1 SIR, YES, SIR!

"ALYSSA!" 

Agad akong nagpalinga-linga sa paligid para hanapin 'yong taong tumawag sa pangalan ko. Pero, putspa! Blurred lahat ng mga mukhang nakikita ko! Hindi ko tuloy alam kung saan sa mga estudyanteng dumadaan 'yung bestfriend kong si Meryll. Alam ko na namang siya 'yong tumawag sa'kin e. Kabisado ko na kaya ang boses ng babaitang iyon. 

"BOO!" 

"Ay! Anak ka ng negrong tilapia!" halos mapatalon at napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang gulat. "Ano ka ba naman, Meryll!" Hinampas ko sya ng malakas sa braso, pero tinawanan nya lang lalo ako. 

"Hahaha! Sootin mo nga 'yang salamin mo! Ang labo na ng mata mo eh!" sabi nya, na talaga namang feel na feel ang pagtawa. 'Yung nakahawak pa talaga sa tyan? Ngumuso lang ako at tinignan sya ng masama. 

"Ayoko nga! Kung gusto mo ikaw na'ng magsuot nitong-" bago ko pa maipagpatuloy ang sinasabi ko, naramdaman kong may kung sino ang kumalabit sa balikat ko. Napalingon ako sa likuran ko at nakita ang isang babaeng parang inip na inip na habang hawak-hawak ang isang plastic ng softdrinks sa kanang kamay niya. Itinaas nya ito ng kaonti para ipakita sa akin. 

"Bibilhin mo pa ba ito, ate?" medyo naiiritang sabi niya na. Napanganga tuloy ako nang may naalala. 

"Ah! Oo nga pala!" kumuha ako ng eight pesos at iniabot iyon kay ateng tindera. Nakalimutan kong bumibili nga pala ako! Ito kasing Meryll na 'to e! "Ito pong bayad. Sorry." 

Pumasok na kami ng school pagkakuha ko ng binili kong softdrinks kay ate. Ayun, tinatawanan pa rin ako ni Meryll. Aba, malay ko ba dyan sa bruhildang 'yan! Nababaliw na yata. 

Sakto, pagkapasok namin ng gate, nagulat na lang ako nang bigla na lang tumayo ng tuwid si Meryll. Kinalabit ako saglit ni Me at binulungan. 

"Si Sir Louis!" aniya.

Agad akong naalarma, ngunit mas lalo naman ang puso ko. Tumayo agad kami ng tuwid upang magbigay galang sa kanya at sa mga kasama nyang officer din. 

Kakaiba talaga sya. Kakaiba 'yung epekto nya at ang nararamdaman ko 'pag nandyan sya. Siguro dahil medyo takot ako sa seryosong aura nya. Siya kasi yung captain sa C.A.T, at ang captain sa puso ko. (Oo, ang corny n'on, alam ko. -__-") 

Literal na bumibilis ang pagtibok ng puso ko habang dumadaan siya sa harapan ko. Mula dito sa pwesto ko ay amoy na amoy ko ang pabango nyang hindi masakit sa ilong katulad ng sa iba. Para bang naging slow motion ang lahat, lalo na n'ong saglit syang lumingon at tumingin sa akin. Para akong tangang natulala na lang doon bigla. Medyo nanlaki pa ang mga mata ko na para bang hindi makapaniwala. 

Shit! Totoo ba yon?! 

Oo malabo ang mata ko pero tumingin sya diba?! Diba?! Tinignan nya ako! OMG! Saglit nga lang pero atleast tumingin sya! Wah! Saglit lang 'yon pero pakiramdam ko e, nanlalambot na naman ang mga tuhod ko kagaya parin ng dati. Pakiramdam ko, kinukulang nanaman ako ng oxygen. Nakahinga lang siguro ako ng maluwag n'ong nakalampas na sila.

"Tsk. tsk. tsk." bumalik sa earth ang utak ko at agad na napalingon sa umiiling na si Meryll. "Amin amin din kasi ng feelings 'pag may time. 18 years old ka na kaya 'wag nang magpaka-16, okay?" ngumisi sya. 

Kinagat ko ang labi ko, habang pinagpapatuloy na namin ni Me ang paglalakad. Bumuntong-hininga ako, kasi naisip ko na tama sya. "Next time na lang siguro. 'Pag napansin na nya ako." sagot ko. 

"Bahala ka. Pero sa tingin ko kasi wala nang next time," aniya na ikinakunot ng noo ko. "Uunahan ka na ng iba dyan sa pag-amin. Baka maunahan ka nya. Dahil sya, kahit pakiramdam nya hindi rin sya napapansin ng taong gusto nya, go pa rin. Atleast susubukan nya." 

