webnovel

Prologue

***

Sometimes I wanna ask myself.. Am I deserving of this things?

What if I didn't transfer to that school? May maiiba ba?

Siguro, OO.

Wala akong makilala na mga gago..

Wala akong makilala na mga mababait..

Wala akong makilala na mga taong magmamahal sa akin nang totoo..

Buong buhay ko, binuhay ako ng sakit at poot. Dahil sa ginawa nila sa pinakaimportanteng tao sa buhay ko. Namuhay akong, nagpanggap na okay lang ang lahat at hindi nanghingi ng tulong sa iba.

Nagsimula ang mga bagay na hindi ko inaasahan nang mag-transfer ako sa eskwelahan na 'yun.

Iniidolo ako ng lahat, halos luhuran pa nga eh. Nakilala ko rin ang nagsisilibing hari nila, na pinagtripan ko lang.

May nakilala rin akong mga impakta na ang sarap ingudngud sa kanal, mga dating kaibigan na nalimutan, mga taong nandun sa panahong gusto ko na lang mawala sa mundo.

At ang taong, walang ibang ginawa kung hindi ang mahalin ako. Ang sara pala 'no? Pag mahal ka ng taong mahal mo, para kang nasa alapaap. Parang living fairytale.

Pero dumating 'yung panahon na, nagulo ang masaya kong mga araw. At umabot sa puntong.. sa puntong may napag-iiwanan na ako.

Na tipong, dahil sa isang bagay nawala ko 'yung pinakaimportante sa'kin.

Ginawa ko ang magmakaawa, pero wala akong nagawa.

Ang sakit lang.. Sobrang sakit..

Kaya minsan, tinatanong ko ang sarili ko.. Paano kung hindi ako lumipat sa school na 'yun?

***

Next chapter