webnovel

Prologue

"AHHHHH! Ang Pogi mo Xander!"

"Akin ka na lang Ralph loves!! AHHHH!"

"HUHU! ZARRY BABY MARRY ME!!!"

"Hoy! Anong Zary baby?! Akin lang si Zarry my loves 'no!"

"anong sayo?! Akin lang siya!"

"Mang-aagaw ng asawa!"

Napangiti naman ako habang pinagmamasdan yung mga fan girls. Haha grabe parang dati lang ganyan din yung ginagawa ko. Nagagalit kapag may nang-aaagaw sa crush ko 'non. It's been what? 19? 20 years? ang tagal na panahon na din pala.

"Hays, teka nga asan na kaya yun?" tanong ko sa sarili sabay tingin sa relo ko. Kahit kailan talaga yun. Anong oras na ang tagal tagal naman. "humanda talaga sa akin yun pagdating niya!" gigil na gigil kong sabi.

"Oh shitt! HELLPPP!" sabi ko ng may biglang tumakip sa mata ko. Kumalma lang ako nang maamoy ang mabango niyang pabango at nang marinig yung tawa niya.

Humanda ka sakin ngayon lalaki ka! Mamaya ka sa akin.

"Happy ka na niyan?!" singhal ko sa kanya. Eh pano ba naman kasi, di siya natigil sa pagtawa at ang nakakainis pa yung way ng pagtawa niya. Buset.

"Galit na Galit ka te?" sabi naman niya habang tumatawa pa rin. inirapan ko na lang siya. Hindi ko siya papansinin diyan dahil sa ginawa niya. Ha! Kala niya ah.

"Lah? Galit ka talaga?" inismiran ko lang siya

Mangisay ka diyan. Epal.

"Oy babe, sorry na. eto naman di na mabiro" sabyt nguso niya.

Kala mo maaawa ako sayo? Neknek po pards! Nagkataon pa namang may visitor ako.

"Babe naman eh. Pansinin mo na ako please" habang magkadikit yung mga palad niya at nag pa-puppy eyes

"tss." Sabi ko na lang kahit na kanina ko pang gustong yakapin ang isang to

"Sige ka, pag di mo ko pinansin sasayaw ako dito" sabi pa niya. Sasayaw pala ah. Masubukan nga.

"edi sumayaw ka" cold kong sabi para kunyare talaga galit pa rin ako.

"tignan mo, gusto mo lang pala akong sumayaw, nahihiya ka pang aminin" inirapan ko naman siya sabay kuha ng cellphone ko para siyempre ready no. mag kukunyari na lang akong nag ffb.

Tss. Tagal sumayaw ready na ako eh.

"Babe" tawag niya sa akin. "babe tignan mo oh sumasayaw na ako" at dahan dahan na nga siyang nag se-sexy dance . kinagat ko na lang yung gilid ng pisngi ko para mapigilan ko yung tawa. HAHAAHA mukha kasi siyang bulate pero ang hot niya pa rin kasi naka poker face pa siya.

Habang ginagawa niya yon narinig ko nanaman yung mga fangirls kanina. Di ko lang sure kung para ba sa asawa ko yun o hindi, pero I'm hundred percent sure na may ibang tili na para sa asawa ko. Kahit ako naman 'no, kasi kahit na dumaan ang panahon di pa rin nawawala yung dating niya.

"Yucks Dad! Stop it na!" bigay pansin naman ng anak naming at napahinto naman siya sa pagsayaw at nilingon ang anak. "Why are you dancing dad? If that's what you call dancing?" napatawa naman ako dun sa sinabi ng anak ko. Kitang kita kung saan talaga nag mana HAHAHAHAHA.

"Za, yung nanay mo kasi ayaw akong pansinin" sumbong niya sa anak na parang bata at mas lalo lang akong nangiti kasi binigyan lang siya ni Za ng disgusted look.

Yes, my son is Zarry yung 'pinag-aagawan' nung dalawang babae. Grabe, parang dati lang ako pa yung nasa posisyon ng mga babaeng nandoon, then tignan niyo ngayon 'anak' ko na yung tinitilian at pinag-aagawan, and take note he's just 15 what more kapag lumaki na siya, right?

"Mom?" tawag sa akin ni Za.

"Fine. Hahahaha, by the way babe you look hot when dancing."sabi ko sa kanya habang natatawa tawa pa. "hot na bulate" dagdag ko na nagpatawa sa anak ko

Inirapan niya lang ako sabay sabing "tss. Pasalamat ka mahal kita."

"Thank you" sabi ko sabay halik sakanya. Sinagot niya namn yung halik ko na parang wala kami sa public place. Natigil lang kami nang biglang may tumikhim at napatingin naman kami sa anak naming na mukhang na-o-awkwardan sa amin

"Ano ba yan, bitin��� bulong niya

"later babe."I winked at him. "I love you"

"I love you too." Hinalikan niya na naman ako pero peck lang.

Pagkatapos nun, nakarinig nanaman ako ng mga tili at sigaw.

"SHETTT SANA OLL!"

"TAYO NA LANG ZARRYYY!!'

"AYOKOO NA SA LIFE!! ZARYYY BE MINEE!!!"

Hey there! I just want you to know that this story will be TAGLISH (Tagalog/English). Thank you!

Creation is hard, cheer me up!

Give Love, Share Peace and Respect!

God Bless!

BlacklyPastelcreators' thoughts
Next chapter