"Eh?" tumigil ako saglit sa paglalakad. "Sino naman 'yun? May gusto din kay Louis?" tanong ko, pero nagkibit-balikat lang sya at ngumiti, saka nauna na sa paglalakad. 

Bestfriend ko po si Meryll. Pero may time lang talaga na di ko sya ma-gets.

Nakabalik na rin kami ng classroom pagkatapos n'on. Hindi pa naman kami late kasi 1pm pa naman yung klase namin. Tuwing lunch kasi e, umuuwi pa ako at tsaka si Meryll sa bahay namin. Malapit lang naman kasi yung mga bahay namin mula dito sa school eh. 

Total 12:30pm pa lang naman, sumama na rin ako kay Me n'ong niyaya nya ako na tumambay muna sa corridor katapat ng room namin. Pero ayaw ko sanang tumambay sa corridor. Maingay kasi, tapos madami pang dumadaang C.A.T Officer. Madalas hindi ko sila mamukhaan kasi malabo ang mata ko, kaya minsan di ako nabibigyan ng merits. 

"OMG!!!" may pagka-exag sa sobrang lakas na sabi ng isang estudyanteng taga-Grade 12-Silver din tulad ko---inshort, classmate ko, na tumatambay din sa corridor. Napatingin tuloy ako sa kanya. "Tignan nyo yung pinost ni Louis sa facebook!" 

"POST NI LOUIS?" sigaw, as in sigaw talaga ha, ni Abigail, isa rin sa kaklase ko. "PATINGIN NGA NG POST NI LOUIS!" 

Napakunot-noo ako. Ano ba naman 'tong mga 'to! Parang nasa outer space yung kausap eh! 

Pero teka... Louis daw?! 

Parang bigla na lang na-hook 'yung tenga ko dahil d'on sa pinag-uusapan nila, pero umacting ako na parang wala lang, kahit kating-kati na akong kunin ang phone ko. 

"Asus, kunwari pang walang pake yung isa dyan." biglang singit ni Meryll sa pananahimik ko. Tinignan ko sya ng napakasama. 

"What?" painosenteng sabi nya habang nakangisi. Ginantihan nya rin ang pagtitig ko, na ang hindi alam ng iba e, nagsasabunutan na kami nyan sa mga utak namin. Pero katulad ng dati, sa huli, ako rin ang sumuko. 

"Fine!" may pagkairitang sabi ko after ng mahaba naming pagtititigan. 

Tumawa sya. "Curious ka rin naman pala eh! Hahaha!" 

"Whatever!" nilabas ko rin 'yung phone ko at nag-fb. Bahala na kahit asarin pa ako ng Me na 'yan! Amp! Tinignan ko kaagad 'yong post daw ni Louis. Mabuti na lang at may libreng wifi. 

Louis Cervantes·8 minutes ago 

Tell me that you love me, please. 

31 Likes·20 comments 

Kinlick ko 'yong mga comments at puro mga salitang 'I love you' o di kaya e, 'I <3 U' Blah blah blah.

Wah! Seryoso?! 

"Mag-I love you ka na rin kase!" halos mapatalon ako nang nagsalita si Me. "Ang bagal mo naman! Tignan mo oh! Inunahan ka na ng iba!" dugtong pa nya. 

"Aba't! Pano mong--" di pa ako tapos sa pagsasalita nang sumingit ulit sya at tinapat sa mukha ko ang phone nya. 

"Tingin mo? Cp mo lang may facebook?!" panunumbat ng bruha. 

Inirapan ko na lang sya, cp ko na lang ang hinarap ko. "K. Fine." sabi ko. 

At nagtype na nga ako sa comment box: "Sir, I love you, sir!" 

Kinilig ako ng hindi oras. Pakiramdam ko kasi, nagtapat na ako sa kanya na parang hindi. Ayos na rin 'to, atleast hindi ako nareject! Kase, siguro naman, hindi nya na mapapansin ang I Love You ko? Sa dinami-rami ba naman ng nag-I love you sa kanya e, diba? Hay. Ok na 'to, basta nasabi ko sa kanya kahit sa comment lang na, mahal ko sya kahit hindi niya alam. 

Napanguso ako sa sarili kong inisip. Oo, ako na nga ang dakilang takot mareject! 

Pagka-comment ko ay agad na nag-load ang page, pero nagulat ako nang bigla kong nakita ang salitang 'Edited' sa history ng post niya. 

