webnovel

2

[Zachary]

"What took you so long?!" Isang malakas na sigaw kaagad ang bumungad sa akin pagbukas ko palang sa pintuan ng classroom.

Minabuti kong isara muna yung pintuan para naman kahit papano ay hindi masyadong marinig sa hallway ang malalakas na kwentuhan at sigawan na nang-gagaling sa loob.

"I got lost." Pagsisinungaling ko sa kaibigan kong si Brayce.

Actually hindi naman talaga ako naligaw, sa two years ba naman na itinagal ko dito sa university ay halos alam ko na ang pasikot-sikot sa loob nito.

"Ows? Ikaw pa ba mawawala? Wag kami bro." Komento naman ng katabi ni Brayce na si Flu. Wala pa'ring pinagbago ang mga ito, ang aga-aga ay issue nanaman ang hinahanap.

Pareho ko silang barkada since senior high school dito din mismo sa SSU (Saber State University). Ganoon din sa halos lahat ng mga mukhang sumalubong sa akin sa loob ng classroom. We all had the same strand before which is the Science, Technology, Engineering and Mathematics (STEM), kaya hindi na'rin ako masyadong nagtaka at sila-sila pa'rin ang mga nakita ko. I have also notice some of them giving me a nod which I also replied with a nod. They just probably wanted to greet me pero alam din nila kung paano ako pakitunguhan kaya simpleng 'tango' lang ang ibinati nila sa akin noong makita ako.

Pinili ko ang upuan na nasa harapan nila Brayce which is nasa left side ng room sa may gawing gitna. I flip the armchair of my seat at saka inilagay ang bag ko. It's also good that our department let us wear civilian clothes for today instead of our uniform which is hassle isuot dahil first day palang naman ng klase, and I'm sure na puro orientation lang din naman ang magaganap sa buong mag-hapon.

"Dude ang dami nating bagong kaklase, ang gaganda!" Masayang balita ni Brayce habang tumitingin sa mga babae na nasa kabilang side ng room katabi ng bintana.

Sinundan ko ang tingin nito at napansin ko nga na may mga bagong mukha akong nakikita, siguro ay nang-galing pa ang mga ito sa iba't-ibang schools sa labas ng university. Mabilis silang nag-iiwas ng tingin kapag hindi sinasadyang nagtatama ang aming mga mata, all of them-even the guys.

Napansin ko 'rin na binubulungan sila ng mga katabi nila which is yung dati kong mga kaklase. Nang mahuling nakatingin ako ay bigla silang nagpumilit na ngumiti at saka nagpakita ng peace sign, I just replied them with a firm look. Though despite of those actions alam ko naman na hindi nila ako sinisiraan sa mga bagong salta. I think they just only wanted to give them a short notice, advices or maybe warnings about sa mga kaklase namin at siyempre pati na'rin sa akin.

Alam ko kilala na nila ang ugali ko eversince. Medyo seryoso ako sa mga bagay-bagay, oriented din and most of the time ay blunt. Especially kapag sobrang nonesense ng pinag-uusapan or tinatanong, kaya I always make the talk to a very less possible. Pakiramdam ko kasi ay nasasayang lang ang oras sa isang bagay na wala namang halaga, why not utilize the time to a more productive way, yung alam mong worth it yung oras na ilalaan mo.

That is why kinakausap lang nila ako kapag ito ay importante or kaylangan talagang pag-usapan—of course except to those idiotic friends of mine na walang ibang ginawa kundi ang kulitin ang tahimik kong buhay at saka idamay sa mga walang kwentang trip nila. After a while ay dumating na'rin ang iba pang mga estudyante at nagsimula ng mapuno ang mga bakanteng upuan na nasa may bandang harapan at likuran.

Few minutes before mag time ay dahan-dahang bumukas ang pintuan na nasa harapang parte ng classroom. Dalawa kasi ang mga pintuan ng bawat kwarto dito, idagdag mo pa na sliding door ang designs nito kaya naman maririnig mo talaga kung may magbubukas or magsasara nito. Halos lahat ng mga estudyanteng nasa loob ay ibinaling ang tingin dito dahil sa pag-a-akalang yung professor na ang dumating. Maging sina Brayce at Flu ay mabilis na umalis sa inuupuang armchair at saka umayos ng upo.

