1 One

"Happy birthday to you..."

Sabay na nagpalakpakan ang mga kaibigan ni Yuri pagkatapos kantahin ang happy birthday sa kanya.

"Make a wish, kuya Yuri." Si Kean iyon na dala ang isang medium size na round cake na may isang maliit na nakasinding kandila sa gilid.

Sandaling pumikit si Yuri para magpasalamat, habang tahimik na naghihintay ang lahat ng mga kasama nya. Nang hipan na nya ang kandila ay tsaka naman nagsigawan ang lahat habang patuloy ang pagpalakpak.

"Dun na tayo sa garden, para makakain." Aya nya sa mga bisita. Kaya lahat sila ay nagtungo na nga sa garden mula sa living area na pinanggalingan nila.

Napahinto lang sya sa path walk nang biglang umakbay sa kanya si Myco. Nilingon nya ito saglit at sinalubong naman sya ng nakangiti nitong mukha.

"Thirty-one ka na. Dapat ka nang maghanap ng mapapangasawa." Tukso nito sa kanya.

"Focus muna sa carreer." Sagot nya at nagpatiuna na sa paglalakad.

31 na nga sya, pero hindi pa nya nakikita ang sarili nya na naghahanap ng mapapangasawa. Isa pa, nasa rurok pa sya ng kanyang kasikatan. Sina Myco, Kean, ang love team nyang si Amber, kasama sina Martin, Jakob, Yosef at Miranda ang tanging inimbitahan nya sa bahay para magcelebrate ng birthday nya. Magkakasama sila ngayon sa isang teleserye na kasalukuyan pang pinapalabas sa telebisyon. At dahil maagang nag pack up ang team nila, at maayos na natapos ang taping ay naisipan ng mga ito na magtungo roon. Isa pa, nasa bakasyon din ang parents nya kaya pumayag sya sa gusto nina Myco na magsalu-salo.

Ayaw nya ng engrandeng handaan, at hanggat maari ay iniiwasan nyang mabalita sa media ang selebrasyon na iyon. Isa syang public personality na bawat kilos ay sinusubaybayan ng mga tao, kaya gusto nyang kahit paano ay maging pribado naman ang kaarawan nya.

Nakaupo lang sya sa table at nakangiting pinagmamasdan ang mga kasama nya. Si Kean ay kakulitan nanaman si Yosef, at Amber. Si Martin at Jakob naman ay abala sa panunuod kay Mang Danny habang nag-iihaw ng barbecue.

"Kung wala pala kami dito, sino ang makakasama mo sa birthday mo?" Nilingon nya ang pinanggalingan ng malambing na boses na iyon. Si Miranda, nakangiti sa kanya.

"That's why I'm thankful that you're all here. Kung hindi, baka natulog lang din ako pag-uwi ko dito."

Hindi nalalayo ang edad nya sa babae, at kahit na si Amber ang ka-love team nya, mas naging close naman sila ni Miranda. Nagkakasundo kasi sila sa lahat ng bagay. Mula sa activities, pagkain, mga pananaw sa buhay, at ugali. Matagal na rin silang magkakilala pero ngayon lang nagkatrabaho kaya ngayon lang sila nagkalapit ng husto.

Mabait din ito, at maganda. Medyo singkit na may maghahabang pilikmata, payat pero makurba ang katawan. Hindi rin nalalayo ang height nito sa kanya, isa sa mga katangian ng ideal girl nya.

"Kuya Yuri, ang sarap magluto ni Mang Danny, pwede ko ba syang i-hire sa amin?" Umupo sa tabi nya si Martin, may dala pa itong plato ng pagkain.

"Kung papayag si Mang Danny na magpalit ng amo." Tinanguan lang nya ang matanda na abala pa rin sa iniihaw pero nakikinig naman sa kanila.

"Ang dami mo nang nakain, Mart. Tataba ka nyan." Sita sa kanya Jakob nang umupo na rin ito sa tabi nila.

