webnovel

Epilogue

SHEIN

Dahan-dahan kong nilapag ang dalang isang dosenang puting rosas sa lapida niya. Umupo ako doon at tinitigan ang pangalan niyang nakaukit.

Muli na namang bumalik ang ala-alang nagbigay ng sakit sa puso ko.

(Flashback)

"Ate..." nagsusumamo ako na bumalik si ate. Kasalukuyan kaming nasa sementeryo, ang huling araw ni ate sa lupa. Hindi ko matanggap na wala na akong magulang at kapatid. Ako na lang mag-isa.

"Shein..." bulong ni Thor sa gilid ko. Niyakap niya ako at bumulong ng mga salitang makakapagpanatag sa loob ko. I never thought that one day this would happen.

"Thor 'di ko kaya..."

"You will be okay, baby... I'm here" hinalikan niya ako sa noo at hinaplos ang likod ko.

I am glad that I have Thor. Sa lahat ng pagsubok na dinanas ko ay nariyan pa rin siya sa tabi ko.

"Shein... Condolence" lumapit samin si Kenneth at niyakap ako.

"T-Thanks.." sagot ko

Nandun lahat ng classmates ko at ni ate upang ihatid siya sa huling hantungan. Nilapitan din ako ni Van Gogh "Always remember, we're here for you." sabi nito.

Tumango lang ako dahil naubos yata ang lakas ko kahit magsalita lang.

Nasa tabi ko rin si Mei na iyak ng iyak. Alam kong napamahal na rin si ate sa kaniya dahil halos magkapatid na ang turingan namin.

"For the name of jesus. Amen." natauhan muli ako ng magsalita ang pari at inutusan nang ibaba ang kabaong ni ate.

"N-No..." nilapitan ko ang kabaong niya at pinagmasdan iyon na ibaba. Hawak hawak ko ang pulang rosas na paborito ni ate na bulaklak. "Thank you for those memories ate. I will never forget you. I love you" sabi ko at inihagis ang bulaklak kasabay ng kabaong niya. Iyon din ang ginawa ng lahat na nandito.

Inalalayan ako ni Mei at Thor dahil matumba ako.

"Let's go" saad ni Mei at iginaya nila ako patungo sa kotse ni Thor. "Ikaw na maghatid sa kaniya Thor. Kailangan ko pang asikasuhin ang mga papeles na binilin ni mom and dad"

"No problem." si Thor.

Nakasakay na kami at bumabyahe na patungo ng bahay. "Are you hungry? We can get a Drive-thru" suhestyon ni Thor.

Tahimik pa rin ako. Di ako sumagot, naubos na ang lakas ko kanina sa pagtangis. "Lets just go home" saad ko at pumikit

Nakarating na kami sa bahay at sinalubong ako ni Nanay Ely "Pahinga lang po ako" sabi ko sa kaniya.

"Shein.." si Thor.

"Thanks for today, Thor. Wala lang talaga kong sapat na lakas ngayon upang kumausap. Sana maunawaan mo"

Hinaplos nito ang pisngi ko kaya napapikit ako "I love you" ngumiti siya.

"I love you too. Ingat ka" sabi ko at pumasok na sa kuwarto saka humiga.

Nakita ko ang family picture naming apat. Tumulo na naman ang luha ko. "Ano nang gagawin ko ngayon? Wala na kayo, kakayanin ko pa ba?"

"Life goes on, tama. Alam kong ayaw niyo pa ako sumunod diyan. Pero..." humikbi ako. Linubog ko ang mukha ko sa unan para di marinig ang hikbi ko.

Di ko namalayan na nakatulog na pala ako dahil sa pag-iyak. Bumaba na ako at kakain dahil masyado akong gutom. Madilim ang bawat dulok ng bahay di ko alam kung blackout ba o pinatay nina nanay.

"Nay?" tawag ko pero walang sumagot. Di naman ako takot sa dilim kaya lang wala akong makita

Bumuntong hininga na lang ako at kinapa-kapa lahat ng bagay para huwag ako mabunggo.

Isang iglap biglang lumiwanag ang paligid. Puno ng chistmas lights at balloons ang paligid. Nanlaki ang mata ko sa gulat ng tumambad ang mga classmates ko at kaibigan ko sa harapan.

