webnovel

Chapter 11

Cristallyn's POV

Nag daydream lang ako pagkatapos kong magbasa-basa ng mga tweets kahapon. Nagiging hobby ko na ata talaga yung pagde-daydream bago matulog eh. Haysss, iba talaga epekto sa akin ni Gerome eh, daig ko pa ata yung mga naka-high.

Habang nagbabasa ako kahapon ng mga tweets, nagchat si ma'am sa gc namin na today will be our last training, para daw bukas at sa next na bukas ay nagpapahinga na lang kami pero siyempre need pa rin naming magbasa-basa ng mga sample articles and sa mga news related naman, they need to be updated sa mga happenings around or sa labas ng bansa. Sinabi rin ni ma'am na may announcement surprise siya sa amin later after ng training namin.

"HOY BILISAN MO NAMAN SIS!!! NAKAKAHIYA NAMAN AT BAKA MA-LATE KA PA!!" iritang sigaw ni Ericka habang ako naman tinatawanan lang siya. Umagang kay ganda talaga!

Nakalimutan kong sabihin na kahapon din pala nasabi ni Ericka na susunduin niya daw ako para sabay na kami pagpasok ng school; at dahil sobrang bilis kong kumilos "heto akooooo oh oh! basang basa sa shower errr walang malalapitan, walang masisilungaaaan." kanta ko kaya naman narinig ko nanaman si Erickang galit na galit sa labas.

HAHAHAHAHAHA sobrang pikon ni Ericka kaya ang sarap niyang asarin eh, pero siyempre hindi ko na siya aasarin pa lalo dahil baka magkatotoo yung sinabi niya na male-late kami dahil sa akin; siyempre ayaw ko namang mangyari yun, excuse na nga kami sa klase magpapalate pa kami? Bad student tawag dun at unfortunately, hindi kami yun.

"WOW! MAGPAPADASAL NA BA AKO? HIMALA ATA ITO! ANG BILIS MONG KUMILOS NGAYON!" sarcastic niyang sabi. Ang sakit talaga sa tenga 'tong babaeng to. Hindi ko alam paano ko naging kaibigan to.

"Baliw." Sabi ko sabay irap sa kanya at nagbihis na. Siya naman, mina-mock lang ako tas bumubulong pa. Para talaga siyang may kleng kleng.

Pagkatapos lahat ng dapat kong gawin, bumaba na kami para makaalis na.Hindi pa rin natigil si Ericka sa kakabulong, para na siyang may kausap na kung sinong espirito sa ginagawa niya, kinikilabutan tuloy ako.

"Nak, kain ka muna at pakainin mo na rin si Ericka bago kayo pumasok." Ani ni mama pagkababa namin. Tumango naman ako at tinapik yung bandang tiyan ni Ericka at sinenyasan, sumunod naman siya

"Ang bait ng mama mo ngayon ah," bulong ni Ericka sa akin habang pumupunta kami sa dining area.

"Mabait naman talaga si mama ah." Baling ko sa kanya.

"Ewan, may iba sa kanya." Kibit balikat niya. Hindi ko na lang siya pinansin kasi wala naman akong napapansing iba kay mama.

Kumain lang kami at umalis na rin agad. Nagulat pa ako na nasa labas yung sasakyan ni Josh eh.

"Kanina ka pa rito?" tanong ko sa kanya. Bakit nandito to?

"Hindi, kakadating ko lang. nakakahiya kasi sa akin kung paghihintayin niyo lang ako dito kaya ngayon ko lang naisipang sunduin kayo." Sarcastic niyang sabi at inis-start na yung kotse. Dumiretso naman si Ericka sa passenger seat at ako naman sa may backseat lang; sa pwesto ng mga third wheel.

"Bakit naman kasi hindi ka pumasok sa loob?" tanong ko sa kanya habang naka-upo sa likod. Sana kasi pumasok siya, hindi yung nagrereklamo siyang ang tagal.

"Eh pano naman po kasi, etong kaibigan niyong Ericka ata pangalan, sabi mabilis lang daw; kaya naghintay ako" sabi niya hindi pa rin inaalis ang tingin sa daan

"Alam mo naman kasing sobrang bilis kong kumilos eh" totoo kong sabi.

