Chapter 28
Ax Villareal ~
Kinabukasan, agad rin namang nakabawi kaagad ng lakas ang mga kasamahan namin. Nandoon pa rin ang pangambang baka mangyari ulit ang nangyari kahapon dahil hindi kami nakapaghanda kaagad, kung kaya't mas minabuti na lang muna naming hindi pumasok ngayong araw upang tuluyan naming mabawi ang mga lakas namin.
Isa pang dahilan, ay ang pangitain ni Alaina kagabi habang nagpapahinga. Masyado itong nakabahala sa aming lahat dahil bihirang magkaganoon sya.
" I rather stay here kaysa ang lumabas! Mamaya, may sumalakay pa saking kung ano dyan sa labas eh! "
Napalingon ako sa kakababa lang na sina Denise at Althea, pareho silang nakasimangot. Napunta naman ang paningin ko sa mga taong nakasunod sa kanila, sina Daryl at Jack.
" Ambush ba kamo? Walang magtatangka! Ako nang nagsasabi sa inyo! "
Kumakamot pang sabi Daryl sa kanyang batok.
" At bakit? "
Nakataas na kilay na sagot naman ni Althea dito.
" Eh, mas mukha pa kayong lalaki sa amin eh! Wala talagang magtatangka, baka nga tumakbo pa eh! "
Natatawang sabi nito dito, kahit si Denise ay napasimangot dahil sa isinagot nito! Wala sa oras tuloy na nabatukan ng dalawang babae ang mga tumatawang lalaki! Napailing na lang ako sa nakikita ko, hindi pa rin talaga maiiwasang mas lalo kaming maging malapit sa isa't – isa, we are a family after all!
" What are you thinking? Huh? "
Napabuntong hininga na lang ako sa taong nasa harapan ko, si Lyra, sa tabi naman nya ay si Jona at Sophia, samantalang nasa likuran ko naman sina Andre at Air.
" About the prophecy Alai just told last night! Alam naman nating hindi pa pumapalya ang mga pangitain nya, and this must something we can't ignore! "
Seryoso kong sabi sa kanya, hindi pa ako sigurado kung tama nga ba ang hinala ko! But this is something about the Demon's Portal, yun lang ang alam ko!
" Don't think too much, magpahinga ka na rin muna! Hindi yang pinapagod mo na naman yang sarili mo! We care about you not because you were the acting leader, we care for you because you are one of the family we have! The only family we have rather! "
Tumango na lang ako sa sinabi nya, I am not in the mood to talk about how fast the events just turned upside down! Hanggang ngayon pa rin kasi ay nandito pa rin ang sakit at kirot sa puso ko lalo na at palagi ko na lang napapanaginipan ang mga nangyari bago kami mapunta sa kalagayan namin ngayon!
Nandoong, napapanaginipan ko si Lolo na humihingi ng tulong sa amin kasama ang iba pa sa mga faculty members. Nandoon rin ang mga dati naming guro, pati na ang council.
" O.My.Gosh! "
Napalingon ako sa taong sumigaw sa loob ng sala, mabilis akong pumaroon upang tingnan kung ano ang nangyayari ngunit tanging si Georgia lang ang nandoon habang nanonood ng t.v! Mukhang nadala sa pinapanood, tsk!
Patalikod na sana kaming mga tumingin doon ng bigla na lang itong mag – freak out at magsisigaw!
" Hey! Ano ba? Tumigil ka nga! Ano ba kasing sinisigaw mo dyan, ha? "
Hindi naman ito sumagot sa tinanong sa kanya ni Alex, ngunit tinuturo nito ang t.v kung kaya't napatingin kaming lahat doon! Hindi pa nga kami noon naliliwanagan sa itinuturo nito ng bigla na lang umupo ng maayos sina Alex katabi pa ang iba at mariing tumingin sa t.v. Doon ko lang din napansing parang nagkakagulo ang mga tao dito.
