14 Disappearance

******

[Sotíra] "Bakit mo ako pinapunta dito sa rooftop, Stella?"

[Stella] "Si Dad, hindi na kasi sya nag reresponse sa mga tawag ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit bigla nalang syang hindi nagparamdam."

[Sotíra] "Baka may pinuntahan lang. Ayaw nya siguro ng istorbo kaya hindi sya sumasagot sa tawag mo."

[Stella] "Hindi ganun si Dad. Netong mga nakalipas na araw ay hindi mapakali yun. Arrgghhh!! Paano ba to?! Yung kampon ni Elizar nakita ko na naggagala sa mall!"

[Sotíra] "Oh? Anong problema dun? Baka gusto lang mag shopping."

[Stella] "Oh talaga?! Mag sh-shopping pero may dalang bomba at dinamita?"

[Sotíra] "Nani?!"

[Stella] "Problema diba? Kaya kung may alam ka kung paano tawagin si Dad. Gawin mo na, bago pa mahuli ang lahat."

[Sotíra] "Hindi ko alam... Ay teka... may binigay sya sa aking ring. Subukan ko tawagin."

[Stella] "GAWIN MO NA!!"

[Sotíra] "Relax! Tumutulong na nga eh diba?"

[Stella] "Ang dami mo pa kasing dada eh! Hindi mo nalang gawin."

[Sotíra] "Ikaw nalang kaya gumawa?"

[Stella] "Hindi ka na natatakot sa akin ngayon?"

[Sotíra] "Bakit? Sino ka ba para katakutan? Purkit makapangyarihan ka? Kaya mo nang utos utusan kahit sinong gusto mong utusan? Ilagay mo yung sarili mo sa sitwasyon na ikaw din ang mahina at ikaw din ang binu bully."

[Stella] "Matapang ka na ngayon?! (Pushed)"

Bang!

[Sotíra] *cough! Cough!* "Haha, purkit hindi nasunod ang gusto mo nananakit ka na. Haha, hindi nararapat sayo ang kapangyarihan mo."

[Stella] (Raging) "Arogante ka magsalita dahil alam mong tutulungan ka ni Dad. Nawawala si Dad ngayon at hindi ka nya matutulungan. Kaya kahit lumpuhin kita dito, hindi nya rin ako mapipigilan."

[Sotíra] (Rise) "Sige, gawin mo ang gusto mo! {Anong tong nararamdaman ko? Hindi ko maigalaw ang mga paa ko!}"

[Stella] "Hahaha! Kahit na alam mong insekto ka lang sa harap ko. Nagawa mo paring galitin ako. Ipapatikim ko sayo ang kapiraso ng kapangyarihan ko."

Inilagay ni Stella ang kamay nya sa dibdib ni Sotíra at ginamitan nya ito ng malakas na pwersa. Sa sobrang lakas ng impak ng kapangyarihan ni Stella ay nanigas ang katawan ni Sotíra at tila nawalan na ito ng malay.

Narinig nila Sabrina at Solen ang ingay sa itaas kaya nagpunta sila agad upang malaman kung ano ang nangyayari. Ngunit nang makarating sila ay hindi nila mabuksan ang pinto.

*Bang! Bang! Bang!* "Sotíra!! Buksan mo ang pinto! Anong nangyayari dyan?!

Narinig ni Stella ang dabog sa pinto ngunit isina-walang bahala nya lang ito.

Tumalikod na si Stella at naglakad palayo ng bahagya. Samantala, wala nang malay si Sotíra ngunit nakatayo parin ito. Ilang sandali lang ay nagliwanag ang sing-sing na suot ni Sotíra. Nakita nya ito nilapitan si Sotíra. Aabutin nya na sana ang kamay ni Sotíra nang biglang lumitaw ang kanyang Ama sa harap nya.

[Stella] "Dad?!"

[Dad] *slap* "Ikaw ang pinagbilinan ko na protektahan si Sotíra. Ngunit anong ginawa mo? Ikaw pa mismo ang nagbabalak na patayin sya!"

