webnovel

Chapter#2

"Nandito ako sa madilim na kwarto at nagiisa.Walang daan palabas sa lugar na ito.Walang sakit at gutom ngunit lumuluha ako.Sa lugar na ito walang oras,araw o panahon tanging walang hanggan lamang."

"Isang maliit at bilog na liwanag ang nagpapalutang lutang.Naakit ako dito at sumunod.Huminto ito at lalo pang nagliwanag. Napakaganda at nararamdaman ko ang init nito.Hanggang bigla nalamang itong mawala."

Ang mga sumunod na araw ay hindi na naging normal.Ano man ang gawin kong pagiwas at pagbalewala ay balewala.Hindi ako nilubayan ng espirito.Ayaw kong isipin ng ibang tao na baliw ako kaya wala akong pinag sabihan.Pinilit kong maging normal sa tuwing magpapakita ito sa akin.Hindi narin ako masyadong natatakot basta ba hindi ko siya titignan.Napagisip-isip ko na dati rin silang tao kaya anong pinagkaiba nila sa atin.Ang tao ay tao parin patay man o buhay at masama man o mabuti.Hindi naman siya nakakaapekto sa aking pisikal.Nakokontrol ko naman ang aking emosyon at pagiisip.Malapit na sanang maging normal para sa akin ang hindi normal ng isang araw sa dating room at pwesto ko ang madilim na liwanag ay nagsalita.

"Napakaganda....Mainit..." Mahina,mabagal,walang buhay at tila

may pagkakatulad sa taong nagsasalita sa malayo. Kung pakikingang mabuti parang hindi galing sa mundong ito.

Huminto ako sa pagsusulat.Alam kong nasa kalagitnaan kami ng klase.Nagtuturo ang guro ko sa harapan at nakikinig ang mga kaklase ko.Pero nangibabaw ang boses niya.Pumikit ako para mas maunawaan ko ang mga sinasabi niya.

"Kevin.Kevin!" Narinig kong tinatawag ako ng aming guro.Pagdilat ko nakatingin ang buong klase sa akin at wala na ang babae.

"Sorry po."

Hindi ko alam kung ilang beses na akong tinawag ng aming guro.Inisip siguro nilang nakatulog ako.

Nagpatuloy na sa pagtuturo ang aming guro matapos kong humingi ng paumanhin.

Naging mas kakaiba ang araw na ito.Inisip kong kung kaya ko siyang marinig ako rin siguro maririnig niya.Dapat ko ba siyang kausapin.Marami akong gustong malaman.Kung bakit siya nagpapakita sa akin at lumalapit.Kung ano ba talaga siya.Nagdesisyon akong gawin ito.Nilakasan ko ang loob ko.

Mga ilang araw ko na ring sinubakan at sa wakas isang medyo malinaw na pag uusap.

"Kamusta,ilang araw mo na rin akong sinusundan.Ah..,Pwedeng malaman kung bakit?" Sibukan kong magsalita ng napakahina pero malinaw itong binigkas ng isip ko. Tila ba tipikal lang na nakikipag usap pero nasa babang bahagi ako nakatingin.

"Nag..sa..sa..lita ka?" wala paring buhay ang boses nito.

Hindi ako makapinawala na sumagot siya kaya hindi ko na sinayang ang pagkakataon.

"Bakit hindi ba ako mukhang nagsasalita sayo?" Pagtataka kong tanong.

"Ikaw ay isangmali..wanag na bolang nagbibigay ng init sa akin. Matagalna akongnag..iisa sa lugar na ito," May mabagal,mahina at mabilis na salita sa mga sinabi niya.Pero malinaw ko naintindihan ang mga ito.

Hindi ko naisip na ganun pala ang nakikita niya kaya pala minsan tumatagos siya sa mga bagay at tao sa paligid na parang balewala ang mga ito dahil hindi niya nakikita ang mga ito. Siya kaya alam niya na ganun ang itsura niya.Lalo akong nahiwagaan kahit bahagyang kinikilabutan.

"Bola ng liwanag? Isa akong buhay na tao.Sa tingin ko patay kana.Ang totoo hindi kita magawang tignan dahil nakakatakot ang anyo mo." Paliwanag ko dito.

Mga isang minuto bago siya muling sumagot.Iniisip ko tuloy na baka nag hang nanaman siya.

"Hindi ko alam." Naglaho siya ng pagkatapos niyang sumagot.Hindi ko na inisip pa ang dahilan.

Next chapter