webnovel

Unexpected Medalyon

Panimula

tik tik tik, waaahhh!!! nakakaantok na talaga magtype ng mga reports, paulit ulit nalang sobrang nakakaboring na, ako nga pala si Shiero isang ordinaryong empleyado sa medyo kilalang kumpanya ng mga Computer Games. Masyado na nga kong nawawalan ng gana sa ginagawa ko pagtytpe ng mga numero at letra sa tapat ng computer ng naisipan ko nalang na magbukas ng browser para makapag Youtube hanggang sa may nakita akong ads sa internet

"Boring ka na ba sa buhay mo? Gusto mo ba ng kakaibang pagsubok sa kakaibang daigdig kung oo i click mo lang ang link na to."

Lagi namang may ganitong ads eh, minsan panloloko at minsan nagbebenta lang ng kung ano ano. Pero ewan ko ba kung bakit naisipan kong iclick to. Hanggang....

"Agimat For Sale, kung sawa ka na sa buhay mo at gusto mo ng sumabak sa mundo na punong puno ng pakikipagsapalaran bilhin na. 50% discount"

Natawa nalang ako malakas, sa dami dami ba naman ng paraan para makapangloko ka ng kapwa mo sa internet sa ganitong ads pa hahahah,

" Shiero ano yang ginagawa mo" nagulat ako pinagmamasdan pala ng aking boss yung ginagawa ko. "Yan ba ung ginagawa mo sa mga perang pinambabayad ng kumpanya sayo"

Ahhh ehhh... Sorry sir.

"Ayusin mo kung hindi wag ka ng umasang makakapagtrabaho ka pa dito sa susunod na buwan"

"Opo sir... ano ba naman to. Lagi nalang bang mali yung nakikita netong taong to. Kung di lang malaki yung sinasahod ko dito matagal na kong umalis."

Hayss, bumalik agad ako ng tingin sa aking monitor nagulat nalang ako dahil bigla nalang naclick yung agimat na yun. "F*ck , bakit nagclick to. May paggamitan pa naman ako sa pera ko." Sinara ko nalang yung browser at pinagpatuloy yung ginagawa ko.

Kinabukasan *

Waaaaah* buti nalang at linggo ngayon kundi matatalakan na naman ako ng boss ko dahil paniguradong late na naman ako sa pagpasok ko magdamag ata akong naglaro ng isang MMORPG game sa PC.Makakain nga muna ng almusal.

*Brrrrrt*

Ha? may tao ba? sino kaya tong nagdodoorbell mapuntahan nga. Tinignan ko muna yung maliit na butas ng pinto para makatiyak kung sino yung kumakatok.

Huh? Delivery man? ano kaya kelangan neto.

"Goodmorning sir, kayo po ba si Shiero? May package po pala kayo.

Sabay abot saken ng maliit na box. Pagkatapos ko namang pirmahan umalis na agad yung Delivery man. Binato ko nalang sa sofa ung box. Ichecheck ko nalang mamaya nasabi ko sa sarili ko. Nagugutom na ko.

Tumayo ako at tumingin ng pagkain sa ref may natira pa palang sandwich at gatas. Eto nalang muna yung pagtyatyagaan ko kainin.

Umupo na ulit ako sa sofa habang kagat ng kagat sa sandwich. Titignan ko yung laman ng box. Hmmmm... ano kaya laman neto? Pagkabukas ko ng box tumambad sa paningin ko ang isang maliit na gintong punyal at isang maliit na hugis crystal na may 3 butas na kasing laki ng kamao. Ano kaya to? Ibabalik ko ulit sana ito sa box ng biglang

Kablaggg!! Bumukas ng pwersahan yung pinto ng apartment ko may mga pumasok na 5 lalaki na naka coat and tie. Kilala ko sila, sila yung mga taong pinagkakautangan ng tatay ko.

"Nasan na yung pera na tinakbo ng tatay mo? Nasan na yung bayad nyo sa utang nyo?

Huh? wala.kong alam dyan, wala saken yung pera kakabigay ko lang sa inyo nung nakaranag buwan ah.

"Kulang pa yun sa pambayad ng interest, Bugbugin nyu yan hanggat ilabas nya yung pera"

Binugbog ako ng 4 na lalaki, natumba ako at nabitawan ko yung mga hawak ko na bagay. May isa namang lalaki na humawak sa buhok ko at pilit na hinaharap ung mukha ko sa boss nila.

"Ilalabas mo ba o hindi, sagad na pasensya namen, Pag di mo nilabas may kakalat na utak dito sa lugar na to. "

"Wala talaga saken, kahit kunin nyu na lahat wala talaga saken"

"Ok.last chance mo na to, sige tapusin na yan"

Isa sa mga lalaki ang nagtutok ng baril sa ulo ko

"Pasensyahan nalang tayo. Trabaho lang"

Kakalabitin na nya yung gatilyo ng baril ng bigla nalang tumulo yung dugo sa ulo ko papunta sa punyal at sa kakaibang bagay na yun. Hanggang naging puti nalang ang lahat ng bagay na naaninag ko at nagsimula na ang magbabago sa buhay ko.