webnovel

Chapter 1

Axel Valerie De Guzman ~

Maaga kong umalis sa bahay ngayon, kailangan ko pa kasing hanapin ang magiging room ko. Though, kalagitnaan na rin ng taon para lumipat, pero nagawa pa rin akong ilipat ng mga magulang ko! Ilang beses na nga ba kong nakalipat sa taong ito? 5? 7? 10? Hindi ko na mabilang! Iniisip ko na nga lang na siguro, may problema kaya naman, lipat kami ng lipat! Ay, mali – ako lang pala! Hindi ko naman sila kasama eh.

Napabuntong – hininga na lang ako sa frustration. Bakit ba kasi lipat ako ng lipat? Hindi ba nila alam na ako ang nahihirapan sa ginagawa nila? Wala na nga sila para alagaan ako, tapos ganito pa ang ginagawa nila!

Bigla akong napatigil sa pag – iisip at napahinto sa paglalakad dito sa loob ng hallway, hindi ko alam pero, may nararamdaman akong kakaiba sa paligid! Pumikit akong muli upang huminga ng mas malalim, sa tingin ko, stress lang tong pagiging paranoid ko!

" Mukhang masarap ka! "

Mabilis akong napadilat ng marinig ang boses na iyon at makaramdam ng mainit na hangin na bumubuga sa leeg ko. Ganon na lang ang gulat ko ng bumungad sa akin ang isang lalaki na may kakaibang kulay ng mga mata, ang tingkad ng pagkaputi ng kanyang balat na sa tingin ko ay namumutla na, ang laki at ganda ng katawan nya na halatang batak sa gym at higit sa lahat ang mga kamay nitong ngayon ko lang napansing nakakapit na sa bewang ko habang ang mukha naman nito ay nakatapat sa leeg ko na animo ay isang bampirang handa ng sumipsip ng dugo dahil ako ang nabiktima nya!

" A – anong gi – ginagawa mo? "

Naiilang kong tanong sa kanya dahil sa pwesto namin, ngunit hindi ito sumagot. Bagkus, bigla itong ngumiti na syang ikinatayo ng mga balahibo ko kasabay ng paglaki ng mga mata ko dahil sa bigla itong naglabas ng mahahabang mga pangil at –

" Ahhhhh! "

Napasigaw na lang ako ng bigla nitong kagatin ang leeg ko, ramdam ko ang hapdi at sakit dulot ng pagkagat nya! Napaiyak na lang din ako dahil sa nangyayari! Sana panaginip lang ito!

" Ahhh! Tang – ina! Tang – ina! Nasusunog ako! Anong – anong nangyayari? Fuck!! "

Napadilat ako dahil sa biglaan nyang pagsigaw, kita ang hirap sa mga mata nya. Lalapit na sana ako sa kanya kaso bigla syang sumuka ng dugo, ganoon na lang ang lakas ng sigaw ko ng unti – unting maagnas ang balat nya! A – anong nangyayari!?

" You killed him! "

Napalingon ako sa likurang bahagi ng kinatatayuan ko, doon ko napansin ang isang lalaking hindi ganoon katandaan ang hitsura at mukha pang kasing edad ko lang din! Ngunit, sa kabila noon, halata sa mukha nito ang lakas at taglay nyang katapangan dahil sa mga mata nyang kung hindi ako nagkakamali ay nagliliyab! Nagliliyab?

" Pa – pa – paanong nagliliyab yang mga mata mo!? "

Kinikilabutan kong tanong sa kanya, dahan – dahan na rin akong lumalayo sa kanya! Ano bang nangyayari? Nananaginip lang siguro ako!? Oo, nananaginip lang ako!

Mabilis akong napailing at napapikit, kinurot ko rin ang sarili ko upang magising sa bangungot na ito!

" This is not a dream.. "

Napadilat ako sa paraan ng pagkakasabi nya, at –

0_0

Ang init.

Allyson Marissa Anderson ~

Mabilis akong tumakbo papalayo sa hayop na yun, kailangan kong makatakas sa kanya! Hindi porke't sya ang familiar ko, sya na rin ang mapapangasawa ko! No way! Kinuha nya na nga ang first kiss ko nung naging familiar ko sya tapos ano, ikakasal na kami sa susunod! No way!

" You will never escape from me! "

Napatigil ako ng maramdaman ko ang kuko nyang nakakapit sa likuran ng suot ko! Nakalimutan kong gubat nga pala itong tinatakbuhan ko, he's home!

