webnovel

Chapter 1. Kinder Garden

UNANG ARAW!

Unang araw ng unang beses na pagpasok sa eskwelahan.

Pangalan pa lang ng eskwelahan, alam mong kid-friendly na: Eh Leh Menopi. Sisiguraduhin daw ng institusyong ito ang tamang pagbigkas ng alphabet.

Bungad pa lang ng eskwelahan, maririnig mo na ang makabagbag-damdamin na school hymn. Ang galing din ng lyrics, pinag-isipan mabuti; yung english alphabet ginawang remix.

"A B C D E F G H I J K Eh Leh Menopi. Boys and girls learn alphabet... Q R S T U V W X Y and Z. Next time I know where to study, Study now in Eh Leh Menopi."

Napaka-inspirational ng kanta; talagang pinag-isipan ng mahabang panahon.

Pati yung school emblem na nagkalat sa buong paligid ay napaka-artistic din.

Parang nag-trippings ng LSD, cocaine, marijuana, medyas ng basketball player na may alipunga, kilikili ng arabo na hindi naligo ng isang linggo at regla ng kabayong malapit na magmenopause; ganun katindi sayad nung gumawa nun.

Imagine-in nyo yung logo, may globo na hindi matino yung pagkaka-guhit ng bilog. Mayroon pang mga bulkan na sumasabog ng hearts at twinkling stars. May mga lumilipad ding mga ibon na hugis letter V.Kung sa tingin nyong malala na yun, nagsisimula pa lang tayo.

May mga puno din na nagsasayaw na may braso ng tao. Meron din bundok na hindi mo mawari kung umiiyak o waterfalls na naglalaway. Yung pinaka-matindi ay naka-smiley face pa yung globo, at may mga batang magkakahawak kamay imbis na ngipin ang nakalagay sa bibig nya.

Hindi ko alam kung ano ang mensahe ng school emblem na yun pero gusto yata nilang magtino ang mga mag-aaral dun sa pamamagitan ng trauma.

Mabalik tayo sa mga mag-aaral...

Makikita ang mga batang naghahalo ang ibat-ibang emosyon. May mga batang umiiyak, tulo uhog pa yung iba, may pagwawala pang kasama dahil natatakot silang iwan ng mga kasama nilang magulang o bantay. Meron ding ibang bata na aliw na aliw na agad sa pakikipaglaro sa bago nilang mga kaibigan.

Samantalang si Archeebal, chill lang. Kasama nya ang kanyang pinsang babaeng si Mauricia Petricelli Petruz.

Si Mauricia Petruz, Mariz in short; ang pinaka-close ni Archeebal sa lahat ng kanyang first cousins. Halos sabay silang pinalaki at nagsama sa Petruz Manor.

Si Mariz yung typical na batang babae; matanong, tahimik kunwari pero may tinatagong kulit. Makikita mo sa kanya yung pagkasimpleng bully. Yung tipong mandidikit ng bubble gum sa buhok ng classmate tapos magtuturo ng iba, yung ganun.

Ito ang unang hakbang sa kanilang pagiging edukado. Ito ang kanilang unang araw na mawalay sa paligid ng kanilang kinalakhang pamilya. Ito ang unang beses na tatapak ang mga batang ito sa gubat ng edukasyon.

Kumbaga isang malaking "Petting Zoo" ang Kindergarten.

Dito makikita ang mga may "potential" na maging honor student, varsity, patay na bata, student leaders atbp. Mapapansin din ang mag chikiting na bitbit ang kani-kanilang backpack o de-gulong na stroller bag na punung-puno ng baon at as usual; ang walang kamatayang "shoe box" na umaapaw ng toiletries. Meron ditong sabon, toothpaste, toothbrush, pulbos, alcohol, cotton buds at suklay para daw bata pa lang ay maturuan na ng proper grooming at hygiene.

**********

Matapos magmasid masig ng magpinsan, biglang sambit ni Archeebal. "Are you alright?"

"Ayos lang ako, medyo excited pero alam kong kaya natin 'to" Nakangiti namang sagot ni Mariz.

"I don't get it, why are the other kids crying?" Sabay kamot ulo habang tumitingin tingin sa paligid.

"Natatakot kasi sila. Akala hindi na sila babalikan ng sundo nila" Pangising sambit ni Mariz.

"KRRRRRRIIIIIIING! KRRRRRRIIIIIIING!!"

Bell na, simula na ng klase. Pinapila na sila ng kanilang teacher; sabay ng pag-asiste sa makukulit na chikiting papasok ng classroom.

