webnovel

Chapter 45

Nagising muli ako nang may naramdaman akong kiliti sa tiyan ko. Lumiyab kaagad ang katawan ko nang nakita ko si Ximi na marahang hinahalikan ang tiyan ko.

"Ximi..." sambit ko. Pinipigilan ko ang sariling 'wag gumawa ng ingay.

Bawat haplos ng kanyang labi ay parang gaas na mas lalong nagpapaliyab sa nag-iinit kong katawan. He kissed my belly like there was a life on it.

He traveled his hand from my waist up to my chest. He cupped my breast and played them gently.

Umakyat ang kanyang labi papunta sa taas. He kissed my neck at binaba nang kaonti ang damit ko. Napakagat naman ako ng labi sa kakaibang sensasyon na pinaparamdam niya sa 'kin.

"Good morning, babe," he said while kissing my collarbone. "How's it?"

Tinignan niya ako nang nakangisi. Uminit naman ang pisngi ko. Agang aga may mangyayari na naman sa 'min!

"Ximi," sambit ko. Tumitibok na ang pagitan ng hita ko.

Ximi smiled and tucked my hair behind my ear. Iyong ngiting walang halong panloloko at pagsisinungaling.

"I can't wait to live with you, babe," he said and kissed my forehead. Nasasanay na talaga ako sa ginagawa niya. "Tanggapin mo na ulit ang singsing."

Kinunutan ko siya ng noo. "Na sa 'yo pa rin ba?"

He chuckled. "Of course. Bigay ko sa 'yo 'yon, 'di ba?"

Nakaramdam ako ng pait sa lalamunan ko. I remembered how I tried to give him back the ring kahit ayaw niya. At dahil wala siyang balak kunin iyon ay tinapon ko sa paanan niya.

"It's okay, babe," he said and kissed my forehead again. "Will you be my wife again?"

"Again?" I contorted my face at him. "... 'di mo naman ako naging asawa."

"Ouch," he feigned a hurt. Ang cute niyang ngumuso. "Ang sakit mo talaga magsalita."

"Excuse me?" Tinulak ko siya sa dibdib kaya humalakhak siya. Napatunganga naman ako sa ginawa niya.

He was so happy, I can say. Masaya siya sa piling ko. Kaya bakit ko pa siya papakawalan kung I can make him happier with me? Sa 'kin nalang siya kung ganoon.

I knocked off from my trance when I felt a soft lips pressed against mine, so as his hand on my belly. Dahan dahan niyang ibinaba ang suot kong short at ikinawit ko naman ang braso ko sa kanyang likod.

"I'll make you love me harder, babe... sa paraang alam ko." He said under my skin. Maya maya pa ay ipinasok niya ang kanya sa pigitan ng hita ko.

Nang natapos kami sa usual routine ay napagdesisyunan naming mag-ayos ng sarili bago lumabas ng room. We made sure walang makakakita sa amin na natulog sa iisang kwarto. Masyadong mapanghusga ang mga taong nasa paligid namin, lalo na ang mga pinsan ko at maging si Herana. Kapag 'yon nagsuspetsiya, 'di ka niya titigilan.

Ximi and I parted our ways dahil sabi niya kailangan niyang mag-ayos ng gamit. Nagpresenta akong tumulong but he insisted na 'wag na. 'Di na rin ako nakipag-away kasi alam kong mauuwi ulit kami sa usual routine naming dalawa. Nakakailan na sa 'kin ang kumag na 'yon pero 'di pa rin nagsasawa. Sobrang agresibo pa rin ng katawan pagdating sa bakbakan.

"I thought uuwi ka talaga nang maaga kahapon," Moffet commented.

Nasa baybayin kami, nanonood ng mga taong nagsusurf. Mukhang mga nag-eenjoy ang mga tao rito dahil sa laki ng ngiti sa mukha.

"I changed my mind," simple kong sabi.

"Was it because of Ximi?"

Napatingin ako nang diretso sa kanya. Ang kanyang mata ay kumikinang sa lungkot. Nag-iwas ulit ako ng tingin at bumaling sa malalaking alon.

"I have talked to him yesterday and..." I trailed off. Parang ayaw kong i-kwento sa kanya ang tungkol sa 'min ni Ximi.

"Kayo ba?" He asked, making me gape at him. Umiling ako at nag-iwas ng tingin.

"Hindi. I can't label it."

"But you love him?"

Marahan akong tumango. "Oo."

