webnovel

PROLOGUE

"P-PLEASE, LET her go. Ginawa ko na ang lahat nang gusto niyo. S-Sinira ko na ang Titanium…" mangiyak-ngiyak na pagmamakaawa ni Webster Feriera sa hindi kilalang lalaki. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ito makilala at mabosesan. Tingin niya ay gumagamit ito ng gadget para doon at para hindi rin ito basta ma-trace. Sinubukan niya iyong gawin pero naging bigo siya. He was a physicist. Alam niya ang pasikot-sikot sa siyensya. Hindi na bago sa kanya ang paghanap ng paraan para malusutan ang isang bagay.

          "Are you sure?" malamig na tanong ng lalaki. Kasing lamig na yata ito ng yelo. This man was heartless. How could he ask him to do something so cruel?

          Webster and his team worked their asses off to finish Titanium. Limang taon ang ginugol niya para mabuo iyon kasama ang ilang scientist. Sa edad na treinta, masasabi na niyang mayroon na siyang napatunayan.

Titanium was his idea. Isa iyon titanium casket kung saan mahihiga ang isang taong mayroong edad na. Isasara iyon para isagawa ang proseso. Gamit ang mga programs at naka-install na multipart system, mababata ng ten years ang taong nasa loob. It was 100% accurate. Nai-test na nila iyon at maganda ang naging resulta.

Mula pagkabata ay pangarap na ni Webster ang magkaroon ng sariling imbensyon. Kaya sobrang tuwa niya nang mangyari iyon.

Agad siyang nag-propose at tinanggap naman iyon ni Skylar. Both of them were so happy and excited. Ginusto nilang ipaalam iyon sa ama ni Skylar. Sa araw na pupuntahan nila ito ay bigla silang hinarang ng mga armadong kalalakihan. Matapos siyang pukpukin ng baril sa ulo at nawalan nang malay, nagising na lang siyang wala na si Skylar. Bago pa niya nagawang makapagsumbong, agad na siyang natawagan ng mga kidnappers na huwag magkakamaling mag-report sa mga pulis. Isang maling kilos, papatayin ito!

He was so damn angry but at the same time, he was scared too. Sobrang takot siya sa kalagayan ni Skylar kaya sumunod siya. Lalong parang pinipiga ang puso niya nang marinig ang nagmamakaawang boses ni Skylar sa kabilang linya. Kung puwede lang sumugod at pagsasapakin ang mga taong iyon ay ginawa na niya. But it was too unfortunate. He couldn't do that. Damn it!

After two days, tumawag ulit ang hindi kilalang lalaki at inutusan siyang sirain ang Titanium. He must destroy every blueprint and backup copies. Doon siya na-puzzle. Bakit sa lahat ng bagay na puwedeng hilingin ay iyon pa? Bakit hindi na lang siya hingan? Bakit pinanggigilan ang imbensyon niya?

And he didn't even dare to say no. Masakit man sa kalooban ay sinira niya ang pinaghirapan. Walang ibang mas mahalaga kundi si Skylar. He could make another invention. Hindi niya iyon magagawa kung si Skylar ang mawawala.

          "Yes! D-Do you want some proof? I-I can send some pictures." nanginginig na saad ni Webster. Pawisan at luhaan na.

          "Sige. Gawin mo. Iwan mo ang copy ng litrato sa isang basurahan sa tapat ng Aguinalde Academy. You have one hour to do that." utos nito.

          "Wait! Wait! L-Let me hear Skylar. Please—shit! God damn it!" tarantang bulalas ni Webster nang busy tone na lang ang narinig. Wala siyang ibang nagawa kundi mapahagulgol na lang sa sobrang takot at galit.

          God, he missed Skylar so damn much. Sobra na siyang nagaalala. Pinakakain kaya ito nang maayos? Inaalagaan? Ah! He didn't know! Kaya kailangan na niyang kumilos para makauwi na agad si Skylar.

          Agad na niyang nilitratuhan ang Titanium na wasak. Binalewala niya ang pagod, puyat at gutom. Nang matapos ay pina-develop niya ang mga pictures at iniwanan iyon sa basurahan. Tumawag ulit ang kidnapper na umalis agad siya roon at maghintay sa bahay. Doon niya ulit hintayin ang susunod nitong instruction.

