1 PROLOGUE

"This is not right!" Tumayo ako mula sa kama na pinaghigaan ko.

"I know." Nakita ko rin ang pagsunod nya sa akin upang halikan ang batok ko.

"Stop it, Finn." Iwas ko sa kanya.

"Why? We both know that this is not right pero ginusto natin." Tumawa sya ng bahagya kaya lalo akong naasar. Dinampot ko sa sahig ang damit ko na nakakalat.

Hindi ako umimik at sinimulang magbihis. Pinagmamasdan nya ako habang nakangiti. It's almost 8am at late na ako sa trabaho ko. Nandito ako sa tinutuluyan nyang condo.

"F*ck you!" Mura ko sa kanya dahil sa inaasal nya. "You are my sister's boyfriend!" Angal ko pa at nang maisuot lahat ng damit ay inayos ko ang aking gamit.

"Tatlong beses, Jamie. Three times, kung wala kang nararamdaman para sa akin bakit naulit ng tatlong beses?" Ngisi nya at muling lumapit sa akin.

"I was just... drunk.." Saad ko at napatigil ng halika nya ako sa aking labi.

"I love you. I really do, Jamie." Tingin nya sa aking mga mata. "Sana mas nauna kitang nakilala kaysa sa kapatid mo." Muli nyang binalikan ang aking mga labi.

"Mali 'to, Finn. Sobrang mali nito." Angal ko't umiiling na humiwalay sa kanya. "Sorry. Ang g*go ko, kahit ikaw na mismong boyfriend ng kaparid ko ay pinatulan ko."

"Stop saying that. Alam nating parehas na hindi lang sex ang nangyayari." Paliwanag nya kaya't napahinga ako ng malalim. "Makikipaghiwalay ako sa Ate mo. I promise."

Mali. Mali. Mali. Oo, sobrang mali! Pero anong magagawa ko? Hindi ko rin akalain na mangyayari ang lahat ng ito.

Nakainom ako noong unang may nangyari sa amin pero nasundan ng nasundan. Hanggang ito, na-trapped ako, nahulog ako sa kanya.

"This time. Totoo na. Kakausapin ko sya mamaya." Dugsong nya.

"No." Iling ko. Hindi pwede dahil ang Ate ko na lang ang meron ako. Dahil sya na lang ang natitirang pamilya ko pero nagawa ko ito sa kanya.

♥️SpreadYourWings_05

avataravatar