webnovel

Chapter 9

Cristallyn's POV

"OMG Cristallyn! I have a good news for you!" masayang sabi niya. I feel nervous kahit sabi ni ma'am mayroon siyang good news sa akin, although I still feel the excitement "Oh, for all of you pala na kasama sa competition." Good news para sa amin pala hehe.

"Ano po yun?" excited na kinakabahan kong tanong at lumapit na kay ma'am

"There will be scouts na magju-judge sa competition, these scouts are from different big schools sa manila, and once na nakita nila na may talent ka sa pagsusulat, pwede ka nilang kunin and with scholarship pa." masayang sabi ni ma'am at feeling ko mukha na akong tanga sa lawak ng ngiti ko. "I'm excited to announce 'to sa lahat! Can you call them? Dito sa office ko." Tumango naman ako at umalis na para tawagin lahat ng kasali.

I went sa room kung nasaan yung mga gumagawa ng articles; yung room na pinaggalingan naming before kami magpunta sa computer lab. And then, I went sa computer lab para sabihan na rin yung mga co-sports writer ko.

"Guys! Guys! May ia-announce si ma'am sa atin!" nae-excite kong tawag sa kanila. They looked at me naman with a curious look.

"Anong announcement?" kunot noong tanong ni Lala sa akin. Sasagutin ko na sana si Lala ng 'It's a surprise' kaso bigla namang sumingit si… anong pangalan niya? Sa—, Sap--, ahh Sabrina pwede ring sapsap.

"Ano namang announcement yan?" mataray na tanong ni sapsap este Sabrina, tumango naman yung buntot niya na si Athena ata.

"Oo nga, ano namang announcement?" ulit na tanong ni Athena

"Pwede ba, ibang line naman sabihin mo? Unggoy na nga mukha pang aso." Gusto kong sabihin kaso wag na lang, di sila worth it pag-ubosan ng boses.

"Tignan niyo na lang, dami niyo kuta" sabi ko pero pabulong na lang yung huling line. Ayaw ko namang masira yung mood ko dahil sa kanila 'no.

Pagkatapos nun, hindi ko napansin na nauna na palang umalis si Lala sa amin. Dumiretso na rin ako paalis sa comp room at hindi ko na binalikan ng tingin yung dalawa. Pabalik na sana ako sa office ng SJ nang mahagip ko ng tingin si Ericka na nagtitingin tingin sa camera niya habang naglalakad.

"HAHAHAHAHAHA" tawa ko ng natalisod si Ericka. Narinig niya siguro yung tawa ko kaya napalingon siya sa gawi ko at sinamaan ako ng tingin, sisigawan niya sana rin ako kaso ni-nguso ko yung mga estudyanteng pinagtitinginan na siya dahil kanina pa siya naka-upo sa lapag.

Inis na tumayo at nagpagpag ng palda at tuhod si Ericka, at dali-dali na siyang lumapit sa akin. Loud noises in 3, 2, 1

"HOY GAGI! NAKAKAHIYA!" pag wawala niya. "Ba't ka ba kasi nandito?" biglang tanong niya at hinila na ako pabalik sa office

"Oo nga, bakit ka ba nandito? Tapos ka na ba sa article mo o…" bigla niyang hinto sa harap ko at tumingin sa akin na para bang sinusuri niya ako. Lumiliit pa yung mata eh. "naghahanap ka ng ipapalit kay fafa Gerome?" mapang-asar niyang tanong at sinusundot pa ako sa tagiliran.

"Heh! Ano ba, tigilan mo nga ako." Ani ko habang umiiwas at pinipigilan yung kamay niya. "Sino naman nagsabi sayo na ipagpapalit ko si Gerome? Uyy, Never 'no! As in Never ever!" proud kong sabi at sa wakas, tinigil niya na yung pangungulit niya sa akin.

Pagkatapos kong sabihin yung kalandian ko, tinanong ko na sa kanya kng nasan na yung iba pang photojourn at dumiretso na kami pabalik sa office. Saktong sakto rin naman na nandun na yung ibang photojourn at yung iba naman ay kasunuran lang namin kaya sabay sabay na kaming pumasok sa office ni Ma'am Dely.

Pagdating namin sa office, naghanap na ng sari-sariling pwesto ang bawat isa. At agad naman akong tinabihan ni Ericka.