          Napilitang sumunod si Webster. Pakiramdam niya ay pinaglalaruan siya nito pero sa kabila noon ay nagdasal siya na sana ay maging maayos na ang lahat. Awang-awa na siya kay Skylar. Dahil sa kanya ay nadamay ito.

          Hindi mapakali si Webster pagdating sa bahay. Oras ulit ang binilang niya bago tumawag ang mga kidnappers.

          "Open your TV." utos nito.

          Sa nanginginig na kamay ay tumalima siya. Napalunok siya nang tumambad ang palabas. Kita niya sa screen si Skylar. Nakapiring ito. Nakaupo at nakatali ang mga kamay at paa. Iyak ito nang iyak. Tingin ni Webster ay agad nai-set up ang video at connections sa bahay niya kaninang umalis siya. Dahil doon ay masasabi niyang mahusay sa paglalaro ng technology ang kidnapper. Possible naman iyon kung kasing husay niya ito. At alam ni Webster na sa mundong iyon ay hindi siya nagiisa. Marami ring computer geeks sa Pilipinas.

          "G-Ginawa ko na ang lahat kaya utang na loob… p-pakawalan ninyo siya…" lumuluhang pagmamakaawa ni Webster at hinang napaluhod sa harapan ng TV.

          Nahigit ni Webster ang hininga nang huminga lang nang malalim ang lalaki sa kabilang linya at nakita niyang mayroong naglakad sa tabi ni Skylar. Naka-all black ito, gloves, mask at bonnet. Hindi kita ang mukha nito. Kumabog ang dibdib ni Webster nang iniangat nito ang kamay saka tinutukan ng baril sa ulo si Skylar. Nagiiyak ang babae nang maramdaman nito ang dulo ng gatilyo sa sentido.

          "N-No!" tarantang awat niya. Halos mabaliw siya nang sandaling iyon.

          "She saw my face. She must die." malamig nitong sagot na yumanig ng husto sa buong katinuan ni Webster.

          Luhaang umiling si Webster. Takot na takot. "Nagmamakaawa ako… sabihin mo kung ano ang gusto mo… g-gagawin ko b-basta h-huwag mo lang siyang saktan…"

          "You did great. Thank you and—"

          "Ako na lang! Kunin mo na lang ako at pakawalan si Skylar! Wala siyang kasalanan dito!" hysterical niyang putol sa sinasabi ng kidnapper.

          "But I want to kill her too." anito at nakakalokong tumawa. Pakiramdam tuloy ni Webster ay isang demonyo ang naririnig niyang humahalakhak. Hindi gawain ng matinong tao iyon! This man was sick!

          "W-What?" hindi makapaniwalang tanong ni Webster at humigit ang hawak niya sa cellphone. "Who the hell are you? Why are you doing this?!"

          "Simple. I hate you and this woman." malamig nitong saad at tuluyan siyang nakarinig ng putok ng baril. Napaigtad si Webster. Parang tumalon palabas ng bungo niya ang utak dahil sa pagkabigla!

          Bumagsak sa sahig si Skylar na parang isang lantang gulay. Duguan ang ulo. Napasigaw na lang si Webster sa sobrang takot at pagkayanig. Pakiramdam niya ay kasama siyang namatay ni Skylar ng oras na iyon.

          "Skylaaaaaaaaaaar!" sigaw ni Webster at napahagulgol na lang sa harapan ng TV. Saglit siyang nawala sa katinuan. He didn't know what to do and what to think. Losing her made his sanity vanish…

          "Skylar…" luhaang anas ni Webster nang makita ang picture nito sa side table niya. Agad niya iyong kinuha at niyakap. He cried again and again. His heart was breaking still. Nagsisisi siya na sana, may nagawa para rito. O kung bibigyan man siya ng isa pang pagkakataon ay babaguhin niya ang mga nangyari…

Biglang natigilan si Webster sa naisip. Tama. Bakit hindi niya subukang baguhin iyon? Matalino siya. He could do something about it. He will make everything possible for Skylar!

Dahil sa nabuong idea ay naikuyom ni Webster ang kamao. Sana, magtagumpay siya sa gagawing proseso…

Next chapter