1 Prologue

Scarf

Mahinang pag-ulan ang bumungad sa akin pagbaba ko sa eroplano. Kasabay ng mga co-passengers ko ay lumakad kami sa hallway kung saan ang arrival area.

Despite of the little raindrops, the familiar heat of this place made me tied my hair into a knot. 

Naglakad ako bitbit ang isang maletang dala ko patungo sa gilid ng arrival area upang lumabas ng airport. I immediately went to the airport's car park at agad na pinuntahan ang aking sasakyan.

Galing Australia ako at umuwi ako dito sa Pilipinas upang bumisita at magbakasyon ng dalawang buwan. Actually I work abroad as a Doctor, umuwi ako upang makita ang aking family.

Isinakay ko ang maleta sa front trunk ng aking 2020 Corvette. 

Actually, my family didn't know that I'm gonna visit today. Alam lang nila na nagpa-plano palang ako. But well, I wanted to surprise them. 

Sumakay na ako at nag-drive paalis ng airport. Ibinaba ko ang wind shield ng aking sasakyan at hinayang madama ang malamig na hangin habang nagmamaneho. Buti naman at tumila na ang ulan.

I missed this place. I missed Santa Lucia, I missed being here. I've been at Australia for 4 years. Hindi naman dahil sa ayaw kong umuwi at ayaw kong makita ang aking pamilya, It's just that, I still...can't, I can't bear to see my grandparent's grave. I've loved them so much, and up until now, their passing still hurts me.

Nag-book ako sa sentro ng Santa Lucia ng isang 5 star hotel. Doon na ako magpapalipas ng gabi, bago bumyahe papunta sa mansion ng aking mga magulang.

"150 po Ma'am ang parking payment." 

"Sure po, saan pa po ba may bakanteng parking slot?" Tanong ko kay Kuya na nag-aassist sa may car parking area.

Itinuro nya sa akin at agad akong nagmaneho at pinarada ang aking Corvette. Dinala ko ang aking maleta at pumunta sa lobby ng hotel.

"Presidential Suite po Ma'am. Are you Miss Serene Adeline Allegra?" The receptionist asked.

"Yes, I am."

She smiled at me and gave me the key card for my Presidential room.

Nilibot ko ang tingin sa paligid ng lobby ng hotel at dinama ang magandang tanawin na puno ng gold and white colors. Sa kabilang side ng lobby ay nakita ko ang beach kung saan nagaganap na sa ngayon ang sunset.

Nakangiti akong naglalakad at nakatingin sa sunset habang hila ang aking maleta. 

Nakarinig ako ng mga tao na nag-uusap sa paligid at agad na umiiwas sa gitna kung saan ako dumadaan. Hindi ko sila pinansin at patuloy na naglakad palabas ng lobby upang pumunta sana sa may beach area.

Pagkalabas ko ay agad akong nag-unat.

"Ang gandaaaa." Bulong ko sa aking sarili nang makatapos umunat. 

Nang ibaba ko ang aking kanang kamay ay nagulat ako ng may natamaan ako. Humarap ako nakita ko ang aking kamay na nakaharang sa isang lalaki. Napangiwi ako.

Oops, my bad. Hehehe.

"Sorry!" Awkward kong sabi sa lalaking naka suit at nakasimangot na hitsura. Nag-peace sign pa ako at kunwaring yumuko as a sign of respect.

Omg, mukhang ang tapang naman neto. Baka bussiness tycoon 'to ah? 

May isang lalaking tila naguguluhan at ine-examine ang aking mukha. Tila ba kinikilala ako. Nang maalis ko ang aking kamay ay agad silang dumiretso ng lakad ng kanyang mga kasamang lalaki din na pare-parehong naka suit. 

Nagkibit balikat na lamang ako at nagpatuloy lumapit sa buhanginan. Iniwan ko saglit ang aking maleta. Wala naman silang makukuha doon e, panty ko lang. Char.

Nakaka goodvibes naman ang lugar na ito! 

Ilang minuto akong nagmuni-muni doon bago ko napag-pasyahang pumunta na sa aking room.

Sa elevator pa lamang ay nararamdaman ko na ang aking antok at pagod. I lazily dragged my suitcase saka agad na pumasok at umidlip sa aking kwarto.

Kinapa ko ang aking cellphone at nakita ko na napakaaga pa pala. Shit, jetlag.

Bago ko maisipang tumayo, tinitigan ko muna ang matayog na ceiling ng silid. Presidential suite, yes it is. Maganda at elegante ang silid na ito kaya naman naisipan ko baka bago pa lamang ang hotel na ito. Wala pang bakas na may gumamit na nito sapgkat makinis pa lahat ng mwebles.

Alas dos ng madaling araw ako naalimpungatan. 

Tumayo ako at nagpasyang libutin ang hotel suite ko. Sinilip ko mula sa sliding door at tanaw pala mula rito ang beach sa baba.  Napangiti naman ako sa tuwa. I love beaches.

Inilakad ko ang aking sarili palapit sa sliding door at binuksan iyon. It's dawn, and the calm sea breeze peacefully kiss my skin as I wonder my sight to the ocean.