Literal na nanlaki ang mga mata ko at halos isubsob ko na 'yong mukha ko sa screen ng phone ko. 

--- 

Louis Cervantes·11 minutes ago 

Tell me that you love me, and I will hate you back. 

50 Likes·31 comments·Edited 

---- 

"WHAT THE?!" magrereact na sana ako n'on dahil sa nabasa ko nang bigla na lang nag-vibrate ang phone ko. Muntik ko na tuloy mabitawan dahil sa gulat! Buti na lang nasalo ko kaagad! Sino ba 'yong pesteng tumatawag? 

Agad kong tinignan 'yong caller ID, at sa ikalawang pagkakataon ay nanlaki nanaman ang mga mata at bibig ko, kasabay ang napakalakas na pagkalabog ng dibdib ko. 

Bebe Louis calling... 

"Oh my gosh! Oh my gosh! Oh my gosh!" tuloy tuloy na utas ko. 

Pano niya nalaman ang number ko?! Oo ako, alam ko ang number niya dahil stalker-este-admirer nya ako! Pero kahit kailan, hindi ko sya tinetext! Pero pano nya nalaman ang number ko?! 

Huminga muna ako ng napaka-lalim, kase pakiramdam ko nawawalan nanaman ako ng oxygen, saka ko pinindot 'yung answer button.

"H-hello?" kinakabahang sabi ko. Pinikit ko yung mata ko sa kilig kase excited akong marinig ang boses nya. Pero napadilat din ako agad nang wala akong narinig na iba kundi ang isang buntong-hininga. Hindi ko alam pero dahil lang d'on, parang napuno ng mga paru-paro ang tyan ko. Grabe. Mala-alien talaga ang epekto nya sa'kin. Kahit sa simpleng pagbuntong-hininga nya pa lang, pakiramdam ko e, mahihimatay na ang puso ko. 

"Ah, h-hello?" pag-uulit ko nang wala paring nagsasalita. Patuloy pa rin sa pagkalabog ang puso ko, hanggang sa may narinig rin akong nagsalita sa wakas! 

"Where are you?" aniya, na lalong gumambala sa mga internal organs ko. Oh my gosh! Tinatanong nya kung nasan ako! 

Huminga ulit ako ng napakalalim bago nagsalita. "A-ah, s-sino ka po?" tanong ko sabay napakagat ng labi. Sh1t! 

Sige lang, Alyssa. Magpanggap kang hindi mo sya kilala. Huhuhu! Malay mo naman kasi, nagkamali lang sya ng number na tinawagan diba! Tama yan, mahirap na sa panahon ngayon ang mag-assume. 

"Tss!" narinig kong utas nya. Hala! Nagalit yata sya! Narinig ko rin sa kabilang linya ang mga kaluskos, ibig sabihin, naglalakad sya. 

"H-hello po, k-kuya-" 

"It's me, Louis, okay? Where are you?" aniya na parang naiinis na. Nanatili akong tahimik doon, samantalang bumuntong-hininga muli sya. "Just stay there, Alyssa. Just stay where you are." 

Saka ko narinig ang end call tone. Napanganga ako ng hindi oras habang nagpoproseso sa utak ko ang mga nangyayari. 

Alyssa. Alyssa daw diba? I-ibig sabihin? 

"Nandito ka lang pala," halos himatayin ako sa gulat dahil don sa nagsalita sa likuran ko. Agad akong napatingin dito at halos mataranta ang buong pagkatao ko pagkakita ko sa kanya. Dahil sa hindi ko alam ang gagawin ko, automatic na tumayo na lang ako ng tuwid at nag-chin up, kagaya ng palagi naming ginagawa 'pag nakikita sya. 

"Sir!" sabi ko, na ikinakunot ng noo niya. Napatingin ako sa gawi nila Meryll, ng iba pang mga kaklase ko sa 12-Silver, at mga kaklase ni Louis sa 12-Gold. Lahat sila puro mga nakangiti sa isang tabi.

Teka.... 

Sa isang tabi? 

Bigla akong may napansin. At dahil d'on ay nanlaki ang mga mata ko. 

Oh my God! 

Bakit ako lang ang nakatayo ng tuwid dito sa harap ni Louis! Bakit nasa gitna kaming dalawa ng maraming tao! Bakit?! Live show ba 'to?! Huhuhu! 

"So, you want to play that game, huh?" napa-lunok laway akong tumingin sa lalaki sa harapan ko. Nag-cross arms siya kaya natakpan ang salitang 'C.A.T Officer' na nakatatak sa Tshirt niya. Pakiramdam ko e, mapapanganga ako ng di oras! Wah! Bakit ba naman kasi ang gwapo gwapo niya kahit simpleng Tshirt at pantalon lang ang soot niya! Oh tukso, please lumayo ka! Baka ma-rape ko ang lalaking ito ng di oras!