[Stella] "Dad, h-hindi ko lang napigilan ang galit ko kaya ko nagawa sa kanya yan. Nag aalala lang ako sayo kasi hindi ka sumasagot sa tawag ko. Humingi ako ng tulong sa kanya pero ginalit nya ako kaya ko nagawa sa kanya yan."

[Dad] "Bakit ka nag aalala sa akin? Mas malakas ka na ba kesa sa akin? Mahina lang si Sotíra, kaya ko sya pinagbilin sayo na protektahan mo sya. Nagkamali ako, hindi pala dapat kita pinagkatiwalaan na protektahan si Sotíra."

[Stella] (Crying) "Dad, sorry... Bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon na makabawi sa kasalanan ko. Daaad! Patawarin mo po ako."

[Dad] (Turn around) "Patatawarin kita.. pero hindi na ikaw ang magbabantay kay Sotíra." *Snap*

Sa isang pitik lang ng daliri ay bumalik na sa dati si Sotíra at nakahiga na rin agad ito sa kwarto.

Matapos ang insidente ay hindi na ulit nakalapit pang muli si Stella.

Makalipas ang ilang sandali ay napansin ng magkapatid na tila wala na silang ingay na naririnig sa taas, at nang kanilang piliting buksan ang pintuan muli ay nabuksan kaagad ito.

[Solen] "Bakit ganun? Kanina merong maingay dito at alam ko narinig ko ang boses ni Sotíra dito at mayroon din akong narinig na boses ng babae."

[Sabrina] "Oo ate, narinig ko rin yun. Pero hindi mo ba napansin kanina na parang ang bigat ng pintuan, na para bang may nakaharang na malaking bato kanina?"

[Solen] "Oo, napansin ko rin yun. Kanina maingay tapos hindi mabuksan ang pintuan. Ngayon naman tahimik tapos biglang ang dali nalang buksan ng pintuan. Ano bang meron dito sa lugar na to?"

[Sabrina] "Mas mabuti pa siguro na bumalik na tayo sa loob kesa mag isip pa nang kung ano ano pa dito."

[Solen] "Oo nga, mas mabuti pa. Ayoko rin na magtagal dito."

Nang makababa na ang dalawa ay napansin nila na parang may humihilik sa loob ng kwarto ni Sotíra.

Dahan dahan nila itong nilapitan at dahan dahan din nilang binuksan ang pinto. Nakita nilang dalawa si Sotírana nakahiga at tila napaka lakas ng kaniyang hilik. Agad agad pumasok ang dalawa.. Sa kanilang pag mamadali na lumapit ay hindi nila napansin na nakatayo lang malapit ang Ama ni Sotíra sa kanya.

"Oh! Sino naman tong dalawang babae na to? *woosh*(invisible) -mabuti nalang nakatago agad ako, hehe." Sambit ng kanyang Ama.

Habang nakatitig and dalawang magkapatid kay Sotíra ay parang may naramdaman sila na malamig at mainit na hangin na dumaan sa kanilang harapan. Nagkatitigan ang dalawa at tumaas ang kanilang mga balahibo. Napalingon sila ng mabilis sa paligid at wala silang nakita na maaaring paglusutan ng hangin na malamig at mainit.

Sa sobrang takot ng dalawa ay napa isip sila sa isang horror movie na kanilang kinatatakutan ng sobra. Kaya bigla silang napatalon sa hinihigaan ni Sotíra at dali dali itong yumakap na halos masakal na si Sotíra.

[Sotíra] "Aaarrgghhh!!! Hindi ako makahingaaa! Ano bang ginagawa niyo?!"

[Solen] *Trembling* "M-may naramdaman k-kasi kaming multo! Ma-malamig tapos mainit.!

[Sabrina] *trembling* "Ta-tama yun! Me-merong multo dito sa bahay nyo!"