This hotel is purposely located on the oceanfront. Ang galing naman ng Engineer at Arkitekto na nag disenyo nito. Hindi naman sa pagiging bias, pero kumpara sa ibang lugar na ganito ang theme ng hotel ay ito yata ang pinaka-maganda at kalmado sa lahat.

Humalukipkip ako. Nilinga ko ang paligid at wala namang tao sapagkat tagilid na oras nga ako nagising. May mga pa ilaw naman kaya hindi gaanong patay ang kulay ng madaling araw na ito.

Naisip kong bumaba saglit. Masarap siguro mag-chill sa may tabing dagat lalo na at malamig sa labas at walang tao kasi halos lahat ay nasa kalagitnaan ng tulog.

Nagbihis ako ng sleeveless bohemian dress na kulay cream white para makibagay sa malamig at kalmadong scenery ng dagat. Hindi na ako nagdala ng anuman kundi ang key card ko lang.

Walang tao sa hallway maging sa elevator kaya madali akong nakababa. Binati ako ng ibang staff na on-duty sa ganitong oras. Akala ko nga ay papagbawalan nila ako kasi sala ang oras pero hindi naman.

Nang makarating ako sa tabing dagat ay nag tagtag ako tsinelas upang mas maramdaman ko ang pinong puting buhangin.

Hay! I've never been this relaxed for the past few months! Being a Doctor is ofcourse quite exhausting, but I love my job, so it's okay. Sobrang namiss ko lang mag-relax mag-isa ng ganito.

Sa may dim lights na parte ng beach, umupo ako buhangin at tahimik na nag-isip. How this place feels so familiar to me makes me wonder. I know I've never been into this Hotel, but the feeling is the one I cannot deny.

Hinawi ko ang aking buhok na humaharang sa aking mukha dulot ng marahas na pag hampas ng hangin. Niyakap ko ang aking sarili dulot ng lamig.

Hindi ko pa nga pala nababanggit kina Mom na ako ay umuwi, panigurado bukas magugulat sila.

Pumikit ako at huminga ako ng malalim at ini-stretch ang aking legs. 

How relax-

"What the!" agad akong napatiklop ng maramdaman kong may pumatak sa aking mga hita. 

Scarf.

Nagtaka akong tumingala at tinignan ang lalaki.

Mukha siyang yung lalaki na mga cover sa pocketbook! The difference is, his presence screams authorithy and ruthlessness, ngunit magbabago naman iyon pag nakita mo ang maliwanag na kulay ng kanyang mata sa kabila ng malalim na pagtitig nito.

Omg! Ito yung natamaan ng kamay ko kanina sa mukha nung nag-uunat ako ah?

What the hell is he doing here? Anong oras na?

"Hehe?" Awkward kong ngiti sa kaniya na may halong pagtataka sa binigay niyang sarong sakin.

"What for?" Dugtong ko. Walang expression siyang nakatingin sa akin gamit ang kanyang mata na 'tila ba laging sinasaulo ka.

"I don't want my clients being seen as  prey of my staffs." He said as if it is a warning I needed to take seriously. He, then look at the darker side of the lobby.

May isang lalaking naka-unipormeng pang hotel ang naka shades na parang nakatingin sa gawi ko. Naka shades naman si manong so how the hell does this man knows that his staff might be looking at me? And if that's the case, as long as I am not being violated, it's okay for me. Ayaw ko naman agad mag judge base sa hitsura o paningin akin ng isang tao.

Tumayo ako at matama siyang tiningnan bago ipinag-krus ang ang aking mga braso sa aking dibdib.

"Huh? How would you know na nakatingin siya sa'akin? And if he is, so what?" I said confidently, not minding his ocean deep stares, makes me want to get my shit together.

The side of his lips rose up, forming a smirk. Tumingin siya ng maigi sakin bago tumingin sa gawi kung saan naroon kanina ang staff. Sinundan ko ang tingin at wala na roon. Lumambot ang kaniyang ekspresyon bago muling tumingin sakin.

Tinitigan niya ako na para bang sinasaulo ako. Memorizing every bit of my face, my body.

He suddenly left with a relax reaction. Hindi ko agad siya nahabol.

"Your scarf!" Sabi at akmang hahabulin siya.

"Cover your legs or else, I'm gonna cover it for you." Tumindig ang aking balahibo sa kaniyang sinabi. Agarang nag-init ang pisngi.

What? Wow. He left me dumb founded, intrigued by his words. And what the heck? who is he, by the way? Baka naman siya itong manyak! Oh no. Your moves, huh!

Napailing nalang ako habang hawak at nakatingin sa nude scarf na binigay niya sa akin. 

"Woa, who is he to ruin my relaxing moment?" Bulong ko sa aking sarili at umirap.

Nag-martsa ako paalis ng beach at umakyat na muli sa taas. Nilinis ko ang aking sarili at humiga na ulit sa kama.

Hmp! Ang gwapo pa naman niya kaso naiinis ako. Hindi ko matukoy kung saang parte ba talaga ako naiinis.

avataravatar
Next chapter