Maya-maya lang ay may lumabas na isang lalaki mula sa front door at pinatugtog ang dalang gitara saka kumanta.Napatakip ako ng bibig.

🎶Rising up, you're the sun that my life seeks

You revive all my hopes, all of my dreams,

I don't know what it is, what I'm feeling

Tell me if it's all real, am I dreaming

A mirage painted blue, you're in my dreams

In a desert within, a priori

Tell me, how do I breathe, I'm too happy

Everything seems so clear, and now I see🎶

Lumapit siya sakin ng dahan dahan at inilabas ang isang puting rosas. Iniabot niya iyon at kinuha ko.

🎶Hear the oceans roar, and the distant waves

Go beyond the shore, dreaming far away

Every step I go is a step to you

Take my hands now, you are the cause of my euphoria🎶

🎶Euphoria

Take my hands now, you are the cause of my euphoria🎶

Titig na titig siya mismo sa mata ko na lumuluha. Nakangiti siya at di nakaligtas sakin ang isang butil na luha na galing sa mata niya.

🎶Close the door now, when I'm with you I'm in utopia🎶

🎶Do you wander, looking for that dream that disappears too fast

Different from a word like "fate", you and I

The pain in your eyes give away that what you see is what I see

Won't you please stay in dreams🎶

Alam na alam niya talaga kung paano ako pasayahin. Every datails he do, it makes my heartbeat faster that ordinary heartbeat.

Kahit nagluluksa ako ngayon, di niya pinaparamdam na nag-iisa ako. Nandyan siya sa saya at lungkot. That's why I love this man. The man who made my heart felt. The man who makes me smile and mad.

🎶take my hands now, you are the cause of my Euphoria..🎶

Kinuha niya ang kamay ko. "Shein... I know what you feel right now dahil kapag mahal mo daw ang isang tao iisa lang ang nararamdaman nyo. Kapag malungkot siya, malulungkot ka rin. Kapag masaya naman siya, mapapasaya ka na din. Iisa ang ating nararamdaman at iyon ay ang pagmamahalan natin. Gusto kong ibalik ang panahon kung kailan walang bukas kang tumatawa. Gusto kong ibalik yung panahon na puno pa ng pagmamahal at kasiyahan ang nakikita ko sa iyong mga mata. Alam kong nasabi ko na 'to.. at nasagot mo na rin, fortunately. Pero tatanungin for the last time. Di ako magdidibdib kung di ka sasang ayon, tatanggapin ko iyon ng lubos. So, Kristal Shein Fernandez Hawkstone, can you be my wife and a mother of our three children?"

Napatulala ako sa kaniya. Lumuhod siya at inilabas ang isang box na silver saka binuksan iyon. Isang Irish Claddagh ring!. "Oh my god!" napatakip ako ng bibig. "I-Is that... ang mahal niyan Thor! Kahit sa palengke ka na lang bumili okay lang sakin kase iisa lang naman ang gusto ko. Ang mapakasal sayo" saad ko saka hinalikan siya sa labi.

"Yes Haha!" tawa niya saka ako niyakap ng mahigpit "Isoot mo 'to" sinuot niya sakin ang singsing at hinalikan ako sa pisngi.

"WOAH CONGRATULATIONS!!" nagulat ako ng pumutok ang party popper na dala ni Shine.

Nagtawanan kaming lahat. Kahit papaano ay muling bumalik ang mga ngiti namin sa labi.

(End of flashback)

Kakatapos ko lang magsindi sa lapida nina mom and Dad. "Sana masaya ka na diyan. Alam kong nakakasama mo na sina mom at dad diyan, pati na rin ang baby mo ate. Salamat pala rito sa puso na ibinigay mo sa'kin at mabubuhay pa ako ng maraming taon." sa tagal ko nang ginagawa 'to ay kusa nang tumigil ang pagtulo ng luha ko. Hindi na ako umiiyak kapag naiisip ko sila, instead ngumingiti ako at inaalala ang mga masasayang momments namin together.

