13 Chapter 10

Cristallyn's POV

"Hi Ma—" natigilan kong sabi nang napansing hindi si mama yung nasa harap ko.

Kundi isang babaeng naka-corporate attire. Who is this girl? Anong ginagawa niya dito at sino ba siya?

"Hi, Is Ms. Valderama around? " tanong niya sa akin, while I was still there thinking who she was,but not until she called my attention again. Doon ko lang napagtanto na hinahanap niya pala si mama.

"Uhmm, wala pa po si mama eh." Ani ko habang umiiling. "ahhh, sino po ba kayo? Para masabi k okay mama." Tanong ko sa pangalan niya. I think, she's good naman eh kaso nakakagulat lang talaga na gabing gabi na eh may pumupunta pa ditong naka-corporate attire. Siyempre 'no, masisisi niyo ba ako na natakot din ako lalo na't magisa lang ako dito.

"Sorry, by the way, I'm Dra—Blair Vasquez your mom's friend." Sabi niya "Anyways, I gotta go. Can you give this to her and tell her na I went here. " and gave me an envelope. "And, please tell her na call me right away. Thank you." And she went out na. Sinilip ko siya hanggang sa narinig ko yung makina ng sasakyan na paalis na.

I then again close the door but I didn't lock it this time.

Pheww!! Kala ko naman kung sino na. "Ano kaya to?" habang tinitignang mabuti yung envelope na binigay sa akin ni Ms. Blair. There's nothing. Tinignan ko naman through shadows, tinapat ko yung envelope sa ilaw; wala rin akong Makita.

I was about to open the envelope nang biglang bumukas yung pinto at bumungad sa akin si mama. Tumingin siya sa hawak kong envelope at agad niyang hinablot iyon sa akin. i was shocked, kasi what's with her reaction? Sobrang lakas ng pagkakabukas ng pinto then yung itsura niya is parang kinakabahan na ewan tapos yung sa lakas ng pagkakahablot niya sa akin nung envelope. What's with her?

"Anong ginagawa mo?!" medyo pagalit na bungad sa akin ni mama.

"Wa-wala po" kinakabahan kong sagot. Kasi minsan lang talaga magalit si mama.

"Sorry, pagod lang ako kaya ganun" sabi ni mama at umupo na sa sofa and nilagay niya na yung envelope sa bag niya. Tumango na lang ako and smiled.

Naiintindihan ko si mama, pagod lang siya kaya ganun. Pumunta na lang ako sa kusina para kumuha ng tubig para kay mama. I opened the ref and kinuha ko yung jar na may laman na tubig and I pour it sa baso; while doing it, tinignan ko si mama and I saw her texting. Nang mapuno na yung baso, I immediately went to her to give her the water.

"Ma, inom ka po muna ng tubig" sabi ko sabay abot sa kanya ng tubig. Tinanggap niya naman at ininom, "Thank you anak" sabi ni mama at binalik na sa akin yung baso. Nilagay ko muna yung baso sa center table kasi bigla kong naalala yung sa competition.

"Ma, I have a good news for you" masayang sabi ko.

She looked at me "ano yun?" matutuwa kaya si mama?

"Ma, kasama na ako sa School's Journalists and I got chosen na lumaban sa gaganaping school paper conference, and guess what?" nakatingin lang sa akin si mama habang nakangiti, but there's something in her eyes tho. "We have a chance na mapili ng mga scouts from manila's big schools. Diba ma, pag napili ako. I'll have the chance na makapagaral sa CSA." Kwento ko habang nakatingin sa taas na para bang nakikita ko dun yung kinukwento ko.

I looked at mama, and I saw na na-teary eyed siya. "Kaya galingan mo anak ah" sabi niya and she hugged me tight, we hugged each other for a couple of minutes. Si mama ang unang bumitaw, "I'm so proud of you, and I will always be no matter what." And she kissed my forehead. "sige na anak, matulog ka na" sabi ni mama. I kissed her and nagpaalam na ako na mauuna na sa taas.

I knew it! Matutuwa nga si mama sa good news na iyon. Dati niya pa kasi alam na gustong gusto kong mag-aral sa CSA, nagkataon lang na doon lumipat si Gerome for his another 2 collegiate years galing sa MIS; but yung kapatid niya slash kakambal na si Geremy is nasa MIS pa rin.

Pagpasok ko sa kwarto ko, umupo muna ako sa bed at kinuha yung cellphone ko. And because I feel happy, I wanna tweet it. Ewan ko ba, twitter is like my other escape from reality other than reading a book sometimes; it's like whenever I feel sad, mad or happy, I'll just tweet it on twitter, and boom! It really helped me talaga na i-express yung feelings ko kahit through social media lang; kasi nga sa twitter onti lang makakabasang kakilala ko.

Cristallyn Pascual @criiistallynx

I promise ma. I'll do my very best to win and to be noticed by the scouts. I'll make you proud every single day, I promise you that.

After clicking the tweet button, tumayo na ako para pumunta sa cr at naligo. I did my usual routine and when I'm done ginawa ko na yung lintek kong skincare routine ekek na hindi ko alam kung gumagana ba talaga o hindi.

After lahat ng seremonyas ko, dumiretso na ako sa kama. Nag scroll-scroll ako sa social media accounts ko and habang nasa IG ako, I saw na may post si Gerome. He's wearing a shirt from bench, a jersey shorts from his merch and a sneakers.

Why is he so handsome?! GOODNESS GRACIOUS! Sobrang gwapo niya talaga kahit sa simple niyang suot! Feeling ko nagb-blush ako kahit tinitignan ko lang yung post niya. Hindi ko talaga alam kung bakit ganito na lang yung epekto niya sa akin.

I stalked him because of that, both IG and Twitter. Kaya doon ko lang nakita yung iba niyang tweet. My ghad!! Nagpa-#AskGerome siya ng hindi ko man lang nalalaman. Nakakainis talaga! Kapag inaabangan ko siya, doon siya inactive; pero kapag inactive naman ako, doon siya active! Kainis lang.

(#AskGerome)

Someone: Kuya Ge, bakit niyo nagustuhan si Ate Andrea? #AskGerome

Him: she's simple kasi and she's the one.

SANA ALL TALAGA!!!

Someone: Cap, (if single ka ngayon) is there a chance na magkagusto ka sa fan mo? #AskGerome

Him: hmm. Why not.

SANA AKO NA LANG! KASO WALA EH.

Someone: what's ur ideal type? #AskGerome

Him: Simple, God-fearing, Family oriented at siyempre yung mamahaln ako

Simple naman ako, God-fearing din at Family oriented, at siyempre kahit di niya sabihin mamahalin ko siya. Pero bakit di na lang ako? CHAROT!

Marami pang ibang questions na sinagot ni Gerome. yung iba nga, hindi questions eh pero napansin. Like, kalian mo ba ako papansinin? Kuya Birthday ko ngayon, pabati po, pag ako pinansin mo maliligo na ako… at marami pang iba. It's really fun reading all of it.

Hayss, Gerome. When will I see you?...

avataravatar
Next chapter