webnovel

He's Not Dead

"Goodmorning mwamiee"

Iminulat ko ang mga mata ko at agad bumungad sakin ang muka ni Andy-my baby. Tinalikuran ko ito at nag kunyareng natutulog ulit.

I really love to tease him.

"Mwamiee wake up na pooo muah muah muah"

Napahagikhik ako ng halikan ako ni Andy sa tainga. Alam nyang malakas ang kiliti ko don kaya lagi nya yung ginagawa kapag 'di ako bumabangon sa kama. Itinuro yun sakanya ng magaling nyang ama.

Inikot ko ang paningin ko sa buong silid pero di ko sya nakita.

"Kung hanap mwo po shii daddiie wala pa po syaaa"

So hindi na naman sya nakauwi?siguro dahil masyadong hectic ang schedule nya sa company ng dad nya.

Tumayo na ako at kinarga ang anak kong si Andy he's only 3 years old kaya medyo bulol pa syang mag salita.

Pumunta kami sa kitchen. Siguro gutom na sya kaya nanggising.

"Anong gustong kainin ng baby ko?"

Humagikhik ito at tinuro ang pisngi nya na parang nag-iisip. I grin and pinch his nose.

"Hhhmm hotdog and fried rice?"anya ko

Lumawak ang ngiti ng anak ko at mabilis na tumango.

"Ummhh opooo"

Napangiti ako at hinalikan sya sa pisngi.

"I knew it yun naman kasi ang paborito nyo ni daddy e."

Inilapag ko si Andy sa bangko.

Pumunta ako ng refrigerator at kumuha ng hotdog.Narinig ko ang pag hagikhik ni Andy.

"Excited ka na mag breakfast nak?"

"Yes excited na kami hon kaya bilisan mo na hhmm?"napapitlag ako sa biglang pagyakap sakin ni Andro mula sa likod.

Buti naman at nakauwi na sya. Hinarap ko ang asawa ko at sinalubong nya naman agad ako ng halik.

"Mwamieee gutom na pooo ako.Later na lang po kayo mwag lablab ni daddie"

Nag katinginan kami ni Andro at sabay na napatawa.

"Better if you change your clothes hon, para makapagluto na ako at makapag-almusal na si Andy"

"Ok"

Humalik sya pisngi ko. Lumapit sya kay Andy at hinalikan naman ito sa noo.

Wala na akong mahihiling pa. Sila ni Andy ang buhay ko. Hindi ko kakayanin kung mawala sila.

"Hon pag katapos natin dito. Punta tayo ng park huh?"

"Punta tayo palk daddie?"

"Yes baby"

Inubos ko ang nginunguya kong pag kain saka tinapunan ng tingin si Andro.

"Wala ka bang trabaho?"

Umiling-iling ito at umiwas ng tingin.

Sa tingin ko may kasalanan sya sakin?

ganyan kasi sya, magyayaya lumabas at hindi makatingin sakin ng maayos kapag nakakagawa sya ng kasalanan.

Nginitian ko sya at tumingin kay Andy na parang hinihintay ang pagpayag ko.

Ilang buwan na rin nong huli kaming nagkaron ng quality time. So maybe this is the right time for that. Since wala din namang work ngayon ang asawa ko.

"O sige pupunta tayo ng park"

Muli akong bumalik sa pag kain at tinitigan ang nagkukulitan kong mag-ama.

18 palang ako ng maging Mrs.Melody

Chavez at ngayon nga may anak na kami ni Andro. 21 palang ako si Andro naman ay 22, nagpakasal kami ng maaga dahil nabuntis nya nga ako at si Andy ang kinalabasan.

"Mwamiee matagal ka pa pooo ba maligo?"

Narinig kong sigaw ni Andy mula sa labas ng Cr.

Kinuha ko ang towel at nagpunas.

Sunod naman ay sinuot ang bisteda kong puti na lagpas tuhod.Binuksan ko ang pinto at tumambad sakin ang anak ko na mukang naiinip na.

"Sorry baby suklay lang si Mommy ok?"

Napangiti naman ito ng mabungaran ako at mabilis na tumango.

"Where's your daddy?"

"Inaayus po ang sasakyannn"

Sinimulan kong suklayan ang sarili ko.

Nag lagay ako ng pulbo at lipstick, ayan maganda pa rin ako-kahit tumaba.

Kinarga ko si Andy at inamoy.

