3 SUNFLOWER

Rown point of view

She has a beautiful blue eyes, dahilan para matulala ako. Natauhan nalang ako ng bigla siya umiwas sa mga titig ko at sapilitan na hinugot ang kamay niya sa pagkakahawak ko, naramdaman ko siya humakbang paatras mula saakin. At dahil maagap ako at alam ko na nasa dulo siya ng stage na may taas na apat na hakbang ay mabilis na hinigot ko ulit ang kamay niya at mabilis na binago ang pwesto naming dalawa. Kaysa siya ang mahulog, ako iyong mahuhulog pero ang hindi ko inaasahan ay iyong sandaling pinagpalit ko ang pwesto naming dalawa ay hindi sinasadya na sumabit ang isang kamay ko doon sa yellow or gold strap ng camera na nakasabit sa leeg niya dahilan para mahugot ko siya pababa at pareho kami mahulog.

Lagapak kami sa sahig at ang malala pa pagkatumba namin ay tumama sa noo ko iyong camera na natanggal sa pagkakasabit sa leeg niya at tumalsik sa kung saan.

"Ouch!!....." daing ko dahil sa sakit ng likod at noo ko. Samantalang siya ay napaibabaw saakin. Napapikit ako sa sakit, at ng imulat ko ang mga mata ko ay pakiramdam ko, agad na umikot ang paningin ko.

Napahawak ako sa noo ko at ng mawala na ng kaunti ang pagkahilo ko ay napansin ko ang mga tao na nakapalibot saamin na nakatingin.

Naramdaman ko ang mabilis na pagtayo niya mula sa pagkakadagan niya saakin. At walang sabi-sabi na tumakbo paalis.

"That was awesome, Rown...." asar na sabi ni Chan at tinulongan ako makatayo.

"Sabihin mo lang kung gusto mo magswimming, we can discuss and sched everything after this...." nakangising banat naman ni Ubin saakin.

"Ok ka lang dude??...." Jaey asked with concern sabay pat sa balikat ko.

Medyo nahihilo pa ko pero napapangiti nalang ako sa mga pang-aasar ng mga kaibigan ko. And somehow, parang gusto ko matawa sa nangyari saakin.

"Yeah....medyo nahihilo lang ako...." sagot ko at nakangiti.

"He's fine, tignan niyo, nakangiting aso...." sabat naman ni Zho.

"Namumula ang noo mo...." sabi naman ni Hwiyo.

Napahawak ako sa noo ko at nakaramdam agad ako ng sakit mula doon.

"Wait....Is she the nerd last time?? Iyong nabunggo ni Chan??...." pagiiba ng usapan ni Eyan.

"Yeah...She is...I don't know na classmate pala natin siya sa buong school year, may nakakapansin ba sainyo sakanya sa classroom??...." tanong naman ni Ino.

Lahat sila umiling at tumingin sila lahat saakin, "ngayon ko lang siya napansin....kanina lang din...." sagot ko.

"Mahilig pala siguro siya tumakbo....She run after what happened, same with the first time we encounter her...." natatawang sambit ni Awon.

"Don't mind her, she's just a nerd....by the way, what's the plan tonight? Tuloy ba tayo??...." biglang tanong ni Ubin sabay tingin sa relo niya.

May usapan pala kami this night, we have group bonding. We planned to went out, clubbing. Graduate na kami ng highschool that's why pwede na kami pumunta ng club. That's what Ubin waiting for.

"We're in!!!...." excited na sagot ni Zho.

"Let's go...." aya ni Ubin at naglakad na paalis. Sinundan naman siya ng iba.

Napahinto ako sa paghakbang paalis ng may maalala ako. Napatingin ako sa paligid.

"Hindi ka ba sasama??...." takang tanong ni Chan.

"Sasama....may hinahanap lang ako...." sagot ko at ng makita ko iyong hinahanap ko agad na lumapit ako at pinulot ko.

Naglakad na ko palabas ng theater ng bigla ako inakbayan ni Chan, "by the way....did you see her face??...." bigla niyang tanong na hindi ko inaasahan kaya napatingin ako sakanya.