Napapikit ako sa frustration, kailangan kong manalo sa pagkakataong ito! Yes, he's a man! But I am a' women!

Humarap ako sa kanya at mahigpit syang niyakap, sa ganoong paraan – nahuli ko ang kiliti nya! I win.

" Now tell me, can I never escape from you? "

Gigil itong nagpalit ng kanyang katauhan at naka – pout na umupo sa palad ko, nagsasalita ito ng nagsasalita pero hindi ko naman marinig dahil sa liit ng boses nya! Hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makaabot kami sa loob ng hallway, doon ko na rin napagpasyahang ibalik sya sa dati nyang anyo. Ngunit hindi na ito natuloy pa ng makita ko ang isang kagulat – gulat na scenario! What the hell?

0_0

Damn hot!

Ana Villegas ~

Nandito ako ngayon sa rooftop ng building namin kung saan hinahayaan kong lamunin ng mga gravitational vacuums ko ang lahat ng mga gamit dito! Wala lang, nakaka – enjoy at nakaka – relax lang tingnan! Tsaka, wala naman kaming klase ngayon eh, katamad!

" Nandito ka lang pala! "

Napalingon ako sa kanya, mukhang magpapasama na naman itong ulupong na to! Palibhasa, may namatay na naman kasing kalahi nya! Yes, kahit hindi po kami magkalahi ay ramdam ko pa rin ito, after all, I am his tamer, and his my familiar!

" Accompany – "

" Let's go! Alam ko namang wala din akong pagpipilian kung saka – sakaling magtatanong ka eh! So, let's go! "

Putol ko sa kanya at mabilis na tumalon pababa ng building. Nang malapit na kong bumagsak sa lupa, doon ko naramdaman ang kakaibang init ng pakiramdam ng pagsalo sa akin ng familiar ko! Mukhang may kakaibang nangyayari!

Saktong nagkatinginan kami ni Ace ng mapagawi ang mga mata ko sa isang direksyon, I use my ability to zoom to see the scenario. And that makes me fall and take my balance remove, what the hell.

Buti na lang at agad na nakabawi ng gulat si Ace dahil sa ginawa ko at agad akong nasalo bago pa man ako tumama sa lupa.

" Use your speed, bilisan mo ha! There is something going on to that direction! "

Utos ko sa kanya ng makabawi ako ng sa pagkakatayo, hindi naman sya tumutol! Kaya't mabilis kaming nakarating doon, at tama nga ang nakita ko kanina, not just me but also, Ally and her familiar Air.

0_0

Freak.

Alexander Vallejo ~

Naramdaman ko ang isang pambihirang kapangyarihan mula sa hangin, hindi lang ito normal dahil dalawang pinakamalakas na kapangyarihan ang nagsama sa isang iglap! Mabilis ko ring tinawagan si Andre upang makapunta sa lugar kung saan nanggagaling ang kapangyarihang na iyon.

Ilang saglit pa nga ay mabilis kaming nakarating sa hallway ng eskwelahan, at habang papalapit kami ng papalapit ay ganoon din ang patuloy na pagtaas ng enerhiyang nararamdaman ko! Pero agad din itong napawi ng makita ko sa parehong direksyon ang mga kasamahan kong papunta rin sa papatunguhan ko kaya't mabilis akong tumakbo para lang makita si –

0_0

Fucking Hell.

Alaina McDevon ~

Mukhang sumapit na ang itinakdang panahon, my dreams are true! The light and the shadow will unite and be reborn like a phoenix in the sky! They just unite in a minute, at alam kong alam na rin ng iba kong ka – grupo na nagsanib na ang dalawa sa pinaka malalakas na Tamer at Familiar sa buong henerasyon.

Tumayo ako mula sa kinauupuan ko at tinawag si Alfonse, kailangan ko ng bumalik sa loob! Everything will turn now into a great destruction.

End of Chapter 1

Chapter 1 has been released.. I hope na sana magustuhan nyo.. This time, lahat ng ipo - post ko ay revised na so hindi na kayo maguguluhan.. Thanks in advance.. Love lots..

Vote the parts. Comment below. Follow me.

Facebook: Raf Saludes Casauran

Twitter: @Vindexia

Wattpad: @Vindexia

Pinterest: @Vindexia

Tumblr: @Vindexia

Vindexiacreators' thoughts
Next chapter