[Sotíra] "Aarrggh! (Pushing) Bitawan nyo nga ako! Nasasakal na ako sa ginagawa nyo eh! Ano ba kayong dalawa?! Walang multo dito!"

[Solen] (Hug tightly) "Waaag!! Wag kang umalis!! Meron nga ditong multo! (Crying)"

[Sabrina] (Crying) "Ganun yung napanuod naman na horror movie! Tapos merong tatawa ng malakas!"

[Sotíra] "Grrr!! Puro kayo horror movies kaya ganyan ang nangyayari sa inyo eh! Pakawalan nyo na ako! Mamamatay ako sa gina..."

Hindi pa natatapos ang kanyang pagsasalita ay biglang may humalakhak ng pagkalakas lakas at tila sobrang saya nito. Kilala ni Sotíra ang boses na yun ngunit hindi nya makita kung nasaan ito. Sa sobrang takot ng dalawa ay lalong humigpit ang yakap ng dalawa at patuloy na umiyak sa takot.

Dahil sa tindi ng pagkakayakap ng dalawa kay Sotíra, ay halos tumirik na ang mga mata nito at naglabasan na ang mga ugat sa kanyang leeg papunta sa kanyang mukha mula sa pagkakasakal ng dalawa. Nawalan na ng malay si Sotíra dahil don.

Nawalan na rin ang dalawa ng malay dahil sa sobrang takot.

Ilang sandali pa at nagpakita na rin ang kanyang Ama. Ginising nya si Sotíra ngunit bigo sya dahil sa nangyari sa anak nya. Hindi parin mawala sa isip nya ang nangyari kay Sotíra, kaya napagpasyahan nya na balikan muli ang anak nyang si Stella.

******

Makalipas ang limang oras...

...Makalipas ang ilang oras na pagkakatulog. Si Solen ang unang nagising sa tatlo at napansin nitong gabi na at talagang madilim na ang kwarto na kanilang hinihigaan.

Binabalak nyang pumunta sa pintuan upang buksan ang ilaw ngunit naalala nya ang nangyari kanina kaya napag pasyahan nya na gisingin ang dalawa.

Nagising naman si Sabrina at tumingin tingin ito sa paligid ngunit isa rin itong takot na tumayo.

[Sabrina] "Ate, anong gagawin natin? Hindi parin nagigising si Sotíra. Gusto ko na pumunta ng C.r pero natatakot akong umalis sa tabi nya.

[Solen] "Wag ka mag alala. Magigising din ito. Alugin lang natin."

Ginigising nila si Sotíra at napansin nila na gumagalaw na ang talukap at dahan dahan na itong dumidilat.

Masaya ang dalawa dahil nakita nilang nagigising na si Sotíra. Ngunit nang biglang magising si Sotíra ay bigla nalang itong nag sisigaw na para bang gusto nitong tumakas.

[Sotíra] (Panic state) "WAAAH!! Tulooong! Ilayo nyo ako sa dalawang bruha!!"

Agad agad itong sinampal ng kaliwang kamay ni Sabrina at napabangon ng mabilis si Sotíra.

[Sabrina] *Glaring eyes* "Sinong tinutukoy mong bruha?!"

[Solen] *Burning eyes* "Hindi naman siguro kami ang tinutukoy mo diba?!"

[Sotíra] *goosebumps* "H-hindi! Masama lang panaginip ko kaya nabanggit ko yun. Wag na kayong mag isip ng kung ano tungkol sa akin. Atsaka may kasalanan kayong dalawa sa akin. Grabe kayo makayakap sa akin, halos patayin nyo ako."

[Sabrina] *looked away* "Hindi ko alam ang sinasabi mo."

[Solen] *turned back* "Anong bang sinasabi mo dyan? Nawalan ka ng malay dahil takot na takot ka. Wag mo kaming pinagbibintangan dyan."

Sa inis ni Sotíra ay lumabas ang ugat nito sa ulo.