"Don't act na parang hindi mo alam ang tinatanong ko, Rown....I saw you....you grab her wrist then her chin....and you become statue for a moment...I'm thinking....If she's beautiful, that's why for a moment bigla ka natulala na parang may nakita kang magandang anghel...." nakangisi niyang saad saakin. So, kanina pa pala niya kami pinagmamasdan.

Umiwas lang ako ng tingin at nanahimik, nagpatuloy lang ako sa paglalakad palabas ng theater at hindi ko siya sinagot.

"Tsss...." yamot na sambit niya ng marealize niya na ayaw ko sagutin ang mga tanong niya.

Bago kami dumiritso sa club ay dadaan muna kami sa Boarding House para makapagpalit ng damit. Our parents know about our plans, pumayag naman sila. Hindi sila iyong mga parents na sobrang strikto pagdating sa mga anak nila. Naka-park malapit sa main entrance iyong white van na naghihintay saamin ni Chan, kami nalang kasi ang hinihintay samantalang iyong iba nasa loob na. Napalingon ako sa paligid, somehow I'm looking for her. Baka kasi naisip niya ko hintayin sa main entrance tulad ng sinabi ko sakanya kanina about her three books. Pero wala siya, kahit anino niya hindi ko nakita. Mukhang wala na siya pakialam sa mga libro.

AFTER 3 HOURS...

Huminto ang sinasakyan naming white van sa isang prestigious club, hindi kami iyong mga tipo ng tao na papasok sa isang club na makikita mo lang sa tabi-tabi or squater area. May mga standard din kami pagdating sa social public activities.

After i-park ni Zho ang white van, nagsibabaan kaming lahat at sabay-sabay na pumasok sa loob. Sa main entrance palang rinig mo na ang malakas na rock comtemporary music mula sa loob. Pagpasok namin, kita namin ang maraming tao, mala babae o lalaki, na umiindak, sumasayaw at umiinom ng alak.

Napahiyaw sa tuwa ang ibang mga kasama ko, hindi ko lang matukoy kung sino sakanila dahil sa lakas ng music ay hindi ko masyado marinig ang mga sumigaw.

Lumapit kami sa isang long table, good for us nine people at nagsiupo. Tinawag naman agad ni Ubin ang isang waitress at nag-order ng alak at pagkain para sa aming lahat. Hindi rin nagtagal dumating ang mga order namin, kita ko ang kasiyahan sa bawat isa. Ang iba umiinom, naghaharutan, nagaasaran at kumakain.

"Guys....sulitin na natin ang gabi, after one week hindi na tayo makakapag-gala pa ng ganito...." paguumpisa ni Ubin sa usapan.

"Yeah!!...." hiyaw ni Zho sabay inom ng alak.

"After 3 years of being trainee....finally, iyong inaasam natin lahat na makapag-deput ay mangyayari narin...." nakangiting saad ni Ino.

"Parang dati lang....pinapangarap lang natin maka-akyat ng stage sa harap ng maraming tao, mag-perform, kumanta at sumayaw.....at maging sikat....in our dreams...." nakangiti rin na sabi ni Eyan.

"In our dreams....but not anymore....because everything will become true...." nakangiti rin na sabi ni Jaey.

"CHEERS!!!....." tuwang sabi ni Chan at itinaas ang kanyang iniinom na alak, lahat naman kami ay ginaya siya, itinaas rin namin ang mga iniinom na alak, pinagdidikit ang mga ito at sabay-sabay kami na sumigaw ng CHEERS.

Mga limang minuto lang ang nakalipas ng may lumapit saakin na bartender, may dala siyang sunflower at isang color black vellum paper na nakatupi. From that paper, I remember something.

"Excuse me sir....someone ask me a favor to give you these...." magalang na sabi ng bartender saakin at inabot ang bitbit niyang sunflower at color black vellum paper. Nagulat at nagtaka ako. Ramdam ko rin na napahinto sa kanya-kanyang ginagawa ang mga kaibigan ko at napalingon sa pwesto ko.

"Come on....take it...." pagbabasag ni Chan sa katahimikan na namagitan saaming lahat.

Agad naman na tinanggap ko ang sunflower at ang color black vellum paper. "Thanks!!....by the way, whose gave these??...." tanong ko sa bartender na nakangiti.

