webnovel

Chapter 3

Muntik nang sumabog ang kapeng iniinom ni Jem sa mukha ko.

"Seryoso ako, Jem. Mag-rereklamo ako sa HR!"

Sumandal si Jem sa upuan nya at nag-cross ng arms nya, "Seryoso ka? Para lang dun magrereklamo ka? Wag ka ngang OA."

Hinampas ko ang kamay ko sa table, "Jem, pinag-antay ako nung Carl na yun, hindi ba responsibility nila to provide support? And I didn't feel... SUPPORTED."

The more I think about it, the more na naiinis ako kasi may point naman si Jem, ang babaw nga naman para magka-record yung bagong hire.

Teka may naalala pa ako, "E yung bwisit na manager na yun! Sinarahan nya ako ng pinto! In my face!!!"

Napakagat labi si Jem, "Si Sir Chuck?! Patawarin mo na yun, baka naman busy lang." Sus, wala na, sabaw na utak nito ni Jem dahil sa gwapong mayabang na yun.

"Hindi pwede, kailangan bukas ng umaga nasa table ko na ang laptop ko, kung hindi susugurin ko sila dun sa lungga nila!"

"We are all programmed to believe that if a guy acts like a total jerk that means he likes you.

-He's Just Not That Into You"

Tinanggal ko ang earphones ko at humiga sa kama ko, hindi ko maalis sa isip ko yung Charles na yun. Sino ba sya sa tingin nya?

Sige na, given na mejo irate na ako nung pumunta sa office nila pero hello? Hindi ko naman kasalanan yun e, pano yung tao nya hindi ako binalikan when he said he would. He still had no right para pag-sarahan ako ng pinto at pag-antayin ako sa labas ng 15 minutes tapos paglabas nya aalis na sya, uuwi na ganun? Naiwan ako dung nakatanga.

Tumingin ako sa laptop kong naka-pause sa first few scenes pa lang. In this movie, they're saying na if a guy likes you then he must be annoying you to death para mapansin mo sya. So is he trying to get my attention?

Pinukpok ko ang kamay ko sa noo ko, "Ano, desperado ka na? Papatol ka na sa ganun? Bakit mo iniiintindi kung gusto ka nun or hindi. You're not supposed to care."

Sinilip ko ang cellphone ko at tiningnan ang picture namin ni Kenneth – kahit na anong pilit mo palang kalimutan gumagawa ng paraan si Universe para asarin ka. Heto si Facebook, one year ago daw nung nag-movie date kami - one of our first few dates. Share daw? Tanginamuch. Sinara ko na ang laptop ko at nagtaklob na ng kumot.

Pag-dating ko sa cubicle ko the next morning may laptop na nakapatong sa desk ko may nakalagay nga lang sa ibabaw ng laptop na post-it at nakasulat "Spare Unit". Huminga ako ng malalim at pinilit na hindi umiyak, talaga naman ang pagkakataon. Nagsisisipa akong parang bata sa pwesto ko para tanggalin ang bad vibes.

Tumingala lang ako at nag-reklamo kay Lord, "Utang na loob naman, mabait na tao naman po ako diba? Bawi naman po, sige na!"

"Do you make a habit of talking to yourself?" Napalingon ako sa lalaking naka-sandal sa cubicle ko, si Mr. IT Manager. Tumingala ako ulet at bumulong ulet kay Big Bro.

"Talaga po bang sinusubukan nyo ako?"

Nagsalita ulit si Mr Yabang, "Or are you one of our 'Special Employees'? Ang alam ko mostly they're assigned as Analysts because of their keen attention to detail so I'm not sure why you're assigned here." Lumingon lingon pa sya sa paligid.

Pinilit kong kalmahin ang sarili ko – after all, he outranks me, I plastered on a smile on my face, "Hi! How can I help you?"

Napangiti sya, syet ang lalim ng dimples. "I was just checking if may replacement unit na napadala sayo, Miss Martinez."

Nanggigigil ako pero kailangan magpigil and be civil, professional ganun, "Please call me Olga."

"Olga?" Tanong nya. Hello binasa nya ID ko kahapon so I'm pretty sure alam nya ang pangalan ko.

"Yes." I still smiled kahit na pilit na pilit.

"Bakit yun ang pinangalan sayo? Is there some specific reason?" It seems na mejo basa ko na ang taong to, the question is not new to me, halos lahat ng kaibigan ko natanong na yan.

"My parents like the letter 'O', lahat kaming magkakapatid letter 'O' ang simula ng pangalan." Not very interesting answer pero it's the only one I have.