Yes, I do love him. Sobra pa nga siguro, e. Ewan ko kung gaano kalalim but I know I do love him.

"That explains why you were crying yesterday at halos patayin ang sarili."

"No!" Tutol ko kaagad at napalingon sa kanya. Medyo tumaas ang boses na ikinabigla niya. "I mean, no. I didn't plan on killing myself just because I'm broke."

"I see," mapanuri niyang sabi. "... but atleast you two are fine now."

"May alam ka ba sa nangyari?"

I was wondering if after all these things, Moffet knew what was going on. Siyempre kaibigan niya si Ximi. Nagkukwentuhan sila tungkol sa ganap sa buhay nila.

"Maybe?" Half question, he was unsure. "Ximi just explained to me what happened nang nagkaroon siya ng time."

"Anong sabi?"

Hindi kaagad siya sumagot. Mukhang nag-iisip siya ng sasabihin niya. I can say he was trying to be careful with his words.

"Hindi totoo na sila ni Patricia. They just have to pretend lalo na kapag sa harap ng ex ni Pat."

"Bakit naman kailangang humantong sa ganoon?" I asked curiously.

E kung mahal naman ni Pat 'yong ex niya at mahal din siya ng lalaki, bakit hindi nalang sila magkabalikan?

"Hindi ko rin alam, Luca. Wala ako sa lugar para magsalita."

Right. He was right. At mabuti nalang na ganoon siya mag-isip. Unlike the others, gusto laging alam ang lahat. Panay sa tanong, panay sa kwento na 'di naman totoo.

"Mahal naman siguro nila ang isa't isa?" I asked, tunog umaasa.

"Siguro," nagkibit-balikat siya. "... but sometimes it's enough that you love the person from afar rather than you're hurting yourself by staying near. The nearer you are, the greater the damage."

Natahimik ako sa sinabi niya. Habang tumatagal na kausap ko si Moffet, mas lalong lumalalim 'yong pinaghuhugutan niya. Gusto kong tanungin anong status ng buhay niya but I thought it's out of my business. Kung ano man ang pinagdadaanan niya, sana ay makayanan niyang malagpasan iyon.

"So... that only means retreat?" Pagkaklaro ko.

Paano kung maisipan niyang sumuko sa babaeng mahal niya? Paano kung isang araw, magigising nalang siya na 'di na niya mahal iyon?

"Stay," simple niyang sabi pero maraming ibig sabihin para sa 'kin 'yon.

If he'll stay, will it be worth it? If he'll leave, would he regret it?

Nagpaalam na ako kay Moffet na bumalik na sa loob. Mukha namang kailangan niyang mapag-isa dahil hindi naman siya kumontra. He let me leave him.

Nang nasa lobby ako ng hotel ay nakita ko si Patricia na kasama sila Ivy at Eunicel. It was a surprise to see them here. Bakit kaya? At kumusta na 'yong pagpapanggap nilang magjowa sila ni Ximi?

Nang nahagip ako ng tingin ni Pat ay nawala ang ngiti sa kanyang labi. I gave her a small smile at tumalikod na. Sa ngayon, 'di ko pa siya kayang harapin. 'Di ko kasi alam kung ano 'yong puwedeng mangyari kapag nagkausap kami.

"Luca, saglit!" Rinig kong tawag niya. Huminto ako sa paglalakad pero 'di siya nilingon. "Wait lang!"

Umaalingawngaw ang tunog ng kanyang takong sa buong paligid. Sa sandali pa'y tumayo siya sa harap ko.

"Sorry, Luca," she said apologetically. Kinunutan ko naman siya ng noo.

"Pat,"

"Sorry kung nasira ko kayo ni Ximi."

Nakatingin lang ako sa kanya. I was having a hard time to choose the right word as my reply.

Alam na niya ang tungkol sa 'min ni Ximi? Paano at kailan pa?

"Kailangan ko kasi ng tulong ni Ximi, Luca." She added. Ang boses at mukha ay nagsusumamo. "Siya lang kasi ang alam kong makakatulong tutal kaibigan ko na siya at willing naman siyang tumulong."

"A-Anong ginawa niyo?" I swallowed hard. Although Ximi and I were both fine, limitado lang ang alam ko sa nangyari.

Huminga nang malalim si Pat na para bang nahihirapan sa sitwasyon.

"Ganito kasi 'yan... matagal na kaming wala ng ex ko kasi niloko na naman ako. Paulit ulit nalang. Then nang nalaman niyang nagkamabutihan kami ni Ximi,"

"Niligawan ka ba niya?" Singit ko.