"S-sir? Pardon?" nagtatanong na sabi ko habang inaalis sa utak ko ang kaberdehan. Nag-smirk siya, kaya naman mas lalo akong kinabahan. 

"Miss Kim, HANDARAP!" sigaw niya sakin sa tonong puno ng autoridad, kaya naman tumayo lalo ako ng tuwid kahit na natataranta ako sa sigaw niya. Siya ang captain sa mga officer, sino bang hindi matataranta? 

"Now," nagpabalik-balik sya ng lakad sa harapan ko habang nakalagay sa likuran yung dalawa nyang kamay. "Tatanungin kita, Miss Kim. And I woudn't take a NO as an answer. Is that clear? SPEAK!" 

"S-sir, yes, sir!" matigas na sagot ko. Ngumisi siya lalo na para bang nasisiyahan siya sa pinaggagawa niya saken. Halos makipagkarera na sa kabayo ang puso ko nang tumigil siya sa harapan ko at tinitigan ako sa mata. Ang lapit nya, at parang matutunaw ako pag tinitignan nya ako ng ganito. Pakiramdam ko ay namumuo na ang pawis sa noo ko at uminit ang pisngi ko. Sh1t! 'Wag mo 'kang ganyan Louis! 

"Gusto mo ba ako Miss Kim?" sabi niya pagkatapos ng mahaba nyang pagtitig, na talaga namang sobrang ikinalaki ng mata ko at sobrang ikinabilis ng tibok ng puso ko. Ilang beses siguro na nagbuka at nagsara ang bibig ko dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. "SPEAK!" 

"S-sir..." Paano niyang nalaman iyon? Tumingin ulit ako kina Meryll. Nakangiting nag-OK sign sya sakin. Sabi ko na nga ba may alam yung babaitang 'yon e.

"I'll repeat, Miss Kim. Gusto mo ba ako?" nataranta ako nung tinanong nya ulit yon. Kaya naman, wah! Grabe! Bahala na! 

"S-sir, no, sir!" sagot ko pagkatapos ay napangiwi. Nakita ko kasing kumunot ang noo niya at kumuyom ang perpekto niyang panga pagkatapos ay umiwas ng tingin sakin. Lumakas pa lalo ang tibok ng puso ko habang tinitignan sya. Parang nagalit yata? Ewan! 

Nahalata niya kayang nagsisinungaling ako? 

"I said, I woudn't take a NO as an answer, but..." bumuntong-hininga siya. 

Nakita ko rin ang parang panghihinayang ng mga taong nanonood sa amin na ngayon ko lang napansing dumami na pala. Para bang may alam sila dito, at ako lang yung hindi ready sa nangyayaring ito. 

"I think I heard enough. Hindi mo nga ako gusto. Siguro nga nag-assume lang ako sa kinomment mo kanina sa post ko. Pero, gusto ko lang sabihin na..." tumingin sya sakin saka tipid na ngumiti. Malumanay na yung boses nya. "Mahal kita. But don't need to love me back. Don't worry, hindi naman kita bibigyan ng sanction. Sige na, tiwalag." 

Pagkatapos ay tumalikod na siya at naglakad palayo. Naiwan ako doong nakatulala habang nagpoproseso sa utak ko lahat ng nangyari. 

Totoo ba 'yung narinig ko? 

Mahal nya ako. 

Mahal nya ako. 

Mahal nya ako. 

At mahal ko sya, dati pa. TAMA! 

Tinignan ko ang papalayong likod ni Louis. Malayo na siya. Hindi! Ayokong maging katulad pa rin ng dati, nung sa tuwing nagpapractice kami sa C.A.T, ay nasa unahan sya at nasa hulihan ako. Ayoko kapag lumalayo sya, kasi lumalabo sya sa paningin ko. Ayoko nun. At hindi na mangyayari yon. 

"LOUIS!" pagtawag ko sa kanya. Tumigil sya at lumingon sakin kaya tumakbo ako palapit sa kanya. Ngayon, naaaninag ko na ulit yung mukha niya. "Este, sir Louis pala." tumawa ako. 

"Bakit?" nakakunot-noong tanong niya. Ngumiti ako at humugot ng oxygen. Kaya ko 'to! 

"A-ah kasi," kinagat ko ang labi ko. Sh1t! Nakakakaba palang umamin? Dapat pala nagpraktis muna ako ng sasabihin ko. Pero wala nang oras para d'on. Go for the gold! Mahal ka niya, Alyssa! Wag ka nang mag-inarte pa!