May pagkamaaliwalas naman ang classroom. Napakaluwag. Nag-uumapaw ng mga pang-chikiting na posters sa paligid ng classroom; alphabet charts, may number charts, may color wheel at random artworks ng mga dating nag-aral doon. Syempre hindi mawawala yung school emblem na pinag-isipan nila ng matagal na panahon. Nasa gawing kaliwa ng teachers table yung restroom, samantalang sa kanang sulok ay isang malaking play pen na nag-uumapaw sa mga laruan. Mayroong 4 na long desk na naka pa-kahon na formation. Bawat desk may mga silyang kasya ang 5 bata. Sa ilalim ng desk ay may sari-sarili drawers para sa mga school supplies nila.

Nung pumirmi na yung mga bata, magsisimula na ang teacher sa first lesson nya.

Ang kanilang teacher na si Miss Mathilda Villamor; medyo may pagka-mestiza, balingkinitan at 5'3 ang height. Kung pumustura sya ay may tipikal na fresh graduate, kindergarten teacher appeal.

"Good morning class, I am your teacher Miss Mathilda Villamor, but you can call me Teacher Mati" may nginig pang kasama sa pagsasalita; halatang unang beses nya magturo.

Sagot naman ng "Good morning Teacher Mati" ang magugulo nyang tinuturuan, habang ang iba litong-lito pa din sa mga nangyayari.

May mga batang nangungulangot, ang ilan ay patayo-tayo sa kinauupuan. Meron pa ding may sumisigaw at umaatungal, hindi pa din napapangal. Samantalang ang dynamic duong si Archeebal at Mariz, chill lang."Tignan mo yung lalakeng nasa unang table sa kaliwa, kanina pa nangungulangot." pasimpleng bulong ni Mariz sa pinsan habang nagpipigil ng tawa.

"Look at the little girl, right there" kaswal na bangit ni Archeebal, sabay turo sa may kabilang table. "Its like her third bag of chips and she's still not full."

"May bulate siguro sa tiyan yan, ang liit-liit anlakas kumain. Ang payat ng katawan anlake ng tiyan, mukha tuloy butete." sabay high-five ni Mariz sa pasimpleng si Archeebal.

Ganyan ang bonding ng dalawang tukmol. Pagtripan ang mga nananahimik na tao sa paligid. Hasang-hasa kasi sila sa Petruz Manor sa skill ng panlalait at pang-aalaska. Patago naman nila itong ginagawa kaya no harm done.

"Look at the girl next to the booger guy, she looks like a zombie lady." habang tumutungo si Archeebal dahil baka mapansin sya nung tinuturo nya.

"Yaaaak! Kaya nga. tumutuloy pa laway, pinapabula pa." kitang kita sa mukha ni Mariz ang pandidira sa nakita habang tinatapik tapik si Archeebal dahil sa napansing kababuyan.

Bago pa man malait ng mag pinsan ang lahat ng tao sa room ay nagsimula na ulit si Teacher Mati magsalita.

"Kids, before we begin. I want you guys to introduce yourselves and tell everyone what you want to be when you grow up. Think about it really hard because we are going to put it in our yearbook, Okay class?"

"So we're gonna start with you" sabay turo ng teacher kay booger boy na nakapasok ang hintuturo habang gulat na gulat syang pinatayo at sapilitang ipakilala ang sarili sa lahat.

"I am Christoffer Nicole Dela Cruz, I am 4 years old." may pagka mabagal at pangongong recite dahil nakasalaksak pa din ang daliri nya sa ilong. "When I grow up, i wanna be an astronaut"

Kaya pala interesado syang kalkalin ang ilong nya, kasi paglaki nya gusto nyang lakbayin ang outer space.

Habang nag-iintroduce na ang iba nilang mga kaklase, tuloy lang sa usap ang magpinsan, at simpleng lait pa din.

"What do you want be when you grow up?" medyo litong tanong ni Archeebal sa pinsan. "Because i still dont know yet."

Typical na sagot ng mga kaklase nila ang doktor, abugado, teacher, sundalo at kung ano ano pang generic profession na alam ng mga bata.

"Hindi ko din alam eh, pero doktor na lang sasabihin ko para maganda" tusong sagot naman ni Mariz habang naghihintay syang matawag.

"I honestly dont know yet, I can't think of anything" pasimangot nyang reply sa pinsan.

Maya maya lumapit na si Teacher Mati sa desk ng magpinsan,

Bibong bibo namang tumayo si Mariz dahil alam nyang sya na ang susunod. "I am Mariz Petruz, I am 4 years old and I want to be a doctor" proud na proud nyang sagot kahit hindi naman sya seryoso don.

Kinakabahan na si Archeebal, dahil sya na ang huling magpapakilala sa mga kaklase. At dahil tapos na lahat silang mag recite ay nakatitig silang lahat sa kanya.

"I am Archeebal Genesis, I am 3 years old. and I dont know what I want yet" medyo nahihiyang sagot ng bida.

Medyo nagtataka at mapumilit si Teacher Mati kaya kinulit nya ang bata. "You dont want to be a doctor?"

