webnovel

Chapter 24

Naalimpungatan ako nang may mahinang tumapik sa pisngi ko. Marahan kong binuksan ang mata ko at ang una kong nakita ay si Ximi na matamang nakatingin sa akin.

"We're here, Luca." Aniya. Nagkusot naman ako ng mata. I lost my senses. Nakaidlip pala ako sa gitna ng biyahe.

"What we're here?" I asked. Lumingon ako sa labas ng kotse at napagtantong nasa terminal kami ng eroplano.

Ximi laughed softly. "Anong oras ka ba natulog kagabi at mukhang puyat ka na naman?"

"Ewan ko nga eh." Umupo ako nang maayos. "Excited kasi masyado."

"Excited of what?"

I glanced at him na ngayo'y seryoso ang mukha. Ngumiti siya saka kumalas mula sa seatbelt.

"Hurry up. Baka maiwan tayo ng eroplano."

"Don't we have a private plane?" I asked. Sana naman meron para makatulog ako roon. Para kasing 'di sapat ang tulog ko.

"None. Gonna fly with airline company."

Humikab ako at nag-unat ng katawan. Naramdaman ko namang nagugutom na ako.

"'Di ka ba gutom?" Tanong ko sa kanya na mukhang nabigla.

"What about you? You want me to order some foods?"

"Kung meron sana. May JB ba?"

Puwede namang magtake out siguro. Ganoon ang ginagawa ko minsan pagkauwi ko mula sa trabaho.

"Sige, maghahanap ako. Makakahintay ka naman siguro?"

"Yeah," tipid akong tumango. "I'll be fine around. Bilisan mo ha?" Ngumisi ako. Umismid naman siya.

We both decided to get out from the car. Kinuha niya 'yong mga gamit namin sa likod. Dapat pala si manong nalang nagdrive para sa amin. Saan naman iiwan itong sasakyan?

Minsan 'di rin nag-iisip 'tong si Ximi, eh.

"Mauna na ako, Ximi." Sabi ko. "Maghanap ka nalang ng makakain natin. Nagugutom na talaga ako."

"What do you want to eat?"

"Anything, basta nakakabusog."

"Chicken? Fries? Spaghetti?" He scrunched his brows.

Bumungisngis ako sa linyang iyon. Para siyang timang na 'di alam anong gagawin o 'di makapagdecide.

"Sige, bilhin mo na lahat ng sinabi mo." I said between a laugh. "Nakakahiya naman kung pahihirapan pa kita."

"Buti naisip mo 'yan." He joked. Pabiro naman akong umirap.

"Sige na. Alis ka na bago pa magbago isip ko."

"No." Matigas niyang ingles. "I won't leave you here like this. Let's go." He dragged our things bago pa ako makapalag. Nasa ibabaw ng maleta ko iyong bag niya.

Napatanong ako sa sarili kung bakit kaonti lang ang dala niyang gamit. But then again, taga-Bukidnon pala ang kumag na 'to kaya 'di ko na kailangang magtaka.

Nasa akin ang mga ticket namin. Pagpasok namin sa loob ay dumaan kami sa isang machine na magchecheck sa katawan namin. Iyong maleta naman ay ipinagulong sa makina. Definitely the authories were checking our things, too.

Nang naging maayos ang proseso ay nakuha na namin ang maleta. Dahil nakasapatos kami ni Ximi ay kailangan naming hubarin iyon at nilagay sa isang blue na lagayan at pinagulong kasama sa maleta namin. I can say maganda ang ideya ng mga tao rito. Mahirap na kung may makatakas na ilegal na bagay.

"I'll be fine here, Ximi." Sabi ko nang nasuot ko na ang sapatos. 'Di pa kasi umaalis, eh, nagugutom na nga ako.

"Aalis lang ako kapag nasiguro kong nasa mabuting kalagayan ka na, Luca." Pagmamatigas niya.

"O, sige 'wag ka ng umalis. May pagkain doon sa loob." Suko ko. Kahit kailan talaga 'tong si Ximi.