"Fresh ang baby ah?mukang pinaliguan ka na ni daddy"

"Opo sa ishang c-al"

"Very good"

Nang makalabas kami ng bahay dumiretso kami sa garahe.

"Ok na ba yang kotse mo hon?"

"Yes hon let's go?"

"Yehey pupunta kami ng palk"anya Andy na pumapalakpak.

Tuwang-tuwa ang anak ko. Syempre andiyan Daddy nya. Kapag kasi ako lang ang kasama ni Andy tinuturuan ko syang mag sulat para ngayon pa lang may matutunan na sya. Syempre hindi ko naman pinagkakait ang pagiging bata nya. Still pinapayagan ko pa rin syang mag laro.

"Mwamiiee usto ko kain tayo ng hakkdog sa palk"

Nginitian ko si Andy. Pinisil ko ang pisngi nito at binigyan ng halik.

"Sige baby kakain tayo later ng hotdog"

"I like that idea"anya Andro. Sinimulan nya ng paandarin ang kotse.

"Daddy bakit po 'di kayo umuwi kagabi?"

Tumikhim si Andro at ngumiti ng peke.

Kahit kailan talaga ay halatado sya kapag nagsisinungaling.

"Sorry baby a-ano kasi maraming g-ginawa si Daddy sa office"

"Ok pwo"

Tiningnan ako ni Andro pero umiwas ako ng tingin.

"Mag-usap tayo mamaya"anya ko sa seryusong tinig.

Napabuntong hininga na lang ang asawa ko at pinagpatuloy ang pag maneho. Mga ilang minuto pa ay nakarating na kami sa park at excited na bumaba ang anak ko.

Muntik na syang mabangga ng bike buti na lang nakaiwas ito.

Nag-aalala kong nilapitan si Andy at hinaplos ang muka.

"Ok ka lang ba Andy?"

Biglang nag-iiyak si Andy.

"Sorry po miss di ko sinasadya"

"Tarantado ka pano kung nasagasaan mo ang anak ko?"Anya Andro

Galit na nilapitan ni Andro ang muntik ng makabangga sa anak ko.

"Pasensya na po kasalanan din naman po ng anak nyo dahil bigla na lang syang sumulpot" anya binatilyo.

"Aba at sumasagot ka pa?"

Tumayo ako at hinawakan sa balikat si Andro.

"Andro tama na yan. Hindi ko kasi nahawakan ng mabuti si Andy kaya agad syang nakababa ng kotse"

Bumuntong hininga si Andro.

Sinenyasan nyang umalis ang binatilyong muntik ng makasagasa ng bike kay Andy.

"Baby tahan na come here to Daddy"

Kinarga ni Andro ang anak namin at hinimas ang likod nito.

"Hotdog gusto mo yun?"

Nahinto sa pag-iyak si Andy at tumango. Ngayon nakangiti na sya.

Pumunta sila sa nagtitinda ng mga hotdog. Ako naman ay naglatag ng tela at naupo habang hinihintay sila.

MASAYANG sinalubong ako ni Andy sabay humalik sa pisngi.

"Love you mwamie"

Dumulog naman si Andro samin at naki-upo.

"How about Daddy?do you love me?"

"Yes po love you din po"

"Ubusin na muna ninyo yang hotdog na kinakain nyo"anya ko

Inalok ako ng asawa ko pero tumanggi ako. Hindi ko gusto ang lasa ng hotdog kaya kapag breakfast itlog ang inuulam ko o kaya naman sausage.

"Mwamie later po pwede po ba ko mag lawro?"

"Sure baby"

"Tapos after po non pwede po ba tayo punta kila lola at lolo?miss ko na po sila"

Nangunot ang noo ko. Dati ayaw nyang pumupunta sa lola at lolo nya dahil palagi nitong pinipisil ang pisngi nya at laging pinang-gigigilan.

"O sige tapos kila Lola ganda at lolo gwapo naman tayo gusto mo non?"

Tumango si Andy. Lolo at lola ang tawag ni Andy sa parents ni Andro at sakin naman lolo gwapo at lola ganda. Ang dalawang matanda ang may gusto nito.

Tuwang-tuwa ang mga parents ni Andro ng makita si Andy. As usual ay nakakuha na naman ng pisil sa pisngi ang anak ko. Mabuti na lang at hindi lumalaki ang pisngi nya o kaya naglalaway.