"No, i dont want"habang mapapansin ang koting pagka-irita, dagdag na din kasi ang mga tukmol na nakatitig sa kanya.

"How about lawyer? Or maybe an engineer?" makulit na tanong pa din ng batang teacher.

"No, i dont want" mahinang sagot ni Archeebal.

Naubos na ata lahat ng generic na profession ay hindi pa din sya nakapag decide.Kaya naisipan na lang isulat ni Teacher Mati para sa yearbook ay-

POLICEMAN.

Wala namang masama sa pagiging pulis. Isa naman itong marangal na propesyon. Ang problema lang ay yung masasamamg konotasyon ng pagiging pulis sa Pilipinas.

Nangongotong, malaki ang tiyan, natutulog sa pansitan, nahuhuli sa fight scenes ng mga action movies, at kung ano ano pa.

Kaya sa dami dami ng pwede nya maisip ay Pulis pa talaga. Siguro may tinatagong galit si Teacher Mati sa kawawang si Archeebal. Feeling nya siguro spoiled brat ito kasi pa-english english pa with matching isleng. Kaya leksyon na din siguro sa kanya yan.

Kaya matapos angg introduction sa nabansagang gusto maging Pulis na si Archeebal ay biglang-

"Bwahahahahahahaha! Gusto mo pala maging pulis eh! Sino ka si Shaider? Pulis pangkalawakan?" ang sabi ng pinsang si Mariz na halos malaglag na sa upuan kakatawa.

"Sasabihin ko yan kila Mama pag uwi. Pulis ka pala ah. Hahahaha" pahabol pa habang kinakalabit ang pinsang naiirita na.

"It's not even funny. I don't want to be a policeman." ang sabi naman ni Archeebal habang nakahalukipkip.

"Hindi basta pag-uwi, pati sa mga kapitbahay. Ipagkakalat ko na Policeman Boy ka na" sambit ni Mariz habang kinukulit pa din ang pinsan.

Napakamemorable na unang araw para sa bida. Ang bilis din ng karma.

Dahil siguro yun sa panlalait nila ni Mariz sa mga kaklase. Kaso malas lang ni Archeebal at sya lang ang nakarma.

(FAST FORWARD NA TAYO, important parts na lang)

Basta natuto lalo sya ng basics, magbasa, magsulat, magbilang, yada gada, blah blah blah...

*********

HULING BUWAN!

Huling Buwan na ng school year. Madami ng pinagdaanan ang magpinsang partners in crime pero ito yata ang pinakamatinding pagdadaanan nila sa kanilang murang edad...

"Class we're going to have a school presentation at lahat kayo ay part nito. Okay kids?" excited na sabi ni Teacher Mati.

"Bibigyan ko kayo ng mga role and script. We need to practice and perfect this dahil I-peperform nyo ito as a part of the Graduation Ceremony" medyo naging seryoso ang mukha ni teacher dahil ayaw nyang mapahiya at magkalat ang mga chikiting nya. SHE means BIZNIZ!

"Okay kids, the play is entitled Atomic Garden. I'm gonna call each one of you at ibibigay ko ang mga characters na gagampanan nyo"

"Ang Bida ay si Little Kitty Lots, she's gonna be portrayed by Mariz Petruz"

"Hala Bakit ako?!" gulat na sagot ni Mariz sa kanyang guro.

"Hindi ba pwedeng ikaw na lang?!" pabulong na sabi sa kanyang pinsan.

"Nah. I think you can handle it" nakangising sagot naman ng nakabawing pulis in the making na si Archeebal.

Sa wakas! Nakabawi din ang bida. Malaki-laking responsibilidad din yung maging star ng play. Madami linya, madami gagawin na-

(Hindi pa tapos ang narrator ay cinut na sya ni Teacher Mati)

"And the next character is The Rhyming Rabbit at si Archeebal Genesis naman yun."

Nagdidiwang ka pa lang. Malas na naman.

Nakakarami na talaga yang Teacher Mati na yan. Nung una pulis, ngayon naman kuneho.

Nang-aasar talaga eh, nananadya yata dahil may kalakihan ng tenga ang future Siga ng Universe. May gigil siguro sa kanya yung Mathilda na yan.

Matapos ng magpinsan mabigyan ng starring roles, binigyan din ang iba pang mga kaklase nila. May mapang-asar ding similarities yung mga napuntang characters dun sa mga kaklase nila.

Yung si booger boy, baboy yung nakuha. Si zombie girl ay magpoportray ng aso. Yun namang malakas kumaing hindi tumataba eh palaka. Ang ibang mga pitsi pitsi nilang kaklase na hindi na pinag-abalahang ipakilala ng may akda ay mag portray ng farm animals. Yung ngawa ng ngawa eh ginawang baka. Yun namang mabaho ay kambing. Yung mga kawawa namang medyo boploks eh ginawa na lang puno or bulaklak na sumasayaw para wala ng linyang kakabisaduhin. At least may exposure pa din silang lahat. PROUD NA PROUD pa din ang mga magulang nila syempre.

