webnovel

Chapter 40

Chapter 40

Denise Marco Cruz ~

Hindi ako makahinga ng maayos dahil sa nilalang na nasa harapan ko. He has the ability to control air and manipulate the air inside me.

" Just die! A human like you will never defeat my kind! "

Walang pakundangan nitong pagsasalita sa aking harapan sabay sipa sa tyan ko habang nakaluhod sa harapan nya. Ramdam ko na ang unti – unting pagbagal ng aking paghinga. Hindi – hindi ako pwedeng mamatay ng ganito lang.

Third Person's Point of View ~

Tuluyan nang nalagutan ng hininga si Denise. She's gone sa madaling sabi, samantalang ang halimaw naman na pumatay sa kanya ay seryoso lang ang mukha na nakatingin sa katawan nyang wala nang buhay. Dahan – dahan itong tumalikod sa kanya at nagsimula nang umalis sa dimensyong iyon upang bumalik sa katawan ni Axel – ang taong gumawa sa kanya.

Hindi pa noon nakakalayo ang shade na iyon ng kusang kumilos ang katawan ni Denise. Napataas pa ang kilay ng halimaw bago humarap sa dalaga. Nagulat pa sya ng makitang wala nang buhay ang mga mata nito at purong itim na lang, nagkaroon din ito ng mga marka sa iba't – ibang bahagi ng katawan na kita sa labas dahil umabot ito hanggang sa kanyang mukha, humaba rin ng napakahaba ang kanyang buhok at tumulis rin ng napakatulis ang kanyang kuko at mga ngipin. Hindi na tao ang nasa harap ng halimaw na ito kung hindi isang halimaw na tulad nya.

" That thing in you, that is the thing I want before! But I didn't know how passion and engaging you are to defeat me! "

Ganadong sabi ng halimaw na ngayon ay nakangiti ng nakakakilabot. Hindi naman sumagot ang babaeng hindi na makilala ang itsura dahil sa pagkapal ng mga balahibo nito sa katawan.

Ang bilis ng pangyayari. Nagsalpukan ang pareho nilang mga lakas gamit ang kani – kanilang sandata. Walang gustong magpatalo ni ang sumuko. Walang may pakialam sa kung hanggang saan aabot ang labanang iyon. Ang nais lamang nila ay matalo ang isa sa kanila.

" You are nothing but a soulless human that manipulated by its own power! "

Ani ng halimaw sa dalaga kasabay ng muli nitong pag – atake dito. Hindi naman umilag ang dalaga at inundayan din ito ng pag – atake. Hindi naman ito ganoon kalakas ngunit nagawa nitong basagin ang depensa ng kalaban na dahilan upang mapaatras ito.

" I never thought that you could be this strong? It gives me more power and determination to get it from you! Ahhh! "

Bumulusok ang pag – atake ng kalaban sa dalaga. Hindi na ito makita sa bilis. At sa isang iglap ay kusang sumabog ang kinatatayuan ng dalaga.

" Your dead! Hahaha! "

Nababaliw na sabi ng halimaw dito habang nababalutan ng makapal na usok. Iyon ang akala ng halimaw dahil sa isang malakas at mabilis na pag – atake ng dalaga, nagawa nitong butasin at sirain ang katawan ng halimaw.

" You know! I may be pitiful, but I will never allow a low creature like you to defeat someone like me who trained hard to be on this state! "

Seryosong sabi ng dalaga dito na bumalik na sa kanyang normal na kaanyuan. May hawak rin itong napakalaking espada na gawa sa ginto at dyamante.

" How? "

Huling sabi ng halimaw bago mawala sa alapaap at naging abo.

Myrko Tuazon ~

Napakaraming apoy ang umiikot sa paligid ko. I will never let her touch me with her filthy hands. She has the ability to control acids.

" Why don't you let me near to you? Are you afraid of losing to me? "

Nakangiti pa nitong sabi sa akin ng nang – aasar. Hindi ko naman ito pinansin at saka sya binugahan ng apoy galing sa bibig ko. Hindi pa ako tapos doon ng muli ko syang atakihin gamit ang buntot ko sa likuran na sya namang hindi nya nailagan, ang akala kong pagtilapon nya ay hindi natuloy dahil bigla na lang tumagos ang kanyang mga kamay sa loob ng buntot ko at saka hinawakan ang laman ko.

" Ahhhh! "

Napahiyaw ako sa sakit dulot ng pagkapaso ng laman ko sa loob, ramdam ko rin ang pagdurugo nito dito.

" How does it feel? Is it good or you want me keep going? "

Hindi ako sumagot sa tanong nya dahil sa panghihina. Ang buntot namin bilang isang dragon ang syang aming kahinaan at simbolo ng pagiging makapangyarihan. Ito ang dahilan kung bakit hindi kaagad ako makakilos at makalaban sa kanya dahil hanggang ngayon ay nandoon pa rin kanyang mga kamay.

" Answer my f*cking question? "

Muli na naman nyang pinaso ang loob nito dahilan upang mapahiyaw akong muli sa sakit. Kung hindi pa ako makakaalis sa kinalalagyan ko, maaari ko itong ikamatay lalo na at hindi na ordinaryong paso ang nasa loob ko, ramdam ko na rin ang unti – unting pagdaloy ng lason sa loob ko dahil sa kapangyarihan nya.

" Fine then, you don't want to answer me? I will – "

" Dragon's Vest! "

Mabilis akong bumulusok paitaas dala sya, ni hindi nga sya bumitaw ng bumulusok ako paitaas, bagkus ay mas lalo nyang hinigpitan ang hawak sa laman ko. Hindi ko na ramdam ang bahaging iyon kung kaya't may pag – asa pa akong manalo sa labanang ito.

" You don't want to get off? I will make you! "

Tumulis ang mga pangil at mga kuko ko, ramdam ko rin ang pagluwag ng hawak nya sa akin. Dahan – dahang nagliyab ang buo kong katawan dahil sa inihahanda kong pag – atake, naging sanhi iyon upang bumitaw sya sa akin at maisagawa ko ang totoo kong pag – atake!

" Dragon's Meteor! "

Ang bilis ng isang tulad ko ay hindi maikukumpara sa bilis ng kidlat dahil ang mga katulad kong dragon ay isa sa mga biniyayaan ng pambihirang lakas at bilis.

Sa isang iglap, kusang sumabog ang katawan ng shade na iyon. Hindi na lang ako nagsalita pa at tuluyang pumikit, masyado kong nagamit ang taglay kong kapangyarihan. I need to rest to regain my strength, that's what I need right now!

End of Chapter 40

To become 'unique,' the challenge is to fight the hardest battle which anyone can imagine until you reach your destination.

-A. P. J. Abdul Kalam

Vote the parts. Comment below. Follow me.

Facebook: Raf Saludes Casauran

Twitter: @Vindexia

Tumblr: @Vindexia

Vindexiacreators' thoughts