2 Chapter 1

Mainit ang pakiramdam ko nang magising ako. May mga sinag na rin ng araw na nakatakas mula sa bintana kaya alam kong tanghali na. Wala naman akong gagawin na kahit ano kaya hindi ako kaagad bumangon. Umahon na lamang ako mula sa kama nang makarinig ako mga malalakas at magkakasunod na katok sa pinto ng kwarto ko.

"Evie," anang boses ng lalaki sa kabila ng mga dingding ng kwarto. Kilala ko ang boses na iyon at hinding-hindi ako magkakamali sa narinig ko-alam kong boses iyon ni Joachim. "Evie, lumabas ka d'yan, kausapin mo ako," dagdag pa nito.

Ilang sandali akong natulala sa kawalan at walang kamalay-malay na naiyak. Oo, masaya ako na nandito ulit si Joachim pero hindi pa rin nawawala 'yong sakit na nararamdaman ko nang iniwan niya ako. Hanggang ngayon, masakit pa rin.

Para ngang gusto kong tumawa habang paulit-ulit kong naalala yung sinabi niya na kausapin mo ako. Nakakatawa lang. Sa kanya na kasi mismo nanggaling na wala na kaming dapat pag-usapan noong gabing iniwan niya ako sa bar isang linggo ang nakalilipas.

F L A S H B A C K

"Evie, halika na, umuwi na tayo. Nand'yan na 'yong binilinan ni Daddy sunduin tayo," anyaya ng isa sa mga kaibigan ko na kasama ko sa bar, si Lana.

Actually, ayaw talaga ng mga kaibigan ko na tumungi doon sa bar noong gabing 'yon. Pumayag lang sila dahil alam nila at naiintindihan nila kung bakit gusto kong maglasing-they know how broken I was that night. And that night, wala akong ibang ninais kundi maglunod sa alak at makalimot.

Ni hindi ko nga alam kung ano 'yong mga alak na ibinibigay sa akin ng bartender, e. Tanggap lang ako nang tanggap at inom lang din ako nang inom. Ang alam ko lang, vodka ang una kong hiningi na inumin pero hindi ko na rin namalayan kung ano 'yong mga nainom ko pa matapos akong tamaan.

"No, Lana, I'm fine. Iwan niyo na lang ako rito." Pautal-utal ko pang saad. "Kung hindi niyo ako kayang iwan, tawagan niyo si Joachim. Papuntahin niyo siya dito at siya ang pasamahin ninyo sa akin. Sabihin niyo sa kanya 'tong pagkawasak ko."

I was broken and it's effin' obvious. Ang aking ina na lang ang natitirang kasama ko sa buhay (aside for my boyfriend, Joachim) kaya ganito ang pagkawasak ko noong namatay siya.

I almost laughed at myself after a series of talks. Wala naman kasi akong kausap.

Hindi ko na alam kung saan nanggaling 'yong mga salita na pinakawalan ko noong gabing 'yon. Ang tanging naaalala ko lang ay kung paano ko hinanap si Joachim (to atleast comfort me) pero wala siya-pinabayaan niya ako mag-isa. Mabuti na lang at may mga kaibigan akong nand'yan kaso aalis na din sila-iiwan na din ako.

"Lana, tara na!" Narinig kong sigaw noong lalaki na sumusundo sa amin, family driver siguro nila Lana. Nasa main entrance siya ng bar at nakatanaw sa amin. "Kung ayaw umuwi n'yan, iwan niyo na lang d'yan!"

Hindi ko na alam kung ano pa ang sakit na dapat kong maramdaman. Bakit ba kasi lahat na lang ng tao, ayaw sa akin? Lahat sila, isinusuka ako.

"Sige na, Lana. Sumama na kayo at umuwi na. Malalim na ang gabi. Iwan niyo na lang ako." Sabi ko sabay bigay kay Lana ng isang wala-namang-nagmamahal-sa'kin look. "Salamat sa pagsama sa akin."

Yumuko na lang ako sa counter at napailing sa mga nangyayari. Ano na nga ba kasi ang nangyayari? Ano na'ng nangyayari sa akin?

"Evie?" Hindi siguradong tanong ng boses ng lalaki na palapit sa akin. I tried to open my eyes but my sight was spinning. I couldn't recognize anyone. Dancing lights, smokes and a legion of people were all I could see.

Nawala na ako sa sarili ko nang marinig ko 'yong boses na 'yon. Hindi ko na nakilala ang boses at hindi ko na rin makita nang malinaw kung sino iyon pero nakakasiguro akong si Joachim 'yon, sa paraan pa lang ng paghawak niya sa baywang ko.

"Sabihin mo nga, Joachim, mahal mo pa ba ako?" Naiiyak kong tanong sa balik sa pagkakayuko.

Inangat niys ang ulo ko at iniharap sa kanya. Alam kong si Joachim na nga iyon pero hindi ko pa rin makita ang mukha niya dahil sa dilim.

Sumagot naman siya. "Oo naman, Evie." I can feel the unsureness in his voice. Pareho na lang kaming nabigla sa susunod na nangyari. I held the both sides of his face and kissed him although me myself was still unsure of everything. Dala na rin siguro ng pagkalasing.

I felt the strangeness of his kisses. I couldn't feel the same feels of his kisses before.

Tuluyan pa kaming nagsagutan ng mga halik habang ang ibang mga tao ay halos mabali na ang leeg sa amin. Nagpalit kami ng puwesto-siya na ang nakasandal sa counter at ako naman ang nasa kabilang banda.

Patuloy kami sa aming paghahalikan.

