1 Liham ni Simara

Isinusulat ko sa papel, ang bawat patak ng luhang namuo at natuyo na sa paglipas ng panahon.

Isinusulat ko sa papel, ang mga nagdugong sugat na hindi nagtagal ay nanatiling mga lamat.

Isinusulat ko sa papel, ang mga panahong nagdaang nilaan ko't sinayang.

Isinusulat ko sa papel, ang mga alaalang unti-unti ko nang nakakalimutan.

Iginuguhit ko sa pader, ang bawat oras na lumilipas.

Iginuguhit ko sa pader, ang bawat mukha ng mga taong nagdaan.

Iginuguhit ko sa pader, ang bawat pangarap kong lubos ng kinalimutan.

Iginuguhit ko sa pader, ang pagkatao kong akin ng tinakbuhan at tinalikuran.

Isinisigaw ko sa mundo, ang pait ng isang tsang kapeng ininom ko.

Isinisigaw ko sa mundo, kung gaano ka pait ang mga pagkakataong lumipas gaya ng kapeng naitapon ko.

Isinisigaw ko sa mundo, ang mga tanong na sa akin ay pinagdamutan na ng sagot.

Isinisigaw ko sa mundo, isinisigaw ko... isinisigaw ko ....

Inukit ko sa bato, kahoy at lupa ang mga hinanakit ko.

Inukit ko sa bato, kahoy at lupa mga naging kakulangan ko.

Inukit ko sa bato, ang mga nakikita ko.

Inukit ko sa kahoy, ang mga nararamdaman ko.

Inukit ko sa lupa ang tanong na, " Sino pa ba ako?"

Ang kwento na pinaglumaan na nang pagkakataon, at nilimot na ng panahon.

avataravatar
Next chapter