"Mabuti naman pinasyal nyo dito si Andy"anya mommy ni Andro

Binigyan ni Papa Alfonso ng hotdog ang apo nya. Magiliw naman na tinanggap ito ni Andy.

"Dad marami ng nakain na hotdog si Andy busog na sya. Meron pa bang natirang hotdog Dad?"

Natawa na lang kami sa inasal ni Andro. Ayaw nyang pakainin ng hotdog si Andy yun naman pala gusto nya din.

"Kanina ka pa rin kaya hotdog ng hotdog, hindi ba kayo nagsasawa?"

"Ikaw ba hon nag sasawa ka ba sa hotdog ko?diba hindi naman?" nakangisi nitong wika.

Kinuha ko ang unan sa gilid ng sofa at hinampas sya sa muka.

He chuckle and avoid it.

"Bakit nagsawa ka na ba sa jumbo hotdog ko?mataba, maha-

Hindi ko na sya pinatapos at kinurot sa tagiliran.

"Napaka-bastos mo talaga!"

"A-aray hon.Dad and Mom save me niri-rape ako ng asawa ko uggghh"

Tinawanan lang kami ng parents nya.

Si Andy naman patuloy lang sa pag kain at walang alam sa nangyayari.

"Sigurado ba kayo na hindi kayo dito magla-lunch?"anya papa alfonso

Umiling si Andro.Kinarga nya si Andy at nag bless sa parents nya.

"Next time na lang Dad pupunta naman kami sa parents ni Melody"

Tumango naman ang mga ito.

"O sya sige ingat kayo"

"Andy anong sasabihin kila lolo at lola?"anya ko

"Babye po lola at lolo love you po"

Magiliw na hinalikan nila ang anak namin ni Andro.

"Wow naman may pa-i love you pa ang apo namin-love you too Andy"

Natawa ako ng maluha-luha ang mama ni Andro. Kahit kailan talaga napaka-emotional nito.

"Alis na po kami next time po dadalaw ulit kami at isasama namin si Andy"

Umalis na kami at sumakay ng kotse.

Nangunot ang noo ko ng bigla akong makaramdam ng kaba.

"Are you ok hon?"

Umiling ako. Inayos ko ang pagkakalong sakin ni Andy.

"Its nothing bigla lang akong kinabahan"

"Gusto mong umuwi na lang tayo?"

Umiling ulit ako saka tumingin sa labas ng bintana.

"No hon just drive. Mawawala din 'to"

Nagpatuloy sa pagmamaneho si Andro.

Nakatulog naman ang anak ko.

"Hotdog"wika ni Andy habang natutulog

Nagkatinginan kami ni Andro at sabay na napatawa.

"Kahit tulog hotdog pa rin ang bina-

Napatigil ako sa pagsasalita ng bigla akong may ma-realize.

"Hon did you hear what he said?"

"Oo naman hotdog-

Nanlaki ang mata nya at biglang nag preno. Nanlaki ang mata ko.

"Hon slowly!"

"Bwiset muntik na yun ahh may dumaan kasing itim na pusa"

Tinapunan nya ng tingin si Andy at biglang ngumiti.

"Baby say hotdog nga ulit?"

Tinapik ko sya at inirapan.

"Tumigil ka nga walang big deal kung nabanggit nya ng tama ang hotdog imbes na hakdog"

Pinagpatuloy nya ang pagmaneho.

Bumulong sya ng kung anu-ano na narinig ko naman.

"Hindi daw big deal e nauna pa syang mag-react sakin"

"Suntok gusto mo?"

Pinakita ko sakanya ang kamao ko.

"Hon masakit yan huh?ma-muscle ka kaya"

Namula ako sa biglang pagka-inis sakanya at kinurot sya sa tagiliran.

"Uy hon!biro lang haha"

Umismid ako at inayos si Andy ng pagkaka-pwesto.

NANG makarating kami sa bahay nila mama at papa ay biglang ngumiti si Andy pero tulog pa rin sya.

"Baby wake up na were here na po"

Dahan-dahang iminulat ni Andy ang mata nya. Hinalikan nya ako sa pisngi.

Binuksan ko ang pinto at agad syang naunang bumaba.

"Anak wait lang"

"Lola ganda lolo gwapo!!"

Tinanggal ko ang seat belt ko. Nakarinig ako ng biglang pagpreno at paglagabog pati pagsigaw ni Andro sa pangalan ng anak namin dinig na dinig ko. Nauna pa syang bumaba sakin.

