webnovel

Chapter 4

Napahawak ako sa dibdib ko, nung na-realize kong hindi sya mumu, umupo ako at hinawakan ang pulso ko sa leeg habang nakatingin sa relo ko. "Balak mo ba akong patayin sa gulat?!"

Napangiti si Mr Yabang pero tinaas lang ang kilay nya, "You do know you overreact right? Is that normal for you or are you trying to be cute?"

Tinigilan ko ang pagbibilang ng BPM ko, tumayo at nilagay ang mga kamay ko sa bewang ko at tinignan sya, "Ginulat mo ako, so malamang magugulat talaga ako. Hindi ba normal reaction yun?!"

Nag-cross sya ng arms sa dibdib nya, "It's not my fault you're not very observant."

Pumikit ako at huminga ng malalim, pagdilat ko nandun pa rin sya, "Anyway, bakit nag-brown out?"

Tumawa si Mr Yabang at napailing, "Apparently, you don't read emails either."

Tumingin lang ako sa kanya at nag-antay ng sagot. Ano ako manghuhula? Gago pala to e.

Nung na-realize nyang magtititigan kami dito hanggang umaga hangga't di sya sumasagot, nagkamot sya ng noo, "We sent an email this morning that there's a power shut down in the building. We're testing the backup servers."

Dinuro ko sya, "Ayan! Malay kong may ganyan e wala nga yung laptop ko diba? Sira?!"

Tumingin sya sa laptop ko at ngumiti, "Yup. My bad. Sorry."

Since nag-sorry na sya, parang lumakas ang loob kong magsalita, "At ayan! Bakit ka ba English ng English nasa Pilipinas tayo!"

Tumaas ang mga kilay nya parang nagulat, sumobra na ba ako? I mean Associate lang ako, at Manager sya. Pero imbes na magalit ngumiti ulet sya.

"Sorry. Old habit."

Nung wala nang nagsasalita samin, I took it as a cue to leave so tumayo na ako at kinuha ang bag ko.

Nakaharang pa rin sya sa cubicle ko pero umurong sya nung nag-excuse ako para makadaan. Imbes na maiwan dun sinabayan nya ako sa paglalakad. Nakalabas na kami sa reception at palabas na kung saan nandun ang mga elevators pero sinasabayan nya pa rin ako. Ano ba to? Stalker much?

Nung nasa tapat na ako ng elevators, dun ko lang na-realize ang sinabi nya. Walang kuryente, edi walang elevator. Bababa ako using the stairwell na hindi masyado mailaw. Kaya ko naman kasi nasa 14th floor kami at pababa naman pero hello... mumu alert.

Umikot akong bigla, nakatayo lang sya sa tabi ko, nakapasok ang kamay sa pockets ng pants nya pero nakangiti sa akin, ineexpect nyang ma-realize ko ang problema ko.

Huminga ako ng malalim at parang nauubusan na ng pasensya, "How many hours yung shut down?"

Tumingin sya sa relo nya, "We still have around 11 and a half hours."

"Shit."

I can't catch a break. Seriously.

Parang sumabog ang dibdib ko sa sama ng loob, I mean hello? Mabait naman ako, pero parang nagtutulong tulong ang mga kalaban ko sa universe at pinagtutulungan nila akong apihin. Tumulo ang luha ko at agad kong pinunasan.

"Woah! Bakit ka umiiyak?" Yumuko si Mr Yabang at tiningnan ang mukha ko.

"Wala!" Dumerecho ako sa stairwell at tinulak ang pinto, bahala na si Batman. Hindi naman siguro ako itutulak ng multo no!

"Wait!" Sumunod pa rin sya akin, bakit ba ang kulet neto. Bilisan ko na lang lakad baka sakaling hindi makahabol.

"Slow down!" Dere-derecho pa rin akong pababa ng hagdan.

Hindi ko na marinig ang footsteps na so I guess tumigil na sya kakahabol sa akin. Bigla syang nagsalita ulet at sa sobrang lakas um-echo sa buong stairwell.

"Do you know the story of the dead Security Guard?"

Napatigil ako sa paglalakad at tumayo ang balahibo ko sa batok.

Dumerecho ulet sya ng lakad pero slower this time, "It was around 1am yata, and this building was still being built, the site manager said there was no warning, bigla na lang bumigay yung scaffold and the metal parts fell..."

Nilampasan nya ako at tumigil sa harap ko, he stood in the stair below me at umikot sya para humarap sa akin, pero kahit na nasa baba sya mas matangkad pa rin sya sa kin. I looked at his eyes, his lashes are so long it's annoying the shit out of me.

Nakangiti pa rin sya, "The security guard's skull opened up..." pinitik nya ang noo ko, "Right there."

Hinampas ko sya sa balikat, "Balak mo kong patayin sa takot ha?"

Hinawakan nya ang part na hinampas ko, "I think there's a harassment complaint here somewhere."

Napatingin lang ako sa taas at nag-kalma ng sarili, "Namaaaaan!!! Malaki po ba ang kasalanan ko sa inyo ha? I need a break, Bro, c'mon!"