"Good." Tipid niyang sagot.

Pumila kami sa number 12 na section. Pero bago iyon ay kinuha niya ang ticket namin. Maraming tao ang nandirito kaya mahaba ang pila.

"Tss," pagmumuktol ko. Nagugutom na talaga ako.

Nilingon ko si Ximi na ngayo'y nakatalikod mula sa akin. His back was tempting me. It's either gusto ko siyang yakapin o sapakin.

Nilibot ko nalang ng tingin ang buong paligid. Summer na kasi kaya maraming tao ang umuuwi sa probinsya o bumibisita sa iba't ibang lugar. May iilang turista rito, mapuputi at maiitim o tanned skin. Matatangos ang mga ilong. They were talking to each other with their mother tongue languages but mostly was English.

"Luca," someone called. Nabigla ako nang naramdaman ko ang mainit na kamay sa balat ko. I abruptly turned to that person at si Ximi lang pala. "Why?" Nagtaka siya sa reaksyon ko.

Pinagdikitan ko siya ng kilay at hinawi ang kanyang kamay.

"W-Wala." Matigas kong sagot. "Matagal pa ba?"

"Gutom ka na ba?"

"'Di ba obvious?" Ay naku, Ximi. "Dapat pala nagbaon tayo ng biskwit. Masyado ka kasing mapilit sa gusto mo."

"Do you really want me to leave you here alone?"

"I'm not alone. OA mo."

Bumuntong hininga siya, parang suko na sa'kin.

"Fine, but I'll be back as soon as I can. I can't just leave you here. Baka 'di mo alam ang gagawin."

"Wow," I shot. "Nagyabang ka pa talaga, ha? Sige na. Alis ka na."

"Okay. But if you need me-"

"Oo na. Sige na." Pagtataboy ko. Wala siyang nagawa kung 'di ang iwan ako rito.

Umalis na siya pero 'di pa rin umuusad ang pila. Ang tagal naman masyado. 'Di ko alam kung alin ang nakakaaberya. Kung 'yong babae ba roon o sadyang mahabang proseso na naman 'yang pagchecheck ng mga papeles. Ang alam ko kasi ay kukuha lang ng boarding pass.

Sa wakas ay malapit na ako sa babaeng empleyado rito. Nakahinga na ako kahit papaano nang maluwang. Kanina pa ako naiinip to think nagugutom na ako.

'Di pa rin bumabalik si Ximi. Wala namang problema rito kaya ayos lang kahit 'wag na siya bumalik. Joke.

Nakaalis na iyong nauna sa akin kaya pinagulong ko ang maleta sa unahan. May ibinigay ako sa kanyang papel na tinanggap naman niya kaagad.

"May bagahe po ba, ma'am?" She asked politely.

"Yes." Tipid kong sagot.

"Sige po. Pakilagay nalang po rito." Itinuro niya kung saan ko ilalagay iyong maleta. Tinimbang pa iyon at 'di naman umabot sa 20 kilos. "Kasama po 'yang bag, ma'am?"

"No," isang lalaki ang sumagot. Muling kumabog ang puso ko sa 'di maipaliwanag na dahilan. "I'll carry it."

"Okay, sir." The staff smiled sweetly. I can't say nagpapacute siya sa kasamahan ko kasi kahit ako ay ngingitian ko ang customer ko.

Ximi pulled me closer to him. Naamoy ko iyong pabango niya. Akala ko anong gagawin niya. Pinausog niya lang pala ako while giving me the bag of food. I was having a hard time to breathe when I felt his hand once again. Nakakapanghina.

Si Ximi na ang kumuha ng boarding pass naming dalawa samantalang ako ay kumakain ng burger. Ang dami niyang binili, sa totoo lang 'di ko alam kung mauubos ko ba ito. O baka kakain din siya?

At kagaya ng sabi niya, he'll carry his bag. Mabuti naman kung ganoon.

