1 Teaser

Nahulog ang puso ni Chynna sa campus heartthrob-slash-singer guitarist na si Sandro Emir, boses pa lang nito ay nabihag na agad ang puso niya, hindi tuloy niya maiwasang magpaka-fangirl sa binata.

Ngunit agad na napawi ang pagpapantasya niya sa guwapong binata nang malaman niya sa ika-18th birthday niya na naipagkasundo na pala siya ng kanyang namayapang lolo na maikasal sa first born ng pamilya Lim. What the—uso pa ba 'yon sa henerasyon ngayon? Tumutol siya sa kasunduang 'yon dahil ayaw niyang matali sa isang relasyon na hindi naman niya gusto, ngunit hindi pumayag ang mga magulang dahil malaki daw ang respeto at utang na loob nila sa pamilya Lim.

Kaya kahit umiyak siya ng isang balde ay wala na siyang magagawa kundi sumunod na lang sa kagustuhan ng kanyang pamilya. So, goodbye na sa pagpapantasya kay Emir and hello sa sinumang lalaking ipinagkasundo sa kanya.

Ngunit para siyang ipinambala sa kanyon nang makita at makilala niya ang lalaking mapapangasawa niya—it's Christopher John Lim—the cold-hearted, unemotional and very exasperating guy she'd ever met! Nag-aamoy world war III yata!

avataravatar
Next chapter