" Demons! "
Bulong na sabi ni Ally, totoo yon! She's not dreaming or something, mga nilalang ng kadiliman ang nakikita namin ngayon sa t.v at hindi lang basta – basta ang ginagawa nila! They're messing with the humans.
" How can this happen? "
Nalilito pang pagtatanong ni Bryan sa sarili, kahit ako ay hindi rin makapaniwala sa mga nakikita ko! Not just only demons but other creatures from the darkness are here on the Earth.
" Ahhhh! "
Nagkatinginan kaming lahat na mga nandoon dahil sa isang sigaw na umalingawngaw sa buong bahay, si Alai!
Dali – dali kaming umakyat sa kanyang kwarto, naabutan namin doon na wala nang malay ang iba pang mga kasamahan namin!
0_0
What the hell just happened here? Lahat ng gamit sa kwarto ay gulo – gulo, wala na rin kaming naabutang Alai dito!
" Hahanapin ko sya! "
Hindi pa ako nakakasagot sa sinabi ni Al ng mawala ito ng mabilis sa paningin ko, kasunod rin nito ang kung anong palitan ng pag – atake sa malapit na park sa amin! Nagkanya – kanya na rin kami ng pagte – teleport upang mabilis na makarating kaagad! Doon namin naabutan na nakikipaglaban si Al sa isang dosenang mga Wraith – they were evil spirits of the dead who were trapped here on Earth.
" Si Alai! "
Napalingon ako sa itinuturo ni Ally, si Alai na walang malay at nakabulagta sa ilalim sa isa sa mga swings ng park!
" Just fight them and make sure na wala munang gagamit sa inyo ng masyadong mataas na enerhiya! We must recover from yesterday, and yet this happened! Sh*t! "
Naiinis kong sabi, mabilis namang nagkilusan ang lahat at nagkanya – kanya sa pakikipaglaban! Kasama ko naman sina Ally at Alex na ngayon ay patungo sa kinaroroonan ni Alai, hindi pa nga kami nakakalapit sa kanya ng bigla na lang may kung anong bagay ang humarang sa amin upang tuluyan kaming hindi makalapit sa kanya!
" I will never let you hold her, she's mine! A beautiful queen for me! "
A Wendigo – a kind of evil spirit that possesses his victims and turns them into cannibals!
Bullsh*t! Bakita ngayon pa lumabas ang kupal na to!?
Alfonse Marcus Guevarra ~
Napalingon ako sa direksyon nina Ax ng makita kong napatigil sila upang puntahan si Alai, doon ko lang napansing parang may kausap sila na nakaharang sa direksyon nito!
" Al! "
Hindi ako naging handa sa pag – atake ng isang Wraith dahilan upang matamaan ako ng pag – atake nito at tumilapon malapit sa direksyon nina Ax.
" Ibigay mo sya sa amin kung ayaw mong mawala ka sa mundong to! "
Naiinis na pahayag nito dito, kita ko pa kung paano magtaas ng mga kilay sila Ally at Alex! Bwisit, bakit hindi ko na maramdaman yung mga binti ko! Sh*t!
" The poison is now paralyzing your body, it will now come to one on one! "
Napalingon ako sa Wendigo na ngayon ay nakangiti sa akin ng nang – aasar! These bastard is hitting on me, f*ck sh*t!
" Holy Light of the Heaven's Seal! "
Isang nakakasilaw na liwanag ang bumalot sa buong lugar, rinig na rinig rin naming mga nandoon kung paano magsigawan ang mga Wraith kasama na ang Wendigo! Maya – maya pa ay tumahimik ang buong paligid kasabay ng unti – unti ring pagkawala ng liwanag!
" Axel! "
End of Chapter 28
Know thy self, know thy enemy. A thousand battles, a thousand victories.
-Sun Tzu
Vote the parts. Comment below. Follow me.
Facebook: Raf Saludes Casauran
Twitter: @Vindexia
Tumblr: @Vindexia