaway ni Kuya Madrid.

"S-sino, Kuya Fritz?" tanong ko, nagtataka. Kunwari walang alam, pakipot pa 'to si Kuya Fritz. Ayaw pa sabihin ng deretso.

He stared at me, blankly. "Awella's ex boyfriend," he answered. Nagulat ako sa sinabi ni Kuya Fritz.

"P...paano? Ano ang gagawin natin? S-sasabihin ba natin kay Ate Awella?" nauutal na tanong ko, hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi niya.

"No, we can't tell her. Sa oras na sinabi natin sa kanya ito, panigurado babalik ulit si Awella sa Spain." Napatango ako, sang-ayon sa sinabi niya. Tama si Kuya Fritz. Kapag sinabi namin ito kay Ate Awella, panigurado babalik siya sa Spain.

At isa pa, "Ayoko bumalik ang dating Ate Awella ko...sa miserableng buhay," mahinang dagdag ko sa sinabi niya. "Exactly."

"Nakita niya ba si Ate Awella, Kuya Fritz?" tanong ko habang nakataas ang kilay. He shook his head and say, "No, because I covered her so that he could not see her," natatawa niyang tugon kaya natawa rin ako.

'Mabuti naman may isip itong si Kuya Fritz'

"Ano kaya ginagawa niya ro'n?" bulong ko sa sarili ko at napaisip. Hindi kaya alam niya na nandito si Ate Awella? Pero, mukhang impossible dahil base sa sinabi ni Kuya Fritz hindi niya nakita si Ate Awella.

Ilang sandali namayani ang katahimikan sa loob ng balcony. Hindi na nagsalita si Kuya Fritz kaya hindi na rin ako kumibo. Hindi ko alam pero bigla ako napakuyom ng kamao at nainis sa nalaman ko. "Hinding-hindi ko hahayaan na magkita muli ang landas niyo ni Ate Awella," I whispered, nang makita kong lumabas ng kwarto ng walang paalam si Kuya Fritz.

Awella Smithsonian

"A-ate Awella," gulat na sambit ni Mehanie nang makalabas siya ng kwarto niya. May problema ba siya?

"Bakit? Ayos ka lang ba?" nag-alalang tanong ko at naglakad palapit sa kanya. Sinapo ko pa ang noo niya gamit ang palad ko kung may lagnat ba siya o wala. Pero nang nahawakan ko na ito wala naman.

"Oo, ayos lang! He-he medyo naiinitan ako, ate!" Umakto pa siya na parang naiinitan. Ang weird niya ngayon, minsan slow pa. "Mainit? Hindi naman, ah? Ang lamig kaya," sabi ko. Tinignan ko ang aircon na malapit lang sa Float Glass Window  pero bukas naman ito. Lumapit ako rito at tinapat ang kamay sa aircon kung may lumabas na lamig o wala.

"Ang lakas-lakas ng aircon. Naiinitan ka pa? Gusto mo lakasan ko?" tanong ko nang makalapit ako sa kinatatayuan niya. "Hindi, Ate. Ayos na," sagot niya, napatango na lang ako.

"Nga pala, na saan si Baby Ashey? Si Dad at Mom?" takang tanong ko nang makababa kami ng hagdan. "Hindi ko alam, ate. Kakalabas ko lang ng kwarto, e," sagot niya.

Tinahak namin ang daan papuntang kusina, sumunod naman sa akin si Mehanie. Kumuha ako ng baso at pitcher sa loob ng refrigerator. Binitbit ko ito at nilagay sa table. "Kumain kana ba? Gusto mo lutuan kita ng ulam? Nagugutom na rin ako," tanong ko sa kanya habang nilalagyan ng tubig ang baso ko saka ininom ito.

She smiled. "Talaga, ate? Sige! Ano ba ang lulutuin mo?" natutuwang tanong niya habang naglakad palapit sa akin. "'Di ko alam kung ano'ng ingredients ang meron d'yan."

Sa totoo lang, konti lang ang alam kong lulutuin, 'yung simple lang. Like, adobo, sinigang, hotdog and egg. "Ate, 'yung jumbo hotdog na lang meron dito," aniya habang hawak ang cdo hotdog. "Saglit." Binitawan ko muna ang basong hawak ko saka lumapit sa kanya at tinignan ang laman ng ref.