"Sorry sir....I dunno her name, I forgot to ask...."

"Girl??!!...." excited na biglang singit na tanong ni Awon.

Saglit na natahimik ang bartender na parang nagiisip, "uhhmmm....I can't tell if girl or boy, sir.....He or she wearing black sweeter jacket with hood, a black non-fit maong pants, a black plain cap, a black mask in her or his mouth, and a black gloves....Totally a stranger...." sagot ng bartender, lahat kami ay natahimik at napatingin sakanya.

"The stranger just left after leaving some money in the bar counter...." nahihiyang dagdag pa ng bartender at napakamot ng batok.

The bartender cleared his throat when he realize that we are all just staring at him. Agad naman kami umiwas ng tingin.

"How much the money??...." tanong ni Hwiyo na parang hindi iniisip ang itatanong.

"Uhhmmm....5,000 pesos...." nahihiyang sagot ng bartender.

"Wow!!....That was a big payment for just deliver these things...." hindi makapaniwalang saad ni Ubin at tinuro iyong sunflower at iyong black vellum paper.

"That person maybe a rich kid...." sabi naman ni Eyan.

"It doesn't matter....thanks again...." sabi ko doon sa bartender, tumango siya saakin at naglakad paalis.

Agad dumako ang tingin ko doon sa sunflower at sa black vellum paper. Binuklat ko sa pagkakatupi ang papel at hindi nga ako nagkamali sa hinala. A letter again, with Gold ink cursive penmanship. This things are from her again, my ANONYMOUS FAN.

THE BODY OF LETTER

Rown,

Please accept my graduation gift, congratulation to you and to your friends....

Sincerely Yours,

Your Anonymous Fan

"Graduation gift??...." nagtatakang tanong ni Chan after niya mabasa ang binabasa ko, katabi ko kasi siya kaya nabasa niya rin ang laman ng letter.

"Maybe....She's pointing with this...." sabi naman ni Jaey, hawak-hawak niya iyong sunflower.

"Wow!!!....Iba kana talaga Rown!!!...." natutuwang saad ni Awon.

"Kailan naman kaya tayo makakatanggap ng mga ganyan....so sweet....." parang nagtatampong tono na sabi ni Chan.

"Ikaw lang ba ang GWAPO dito??!!...." biglang sigaw na tanong ni Zho na tuwang-tuwa. Pinagtawanan naman siya ng iba.

"Guys!!!....Tingin sa dance floor!!!...." nakangising sigaw ni Ubin, dahilan para maagaw niya ang mga attention namin. Kaya lahat kami ay sabay-sabay na napatingin sa direction kung saan nakatingin din siya.

We saw a girl dancing gorgeous on the dance floor, she's wearing red fitted dress above the knee, at may maliit na slit both side. Kitang kita ang makinis at maputi niyang legs. She has color chestnut long wavy hair, nakatalikod siya saamin kaya hindi namin makita ang mukha niya. She's totally a hot and sexy.

Napatingin ako sa mga kasama ko, parang mga aso na naglalaway. Napatawa ako ng palihim ng makita ko ang mga reaction nila, lahat sila nakatitig doon sa babae. Mukhang inaabang nila na humarap ang babae dahil hindi man lang sila kumukurap kahit saglit sa kakatitig.

Bumalik ang tingin ko sa babaeng sumasayaw sa dance floor. Maya-maya ay dahan-dahan siyang humarap sa mismong direction kung saan kaming siyam nakaupo.

She has a beautiful face, nakapikit ang mga mata niya habang umiindak at nakangiting sumasayaw. She has long eyelashes, red lips, pinkish cheeks, pointed nose at ang umagaw ng pansin ko ang color chestnut niyang bangs na hanggang kilay ang haba. Somehow, she seems familiar, na para bang nakita ko na siya.

When she open her eyes doon na ko natulala, ramdam ko ang pagtigil ng oras, bigla rin tumahimik ang buong paligid, nawala rin ang mga tao at tanging siya nalang ang nakikita ng mga mata ko. She has the beautiful blue eyes, like the Nerd. And finally I realized, they are LOOK ALIKE.

avataravatar
Next chapter