Gusto ko talagang malaman kung niligawan ba siya ni Ximi. Gusto kong manggaling ang sagot mula kay Pat kasi pakiramdam ko siya lang talaga ang makakatuldok ng tanong na iyon.

"We're friends, Luca. Sweet lang talaga siya. Siguro akala niyo na nililigawan niya ako kasi nga kailangan naming magpanggap."

Naglihis ako ng tingin. Nabablanko ako sa impormasyong pumapasok sa isip ko. Nalito na naman ako imbes na malinawagan.

"Siyempre 'di naman niya puwedeng sabihin na kunwari lang 'yon para nga mas effective 'yong pagpapanggap namin."

"Pero nahulog ba ang loob mo sa kanya?" Agap kong tanong.

It's so impossible na 'di mahuhulog ang loob niya kay Ximi. Alam ko kasi sa sarili ko na boyfriend material si Ximi.

"Siguro? 'Di ko alam." Nagkibit balikat siya. "Mabait naman si Ximi, Luca. Maybe I like him but I love someone else."

"Pero bakit 'di mo pinagbigyan?"

Huminga siya nang malalim. Siguro nga 'di madali ang pinagdadaanan niya pagdating sa pag-ibig. Kasi kung ako ang nasa kalagayan niya na paulit-ulit na niloloko, I would cut everything off between me and the man I loved. Kahit mahirap; kahit masakit.

Mahirap namang huminga sa hanging binibigay niya kung alam mo sa sarili mo na may halong dumi iyon. Mahirap matulog habang iniisip mong in any moment he might leave you. Na malaman mong niloloko ka na naman niya. Habang siya ay nagpapakasaya sa iba, ikaw ay nalulugmok sa sakit dahil sa ginawa niya.

And you will end up questioning your worth, your value. Kasi kung sapat ka, bakit pa naghanap ng iba? Kung mahalaga ka, bakit kailangang may kahati? At kung mahal ka, bakit ka pinagpalit sa iba?

"Ayoko na, Luca." Nabasag ang boses niya. "Tama na 'yong umiyak ako ng ilang beses dahil sa kanya."

Inalo ko siya. I hugged her tight while rubbing her back. Naaawa ako sa kalagayan ng kanyang puso. Kung sa 'kin nangyari 'yon, 'di ko alam kung anong gagawin ko. 'Di ko alam kung paano bumangon at magsimula muli sa umpisa.

"Sorry, Luca..." she whispered. I rubbed her back to shush her down.

"Okay na sa 'kin 'yon, Pat. I understand." I assured her. "Siguro nabigla lang ako nang nalaman kong girlfriend ka niya kasi he proposed to me the last night."

Bigla siyang lumayo mula sa 'kin. Mas lalo siyang umiyak sa 'di ko malamang dahilan.

"Hala 'di ko alam, Luca," umiiling siya. Basa na ang kanyang mukha dahil sa luha. "... 'di ko alam na engaged na kayo."

"It's fine, Pat." I smiled. "Kalimutan mo na 'yong nangyari. Basta ay ipangako mo sa 'kin na magiging okay ka rin sa tamang panahon."

"L-Luca," her voice broke. Niyakap niya ulit ako at ganoon din ang ginawa ko. "Sorry talaga."

"Shsh." I shushed her down. She didn't need to say sorry kasi alam ko namang 'di niya ginusto ang nangyari. Okay na rin naman sa 'kin na alam ko na ang totoo. 'Yon naman ang pinakamahalaga sa 'kin. Ayokong ako nalang ang walang alam.

Matapos ang ganoong drama ay nagpaalam na siya sa 'kin. Uuwi na raw siya at magpapakalayo. She needed time to heal her heart. Naiintindihan kong ganoon ang gusto niyang mangyari. Dapat lang iyon para mabuo niya ulit ang kanyang sarili.

We packed up our belongings and we had our breakfast together. Si Tam ay sa kabisera na katabi ang asawa, na si Moffet ang nasa harap. Si Moffet naman ay katabi si Morthena. Sa tapat ng babae ay si Herana na ang katabi ay ako at si Ximi sa kabila ko.

"Sana magkikita pa rin tayo." Biglang sabi ni Herana. Lahat kami ay napatingin sa kanya. "Siyempre busy na kayo sa mga buhay niyo at baka bilang nalang ang reunion natin like this. I hope we guys will stay friends. Ang hirap kaya mapag-iwanan."

