2 Start: Lasing

"ANO MAGANDA NA BA AKO?" Tanong ko kay Olivia after niya akong lagyan ng lipstick.

Pinakatitigan ko ang sarili ko sa salamin.

Smokey eyes, eyebrows on fleek, and red lipstick. Yes, full glam indeed!

Syempre hindi rin papatalo ang suot kong red velvet bodycon dress na mas lalong nakahubog sa kurba kong katawan.

Nang bumaling sila sakin ay tiningnan nila ako mula ulo hanggang paa.

"Sienna, you look amazing!" Eksaheradang sabi ni Olivia.

"Girl, maganda ka na kahit walang make-up. But look at you, parang ikaw pa iyong may birthday ngayon," dagdag pa ni Zoey.

Napaarko ang kilay ko sa kanilang dalawa sabay ngiti na mas lalong nagpa-emphasize sa facial features ko.

Liv and Zoe are my bestfriends. But at the same time sila rin ang ultimate critics ko. Kaya kapag sinabi nilang maganda ako, naniniwala talaga ako.

"Thank you, girls! Alam niyo naman, kailangan ako dapat ang pinakamagandang babae na makikita ni Dean ngayon gabi." Confident kong sabi.

Tonight is Dean's 22st birthday. At wala akong choice kundi magpaganda ngayon.

Dean Chavez is the president of Business-Ad Student Council. Panigurado bukod sa mga kaibigan at kakilala niya ay maraming mga CBA girls ang aaligid sa kanya at ako lang dapat ang mangibabaw sa paningin ni Dean.

"For sure, mas lalong mai-inlove si Dean pag nakita ka niya. Mark my words, girl!" Ani Zoe saka tumayo at lumapit sa akin.

"And for sure, hindi matatapos ang gabing ito na hindi ka niya maisasayaw." Sang-ayon naman ni Liv.

Mas lalo pang lumapad ang ngiti ko sa sinabi ni Liv. Iniisip ko palang ang mangyayaring first kiss namin ni Dean ay kinikilig na ko. Paano pa kaya kapag nangyari talaga iyon?

"So, what are you waiting for? Let's go, girls!" Excited na yaya ko sa kanila.

***

PAGDATING NAMIN sa club house ay nagsisimula na ang party. May nagsasayawan at nag-iinuman na. Maingay na rin ang buong paligid.

Agad na hinanap ng mga mata ko si Dean. Sa di kalayuan ay nakita ko siya sa bar area kasama ang mga kaibigan niya. Hinintay ko muna ang mga babaeng nakapaligid kay Dean bago kami lumapit sa kanya.

"Hi, Dean. Happy birthday!" Masigla kong bati sa kanya sabay bigay ng regalo ko. "Here's my gift."

Isang customized Sheaffer vintage fountain pen na may naka-carved na name ni Dean. Thanks to his mom at inalam ko ang gusto niyang regalo sa birthday.

We're family friends. So having a connection is an advantage.

After batiin nila Liv and Zoe si Dean ay agad sila nagpaalam para kumuha ng drinks. Alam nila na kailangan namin magsolo ni Dean.

"Thank you, Sienna. By the way, you look great tonight." Ani Dean na mapansin niya ang itsura ko.

Hindi ko mapigilan na hindi kiligin sa sinabi ni Dean. He complimented me!

I just toyed my lower lip just to hide my kilig. But I can't.

"Dean's right. But I think, you'll look more beautiful without makeup on." Mabilis na napalingon ako sa lalaking nagsalita.

Bigla nawala ang ngiti sa mga labi ko nang makilala ko kung sino.

Si Gael Monteverde, bestfriend ni Dean at vice-president ng CBA-Student Council. Kilala bilang sikat na University Scholar.

I know him because we're in the same year, in the same course. Business Management like Dean. Ahead lang si Dean samin ng one year. Bukod doon wala na kong alam pa tungkol kay Gael.

Lumapit siya kay Dean at inakbayan ito. Pagkatapos ay tipid siyang ngumiti sa akin na para bang wala lang sa kanya ang sinabi niya.

Lihim ako napairap sa hangin. What's with this guy again?

Hindi ko alam kung compliment ba o insulto ang matatawag ko sa sinabi ni Gael. Pero isa lang ang alam ko, gusto na naman niya ako asarin katulad na lagi niyang ginagawa sa tuwing lalapit ako kay Dean.

"Really? Thanks! But I like to wear make-up. That's why!" May sarkasmo na sagot ko sa kanya at pasimpleng inirapan siya.

Pero ang loko ngumiti lang na parang aso. Sabay inom ng cocktail. Hindi ko nalang siya pinansin pa.

"So, Dean, you wanna dance?" Yaya ko kay Dean sabay abrisete sa kanya.

I know I was too vocal about my feelings for Dean. Kaya bakit pa ba ako mahihiya na ipakita sa lahat na gusto ko si Dean, lalong-lalo na kay Gael.

"U-uh, yes of -" Bago pa makahuma ng isasagot si Dean ay pinigilan agad siya ni Gael.

"Dean, dumating na sila Alec. Hinahanap ka!" Agap ni Gael sa kaibigan.

"Sien, pupuntahan ko lang sila Alec sa kabilang table." Paalam ni Dean sa akin.

Bigla nawala ang ngiti sa mga labi ko.

"But... How about our dance?" Nag-aalangan kong tanong sa kanya.

Napansin kong napatingin si Dean kay Gael na para bang naghahanap ng isasagot sa kaibigan bago siya tumingin sa akin.