Nagsimula na ng practice ng mga bata.

Naibigay na ang mga script para sa kani-kanilang mga parte.

Palabas na sila ng kanilang classroom papunta ng school quadrangle ng biglang-

"RAAAAWWWRR!!"

Kinagat ni Zombie Girl ang kanang balikat ni Mariz. Tila gutom na gutom at naglalaway laway pa. Kulang na lang eh nguyain nya yung braso nito.

"ARAAAAAAY! ANSAAAKIT WAAAAHH!" pahiyaw na hagulgol ni Mariz habang pinapalo palo ang tila asong may rabies na si Zombie Girl.

Si Archeebal naman ay natulala at shocked sa nangyari, Nang medyo matauhan sya sa-

"GET OFF HER! CUT IT OUT YOU RABID SCOUNDREL!" pa isleng na sabi ng bida. Bigla bigla na lang kasi malalim magsalita si Archeebal kapag emotional situations.

Biglang bumitaw ang naglalaway na bibig ni Zombie Girl sa braso ni Mariz. Nanlilisik ang mga mata nito na parang si Linda Blair.

Tinaboy nya si Mariz at dahang dahang papalapit si Zombie Girl sa bidang si Archeebal.

Medyo kinakabahan na si Archeebal...

At nang mapansin nya sa paligid na wala si Teacher Mati.

"OH MY GOSH, I THINK THIS IS MY DEMISE!"

sabi nya sa kanyang sarili habang naghihintay sya ng Divine Intervention para maligtas pa buhay nya.

Pasugod na ang Zombie Girl, hinaharibas ang kamay na parang si Wolverine. Sakto pa dahil ang tatalas ng kuko nya, mahigit ilang buwan na siguro nung huling ginupit ito, may matching dumi dumi pa; parang mamamatay ka sa impeksyon.

Nang palapit na ang may galis galis pang braso nito ay napa-matrix style na ilag si Archeebal.

Kumaripas ng takbo ang bida at habol naman sya na parang asong may rabies. Pumaikot ikot sila sa quadrangle, umaasang mapapagod ang nagwawalang kaklase nya.

Biglang naisipan na lang ni Archeebal na pumasok ng classroom at subukang isarado ang pinto ng biglang-

"BLAAAAG!!" Umitsa ang bida mula sa may pintuan papunta sa sulok ng play pen.

Medyo sugat-sugat at halos mangiyak ngiyak na sya sa sakit.

"STOP IT! DON'T EAT ME! GET AWAY FROM ME!" pagmamakaawa ni Archeebal habang nagpipigil sa pag-iyak.

Papalapit na yung naglalaway nyang mga bibig sa mukha nito ng biglang...

"Mwahh, walwalwlawlawalawawl"

Hinalikan ng naglalaway-laway na si Zombie Girl ang mukha nya, dinila-dilaan pa na parang aso.

"YAAAAAK!! OH MY GAAAAAAAAAHD!" hysterical na sigaw nya habang pinupunasan nya ang kabalbalang ginawa nung hinayupak na yun.

Maya maya lumabas na ng restroom si Teacher Mati.

"Anong nangyari rito?!" nakapamewang nyang sabi, biglang lumabas yung accent nya dahil sa inis.

"Nawala la-ang ako ng saglit eh ganyon na. Aba'y kayo i-makakaisa sa akin!" biglang lapit nya at piningot ang 2 bata sa tenga.

"Kung kayo I hindi magtitino eh kayo talagay makaka-tikim ng tonex!"

(Tonex- ipapahid mo yung daliri mo sa kung saang parte ng katawan mo na may amoy at biglang ipapahid mo sa butas ng ilong ng nais mong biktima)

"She bit my cousin! She licked my face with her disgusting tongue! aaaakkk!!" depensa naman ni Archeebal.

"IKAW TALAGA I-YINAYAMOT AKO HANE?! RIYAN KAYO MAG ISTEY SA MAY SULOK AT MAGTINO KAYO! Ako'y hinahaggard ninyung sobra aba. Hindi iyan mainam" Nanggagalaiting sagot nya pabalik.

Natapos na ang buong araw nina Archeebal at Zombie Girl sa klase ng naka-timeout sa sulok ng kanilang classroom. Ang mga kaklase nila ay tahimik lang at wala ring kaalam alam sa mga nangyari sa loob. Buti naman din. Hindi siguro sya titigilan ng pinsan nya sa pang-aasar kung alam lang nila ang nangyari...

Kung alam lang nila ang mangyayari...

**********

Next chapter