"Mahal na mahal ko kayo" hinaplos ko ang lapida nilang tatlo bago tumayo, "Babalik ako sa undas, dadalawin ko kayong muli. Bye Mom, Daddy at ate" paalam ko sa kanila.

"Mom!!" biglang umalingawngaw ang malakas na sigaw ng isang bata. Papalapit ito sa'kin. "Are you done talking to Lolo, lola and tita?" tanong sa'kin ng tatlong taong gulang kong anak, si Thorrien.

"Oo anak. Nasaan na ang daddy mo?" tanong ko

"He's waiting for us in the car" masiglang wika niya.

Agad na kaming lumakad sa kotse kung saan ang daddy niya. May kausap ito sa phone at nung nilingon kami ay binaba na niya iyon at ngumiti sa amin ng anak niya. Tatlong taon na kaming Kasal ni Thor.

"Your seatbelt, baby" sabi nito sa anak niya.

"At ikaw rin baby ko" sa akin siya tumingin. Ngumiwi ako na siyang ikinatawa niya "What? You are my baby" nakangiting sabi nito.

"Baby ka diyan!" kalauna'y napangiti na rin ako.

"Saan tayo pupunta?" tanong sa amin ni Thor.

"In Wonderland!" masiglang sagot naman ni Thorrien.

Napatawa kaming dalawa ng daddy niya "Where can we find that kind of place, baby?"

"In the movie, mommy. I saw Alice went there!"

Sa palabas na napanood niya noong nasa sinehan kami. Alice in the Wondeland.

"But baby, Alice is just an actor. Wonderland is only just an imagination" paninira ng mood ng daddy niya habang nasa kalsada ang mata.

"Hmp! You both suppose to bring me there! I want to see The Queen!"

"Oh my! Okay, okay! Daddy, our princess wants to go to Wonderland. Can you drive through there?" nakangiting baling ko sa asawa ko.

Napahagikhik ito ng mahina "Of coure, my love!" sumabay pa ito sa biro ko " In the Philippines, it is so many Wonderlands, like Ike's house"

Muntik na akong masamid sa iniinom ko dahil sa mga biro niya. Si Ike ay ang aso namin, aso lang pala ng anak namin dahil halos hindi kami makalapit sa asong iyon dahil bigla ka nalang dadaganan.

"What? How can you say that Ike's House was a wonderland?"

Tuloy lang sa debate ang mag-ama hanggang sa makarating kami sa Enchanted Kingdom. Wala kaming ibang alam na wonderland kundi ito lang.

"Wow! This is what I meant!"

"See, I told you" si Thor at hinapit ang bewang ko palapit sa kaniya.

"Tapos? Magyayabang ka? Sige! Wonderland din naman ang Bahay natin ah!"

Nakasimagot akl habang siya ay nakangiti. Sarap piktusan kaso hindi ko kaya kase napakagwapo!

"Thorrien, halika na!" anyaya ko sa anak ko pero paglinga ko wala na siya. "Thorrien?! Thorrien!"

"What's going on?" tanong ni Thor sa'kin at tulad ko rin ay luminga linga din siya para hanapin si Thorrien pero wala ni baka niya!

"Baby?! Thorrien, where are you?!" nagsisigaw kaming dalawa ni Thor.

Sa dami kase ng mga tao ay imposibleng mahanap agad namin siya. "Jusko baka ano nang nangyari sa anak natin!" taranta kong sabi.

"Shhh... mahahanap din natin siya"

Lumapit na kami sa mga securities upang magpatulong sa pagagahanap sa anak namin. Nag pa request na rin ako sa management na i aanounce at hanapin sa cctv ang anak ko. Tatawag lang daw kami kapag nahanap na.

Naghiwalay kami ni Thor sa paghahanap. Ako ang kumanan habang siya ay kumaliwa. Nanginginig ang mga binti ko habang naglalakd sa tipon ng mga tao.

"Thorrien? Thorrien nasaan ka?" sigaw ako ng sigaw.

Hanggang isang bata ang nakaagaw sa aking pansin.Naka ponytail ito at nakasuot ng dress na purple at may hawak na slingbag .

Agad akong tumakbo sa dereksyon niya "Thorrien!!" sigaw ko sa kaniya at agad siyang niyakap.