"Hmm, we'll dance later, 'kay?" Tugon niya sa akin sabay hawak sa kamay ko.

Kung hindi lang ako naiinis ngayon. Siguro kinilig na ko sa ginawa niyang paghawak sa kamay ko. Aba! Minsan lang niya ko hawakan sa kamay. And it was so warm to hold on to.

Tumango akong sumagot sa kanya, "Okay, I understand."

"Thanks, Sien!" Aniya at mabilis na binitawan ang kamay ko.

"Halika na, bro!" Aya na ni Gael sabay tapik sa balikat ng kaibigan.

Hindi ko maiwasan tingnan ng masama si Gael ng magtama ang mga mata namin.

Nang dahil sa kanya nabulilyaso lahat ang mga plano ko sa gabing ito kasama si Dean.

"Just enjoy the party, Sienna!" May sarkasmo na sabi niya.

Tinaasan ko siya ng kilay pero ang mokong mukhang nang-iinis pa. Well, congrats to him nagawa niyang sirain ang gabi ko.

Halos isang oras na ang nakakalipas simula nang huli kami nag-usap ni Dean. At hanggang ngayon hindi pa rin ako matuloy-tuloy ang sayaw namin.

Sumimsim pa ako ng panibagong wine habang hindi maalis ang tingin ko kay Dean sa di kalayuan na masaya nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan niya.

I bitterly smiled.

Mukhang wala na siyang balak pansinin ako. And I have to do something about it!

"Easy, girl! Lasing ka na!" Ani Zoe nang pigilin niya ako uminom muli.

"I'm not drunk, okay?" Sagot ko at lumagok muli ng wine.

"But you are!" Liv said.

"Just a little bit tipsy. Look, I'm going to dance with Dean." Tugon ko sabay tayo sa kinauupuan ko at naglakad papunta sa kinaroroonan ni Dean.

"Wait, Sienna!" Rinig kong sigaw ng mga friends ko pero hindi ko pinansin.

Sa totoo lang medyo nahihilo na ko. Pinipilit ko lang na okay ako dahil ayoko isipin ng mga kaibigan ko na lasing talaga ako.

Medyo pagewang-gewang na ko maglakad kaya hindi ko napansin na may nabangga ako. Dahilan para ma-out of balance ako pero naramdaman ko nalang na may brasong humaklit sa bewang ko at sinalo ako mula sa pagkatumba.

Shit! Lasing na talaga ako.

Umangat ako ng tingin at medyo nagulat ako na makita na si Gael pala iyon.

"Oh! Gael, I'm sorry. Medyo nahilo lang ako." Dahilan ko at napahawak pa ko sa ulo na pumipitik na sa sobrang sakit at hilo. Pero hindi siya sumagot.

Pinakatitigan niya lang ako na para bang hindi siya kumbinsido sa sinabi ko. Medyo nailang tuloy ako.

"Anyways, I need to talk to Dean. Busy pa ba siya. You know..." Patuloy ko pang sabi.

"You're drunk." Aniya.

"No, I'm not. Look I can stand. Still."

"Lasing ka na. Mas magandang umuwi ka na. Nasaan ang mga kaibigan mo?" Kahit lasing ako ay naramdaman ko ang biglang paghawak niya sa bewang ko.

"H-hindi nga sabi ako lasing! Saka bitawan mo nga ako!" Angil ko na parang bata na nagta-tantrum. Pero imbis na bitawan niya ako mas lalo pa niya hinigpitan ang bewang ko.

Hindi pa siya nakuntento hinaklit pa niya ang braso ko para pigilan ako sa paghampas sa dibdib niya.

"Dammit!" Narinig kong mura niya.

Mas lalo tuloy uminit ang ulo ko sa kanya. Pakialamero talaga!

"Bitawan mo nga ko sabi! N-nanantsing ka na eh!"

"Will you stop talking nonsense, Sienna? Dadalhin na kita sa mga kaibigan mo bago ka pa magwala." Mariin na sabi niya sakin.

Mas lalo humigpit ang hawak niya sa braso ko nang subukan niyang hatakin ako. Pero nagmatigas ako.

"Ayoko nga! Ano ba bitiwan mo ko! Kakausapin ko pa si Dean!"

Shit! Lasing na talaga ako. Ni hindi ko na alam ang ginagawa ko.

"Sienna! Oh my gosh, what are you doing?" Narinig kong sabi ni Liv kasama si Zoe.

Lumapit silang dalawa sa akin.

"Lasing ka na Sien. Uuwi na tayo,okay?" Zoe said, I think.

"Mabuti pang iuwi niyo na ang kaibigan niyo bago pa siya gumawa ng iskandalo dito." Sang-ayon naman ni Gael.

Naramdam kong inalalayan ako ng dalawa kong kaibigan sa magkabilang bisig ko para alalayan ako.

"No! Ayoko pa! Magsasayaw pa kami ni Dean. Dean! Let's dance! Dean!" Pagwawala ko.

"Oh my goodnes! Sien, don't make a scene. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao."

Hindi ko alam kung sino sa mga kaibigan ko ang nagsasalita. Ang alam ko lang ay bigla nalang umikot ang mundo ko.

Nagulat ako nang bigla may poncho pilato na bumuhat sakin at sinampa sa balikat niya na parang sako.

"Hey you! Saan mo ko dadalhin!" Bulyaw ko. Pinaghahampas-hampas ko ang likod niya.

"I will drive you home. Where's your key?"

***

This story is not edited. So please, bear with me.

Just don't forget to vote and comment. Thanks!

Follow me on Wattpad @JaqArsane

avataravatar