Chapter 47
Third Person's Point of View ~
" Creatures of the Underworld! "
Bumuka ang sahig sa pagtawag ni Aivee sa sandahatan ng mga halimaw ng impyerno. After all, she's the Mother of the Underworld Creatures.
Hindi naman natinag ang kabilang panig kahit na mas marami ang kanilang kalaban kaysa sa kanilang bilang.
" Thunderstorm! "
" Tornado! "
Naghalo ang sabay na pag – atake ni Andre at Alex. Gumawa ito ng isang buhay na buhawing halimaw kung saan ang kapangyarihan nito ay ang gumawa ng mga thunderstorm. Halos lahat ng mga halimaw na nasa ibaba at hindi kayang lumipad ang nauubos dahil sa mga pag – atake nito.
Sabay pa silang nag – apir sa gitna ng laban. Hindi nila napansin ang isang Griffin na papasugod sa kanila. Mabuti na lang at napansin ito ng grupo ng mga Mermans at Mermaids dahilan upang maunahan nila ito.
" Bring them down! "
Sigaw pa ng nagsisilbing leader ng mga ito.
" That was quick! Thanks! "
Pasasalamat ni Alex dito na bahagya pang nagulat sa pagsabog sa kanilang likuran.
" My names Ed, this is Vin, Ben and Law! Our duty is to secure all of you that's why we do that! But then, welcome! "
Maiksi nitong pahayag at umalis sa kanilang harapan kasama ang mga kasamahan nito. Hindi na naman sila nag – aksaya pa ng panahon at mabilis ring sumali sa mga laban sa ibaba.
***
Sa panig naman nina Jona at Aries. Kalaban nila ngayon ang isang Cyclops na naiiba sa lahat. It has the armor of a warrior and has the ability of the time healing.
" You will never defeat a guy like me! I am the Cyclops King – my name is Michael – the one that will stand still after this fight! "
Mabilis itong sumugod sa kanilang dalawa hawak ang malaki nitong itak. Nakailag naman sila sa pag – atakeng iyon ngunit hindi sa mga alagad nitong nakaabang sa kanila sa ibang lugar.
" Phasing Ability! "
Maagap na counter defense ni Jona sa mga ito habang hawak sa kamay si Aries. Hindi sila nito matamaan dahil kahit na anong pag – atake ng mga ito, tatagos at tatagos lamang sila sa mga sandata nito.
" Muntikan na tayo doon! "
Nakahawak sa dibdib si Jona ng sabihin nya iyon kay Aries. Maging si Aries ay kinabahan rin ngunit iba ang nasa isip nya ng mga panahong iyon.
" Make me more! "
Sabi nya sa dalaga. Hindi naman magkamayaw sa pagtataka si Jona ngunit sinunod nya na lang ito at saka pinagana ang isa pa nyang ability – cloning.
Dumami ng dumami si Aries hanggang sa makumpleto nito ang isang milyon nitong bilang na hinihingi nya kay Jona. Hindi naman lingid sa kaalaman ng binata na marami nang nagagamit na kapangyarihan si Jona dahilan upang maghanda sya sa kahuli – hulihang pag – atakeng gagawin nya kay Michael na kahit na anong pag – atake ay patuloy na gumagaling.
Aatake na sana sya noon dito ng bigla na lang may humawak sa balikat nya. Maging si Jona ay nagulat din dahil sa taong iyon.
0_0
" Sir Felix! "
Sabay nilang saad sa lalaki. Ngumiti naman ito sa kanila.
" Mamaya na tayo magkamustahan! Let us defeat first this ugly creatures in the field! "
Tumango naman sila ng sabay at pagkatapos ay –
" Millions of Punches! "
" Puppetry Illusion! "
" Society Clone! "
Nagsabay – sabay ang kanilang pag – atake sa mga ito at sa isang mabilis na pagbabago ng panahon dahil sa ginawa ni Jona. Hindi na muling nagawa pang paghilumin ng halimaw ang kanyang mga sugat.
" Hindi! Hindi! "
Pagsigaw nito habang unti – unting naaagnas kasama ng kanyang mga alagad dahil sa pag – atake ni Felix sa kanya.
" That's my students! "
Masaya pang bati nito sa dalawa. Ngunit katulad nga ng alam ni Aries, tuluyang nawalan ng malay ang dalaga dahil sa paggamit nito ng sobra – sobrang kapangyarihan.
***
Sa kabilang dako, lalong nag – init ang dugo ng kalaban nina Eros at Sophia. Mukhang alam na nito na nabawasan na ang isa sa kanyang mga kakampi sa labang iyon.
" Magbabayad kayo! Magbabayad kayo! "
Nag – uumapaw ang lakas nito na kahit hindi ito umaatake sa kanila, tanging paghinga lamang nito ay sapat na upang patalsikin sila sa ibang bahagi ng buong lugar!
" Sh*t! He's too fast! "
That's true. The ogre on the other hand has a gift of super speed.
" Don't worry! Mabilis nga sya, but still, aanhin nya yan kung hindi nya naman tayo nakikita! "
Bigla na lamang naglaho ang dalawa dahilan upang mapatigil ang ogre na nagngangalang Baron. Inilibot pa nya ang kanyang buong paningin upang masiguro kung wala na ba talaga ang kanyang mga kalaban, ngunit isang sipa ang natanggap nya sa ibaba sa gitna ng kanyang paglilibot. Nasundan pa ito ng pagsuntok sa kanya dahilan upang mapaatras sya. Hindi naman sya natinag at inutusan ang kanyang mga alagad na umatake sa hangin na sinunod naman nito. Nalaman nya lang ang kinalalagyan ng mga ito ng makakita sya ng mga dugong dumadaloy na nagmumula sa itaas. Mabilis nyang hintak ang bagay na iyon dahilan upang mapasunod ang dalawa. Wala silang nagawa ng ibalibag sila nito sa lupa. At –
" I'm not that late, am I? "
Nanlalaki ang mga mata ng dalawa sa kanilang nakita sa kanilang ilalim. Kaya pala hindi masakit ang pagkakabagsak nila, it is because of their teacher – Ms. Louise Mariano.
" Ma'am Louise? "
Ngumiti lang ito at saka sila ikinulong sa kanyang buong katawan gamit ang pagiging goma nito. Tumalon pa sila ng pagkataas – taas dahil na rin sa taglay nitong flight ability.
" Okay lang ba kayo? "
Tanong nito sa kanila matapos silang maibaba sa isang gilid, malayo sa ogre na iyon. Tumango lamang silang dalawa sa tanong nito at saka sinuri ang sugat ni Eros sa tagiliran dahil sa mga pag – atake ng ogre kanina.
" Ako nang bahala sa kanila! "
Napatingin sina Sophia at Eros sa kanilang likuran – si Ms. Agatha Enrique.
" Buhay po kayo? "
Hindi na napigilan ni Sophia ang hindi umiyak, tinuring na kasi nyang pangalawang magulang ang gurong ito.
" I am! Kaya, umayos na kayo ng magamot ko na ang mga sugat ninyo! Ang dami nyo kaya! "
Sabay pitik sa noo ng dalawa.
" Ikaw nang bahala sa kanila! "
Huling sabi ni Ms. Louise kay Ms. Agatha at saka bumalik sa kinaroroonan ng halimaw.
End of Chapter 47
“It's hard to fight when the fight ain't fair.”
― Taylor Swift
Vote the parts. Comment below. Follow me.
Facebook: Raf Saludes Casauran
Twitter: @Vindexia
Tumblr: @Vindexia