"Ay buti alam mo sis! Kala ko naman, i-iinform pa kita eh" singit naman ni Ericka habang nakatingin sa akin sa may side mirror; nginitian ko na lang siya at nag peace sign.

Nagpatuloy lang ang sagutan naming tatlo habang papuntang school na nauwi na lang sa tawanan; siyempre sino pa ba ang pagtatawanan, kundi ako right? Kesyo sobrang bagal ko daw kumilos, kung magkakarera daw kami ng pagong baka daw yung pagong pa yung manalo.

Hindi ko talaga alam kung saan ko napulot tong mga to. Ipagbibili ko na nga lang. pa-mine na lang po!!! Cheret! Love ko sila kahit papano no.

Pagkarating namin ng school, nag hiwalay din kami ng landas. Si Josh may klase at kami naman excuse sa klase, kaya puro sana all bukambibig ni josh nang naghiwalay kami eh. Well, perks of being part of the journalists.

Pagdating naming sa office, nagdiscuss lang si ma'am ng mga guidelines, additional techniques at pinagawa niya na ulit kami ng articles. Like the usual, naghiwa-hiwalay na lahat per category pagkatapos magsalita ni ma'am; kaming sports writer, sa computer room pa rin. This time, ang pinagawa sa amin is about sa isang competition sa judo. We watched the game and afterwards, made the sports article.

After 3 hours, nagpasa na kami. Ma'am Dely gave us 30 minutes break before gumawa ulit ng isa pang article. Hindi na kami nagkita ni Ericka sa break time kasi hindi pa ata sila tapos? Or… kanina pa sila nagbreak? I don't know.

Kumain lang ako ng spaghetti ng magisa for the break. Para nga akong lonely eh HAHAHAHA. Buti na lang talaga nakita ko si Joshua na papasok sa canteen kaya tinawag ko, tumingin naman siya sa akin at lumapit.

Mukhang may tumakas ng klase para pumuntang canteen ah.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sabay alok ng kinakain ko. Buong akala ko naman na tatanggihan niya yung alok ko, pero ang ginawa ng loko, sinunggaban pa. Wala na atang balak magtira.

"Tumakas ako sa klase. Nakakabored eh. Sana ol talaga ine-excuse" sabi niya habang ngumunguya at kinuha yung juice ko at ininom. Pagkatapos niyang ubusin young pagkain ko at juice ko, nagpaalam na siyang aalis.

"Sige Salamat sa tira mo. Magiingat ka, sana madapa ka" maldita kong sabi at niligpit na yung kinainan ng mokong.

Dumiretso na rin ako agad sa office after kong kumain sa canteen. And after the remaining minutes of our break, diretso na rin agad kami sa paggawa ng article. This time, its about sipa men naman. After ng training, sabi ni ma'am may ia-announce daw siya at after niyang mag-announce pwede na daw kaming umuwi; kaya naman lahat kami ay nag-'yey'

"Okay guys, since tapos na naman yung training niyo. I have a surprise for you" animula ni ma'am. "Para mas lalo niyong galingan sa competition, we will have an outing!" masayang sabi ni ma'am. Dahil sa sinabi ni ma'am nagingay kaming lahat, kwento dito kwento doon. "so, tomorrow to ah. So, paalam na kayo sa parents niyo. Don't worry at sagot ng school yung outing natin at excuse pa rin kayo hanggang laban" sabi ni ma'am at nag'yes' naman kami agad.

"Ma'am!" tawag ng isa sa mga editorial writing ata kaya napatingin kami sa kanya. "Ma'am, saan po tayo?" tanong niya at marami naman nagside comment sa kanya ng 'oo nga po', 'saan po ma'am'

"Sa Bataan tayo kaya maaga ang call time okieee?" sabi ni ma'am "Sa may Camaya tayo" dagdag ni ma'am.

Camaya? I heard maganda daw dun. Sana payagan ako ni mama. Fingers crossed…

Your gift is the motivation for my creation. Give me more motivation!

BlacklyPastelcreators' thoughts