Wala na kaming stocks na makakain at kailangan na mag-grocery bukas. Puro sibuyas, bawang at kamatis na lang ang nandito. "Sabihan mo si Yang na mag-grocery bukas," bilin ko kay Mehanie at sinara ang refrigerator. "Opo, ate. Ito na lang jumbo hotdog ang lutuin mo, ate. Natikman mo na ba 'to? Alam mo ba ate na masarap na ang hotdog na 'to?" Dere-deretsya niyang pagkasabi, tinaasan ko siya ng kilay.

"Ala—"

"Kapag hindi pa, ate. Masarap 'to! Pramis! Kapag kinagat mo ito, may lalabas na dilaw na likido!" Alam ko ang tinutukoy niya pero kapag kasi sa ibang tao niya ito sinabi panigurado pagtatawanan siya ng ibang tao.

Parang may ibang meaning, e.

"Ah, oo, akin na 'yan." Kinuha ko ang cdo na hawak niya. "At pwede ba? Alam ko ito kaya tumahimik kana d'yan," suway ko sa kanya na aakmang magsasalita pa siya at tumalikod ako.

Maya maya, tapos na ako sa niluto kong hotdag at itlog. Nilagay ko muna sa plate ang mga niluto ko bago nilapag sa lamesa. "Mehanie, pakitawag si Baby Ashey. Baka nagugutom na iyon," utos ko habang nilalapag ang hawak kong plato at kutsara. "Aye! Aye!" Saka tumakbo siya papunta sa taas.

"Hey, what are you doing?" Nag-angat ako ng tingin kay Fritz. Akala ko tulog na sila, parang kulang ata 'tong niluto ko. "Naghahanda ng pagkain, malamang. Teka, gutom ka ba?" tanong ko habang naka-kunot ang noo. "No, I'm not," he answered and went to refrigerator to get some—beer?

"Hoy! sinabi sa 'kin ni Mehanie na uminom ka kanina ng alak kaya tumigil kana!" He raised his eyebrows. "Tch, kahit kailan napaka-bungangera." Inis niya binalik ang alak na hawak niya.

Bilin kasi ni Tita Vanessa na h'wag daw papainumin ng alak si Fritz dahil nakasasama ito sa kalusugan niya. And I'm agreed with that. Drinking higher amounts of beer can cause many side effects including flushing, hypothermia, low blood sugar, vomiting, diarrhea, and etc. Sakitin pa naman 'to si Fritz.

"Kaysa naman pagalitan ka," anas ko at umupo na.

"Baby Ashey is asleep, Ate Awella," sambit ni Mehanie nang makita niya ako. Tinanguan ko siya. "Where's Precilla?" tanong ko at nagsalin ng kanina saka nilagay sa plato ko.

"The beautiful is here!!" malakas na sigaw ni Precilla at naglakad palapit saamin na parang model. "Stop shouting, Precilla!" iritang sambit ni Fritz at sumubo ng ulam. Akala ko ba hindi 'to kakain?

"Oh, ba't ka kumain? Akala ko ba ayaw mo?" tanong ko kay Fritz.

"Just kidding."

Nakita ko pang inirapan siya ni Precilla. "You can't stop me, Fritz." She grinned, nang nakaupo na siya sa tabi ni Mehanie. Kahit kailan hindi nauubusan ng energy itong babaeng 'to, hanggang ngayon nand'yan pa rin ang kolorete sa mukha niya.

"Remove your makeup, Precilla. Hatinggabi na, ano na naman ginagawa mo, ha?" tanong ko saka kumain ng kanina. Panigurado may kalokohan na naman 'to ginawa.

"No, why would I?" pagmamatigas niya pa. "Because I said so." Inirapan niya ako, nang-iinarte.

"She's flirting someone, Awella. That's why," balewalang sabi ni Fritz habang nakatuon pa rin ang tingin sa pagkain, kumakain. Nabulunan si Precilla sa ininom niyang tubig kaya biglang napatayo si Mehanie at hinihimas himas ang likod nito.

avataravatar