"Alyssa?" tanong niya kaya itinikom ko ang bibig ko. Pakiramdam ko e, uminit ang pisngi ko. Badtrip! Nakita nya pa akong nakanganga! Wah! 

"A-ah ano, kase... s-sorry." tumungo ako at pinaglaruan ang mga kuko ko. "S-sorry kasi ano, hindi kita gusto." 

Nginitian nya lang ako ng malungkot. "Don't need to. I understand." 

Ngumiti ako. Ngumiti rin sya at aakmang tatalikod. Pero bago mangyari 'yon ay itinuloy ko na ang kanina ko pang gustong sabihin. 

"Hindi kita gusto, sir. Hindi kita gusto dahil mahal kita. Dati pa." nakangiting pag-uulit ko. Sinabi ko na. Baka mamaya umalis pa e! 

Nakita ko ang pagliwanag na aura niya, kasabay ng hiyawan ng mga estudyante sa paligid namin. Pero hindi ko marinig ang ingay na iyon dahil kaming dalawa lang ni Louis ang nakikita ko. Mata niya lang ang tinitigan ko, at tibok ng puso ko lang ang naririnig ko. Sa eighteen years kong pag-eexist sa mundo, ngayon ko lang yata naramdaman ang ganito. 

"Pakiulit nga 'yung sinabi mo? Hindi ko kasi narinig e." Tumawa sya ng mahina nang ngumuso ako. Nang-aasar pa kase sya >__< 

"Did you love me too, Alyssa?" he asked once again so I smiled and nodded. 

"Sir, yes, sir!" I answered back. 

"Miss Kim, because of that, I want you to come closer," utos niyang pang-officer. Parang nagdiriwang ang mga paru-paro sa tyan ko nang makita ko ang ngiti niya. Kung noon, takot ako sa ma-autoridad nyang boses, ngayon parang musika na ito sa pandinig ko. 

Humakbang ako ng isa, kagaya ng pinag-uutos niya. Pero humalukipkip lang siya at mataman akong tinitigan sa mga mata ko. 

"No. Closer." humakbang muli ako hanggang sa maging isang hakbang na lang ang pagitan namin. Makulit ko syang nginitian nang kumunot na ang noo niya. "I said much closer, Alyssa." 

Pagkahakbang ko palapit sa kanya e, pinadausdos niya ang kamay niya sa beywang ko at hinapit pa ako lalo. Uminit tuloy ng husto ang mukha ko habang tinititigan ko sya sa mata. Ngayon lang kasi siya naging ganito kalapit sakin. Near sighted ako, kaya naman kitang-kita ko ang gwapo niyang mukha ngayong napakalapit nya.

"Don't you know that I always want you this near?" nakangiting sabi nya. Hindi ko tuloy maiwasang kiligin. "Pero pinahirapan mo pa ako kanina. Dahil d'on bibigyan kita ng sanction." 

Medyo lumayo ako para magreklamo. Sunction?! Pagi-skwat-in pa nya ako dito?! 

"Huh?! Anong sunction naman?" 

Ngumisi siya at pinulupot ulit ang kamay sa waist ko saka nya inilapit ang bibig nya sa tenga ko para may ibulong. Medyo nakiliti ako. 

"Don't worry. It's very simple." sagot nya. "Just give me a five-second kiss." Kumunot ang noo ko dahil don. 

"What? May reklamo ka ba?" Kahit kailan talaga e, napakagwapo nya kahit kunot na kunot yung noo niya. Pero gusto ko muna syang asarin kaya ako naman yung ngumisi. 

"Sir, yes, sir!" sagot ko. "Bakit five seconds kiss pa? We can always make it like, a minute or two." pabirong sabi ko. 

Ginantihan niya ang pag-ngisi ko at mas lalo pa niyang hinapit ang beywang ko palapit sa kanya. Langhap na langhap ko ngayon ang pabango nyang dati-rati ay naaamoy ko lang sa tuwing dumaraan sya sa harapan ko. Ang sarap isipin na ngayon e, halos kayakap ko na sya. 

"As you wished." bulong niya. Naramdaman ko ang lalong pagbilis ng tibok ng puso ko at magkahalong kilig at kaba ang naramdaman ko nung lalo nyang nilapit ang mukha nya sakin. Joke lang yung sinabi ko kanina pero mukha yatang... 

"Let's make it three, then." ngumisi muli sya saka siniil ng matamis na halik ang labi ko.

avataravatar