Tumingala si Mr Yabang at hinanap ang kinakausap ko, "May sayad ka ba talaga?"

Tiningnan ko sya ng masama, "Diba dapat pag Manager kagalang galang? Tumigil ka na sa pagsasalita jan baka malimutan kong 'boss' ka dito."

Tumawa sya at nag-echo sa stairwell. Nakakaasar to pati tawa e maganda pakinggan.

"I like talking to you Andi, you're weird." Napailing na lang ako, talaga tong lalaking to parang gusto nyang magpagulong gulong dito sa hagdan.

Umikot ako sa kinatatayuan nya at nag-start na ulet bumaba ng hagdan.

"Wow. Tapang mo ah. You know a janitor died cleaning this stairwell about 3 years ago..."

Umikot ako at humarap sa kanya, napatigil sya sa paglalakad. "Ano bang gusto mong mangyari ha? Hindi pa ba enough na naglalakad ako sa dilim at kailangan mo pa akong takutin? Gusto ko lang makauwi."

Parang natauhan sya, at mejo parang nagsisi naman sa pananakot sa akin. "I just wanted you to slow down, I'm willing to walk you to the lobby but we have to slow down okay?"

Huminga ako ng malalim, hindi naman siguro masamang samahan nya akong maglakad, at tingin ko kailangan ko rin ng kasama at mejo madilim talaga dito. "Fine. Pero no talking."

Napaangat ang mga kilay nya at nag-muestra syang ni-zip ang bibig nya, ni-lock at tinapon ang susi.

Works for me.

Tumalikod ulet ako at nagsimulang maglakad pababa.

Ayos naman ang paglalakad namin in silence, inisip ko lang ang weird na mga nangyayari sa akin nitong nakaraan after breaking up with my boyfriend of a year finally when I decide to move on, the universe continuously poops on my head and now I'm with most annoying person ever at kahit na sarado na ang bibig nya walang tigil naman ang ilong nya sa paghinga ng malalim. Puro buntong hininga sya and I'm trying my best not to give him the satisfaction of me reacting to it.

Nung hindi nagwork ang pagbuntong hininga, nag-pretend syang bumabahing, umuubo at lahat na ng pwedeng sound effect basta walang words na lumabas sa bibig nya.

Hindi ko alam kung matatawa ako o maiiyak pero jusko nakakabwisit ang ingay nya so hinayaan ko syang lumampas ng konti sa akin sa hagdan at kinalabit sya. Pagharap nya sakin, gamit ang kaliwang kamay ko hinawakan ko ang pisngi nya at using my right hand kunyaring sinusian ang gilid ng bibig nya. Nanlaki ang mata nya pero ngumiti lang ako, "Leche, pwede ka nang magsalita."

Naglakad na ako pababa pero naiwan sya dun hawak hawak ang mga pisngi nya, "Ouch. My cheeks."

Bumulong lang ako, "Arte."

Humabol sya sa akin pababa, "You should be gentle, I bruise easily you know?"

Hindi pa rin ako tumingin sa kanya dahil nabo-bother ako sa kinis ng mukha ni gago, ang lambot ng pisngi pero parang may stubble pa rin sya ng konti kagaya kahapon, I just cleared my throat and pretended not to be affected pero feeling ko aamuyin ko ang kamay ko mamaya, parang ang linis nya e malamang mabango rin, ay putek ano ba yang iniisip ko.

I tried to be civil since sinamahan nya naman talaga ako pababa which I guess he didn't have to do so he's nice? I think.

"For someone that doesn't go out much, you sure talk a lot." English lang ba, kaya ko rin yan! Pero mga 5 minutes ko pinagisipan baka wrong grammar ako.

"Wow. Now who's speaking English? Nasa pinas tayo, magtagalog ka na lang."

Bago pa ako makasagot, he kept on talking, "And what do you mean I don't go out much? You don't know anything about me."

Tumawa lang ako ng slight, "Hello. 2 years na ako dito sa Company ni hindi nga kita kilala – no offense. That only means na hindi ka masysado naglalalabas dun sa office nyo."

Nun ko lang na-realize na sa sobrang pag-didistract nitong si Yabang sa akin nasa lobby na pala kami.

Lumabas na kami sa pinto, mejo mas maliwanag dito sa lobby. Naglalakad na ako sa gitna nang na-realize kong wala na sya sa likod ko, paglingon ko nasa tapat sya ng pinto sa stairwell at pinapanood lang akong maglakad palayo, "I have to get back" sabay turo sya sa taas, syet maglalakad pala syang mag-isa at paakyat sa 14th floor. Na-guilty naman ako.

Tumango lang ako, at bago pa ako makapag-thank you tumalikod na sya at binuksan ang pinto ng stairwell, tumalikod na rin ako at maglalakad na rin palabas ng building nang nagsalita ulet sya, "I've been around..."

Napalingon ulet ako sa kanya at bago sumara ang pinto ng stairwell and he said "You just didn't notice."

Next chapter