"Ano ba yung announcement?" kuryoso niyang tanong sa akin at naupo na sa tabi ko. Hindi ko kasi nasabi sa kanya kanina at nalaman niya lang din kanina na inutusan ako ni ma'am Dely na tawagin sila kaya ako lumabas

"May mga scouts daw na galing sa mga different schools sa manila na magja-judge sa atin. And kapag napili, kukunin daw nila." Pag-explain ko sa kanya ng pinaka thought lang kasi e-explain din naman ni ma'am yun eh.

"talaga? Omygashh! This is our chance na makapasok sa isa sa mga big schools sa manila. Kailangan talaga na makapasok tayong dalawa. Lalong lalo na sa CSA, para makita natin si Gerome ng madalas" Excited niyang sabi, ngumiti naman ako.

Yeah, that's our goal, to study in one of the big schools sa manila, especially, sa CSA kahit na scholar lang and of course magkasama kami. And if that happens, we would be the happiest bestfriends HAHAHAHA.

Sinabi na nga ni ma'am yung good news at marami ang na-excite at biglang kinabahan daw. Everyone wants to study in Manila kasi talaga. You know, kapag sa isang university na nasa Manila ka kasi nakapagtapos, is a big achievement na; wala pa dun yung advantage yun sa paghahanap ng trabaho, all access na, kumbaga mas malaki yung opportunity sa manila. Hindi naman sa hate ko yung mga province universities ah. It's just that everything has its pros and cons talaga.

"Grabe no, imagine? Matatanggap tayo tas scholar pa." hindi pa rin makapaniwalang sabi ni Ericka habang naglalakad kami palabas ng school, kaya naman ako na lang yung pumara ng tricycle na sasakyan naming pauwi.

Kahit habang nasa tricycle kami yun yung bukambibig ni Ericka. Sabi pa nga niya na ibabalita niya daw yun sa nanay niya, sigurado daw na matutuwa si tita. Ako din ikukwento ko kay mama yun, paniguradong matutuwa din yun. Ano kayang reaction ni mama?

Pumara na ako nang nasa tapat na kami ng bahay at nagpaalam na kay Ericka, although kilala na rin naman kami ng tricycle driver. Doon pa kasi sa kanto si Ericka eh kaya siya talaga yung mahuhuling bumba.

"Bye" paalam ko kay Ericka nang maibigay na ni kuya yung sukli ko. Kumaway naman pabalik si Ericka at umalis na yung tricycle.

Pagkapasok ko sa bahay, napansin ko agad na sobrang tahimik. Umalis siguro si mama. Dumiretso naman na agad ako sa kwarto para magpalit ng damit pagkatapos kong isarado yung gate. Mamaya ko na lang siguro sasabihin kay mama yung balita.

Bumaba ako sa kusina para magluto, buti na lang may natirang sinaing. Itlog lang naman lulutuin ko at hotdog, pampaalis lang ng gutom.

Nang matapos akong kumain, chineck ko muna yung pinto at tangke kung nakasara bago ako bumalik sa kwarto. Umupo muna ako sa headboard ng kama bago mahiga para bumaba yung kinain ko. Naisipan ko namang i-check si Gerome, kaya kinuha ko yung cellphone sa table na nasa gilid lang ng kama ko. Buti na lang full charge.

While I was checking my social media accounts and stalking Grome aswell, napansin kong ang tahimik niya ngayon. There's no posts, nor stories; even si Andrea wala. Oh well, baka nag social media break or sadyang busy lang sa school.

Nang tinamad na akong magscroll scroll, naisipan ko ng mahiga kasi medjo inantok din ako dun no. Bahala na. Binabaan na rin siguro ako ng kinain.

Hindi ko napansin kung anong oras akong nakatulog kanina kasi alas-7 na eh. Nagmoment muna ako bago ko naisipang bumaba na. Dumating na kaya si mama?... siguro, alas-7 na rin eh.

Pagkababa ko sa sala, napansin kong parang wala pa rin si mama.

"Asan kaya yun" ani ko at tumingin sa wall clock. 7:23 na rin pala. Saan kaya nag punta yun?

Saktong sakto naman na may kumatok sa pinto. Eto na pala si mama eh. Mabilis kong binuksan yung pinto dahil excited din akong kwento kay mama yung good news.

"Hi Ma—" natigilan kong sabi nang napansing hindi si mama yung nasa harap ko.

Kundi isang babaeng naka-corporate attire.

Next chapter