webnovel

Chapter 1

I look at the picture of the happy couple while tears are streaming down my face. I cry for the happy faces smiling back at me, I touch the face of the woman who thought she held the hand of the man who will be with her forever. The one who will finally make her dreams come true. The one who will promise her the life she wishes for, the life she deserves. I hold the pictures tight in my hand and put them over my heart; I raise my head to the sky and cry. Cry for the year I have spent loving this man, cry for the 'almosts' we didn't have and cry for myself because now I have to go out there again, into the big, bad world, bruised and broken.

"Whyyyy???!!!!"

I knelt to the dirt and yelled, "Whyyy???!!!"

"Lintek ang ingay mo!" Ang lakas ng batok sa akin ng Tita ko, muntik na akong sumubsob sa basurahan namin.

"Aray naman, chang." Humihikbi hikbi pa ako at nagpupunas ng luha. Pinagdadampot ko ang mga nahulog na pictures namin ng "mahal" kong si Kenneth.

"Gaga ka, istorbo ka sa pinapanuod ko e, para kang baboy na kinakatay jan." Hinatak ni chang ang braso ko at pilit akong itinayo.

"Hindi ko na alam ang gagawin ko sayong babae ka, isosoli kita sa inyo e." Bigla naman akong natauhan.

"Wag naman po, chang. E alam nyo naman ako gusto ko talaga maging artista mula nung bata ako kaya ganito lang ako, pagpasensyahan nyo na po ako." Tinry kong ngumiti kahit na pilit na pilit. Ayoko namang bumalik sa probinsya namin, lahat ng lalaki dun nakita akong walang salawal mula pagkabata, paano naman ako makakahanap dun ng boyfriend na seseryosohin ako?

"Oh sya, iligpit mo na yan. Ano bang gagawin mo jan sa mga pictures na yan? May pakandi-kandila ka pa, baka makasunog ka na naman dito sa bahay talagang papalayasin na kita!" Sobra naman, isang beses lang yun nangyari tsaka bata pa ako nun, sabi kasi ng mga kaibigan ko pag nakuha ko raw ang picture ng crush ko dasalan ko sa tapat ng kandila ng alas-12 ng hatinggabi at kinabukasan papansinin na nya ako, malay ko bang hahanginin yung kurtina at tatamaan yung kandila diba?

"Opo, mag-iingat naman po ako chang, wag na po kayo magalit. Pasok na kayo sa bahay, baka matapos na yung pinapanood nyo." Tinulak ko ang likod ni chang ng onti para iwan na nya akong mag-isa at matapos ko na ang ritwal ko.

Pinulot ko ang mga pictures namin ni Kenneth na halos maubos na ang sweldo ko kakaprint galing sa cellphone ko, para lang punitin ang sunugin. Baliw na nga yata talaga ako.

Sumilip muna ako sa likod ko para siguraduhing wala na si chang, at nagbalik sa pag-iiyak sa mga alaala namin ni Kenneth. Tiningnan ko ang mga pictures namin habang isa isang sinusunog, para hindi magalit si chang bumulong na lang ako, "Tangina mo kasi e. Gago ka, bakit mo ko pinag-palit?"

"Sana tubuan ka ng mga kurikong sa mukha, hayup ka." Hinahaplos haplos ko pa ang mukha ni Kenneth sa picture. Hindi ko alam kung isusumpa ko sya or itetext ko ulit baka sakaling magkabalikan pa kami.

Tinuktok ko ang kamay ko sa ulo ko, "Gaga. Gaga ka, wag nang umasa! Tama na ang ilang linggong pakikipag-balikan, move on na. Move on na!"

Nakakahiya mang aminin, pagdating sa pag-ibig wala ako masyadong pride. Wala sa bokabularyo ko yun. Ilang beses man akong itakwil ni Kenneth, dinodoble ko ang efforts ko para makausap sya, hanggang sa i-block na nya ako sa Facebook at nagpalit na rin sya ng number nya. Saklap.

Isa isa ko nang hinagis ang pictures namin sa apoy. Kailangan mawala lahat ito kundi hindi ako makaka-move on. Hindi ko kaya.

At syempre parte na ng ritwal ko ang umiyak habang isinusumpa sa mga kalangitan na may makikita akong iba, na magiging masaya rin ako someday. At alam ko ibibigay yan sa akin ni Lord, dahil mabuti naman akong tao. Malandi lang, pero mabuti.

Nang maubos ko na ang pictures, hinawakan ko ang dibdib ko sa ibabaw ng puso ko at sinabing, "Hindi lang ikaw ang lalaki sa mundo, Kenneth at tapos na akong umiyak dahil sayo. Makikita mo, makakahanap rin ako ng lalaking karapat dapat sa pagmamahal na maibibigay ko."

Pinanood ko nang lamunin ng apoy ang mga pictures namin ni Kenneth. Last day na today ha, Olga. Tomorrow is a new day and tomorrow you'll be a free woman. Free ka na ulet.

Napaiyak ulet ako, "Putanginang luha to, ayaw maubos. Hay!" Tama na.

"Tama na."

Last hingang malalim at pumasok na ako sa loob ng bahay.

Dumerecho na ako sa kwarto ko at nahiga sa kama, nakatingin sa kisame. Bukas, lagi namang may bukas. Hindi pa nauubos ang pagkakataon mo. Mag-25 ka pa lang, bata ka pa at marami pang lalaki jan. Hindi pa naman naubos ni Kenneth ang bango mo, buti na lang hindi ka naanakan nung gagong yun.

Bukas, kailangan maging normal ka na, hindi na natutuwa sayo ang mga kaibigan mo masyado ka nang ma-drama.

Pinunasan ko ulit ang mga luha ko, at pumikit na.

Patulog na ako nang biglang dumagungdong ang boses ni chang sa loob ng bahay...

"OLGA ANDREA! HINDI MO NA NAMAN PINATAY ANG KANDILA!"

Next chapter