[Sotíra] *Sigh* "Ok fine, ako na ang takot na takot. Sige na, umalis na kayo sa harap ko. Magsibalik na kayo sa mga kwarto nyo."

[Solen & Sabrina] *puppy eyes* "Samahan mo kami.. please..."

[Sotíra] "Ang tindi nyo nung dinadarag nyo ako kanina ah... Nasan na ang tapang nyo? Haha."

[Solen & Sabrina] *killing intent*

[Sotíra] "eeek?! Joke lang... Tara, sabay sabay na tayong lumabas... *whispering* Matapang pag dating sa akin."

*****

Nang makalabas ng kwarto ay agad agad binuksan ang lahat ng ilaw sa buong bahay ng magkapatid.

[Sotíra] "Anong trip nyong dalawa? Bakit kahit sa kasulok sulokann ng bahay inilawan nyo?"

[Solen] *Glare* "Wag ka na mag tanong!"

[Sotíra] "Nani?!"

*****

Makalipas ang ilang minuto...

[Sabrina] "Sotíra, pwede mo ba akong samahan sa kusina? Magluluto lang kami ni ate."

[Sotíra] "Ok sige... (Smiling) Pero may isang kondisyon ako."

[Sabrina] "Ano naman yun?"

[Sotíra] "Sarapan nyo luto nyo ah. Gutom na gutom na kasi ako eh."

[Solen & Sabrina] "Hahaha"

Masayang nagsalo salo ang tatlo sa pagkain habang nagkukwentuhan ng tungkol sa mga karanasan nila bago gumaling sa pagluluto...

*****

Nang makabalik sa mansion ang Ama ni Sotíra ay mukhang galit na galit ito.

[Jade] "Anong meron Captain? Bakit parang may hinahanap ka?!"

Nagpatuloy ito sa paglalakad na tila wala itong naririnig sa paligid.

Ilang sandali pa ay nakita nya si Stella na nakatingin sa malayo at pansin nya na lumuluha ito.

Nang maramdaman ni Stella na paparating ang kanyang Ama ay agad itong nagpunas ng luha at lumapit sa kanyang Ama nang nakayuko.

"Stella! Naiintindihan mo ba ang ginawa mo?!" Sambit ng kanyang Ama na galit na galit.

"Opo Dad, alam ko po ang kasalanan ko. *Sob* Handa ko po na pagbayaranan ang kasalanan ko." Sambit ni Stella nang may pag sisisi.

"Kung ganun, bibigyan pa kita ng isa pang pagkakataon. Upang mapag bayaran mo ang nagawa mong kasalanan." Sambit ng kanyang Ama.

Nang marinig nya ang isinambit ng kanyang Ama ay agad agad itong napatingin ng diretso sa mga mata ng kanyang Ama. Hindi na nya napigilan ang sarili at napaluha na ito at agad agad na yumuko.

"Kahit na anong ipag utos mo po sa akin. Susundin ko!" Masiglang sambit ni Stella.

*grin* "Pumunta ka kay Sotíra at tumira ka sa bahay nya. Ngunit hindi ka pwedeng gumamit ng kahit anong kapangyarihan. Gawin mo kung anong gusto mong gawin pero hindi mo pwedeng suwayin ang pinag uutos ko sayo. Nagkaka intindihan ba tayo Stella?!" Sambit ng kanyang Ama.

Kahit na may halong pagtataka ay agad agad nya itong tinanggap ang pinag uutos ng kanyang Ama.

"May isa pa akong ipag uutos." Sambit ng kanyang Ama.

"Ano po yun Dad?" Tanong ni Stella.

"Gamitin mo ang lahat ng makakaya mo para patawarin ka ni Sotíra." Sambit ng kanyang Ama.

"Opo Dad, gagawin ko po ang makakaya ko (smiling)" masiglang sambit ni Stella.

*****

Ano kayang ibig sabihin ng kanyang Ama? At ano naman kaya ang pagkakaintindi ni Stella sa sinabi ng kanyang Ama?

....

avataravatar