1 Stallion Series 1: Jubei Bernardo by Sonia Francesca Teaser

"One look at you and I forgot that I'm hurting. One look at you and I was alive again."

Nagrerebelde si Temarrie. At sa gitna ng pakikipag- sapalaran sa galit ng kanyang ama, mga kapatid at pesteng holdupper, nakilala niya si Jubei. Kasalukuyang nakikipagnegosasyon siya noon sa holdupper nang bigla na lang sumulpot ang lalaki mula sa kung saan. Nailigtas siya nito pero hindi ang kanyang pera. Napundi yata sa kanya ang lalaki sa kakakulit niyang bayaran nito ang nawalang pera nang dahil dito kaya bigla na lang siyang ipinakulong. Ayon dito, miyembro siya ng isang malaking sindikato. Isinumpa niya ito sa lahat ng santong kilala niya. Pero ang hindi niya inakala, sa lahat ng santo ring iyon siya haharap… kasama ang lalaking isinumpa niya. Because Jubei was the man her father wanted her to marry. Pero ang matindi, narinig at nakita niya ang lalaki nang mag-propose ito ng kasal sa ibang babae. O, `di ba, ang saya?

avataravatar
Next chapter