webnovel

Prologue

I'm Awake

Tangan ang limang makakapal na libro ay sinimulan ko nang umakyat sa ladder. Ilalagay ko ang mga ito sa pinakataas ng shelf kung saan niya ito kinuha.

"He'll never stop, huh?" Ani ng isang malamyos na boses. Nilingon ko ito at nakita ang isang babaeng sopistikadang nakaupo sa sofa malapit sa chimney. Nakatingin siya sa librong hawak.

I remained silent. Pagkatapos kong maibalik ang mga libro ay bumaba na ako upang ipagpatuloy ang huling gagawin para sa araw na ito.

"Aalis ka na daw dito sa isang linggo? Bakit, Yana?" Nabaling ang atensyon niya sa paglalakad ko paalis doon.

"I find another job." Simple kong sagot.

"What? Okay ka naman dito diba? Maayos naman ang pakikitungo namin sayo. Maganda pasahod at libre ang matutulugan. Why find another job?"

Tumayo si Olivia mula sa sofa at lumapit sa akin.

"Your family have already done so much for me. I thank you for that. At ngayong magtatapos na ako ay maaari na akong umalis."

"Wala na kong makakausap dito... Wala na kong kaibigan," nakanguso niyang sagot habang hawak ang mga kamay ko.

"I will still be your friend."

"Aalis ka ba dahil kay Jordan? Hayaan mo at sasabihin kong tigilan ka na." Tukoy niya sa pinsang madalas na pumunta dito noong bakasyon.

"Matagal na iyon. Alam na ni Sir Jordan na hindi pwede... at ayoko..."

"Kung ganun talagang aalis ka na..."

"Aalis ako dahil ayoko nang makaabala..."

Dahil iyon ang gusto ko. Dahil ayoko nang makita siya.

Pagkatapos kong linisin ang buong library sa basement ay umakyat na ako upang tumulong sa paghahanda ng hapunan.

Paglabas ko ng basement ay bumungad sa akin ang liwanag ng sala ng mansion. It has a very welcoming aura. From the curtains that hung freely along the high windows up to the whole set of couches and entertainment stuffs. Ang kisame ay nagmistulang malawak na kalangitan dahil sa mga nakapintang ulap at anghel dito. Sa gitna naman ay ang grandiyosong chandelier na siyang magbibigay liwanag sa sala.

"Hindi ka na naman ba nag-siesta, Yana?" bungad na tanong sa akin ni Nana Fely.

Ngumiti lamang ako sa kanya at tumulong na sa paghahanda ng hapag.

"Nana hindi na kayo nasanay diyan kay Yana. Nilinis niyan ang library," sagot naman ni Olivia na sumunod pala sa akin.

"Kung ganon maupo ka na Olivia upang kumain na. Tatawagin ko lamang sa garden ang iyong ina. Yana tawagin mo na din si Joaquin sa itaas," utos ni Nana Fely.

"Tulog si Kuya. Huwag daw siyang istorbohin," sabat ni Olivia habang nagtitipa sa kanyang cellphone.

"Nana..." paalam ko sa kanya.

"Gisingin mo, Yana. Uuwi si Joseff ngayon. Hindi pwede ang ganyan. Nakalimutan ko, kunin mo din pala si Odin,"

"Opo, Nana,"

Umakyat na ako sa second floor ng mansion para puntahan ang magkapatid. Una kong pinuntahan si Joaquin para katukin.

"Sir Joaquin, kakain daw po," inihilig ko ang sarili ko sa pinto at pinakinggan kung nagising ba siya.

"Sir, kakain na daw po..." Pinihit ko ang seradura at tuluyan akong pumasok dahil hindi ito nakalock.

Nakita ko si Joaquin na nakadapa sa kanyang kama at walang suot na pang-itaas.

"Sir... kakain na daw po..."

Nang walang makuhang sagot ay nagpasiya akong puntahan muna si Odin sa kanyang kwarto.

Pagdating ko ay gising na pala ang bata.

"Ate... hmmm... why ya here?" Medyo nabubulol niyang tanong habang kinukusot-kusot ang dalawang mata.

"Kakain na, Odin. Halika..." Inayos ko muna ang kanyang buhok bago buhatin.

"Gisingin muna natin ang kuya mo..."

"So lazy..." bulong niya pa at ibinaon ang mukha sa aking leeg. Nang makarating kami sa kwarto ni Joaquin ay nadatnan namin siyang nakasandal sa headboard ng kama at tulala.

"Ow... beast awake already.. Up! We waiting," striktong utos ni Odin sa kanyang kuya.

Nang hindi tumugon si Joaquin ay tinawag ko na siya.

"Sir..."

"Stop calling me that," malamig niyang tugon.

"So arte..." bulong ni Odin at muling siniksik ang sarili sa akin.

"Sleepyhead..." dagdag pa niya.

"I'm awake," ani Joaquin at nagsimula nang ayusin ang sarili. Aalis na sana

kami ni Odin ng patigilin niya kami bago pa man makalabas ng pinto.

"Wait for me."

Pagkatapos niyang makapag-ayos ay tinungo niya kami. Nauna akong naglakad pero hinawakan niya ang braso ko na siyang ikinatigil ulit namin ni Odin.

"Akin na..." Hindi ko siya naintindihan kaya naman kinunutan ko siya ng noo.

"Odin, get off her..." aniya at kinuha sa akin ang bata. His nose almost touched mine at konti na lang ay mahahalikan na niya ako. I stiffened when I see him staring at me.

I don't know if it is a glint of loneliness that I saw in him. I wish it was not because I have finally decided about it. I want to leave for the good.

"Ya so annoying, beast..." bulong ng bata at sumama na kay Joaquin.

"You're being clingy to her. I don't like that."

Next chapter