Nang maayos na ang lahat ay tumulak na kami. Kagaya ng inasahan ko, may panibagong check na naman sa mga gamit namin. Nilagay ko sa loob ng kanyang bag ang pagkain para walang abala.

We removed our shoes once again at nilagay iyon sa lagayan ng gamit. Hassle kung tutuusin but I knew it was the least thing we could do. Sabi nga, mas mabuti na iyong sigurado at istrikto sa polisiya kesa sa wala.

Nang nasiguro ng awtoridad na wala kaming ebidensya ay sinuot muli namin ang mga sapatos namin. Chill lang si Ximi at 'di ko alam paano niya nagagawa iyon kasi kung ako ang tatanungin, talagang hassle 'yong proseso rito.

"You good?" He suddenly asked. Tumango naman ako silbing sagot.

"Ikaw? Kain na tayo."

Tumabi muna kami para 'di sagabal sa ibang pasahero. He opened his bag and I took out our food. Mas lalo akong nagutom sa amoy nito.

"We'll find a seat for the two of us." He said. Tumango lang ako. 'Di nagtagal ay nauna siyang maglakad.

Pagkarating namin sa waiting area ay halos malula ako sa dami ng tao. Ni halos wala akong makitang bakanteng upuan. Mabuti nalang at maya maya, may nagsisialisan na mga pasahero dahil dumating na iyong eroplano nila.

We settled down on a bench malapit sa unahan. Nakahinga ako nang maluwag. Eroplano nalang talaga ang kulang at makakauwi na kami sa Bukidnon. How I missed that place!

"Here," alok ko. Binigay ko sa kanya 'yong isang burger pero tinitigan niya lang ako. "What?" I scrunched my brows together.

"You eat that. You need it most."

"Ang dami kaya nito." Untag ko.

Tigdadalawang fries, spaghetti, burger and peach mango pie. Sino ang uubos nito?

"Ubusin mo 'yan para tumaba ka." Pagsusungit niya.

"Luh," sumimangot ako. Ano kayang problema ng lalaking 'to? Nag-away na naman ba sila ni Patricia? Ibang klase!

"Sige na. Here." Inabot ko muli sa kanya ang burger. "Or maybe you want spag, fries or peach mango pie?" I grinned. I honestly can't take all these stuffs.

He rolled his eyes and took the burger. Masungit niya akong tinignan habang binabalatan iyon. Ngumiti naman ako kahit nakakainis ang pag-uugali niya.

Relax, Luca. Isipin mo nalang na kaya mo kasama ang lalaking ito dahil sa negosyo.

He took a bite as he looked away. Napangiti ako roon. Alam ko namang gutom na rin siya but he was just holding himself.

Habang kumakain ako ng fries ay naalala ko bigla si Herana. Kailangan ko pala siyang sabihan kung nasaan ako ngayon! Baka susugod iyon sa bahay kung sakaling 'di ako mahagilap.

Kinapa ko ang bulsa ko at ganoon na lamang ang paglaki ng mata nang naalala kong nasa loob ng maleta ang cellphone ko. Napatampal kaagad ako sa noo ko.

Ano ba 'yan, Luca! Ngayon pa talaga nahiwalay sa'yo ang cellphone mo? Pambihira!

"Why?" Biglang tanong ng katabi ko. I grinned at him awkwardly.

"I forgot my phone." I sighed. Bad timing, Luca. "Can I... use your phone? Itetext ko lang si Herana, promise." Nagtaas ako ng palad. Umirap naman siya at umiling.

Bakit kaya ang sungit niya ngayon? Nakakalungkot na nakakainis.

He fished out his phone from his pocket. Lumawak kaagad ang labi ko. It meant he has a load!

He typed something on his phone. Medyo matagal iyon pero naghintay pa rin ako. Nakakahiya kung mamadaliin ko. Baka magbago ang isip. 'Di pa ako pahiramin.

"Here..." inabot niya sa akin iyon. "Ingatan mo 'to."

"Para namang sisirain ko cellphone mo." I snapped. Hawak niya pa rin iyon. Mukhang aayaw ibigay.

