2 PART 2

"KUMUSTA na ang pakiramdam mo?" si Carol nang pasukin siya nito sa loob ng private room sa ospital kung saan siya naka-admit.

Tiningnan lang niya ang ina, pagkatapos ay ngumiti.

"Huwag mo ng uulitin iyon Louis, hindi ko kaya anak. I love you so much, higit kanino man" noon umiiyak siyang niyakap ni Carol.

"I promise Ma, hindi na mauulit ang ganito. Not ever" aniyang hinaplos ang luhaang mukha ng para sa kanya ay nag-iisang babaeng nagmamahal sa kanya ng totoo.

"I'M gonna kiss you in private, is that okay with you?" tanong niya kay Wena, ang kaniyang latest prospect.

He started dating, isang linggo mula nang makalabas siya ng ospital months ago. Pero mas iba sa dating nakagawian niya.

"That's fine with me" sagot ni Wena na nagkibit pa ng balikat.

Noon siya malisyosong ngumiti saka hinila ang dalaga sa mas madilim at tagong bahagi ng SJU.

"I really like you Louis" ang humihingal pang sabi ng babae nang pakawalan niya ang mga labi nito.

"Gusto rin kita, at kung papayag ka, you can be my girl for two months" aniyang nanunukso pang kinagat ang lower lip ng dalaga. "deal?"

Kahit madilim ay nakita niyang tumango ang dalaga. " Deal" sagot nito.

Natawa siya ng mahina pagkatapos ay muli itong hinalikan.

avataravatar
Next chapter