All the noises were starting to fade as a guy wearing a white semi-oversize shirt and dark-checkered trousers enter the room. Nag-angat ito ng kanyang ulo at mabilis na inilibot ang tingin sa kabuuan ng classroom. Muli itong yumuko at hinigpitan ang pagkakahawak sa strap ng itim nitong bag. Kapansin-pansin 'rin ang namumula nitong labi na kanina pa niya kinakagat ng hindi namamalayan.

Maingat itong naglakad papasok ng kwarto at naghanap ng mauupuan. Tsk, yung pinto! Protesta ko sa aking isip dahil hindi na nagawa pa nitong isara yung pintuan na siya 'rin naman ang nag-bukas in the first place. Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko, kung kinakabahan lang ba ito or talagang iresponsable lang siya. Gustohin ko mang pag-sabihan ito ay hindi ko na lang ginawa dahil alam kong wala naman ako sa lugar para gawin iyon. The noises resumed afterwards, though this time it was not the shouting but whispers instead.

"It's a guy bro, sweet!" Flu muttered with a hint of amusment on his voice. As in bigla akong napalingon sa dalawa at napataas ng kilay. What the hell?

"You knew it already, aren't you?" Nang-huhusgang tanong ni Brayce, muka itong dehado at hindi makapaniwala.

"Bro alam mong hindi ko kayang gawin yon still, a bet is a bet!" Flu replied sheepishly while extending his right hand towards Brayce which handed him a hundred bill. Seriously?

"Anong trip niyo?" Naghihinala kong tanong sa dalawa na sinagot naman nila ng nagtatakang tingin. Nang marealize kung ano ang tinutukoy ko ay napangiti ang mga ito.

"Ohh, nagpustahan kasi kami dude kung sino yung susunod na papasok sa pintong yan." Paliwanag ni Brayce.

"And?" Naguguluhan kong tanong sa dalawa.

"And, it's sweet bro." Dugtong ni Flu habang pinipigil ang tawa. What? Kahit kaylan talaga ay hindi ko masakyan o maintindihan kung ano ba ang mga trip nitong dalawa. Minsan nga nagtataka na'rin ako kung bakit naging kaibigan ko sila.

Napa-iling na lang ako at muling ibinaling ang pansin sa lalaki na ngayon ay naka-upo na malapit sa tabi ng bintana. Hindi ko alam kung anong meron at halos lahat ay nakatingin dito, pinag-uusapan nila ito na para bang ito ay isang sikat na artista. I didn't even see what is so interesting about him, unlike everyone here inside the classroom especially yung mga girls na alam kong nagpaplano na kung paano makikipag-kilala dito.

Muli, ma-igi ko itong pinagmasdan mula sa kinauupuan ko. He only got this fair-white skin na lalong tumingkad dahil sa liwanag ng araw na nang-gagaling sa may labas ng bintana. Matangos ang ilong at medyo singkit ang mga mata na halos matakpan na ng makapal at wavy nitong buhok. That's all I saw, and I think wala naman masyadong kakaiba doon.

Like c'mon there is a lot of people who have the same traits right? It's nothing beyond the normal, nothing special. I unconsciously talked to myself.

I nearly jumped out of my chair when he suddenly look at me–straight to my eyes. For a second, hindi ko alam kung anong ire-react ko, I felt like I was caught off guard for doing something I shouldn't.

Nilagpasan niya lang ako ng tingin at saka muling ibinaling ang atensyon sa labas ng bintana na para bang nakakita siya doon ng mas interesanteng bagay. Suddenly, there was this feeling inside me that I couldn't describe, bakit parang pakiramdan ko ay nasaktan yung ego ko for some unknown reason which is hindi ko magawang i-explain mismo sa sarili ko.

The sudden frustration makes me irritated throughout the day, hindi ko alam kung dahil saan or dahil kanino. Basta ang alam ko naiinis ako.

Next chapter