Nagulat na lang ako nang may humatak sa akin mula sa aking likuran. "What do you think are you doing, Evie?" Tanong nito. Doon na ako tuluyang bumalik sa ulirat na tila ba sa isang iglap ay nawala ang pagkalasing ko.

"Joachim?" Nagtataka kong tanong. Lumingon pa ako sa likod ko para tignan 'yong lalaki na kahalikan ko pero wala na siya. Oh, God! Ang alam ko talaga ay si Joachim iyon.

"Ako nga, Evie. So, how are you going to explain this? Saka anong ginagawa mo rito? Hindi ba't ang sabi ko sa 'yo ay doon ka lang sa apartment mo?" Natahimik ako at noong mga panahon na 'yon, tila unti-unting nawawala ang alak sa sistema ko.

"Wait, Joachim, I can explain!"

"No, I'm leaving." Malamig niyang tugon bago maglakad palayo. Lumingon din naman siya pabalik sa akin nang magsalita ulit ako.

"Wait, Joachim, mag-usap tayo! Magpapaliwanag ako, please!" Pagmamakaawa ko habang hindi pa rin makaalis sa kinatatayuan. I couldn't just let the only one I have go and leave. I can't afford to lose another one. Siya na lang ang mayro'n ako.

Nagmukha akong kaawa-awa pero hindi na muli akong pinansin ni Joachim. "Wala na tayong pag-uusapan," sabi pa niya bago tuluyang maglakad papaalis.

Iniwan na niya akong mag-isa. Tulala lang ako, hindi makapag-isip nang maayos, at tila hindi pa nagsi-sink in sa akin iyong mga nangyayari. I can't remember the happenings after. Nagising na lang ako na nasa apartment ko na (without even know who brought me home).

Mula noong araw na 'yon, hindi na nagpakita sa akin si Joachim. Tinapos na niya kung anuman 'yong namamagitan sa aming dalawa.

 E N D   O F   F L A S H B A C K

Padabog akong lumabas mula sa aking kwarto. Sa sala na agad aki dumiretso at doon ko naabutan si Joachim na nakaupo at nakasalo ang mga kamay sa nakayukong ulo nito.

"What brings you here?" Bungad ko sa kanya. "Sa pagkakatanda ko, sinabi mo na wala na tayong dapat pag-usa-"

"It's not about us," pagputol niya sa mga dapat na sasabihin ko pa.

Natahimik kaming dalawa. Nag-iisip na ako. Ano pa nga bang pag-uusapan namjn? Tinapos na niya lahat noong iniwan niya ako sa bar. Ano pa ba?

"What are we going to talk about, then?" Tanong ko sabay upo sa kabilang sofa. Tanging center table at mainit na hangin na lang ang namamagitan sa amin.

"I lost my job at wala akong naitatabing pera para sa sarili ko," panimula niya na ikinatawa ko naman.

"It's none of my business, I think? Sa tingin mo ba ay matutulungan ka ng isang katulad ko na wala ring pera?" Natatawa ko pang sabi. Totoo naman, e. Wala naman akong maitutulong sa kanya.

"And you think hihingi ako ng tulong sa 'yo?" He then laughed much louder than how I did. "Remember the 350,000 pesos I gave to you for your Mom's hospital bill? Iyon ang kailangan ko."

Nagtitigan kaming dalawa habang paulit-ulit namang umiikot sa utak ko 'yong sinabi niya. Naalala ko pa 'yong gabing ibinigay niya iyong sa akin at nangako ako na babayaran ko rin tapos tumanggi siya. Nagpaumilit naman ako.

I should've just said "thank you" ko na sinabing babayaran ko, knowing that he's still my boyfriend that time.

"Uhm, Evie, hindi naman sa sinisingil kita. May io-offer akong trabaho sa 'yo bilang kabayaran. Not unless you can give me the money back."

Noong time na 'yon, napaisip ako na baka nababaliw na siya. Hanapan ba naman ako ng napakalaking pera. Kahit ibigay ko 'yong napagbentahan ng bahay namin, kulang na kulang pa. Saka malaking parte ng no'n ang naibigay ko sa may-ari ng apartment na tinutuluyan ko. Two years advance na kasi ang ibinigay ko tapos inilagak ko sa bangko 'yong natira.

"S'yempre tatanggapin ko 'yong trabaho. Saang impyerno naman ako hahanap ng ganoong pera na ibabayad sa 'yo?" Umirap ako at nag-iwas ng tingin.

Ilang minuto kaming nagtitigan. Napansin ko, kanina pa, ang malaking pagbabago sa kanya. Una, his treatment, sweet siya dat at hindi siya dating ganyan. (Hello, ate, wala namang 'kayo'!) Isa pa 'yong mga mata niya, they are not readable as they were before. He became more cold and more mysterious. Joachim, the badboy, just got badder.

"What is the job?"

Hindi agad siya sumagot. Yumuko lang siya kaya napaikot ang mata ko. Dahan-dahan akong tumayo. I moved as silent as possible so he would not be able to notice me. Agad ko siyang kinurot (kagaya noong ginagawa ko sa kanya noong kami pa, pero seryosong kurot this time).

"Araaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaay!"

Napangiti ako. "I said, what is the job?!"

Hinimas-himas pa niya ang kanyang braso na kinurot ko. Nasaktan talaga siguro siya sa dahil hindi na iyon kagaya noong mga dati kong kurot sa kanya na kaharutan lang. Nalapnos pa nga yata ang balat niya.

"Be my slave," biglang sabi niya.

avataravatar