webnovel

Chapter 1: First Day

MARIA's P.O.V.

This is it. Be brave Maria. You can do this. Ano ka ba, sabi nga sa article and poem ng first ever summa cum laude ng university na 'to, "Just a college". Okay? Huwag kang kabahan.

I was walking along the walkway? covered walk? or whatever na tawag nila diyan. Pagpasok palang kasi ng university compound nito, ay connected ang isang covered walk sa gate which gives advantage sa mga students na hindi nagdadala ng payong like me. Kapag mainit o naulan ay di problema yun.

So ayun, habang naglalakad ako sa covered walk na ito ay di ko mapigilang kagatin ang dila ko sa kaba. This is actually my first time entering a real life school. I was home schooled since grade school dahil na rin sa sakit ko sa puso. Maayos naman na ako and thanks for a donor kaya nakapag pa heart transplant ako.

Unang araw ngayon ng klase at ni isa ay wala akong kakilala. Hindi rin naman kasi ako yung nag enroll sa sarili ko. Dad did.

"Excuse me, Miss?", suddenly a lady's talking to me habang iniiscan ko ang paligid. Di ko naman kasi alam ang pupuntahan ko so I have to physically scan everything around me.

I hesitantly answered her.

"Po?, Bakit po?"

"Freshman?" I nodded as my response habang nakangiti awkwardly. Kasi paano ko ba dapat sagutin yun?

Ay opo freshman ako, fresh na fresh po. I am Maria Ecostas Lazarus fresh from Rizal, Kalinga. Bongga di ba? Oo na po, corny na.

"Nawawala ka ba?" Mukhang friendly naman si ate ghorl eh. Nakangiti pa nga ng bongga.

"Opo, hinahanap ko po kasi yung department ko po."

"Ano bang course mo?"

"BS Information Technology po"

"Ay bongga, magaling ka siguro 'no?" Nahiya naman ako sa tanong niya. De nemen meshede. Enebe!

"Ako nga pala si Cheska, third year na, BSED ang course ko, as in Secondary Education, and wala pang klase ang mga first years ngayon ah."

I creased my forehead on her remarks? Say what? Eh bakit sabi ni Dad ngayon daw ang first day of class ko?

"Ahhh alam ko na. Hindi mo siguro nabasa yung email ng university. Usually, every first year students nakakatanggap ng email from the administration office regarding sa magiging activity nila for their first day in school."

"So? Ano po dapat gagawin ko today?" Bago niya ako sinagot sa tanong ko, she acted as if reminiscing every moment she had when she started college.

"Hmm, actually dalawa yung activity eh. Depende dun kung ano uunahin. Check mo kaya sa email mo." Aish. Dad did my enrolment so I guess I have to call him.

I was about to ask something when I saw her looking rushly on her wristwatch at mukhang nagpapanic pa yung facial expression niya.

"Oh sorry Miss ha? Pero maiwan na muna kita. I forgot I have to report to my ultra major instructor, haha" Tatakbo na dapat siya nang tawagin ko siya ng pasigaw.

"Ate! Salamat po huh? Maria Ecostas nga po pala!" Ngumiti lang siya and started running. I roamed my vision only to realize I'm in a mini forest, according sa isang sign board it is called Haardec Park. The name seems agricultural, perhaps.

This spot is a great place na tambayan pag naghihintay ng next class well aside from the library which I have to know where it is.

This university is public but my dad said that the quality of education here is pretty good. Kale State University huh. The separations of buildings are nice. Hindi siya nakakapagod tingnan if ever you want to make lipat lipat to another bulding from the other. Ano ba yan nagiging conyo pa ako. So yun. Haay, next time ko na libutin ang university to familiarize myself sa kung anong meron inside this campus 'cause really, I never heard of any school names before. Well, I only know those schools where dad studied.

I called dad to ask about the thing Ate Cheska informed me. Dalawang ring ay sinagot na agad ni Daddy.

"Dad!"

"Hello too Maria, anak"

I can feel Dad's sarcasm. Well di kasi ako mahilig maghello pag family ko ang tinawagan ko haha.

"Dad, someone told me na wala pa naman daw pala kaming class today at sinabi niya rin that I have to check a mail na galing sa admin ng university kasi doon daw nakalagay kung anong gagawin sa first day"

Dad became silent on the other line then later on I heard a sound of a keyboard being pressed on. Siguro ay chineck na niya yung mail.

"Yea you're right iha. May natanggap nga ako. I'll send the file to your email, okay?"

"Okay po Dad, Love you Dad, bye"

"Love you anak. Good luck, bye"

"Thanks Dad." After the conversation, ay nag open na ako ng email account ko to download the file from the admin.

I read from the file na Orientation pa daw muna ang mangyayari today sa AV Room or Audio Visual Room. Now, where do I find that? Tumayo na ako sa kinauupuan ko dito sa mini forest at nagsimulang maglakad para magtanong tanong nalang.

Habang naglalakad ay binasa ko na din yung iba pang nakasulat sa file when suddenly...

"Aray ko ah, bulag ka ghorl?" Isang babaeng naka full make up ang nasa harapan ko. What I can say about her looks? SO GIRLY!

I snapped back to reality and looked at her apologetically.

"Sorry po miss. Di kasi ako natingin sa dinadaanan ko. Hehe."

"Ano ka ba? It's okay no. First year ka din ba?" Parang may namuong pag asa (lalim naman) sa loob ko na may makakasama ako sa paghahanap ng AVR.

"Oo eh. Ikaw din ba?"

"Oo naman yes. Mag isa mo lang ba? Tara na sa AV Room. Malapit na mag 8 oh? Baka mawalan tayo ng good spot sa room na yun."

Nabuhayan ang loob ko na may makakasama nga ako. Buti na lang and it seems na alam din niya ata kung saan ito.

"I'm Arel Jane Velasco nga pala. BS InfoTech"

Nagpakilala siya sakin habang naglalakad kami papunta sa isang 3 storey building kung nasaan yung AV Room daw.

"Wow, BS InfoTech din ako. Ako si Maria Ecostas Lazarus. Nice meeting you AJ."

"Nah, don't call me that so boyish name naman ghorl"

Natawa na lang ako sa pagroll niya ng eyeballs niya. Malapit na daw kami kaya mas binilisan pa namin ang paglakad at pag akyat sa hagdanan nang muntik na akong madapa.

"Oh, dahan dahan lang naman miss kawawa tuhod mo niyan, I guess first year students kayo. Sabay sabay na tayo sa papuntang AV Room"

Sino naman ang lalakeng to?

---------------

Next chapter