Dito na ako biglang kinabahan ng sobra.

Naramdaman ko ang panginginig ng buong katawan ko at pag lamig nito.

Dahan-dahan akong lumingon sa pwesto ng anak ko. Parang sinakluban ako ng langit at lupa sa nasaksihan ko.

Pinalibutan agad nila mama at papa sila Andro na karga na ngayon si Andy.

"Andy!"

Agad kong tinanggal ang seat belt ko at tumakbo sa asawa ko.

"S-sa kotse kailangan natin madala sa pinakamalapit na hospital ang anak natin"anya ko

Tumingin ako ng masama sa nakabangga sa anak ko.

"Mama, papa make sure na makukulong ang lalakeng ito"

Agad kong kinuha si Andy sa kamay ni Andro.Sumakay agad kami sa kotse.

Mabilis na pinaandar ito ng asawa ko.

Iyak pa rin ako ng iyak.Hindi pa rin tumitigil sa pag dugo ang ulo ng anak ko.

"M-mwamie"

Mas lalo akong naiyak ng marinig ko ang boses ni Andy.

"Shhh baby wag k-ka ng mag salita dadalahin ka namin sa hospital ok?"

"Mommy, da-daddy"

Napahagulhol na ako ng tuluyan nang tawagin kami ni Andy na hindi nabubulol.

"Please Andro bilisan mo pa. Hindi ko kaya pagnawala ang anak natin"

Biglang nagpreno si Andro. Tumingin ako sa unahan at may nakaharang don na isang babae. Binuksan ni Andro ang bintana nya at sumilip.

"Get out of our way!"

Lumapit ang babae sa bintana at hinaplos sa muka si Andro.

"Andro talk to me"

Wala na akong maintindihan sa nangyayari.

"Sorry Betina next time na lang tayo mag-usap"

Hinawakan nito ang asawa ko sa kwelyo. Kung ano man ang gusto nya sa asawa ko wala akong pake ang mahalaga ngayon madala agad si Andy sa hospital!

"Putangina mong babae ka!umalis ka muna dahil kapag namatay ang anak ko ikaw ang mananagot!"

Tumagal pa ng ilang segundo ang pakikipag-talo nya sa asawa ko.

Hindi man lang yata narinig ang sinabi ko.

Nanlaki ang mata ko ng kinakapos na sa hininga si Andy.

"A-andro please tara na s-si Andy!" humahagulhol na paki-usap ko.

Napatingin sakin ang babae na pumipigil kay Andro, para makaalis kami, ngayon nya lang siguro ako napansin.

Nanlaki ang mata nito ng makita ako at ang kalong kong si Andy.

"Shit Betina get lost!"sigaw ni Andro

"S-sorry"

Agad na gumilid ito at agad naman nag maneho si Andro.

Nang makarating kami sa hospital ay agad inasikaso ng mga nurse ang anak ko at pinahiga sa stretcher.

Iyak ako ng iyak hanggang sa pinagbawalan kaming pumasok sa emergency room.

Dumulog sakin ang asawa ko at niyakap ako.

"Huminahon ka lang Melody mabubuhay ang anak natin"

Mas lalo akong napaiyak at kinuha ang cellphone ni Andro mula sa likod ng pantalon nito.

May nabasa akong message

Kailangan mo akong panindagan dro

Ipinagsawalang bahala ko ang nabasa ko at tinawagan ang mommy ni Andro.

"O iho napatawag ka?"

Nag-iiyak ulit ako ng marinig ko ang boses ng mama ni Andro. Mahal na mahal nito ang apo nya at hindi ko alam kung anong magiging reaction nya.

"M-mama Flor"

"Melody?b-bakit ka umiiyak?may nangyari ba?"

"Si Andy po n-nabanga po sya ng kotse"

"Ano?!sandali saang hospital ba kayo?"

"Sa Novare Hospital p-

Hindi pa man ako tapos mag salita ay binabaan na ako nito.

Ibinalik ko kay Andro ang phone nya at ng i-scan nya ito ay bahagya syang namutla.

"Bakit?"

"Huh?w-wala"

Mga ilang minuto pa ang lumipas at dumating na ang mga parents ko sunod naman ang mga parents ni Andro.

"Iha naipakulong na namin ang nakasagasa kay Andy.Ano kamusta na ang apo namin?" Tanong ni papa

"W-wala pa pong balita hindi pa lumalabas ang doctor"

Napatingin ako kay Andro. Muka syang balisa. Malamang sobra syang nag-aalala sa anak namin.