"Mommy!" napayakap sa pabalik.

"Saan ka ba nagsusuot at nawala ka? I told you to stay with us no matter what!" may halong pag aalala ang boses ko.

"But mom I'm okay now, someone saved me. Hey!" may tinawag siyang isnag batang lalaki na sa tantya ko ay isang taon lang ang pagitan nila. "He saved me mom from the crowd"

"Thank you, little brave man" nakangiting sambit ko sa batang lalaki.

"No, Thank you. I didn't save your child just because she needs help, I save her because I don't have any choice" sabi ng bata sa'kin.

Napalunok ako. Kung makapagsalita siya kase ay parang mas matanda pa siya sa'kin at pinapangaralan ako. "You're so bad! You have no manners to people older than you, you like a brat!" inis na wika naman ng anak ko.

Agad kong tinakpan ang bibig niya "Don't say those bad words, Thorrien! Say sorry to him" utos ko sa anak ko.

"Sorry..." paumanhin ni Thorrien.

"Whatever! See you whe I see you, little angel face" kinindatan pa ang anak ko.

Napasinghap ako. Totoo ba 'yun? Dumadamoves ah!

****

"Baby!!" niyakap kaming dalawa ng asawa ko.

"Tsk! Umuwi na lang tayo baka kase pagod 'tong anak mo!"

"Okay.." sabi ni Thor at ininarga ang anak namin. Ako ang angbitbit ng slingbag niya hanggang sa kotse.

"Fasten your seatbelt!" utos ng asawa ko

"Okay ka na talaga, Thorrien? Baka may masakit sa'yo dadalhin ka namin ni Mommy sa hospital"

Umiling ang anak ko "No, thanks daddy! The boy who helped me eased the pain."

Pareho kaming nagkatinginan ni Thor "In what way? He cleaned your wound?" tanong ko

She shook her head "No. He kissed it"

"WHAT?!" pareho naming sigaw ng asawa ko.

"Mukhang may manliligaw na ang anak natin, love ah"

"Nasisiguro ko din. Pero bata pa siya!"

"Bakit? Maganda nga iyon kase hangga't bata pa, masarap magmahal!"

"Ewan ko sa'yo!" sa inis ko ay napasandal ako sa salamin.

*****

Naiparada na ni Thor ang sasakyan sa garage namin. Agad namang bumaba ang anak namin na sinalubong ng aso niyang si Ike.

"Hi, boy! Did you miss me?" tanong nito sa aso niya.

"Arf! arf!"

"Omo, I miss you too!"

Hindi ko naman nainitindihan ang lenggwahe ng aso pero sa pagkakaintidi ko ay "Oo " ang sinagot nito sa anak ko.

Pumasok na kami sa kwarto.

"Love, sa tingin mo ba maagang magkakalovelife ang anak natin?" si Thor

"Bakit nasabi mo?"

"Predictions?"

"Kung ano ang gusto niya edi susuportahan ko"

Nilingon ako nito "Talaga? I pa-arrange marraige kaya natin sila ni Yuhan!"

Binato ko siya ng unan "Bwesit ka! Talagang anak pa ni Meisha ang pinagkadiskitahan mo! Ipapabugbog kita kay Van Gogh!"

"Tsk! Bakit doon pa eh parang bakla naman 'yung asawa ni Mei." panlalait niya.

Yeah, si Shine ang nakatuluyan ni Meisha , ewan ko sa love story nila kase hindi ako nakafocus doon sa dalawa kaya ayun outdated ako. Bago ang kasal namin ni Thor ay doon lang sila nag announce na sila na. Ang daya 'diba?

Is Villegas naman ay hindi ko alam ang kapalaran nun basta nalaman ko lang kay Thor na hinahabol habol siya noong Zyra — na muntik nang nakasira sa'min ni Thor or I musta say na sinira talaga.

Si kuya Levi naman na halos dalawang taon ko nang di nakikita. Ang huling pagkikita namin ay 'yung libing na ni ate. Nalaman ko na nasa states na siya ngayon at may sariling pamilya na.

