1 TEASER

"Bakit sa tuwing nagseselos ka eh ang cute cute cute cute mo?"

Minahal ni Airen si Luigi ng higit pa sa buhay niya. Ngunit dahil sa pagmamahal na iyon ay napilitan siyang iwan ito ten years ago. At kagaya ng inaasahan niya ay galit ang naramdaman nito dahil sa ginawa niya. Kaya naman nagbalik ito sa buhay niya upang maghiganti. Sa lahat naman ng paghihigantihan, siya na siguro ang pinakatanga.

Paano'ng hindi, eh siya pa mismo ang nag-offer rito na paghigantihan siya para lang mapatawad siya nito! She was desperate when she left him but she was far more desperate when she saw him again—desperada siyang makahingi ng tawad rito. She was asking for another chance, kahit man lang para sa friendship na lang. Pero bakit ganon, habang tumatagal na sinusuyo niya ito ay nag-iiba ang "another chance" na gusto niyang makuha mula rito? Pwede ba niyang bawiin ang friendship na nasabi niya noon?

Hindi ba pwedeng, mahalin na lang ulit siya nito?

A/N :

Please watch this video. This story was inspired by LSG's music video:

https://youtu.be/WIwIU0SN4tw

d7df2df8e29611183126d2969b7173d6I'm serializing this work on Webnovel. Head over to Webnovel for the other chapter updates! https://www.webnovel.com

avataravatar
Next chapter