"Sino ang mga magulang ng bata?"

Sabay kaming lumapit ni Andro sa doctor.

"Ligtas na ba ang anak namin?"

Yumuko ito at marahang umiling. Humagulhol sa iyak ang mga parents namin at ako naman hinihintay ang susunod na sasabihin ng doctor.

Umaasa ako na mali ang kutob ko sa pag-iling nya.

"I'm sorry misis pero marami ang dugo na nawala sa a-anak mo. Kung sana agad syang nadala dito at nalunasan namin ng mas maaga maililigtas pa namin ang anak nyo"

"A-anong ibig mong sabihin?b-buhay pa naman ang anak namin diba?"anya Andro sa nanginginig na boses.

"I'm sorry pero gaya nga ng sabi ko maililigtas sana sya kung agad syang nadala dito. Maraming dugo ang nawala sa bata patawad pero patay na ang anak n-nyo. Maiwan ko na kayo may pasyente pa akong aasikasuhin."

Matapos nito itong sabihin ay agad itong umalis.

Napuno ng iyakan ang paligid pati si Andro ay umiiyak na rin. Ako naman ay tulala. Pilit kong sinisiksik sa isip ko ang lahat na nangyari.

Dahan-dahan akong pumasok sa emergency room. Napatakip ako ng bibig habang lumalapit sa katawan ng anak ko. Sunod-sunod ang pag patak ng luha ko.

Nang makalapit ako sa katawan ni Andy napahagulhol na ako ng tuluyan.

"Baby ko andito na si mommy...please wake up"

Hinaplos ko ang muka ng anak ko. Hinalikan ko ang pisngi nito.

"Baby diba gusto mo ng hotdog?bibili ng marami si mommy bumangon ka na jan."

Hinintay ko ang pag response ni Andy pero wala. Gusto kong marinig ang bulol nyang pagtawag sakin ng mommy.

"Baby?uy wag mo naman iwan si mommy?"

Parang kanina lang ang saya pa namin. Tapos ganito ang mangyayari.

Umiling-iling ako at mas lumakas ang iyak.

"ANDY GUMISING KA NA!h-hindi na ako natutuwa please naman anak oh?"

Naramdaman kong biglang may yumakap sakin mula sa likod.

"Hon wala na ang anak natin just accept it"

Tinulak ko si Andro at binigyan ng sampal.

"How could you say that Andro?accept the fact na wala na ang anak natin?ganon na lang ba yun sayo?putangina!shit ka!"

"Bakit?kapag ba hindi ko tinanggap na wala na ang anak natin babalik pa sya?!putangina anak ko rin sya Melody!masakit rin para sakin"

Napaupo na lang ako sa lapag at pinag patuloy ang pag-iyak. Mula sa pinto naaninagan ko ang Doctora na naka-usap namin kanina. Hinahabol ito ni...no imposible!

Ipinikit ko ang mata ko at tumingin kay Andro na hinahalikan ang noo ni Andy.

Sana panaginip lang ang lahat ng ito.

G-gusto ko nang gumising.

Lord pls wake me up from this nightmare. This isn't real.

It will never been real!my Andy, my everything.

Kinagat ko ng mariin ang labi ko, at nang maramdaman ko ang sakit mas lalong lumakas ang iyak ko.

Dumulog muli sakin si Andro at niyakap ako ng mahigpit.

"A-andro umuwi na tayo, please"

"I'm sorry dapat 'di ko na lang kayo dinala don e. I'm so sorry honey"

Kalmado pa rin Andro at hindi gaya ko hindi sya umiiyak. Pero bakas ang lungkot sa mga mata nya.

"No Andro tara na umuwi na t-tayo hinihintay na tayo ng anak natin.

Wala sya dito, tara na Andro"

Hindi sya umumik at nanatili lang syang nakayakap sakin.

"Andro ano ba?sinabing umuwi na tayo!bakit ba ang kulit mo huh?umuwi na tayo please!"

Pumalahaw ako sa abot ng makakaya ko.

"Melody please!wala na ang anak natin!this is real!this isn't a dream kung yan ang iniisip mo!"

Bahagya akong nakaramdam ng hilo hanggang sa nilamon ako ng kadiliman.

This is it. After this I'm sure my baby Andy is not dead. He's not dead!

Next chapter