Si Kuya Sef naman natanggap sa Canada bilang isang Family Driver.Hindi ko alam kung naka move-on na ang isang iyon dahil noong libing ni ate ay halos himatayin at gusto pang sumama sa hukay. Nalaman ko rin na nagkakagirlfriend siya doon pero ni isa walang nagtagal, dahil daw hindi niya mahanap si Ate sa lahat ng babae na iyon.

"Uy! Love naman kanina pa ako salita ng salita, nag-momonologue ka lang eh!" nagkamot siya ng ulo

"Thor naman! Ano ba ang gusto mo?"

"Gutom na ako!" reklamo niya at dahan dahang lumapit sa'kin.

"Bumaba ka sa kusina at kumain ka doon, nadoon si Elisa!"

Sabi ko pero patuloy lang siyang lumalapit hangang sa nahuli niya ako at inihiga sa kama. "Uy a-anong g-ginagawa mo?"

"Iba ang gusto kong kanin eh. Ang tagal na nung huli natin ginawa ito, love. Sana pumayag ka" nag puppy eyes pa siya.

Alam niya naman na wala akong magagawa kapag nagpapacute siya eh! "O-oKay...." mahina kong saad saka dahan dahan niyang inilapit ang mukha sa'kin. Nararamdaman ko na ang mabango niyang hininga, pumikit ako at hinihintay na lang na dumapo ang labi niya sa labi ko nang may biglang boses na umalinagwngaw sa likod.

"Mom! Dad! I want to sleep here!" nakangiting wika ng anak namin.

Agad kong tinulak si Thor kaya napaupo sa sahig ang isa. "Baby naman eh, wrong timing ka!" sinipa ko siya kaya napa aray siya.

"Don't mind him, baby. You can sleep here" nahiga na kaming dalawa sa kama namin. At si Thor naman ay busangot ang mukha habang humihiga sa kama.

He murmured words pero alam ko kung ano iyon. "Bukas na lang Thor!" anunsyo ko habang nakapikit.

Kahit nakapikit ay ramdam kong tumatalon siya sa tuwa. Baliw talaga.

"Goodnight, My babies!!" si Thor

"Goodnight, Daddy!" sabay na wika namin ni Thorrien.

"Goodnight, My love since day one.." nagulat ako dahil naka right side ko na pala si Thor.

Napangiti ako "Goodnight, My Thor since day one.."

Hinalikan niya ako kaya napapikit ako "Hindi na ako makapaghintay sa bukas.." muntik na akong mapatili ng buhatin niya ako "Huwag kang mag alala, our princess is sleeping... magugulat na lang siya kapag nalaman niyang may li'l brother ba siya bukas- OUCH"

"Shh... baliw ka talaga!" may diin ngunit mahina kong sabi.

" I will make this night more fun!"

"Uy magigising si Thorrien!"

"Nakakalimutan mo yatang lima ang kwarto rito, love..."

Nanunukso niyang banggit kaya wala na akong kawala ng bitbitin niya ako papuntang kabilang kuwarto.

"Alright, baby!!"

Forgetting is the best way to move-on. Maswerte ka kapag nakalimutan mo ang mga masasakit at masalimuot na kahapon dahil regalo iyan mula sa diyos upang ikaw ay tuluyang makalimot. Life goes on ika nga, patuloy lang ang buhay, hangga't nabubuhay ka merong pag-asa, maging matatag hanggang sa hindi mo na kaya dahil mas masarap mawala sa mundo kapag ang isang bagay ay pinaghirapan mo at ginawan mo ng sakripisyo. Past is just a lesson in your life, Huwag mo nang ibalik ang mga kahapon dahil kaya mo namang gumawa ng bago sa kinabukasan.

Salamat sa mga sumabaybay sa kuwento ng buhay ko.Huwag kakalimutan na kahit gaano kahirap ang kakaharapin, laban lang at huwag susuko.

Nagmamahal,

Kristal Shein Hawkstone - Harrington

THE END

Okay! Woah, natapos na rin sa wakas! Thank you sa lahat ng nagbabasa, supporters ko! Salamat sa walang sawang pagababasa hanggang Epilogue<3

FOR MORE STORIES OF DECALUVSTER;

1) TWO WORLDS: VAMPIRES VS. SORCERRERS ( fantasy)

Honeyahhcreators' thoughts