"Oo naman," Atifa assured. "We'll stay connected. And malay niyo, mahahanap niyo rin ang taong para sa inyo. Just be patient. 'Di naman nagmamadali ang pag-ibig."

Wow. Gusto kong matawa sa sinabi niya. Kaya pala gustong gusto na matali kay Tam kasi 'di raw nagmamadali ang love.

Minsan, mahirap intindihin si Atifa. O baka ako lang 'yong slow dito kasi baguhan pa?

"What about you Morthena?" Atifa asked. "Kailan mo balak magpakasal?"

"'Di na." Morthena grimaced. "Marriage is for weaklings."

"What do you mean?" Tanong ni Moffet sa magkasalubong na kilay. To think magkatabi lang sila, kailangan pang gumilid ni Moffet para lang maharap ang pinsan ko.

"Alam niyo, 'di naman importante ang kasal." Panimula niya. "Para lang naman 'yan sa mga taong gusto ng assurance na 'di na makakawala 'yong taong mahal mo sa 'yo. But biblically speaking, sagrado ang kasal kaya kung magsama kayo, dapat may basbas ng langit."

Isa rin 'tong babeng 'to. 'Di ko rin maintindihan. Ang hirap pala kapag wala kang alam sa mga bagay bagay. Mapag-iiwanan ka.

"Nasasabi mo lang 'yan 'cause maybe you're not in love." Si Atifa. Nagbago ang ekspresyon sa mukha. Baka 'di nagustuhan ang sinabi ng pinsan niya.

"Maybe," kibit-balikat ni Morthena. 'Di nalang ako nagsalita pa.

Pagkatapos naming kumain ay nilabas na namin ang mga gamit. I forgot to remind myself na nakauwi na sila lola at lolo kahapon pa. Baka si Ximi nalang ang maghahatid sa akin pauwi.

"Thank you so much, guys!" Nakangiting wika ni Atifa. Nakakabit ang kanyang kamay sa braso ng asawa.

"Walang anuman!" Sagot namin.

Nakakatuwa nang makitang nakangiti ang mag-asawa, lalo na si Atifa na lumiliwanag ang mukha kapag nakangiti. Ang swerte talaga niya dahil si Tam ang napangasawa niya. Tam seemed so nice. Basta 'di ko madescribe bakit gustong gusto ko siya for Atifa.

"We wish you all the best, Atifa." Nakangiti kong sabi sa kanya. Lahat sila ay tinignan nang may ngiti sa mukha. "Sana ay stay strong lang kayo no matter what. 'Wag na 'wag niyo ng pakawalan ang isa't isa."

"Salamat, Luca." Atifa smiled sweetly at me. Ang kanyang mata'y kumikinang sa tuwa. "Ikaw din, sana matagpuan mo na 'yong taong para sa 'yo."

"Nandyan lang 'yan sa tabi tabi," singit ni Herana at siniko si Moffet. Natawa naman kami.

It was a good farewell. Minsan pala hindi masama ang goodbye. Where's the good in goodbye? It's how it ended. If both parties are willing to set free, hindi 'yon masakit. In case of Atifa, malaya na siya. She doesn't need anyone's approval unless it's from her parents. Alam na niya ang kanyang ginagawa.

We parted our ways nang may ngiti sa labi. 'Di ko masasabing kailan muli ang pagkikita namin. If our paths will collide again, I hope we're all grown up.

"Ximi?" Tawag ko sa nagmamanehong Ximi. Kanina pa kasi siya tahimik. Nakakakaba 'yong ugali niya. Kapag pinagmamasdan ko, imbes na basahin 'yong nasa isip niya, I'll end up ogling at him. Sarap niyang pagmasdan bagaman alam kong may bumabagabag sa kanya.

"Yes, babe?" He replied and took a quick glance at me. Nakatuon lang ang atensyon niya sa daan kahit 'di naman traffic. He was like trying to avoid my eyes.

"Can you drop me at cemetery?" I asked.

Matagal ko ng gustong bumisita sa puntod nila Mama at Papa but I was having a hectic schedule lalo na nang pinaghahandaan pa lang namin ang kasal ni Atifa. At ngayong libre na ako ay tutuparin ko na 'yong pangako ko sa sarili ko.

"Sure, babe. Saan ba?" He glanced at me.

I just smiled at him. I was lucky to have him in my life. If that's the case, siya ang unang lalaking ipapakilala ko sa yumao kong mga magulang.

Next chapter