"Kaunti pa lang ang nakain ko." Depensa naman ni Martin habang nginunguya pa ang piraso ng barbecue nito.

Nagkakasiyahan na silang lahat, at nagkaipon na sa isang mesa nang biglang tumatakbong palapit sa grupo nila si Kean.

"What happened?" Si Jakob ang unang nakalapit sa kanya.

Si Kean na humihingal pa, nakayuko at nakatukod ang kamay sa tuhod, ay malalim pa rin ang paghinga ng ituro ang loob ng bahay.

"K-kuya... Kuya Yuri, diba tayo lang naman ang andito?"

"Yeah."

"W-wala kang ibang kasama." Tumayo na ito at lumapit kay Yuri. "M-may multo ba sa bahay mo?"

Isang batok ang inabot nito kay Yosef habang nakakapit sya sa manggas ng damit ni Yuri. Nakakunot noo naman ang binata na tiningnan ang direksyon ng tinuturo ni Kean.

"Ang laki mo na, naniniwala ka pa sa multo." Natatawa si Amber sa kanya.

"Kung walang multo, bakit tumutugtog yung piano nila?"

"Imposible yun, Kean. Sigurado ka na piano ang narinig mo?"

"Oo naman. Pinakinggan kong mabuti. Galing yun sa music room nyo. Kung walang ibang tao rito maliban sa atin, sino yun?"

"Puntahan natin, patutunayan ko sayo na walang multo." Si Yosef iyon na nagpatiuna na sa pagpasok sa loob ng bahay.

Nakakkunot noong nakasunod sa kanya si Yuri at nakasunod naman dito ang lahat ng bisita nya.

Mula sa living room, madadaanan ang hagdanan paakyat ng second floor, kapag dumiretso sa maliit na hallway ay maghahati sa dalawang part ang bahay. Sa right side ay ang patungo sa kitchen at dining area. Sa left part ay ang mini gym na ipinasadya ni Yuri. At katabi ng pintuan niyon ay ang nakasaradong pintuan ng music room.

Papalapit pa lang sila ay naririnig na nila ang tunog ng piano.

"M-may multo talaga." Si Kean sa nanginginig na boses.

Nakatayo lang sa tapat ng nakasaradong pinto si Yuri at nasa likod nya ang lahat ng bisita nya. Mula sa kinatatayuan nila ay maririnig na ng malinaw ang tunog galing sa loob ng kwarto.

Naramdaman nya ang pagkagulat ni Kean nang biglang nag-iba ang tunog ng piano. Magulo iyon, na mabilis ang ritmo at parang galit ang sinuman na tumutugtog.

Napakunot-noo sya habang tahimik na nakikinig. Pero may hinala na si Yuri sa nangyayari. Hindi nga lang talaga sya sigurado. Hanggang sa unti unting nagbago nanaman ang musika. Naging malumanay iyon, kasabay ng pag-hum ng isang malamyos na tinig.

Doon na nya binuksan ang pinto.

Tumambad sa kanila ang isang dalaga na gumagawa ng tunog.

"A beautiful awakening has happened in my soul, a beautiful awakening that only I could know. Try to imagine a sound that you've never heard, a color that you've never seen. Try to describe a taste you've not tasted and maybe you'll know what I mean..."

Nakapikit pa ito habang tumutugtog.

Maging si Yuri ay nadadala na sa magandang tinig ng babae. Sandali pa syang napapikit para damhin ang musika nito. Ilang sandali pa nila itong pinanuod at nang tila maramdaman na may ibang tao ay saka lang ito huminto at unti unting lumingon sa kanila.

"Yuri..." Mahina nitong usal nang tuluyang humarap sa kanila. Nakatutok ang tingin ng dalaga kay Yuri bago nito mapansin ang mga tao na nakatayo sa likod nito.

Agad naman itong ngumiti nang mapansin sila.

"Hello. I'm Stacie."    

avataravatar