Nakatingin sya sa akin na parang napaisip sya, "Uh-huh."

Dumerecho sya ng tayo, "Okay, see you around, Andi."

Napakunot ang noo ko, "Wait, sabi ko Olga ang itawag mo sakin" – wait, that sounds like a porn flick if I ever heard one. "I mean, just call me Olga – everyone calls me that."

Paatras syang naglakad at nakatingin sa akin, "Nope. I like Andi better. It fits."

"It fits? It fits? Anong ibig sabihin non? Hindi bagay sakin ang Olga ganun?" Palaisipan pa rin sakin ang sinabi ni Mr Yabang kanina. Lunch break na e di pa rin ako maka-move on.

May laman pa ang bibig ni Jem nang sumagot sa akin, "Bagay kaya sayo ang Olga – maarte, madrama, bongga, pang-contrabida."

Kumagat ako ng sandwich ko, "I know right?", first time ko ulet mag-lunch dito in a long time, marami na palang bagong employee dito sa amin. Kanina pa ako lingon ng lingon sa paligid ang daming bagong tao dito sa canteen. Pag nasa relationship kasi ako nagkakaroon ako ng 'blinders' yung parang sa kabayo yung takip sa mata ganun.

"E bakit nya sinabi yun? Diba? Kabago-bago nya dito ganun na sya maka-asta." Tuloy pa rin ako sa pagkain ng sandwich ko, sarap ah. Nagpalit ba kami ng concessionaire?

"Grabe ka makabago ha, mas matagal pa kaya sayo si Sir Chuck."

Napaligon ako kay Jem, "Ha? Bes, 2 years na ako dito pano naman nangyari yun na di ko sya kilala?"

Uminom muna ng juice si Jem bago sumagot, "Girl, I swear para kang nagkaka-mental illness pag in love ka. Nakwento ko na sayo yan 6 months ago, galing si Sir Chuck sa main office dun sya mga 5 years na nagwork as IT Supervisor tapos paglipat nya dito na-promote sya as IT Manager. Hindi sya madalas dito the past months kasi nag-iikot sya sa branches natin. Ano ba yan, paulit ulit."

Huh. So matagal na kaming magkasama sa office pero di ko sya kilala? Ganun ka-gwapo hindi nahagip ng radar ko? Aba, malaki nga tama ko kay Kenneth.

"Anyway, last time I heard single na ulet sya. He used to date yung VP ng sales. Big time." Tuloy lang sa pagkain si Jem after mag-kwento.

Bigla akong may naalala, "Wait lang, diba yung VP ng sales ay COO?"

"COO? Hindi gaga! VP nga e." Namumualang sa kanin ang bibig ni Jem habang nagsasalita.

"Mas gaga ka, COO – Child Of Owner?"

Natawa si Jem, "Ah oo. COO nga. May natutunan akong bago sayo ngayon ha, pwede na akong umuwi."

Ang sakit na ng mata ko kakagawa ng reports na I had to start from scratch, buti na lang mabait pa ang boss ko at inextend ang deadline ko pero heto kailangang mag overtime para lang matapos ang trabaho. Tinanggal ko ang pa-keme kong salamin (walang grado) at pinisil ang bridge ng nose ko, bakit ba nila ginagawa yun sa movies? Arte lang rin? Wala namang epekto.

Tumayo ako at nagpunta sa pantry, kailangan ko ng kape, yung masarap na kape - barako.

Nakasandal ako sa table sa pantry habang inaantay ang pag patak ng kape sa coffeemaker namin, pagtingin ko sa relo ko it's almost 7pm. Hinawakan ko ang batok ko at ni-rotate ang leeg ko clockwise, counterclockwise. "Aray, kailangan ko na magpa-massage."

Napatili ako nang biglang nawalan ng ilaw ang buong floor namin. Dali dali kong binunot ang saksak ng coffeemaker at lumabas ng pantry. Buti na lang may emergency lights, pero mejo madilim pa rin. Pumunta ako sa cubicle ko at shinut-down ang laptop ko, habang nag-aantay na magshut down ang laptop ko tinawagan ko si Jem – hindi sya sumasagot, "Shit! Um-awra na naman yata tong baklang to."

Nun ko lang na-realize ako na lang pala ang tao sa office, kinausap ko ang laptop ko't pinagpipindot ang 'enter', "Bilisan mo naman mag-shut down."

"That's not gonna help."

Napatili ulet ako at napaatras.

Nakangiti na naman sa harap ko si Mr. Yabang.

Next chapter