"Kahit na. 'Wag kang magpindot pindot ng kung ano ano baka makasira ka."

Kinuha ko ang cellphone. "Yes, sir." I replied in sarcasm at palihim na umirap. Arte naman nito.

Hinanap ko ang message app niyang kulay green. Kung may una akong napansin sa cellphone niya, kulay gray ito na makinang tignan dahil sa glitter-effect. Not to mention na magaan at manipis ito.

Pagkabukas ko ng app ay ang pangalan ni Moffet ang bumungad sa akin. Pinakauna kasi kaya 'yon ang una kong napansin. Isinantabi ko muna iyon. I have to text Herana.

To: Herana

Medyo nagulat pa ako nang nakasave na pala ang number ni Herana dito. At may iilang convo na pala sila.

Ako:

This is Luca, Herana. Be off to Bukidnon for business. Can't catch you up kasi nasa loob ng maleta ang phone ko. Txtback ;)

Pagkasend kong iyon ay saka ko lang nakita lahat ng convo nila. Gusto ko sanang basahin kaso wala ako sa lugar. Pribado iyong pag-uusap nila.

"Here," sabi ko at inabot sa kanya pabalik ang cellphone.

"Keep that first. I'm sure she'll reply." Kaswal niyang sagot. Pinagkibit balikat ko naman iyon.

Tumunganga muna ako sa kawalan habang naghihintay ng reply at ng eroplano. Matatagalan pa kaya kami rito?

The phone beeped, signalizing a message just arrived. I immediately read it.

Herana:

Kaya pala kanina pa ako tumatawag pero 'di mo sinasagot. Ingat ka ha? 'Di pa naman mapagkakatiwalaan 'yang kasama mo.

Natawa ako sa text na iyon. She sounded so bitter. Bakit kaya?

Nagtipa ulit ako ng reply, not minding the previous messages. Gusto kong basahin pero pinigilan ko ang sarili ko. Mali iyon. Ang pagpaalam ko ay magtetext ako kay Herana, hindi makikibasa ng past conversation.

Ako:

Yes po, madame. Chill ka lang. Uuwi naman ako after one week.

Pagkasend kong iyon ay nilingon ko si Ximi. Sakto namang nag-iwas siya ng tingin. Tantiya ko'y nakikibasa siya.

Tss. Mababasa rin naman niya ito kasi 'di naman ako nagbubura ng messages. Mas maganda iyong may naba-backread ka kapag wala kang magawa.

I sighed and checked my wristwatch. It's already 1:30 in the afternoon. Ang dating ng eroplano ay 1:45, depende pa iyon sa pagtake off. Minsan kasi nadedelay ito.

"Bored?" He suddenly asked. Nilingon ko siya at tipid akong ngumiti saka nag-iwas muli ng tingin.

"Sort of," I replied. "Can't we just walk around?"

Baka sunog na ang puwetan ko. Dito pa yata ako matutusta kesa sa Bukidnon.

"And then what?" He replied. Nagkibit balikat naman ako. Parang ayaw ko munang kausapin kasi badtrip talaga.

Ilang sandali pa ay tumunog ang cellphone. I thought it's from Herana. Laking gulat ko nang kay Moffet iyon. 'Di ko sana babasahin kung 'di ko lang napindot.

Margarico:

Take care of her, man. She's worth to keep.

Kumunot ang noo ko. Nasa kalagitnaan pa ako ng pagkalito nang may humablot sa cellphone. Akala ko magnanakaw, si Ximi lang pala. I gaped at him, whose eyes were sharp again.

"You only told me to text Herana. Mind your own business." Pagsusungit niya.

Hala! Ano kaya iyon? Parang 'yon lang, sungit na naman.

"'Di ko naman sinasadya," pagdadahilan ko. "Napindot lang."

"I don't buy lame excuses." He said. Makikipagtalo pa sana ako. Tumalikod nalang ako sa kanya at humalukipkip. Moodswing na naman ang kumag.

Next chapter