webnovel

01: Walking Heartbreak

"Finally! You're here na, girl"

Malakas na tinig agad ni Jimjam ang namayani sa buong cafeteria. Siguro kung may gustong pumatay sakin, malolocate na ko agad.

"Girl, ang bagal mo naman maglakad. Flores de Mayo?" sigaw din ni Shania.

Napapa-iling nalang si Larissa at JC sa dalawa naming kaibigan na parang nakalunok ng megaphone. Nagmadali akong naglakad sa table namin, at baka kung ano pa ang isigaw ng dalawang 'to

Si JC, Larissa at si Jimjam ang nag offer na kukuha ng  pagkain naming lima kaya kaming dalawa nalang ni Shania ang natira sa table para magbantay ng gamit.

"Uy, girl, magpapa-audition na nga pala kayo bukas para sa theater di 'ba?" tanong nya sakin

"Oo, sasali ka ba? Pasok yung face mo para sa bida, girl" sabi ko

"Gaga, pasok yung mukha ko, pero yung talent ko sa pag arte ay nakaka turn off. Ayoko ipahiya yung sarili ko, baka maging single na ko forever" sagot nya sakin at may pa hand gestures pa

"Exaggerate much? Kalma, magkaka jowa ka pa" natatawang sambit ko

"Easy for you to say. Aba ang haba ng pila ng mga lalaking nagkakagusto sayo sa university na 'to, at kung hindi mo napapansin, kilabot ka ng engineering. Halos lahat ata ng engineering dito eh may gusto sayo" pag rarant nya at natatawa nalang akong umiling.

Eksakto namang dumating na sila Jimjam. Umupo sya sa tabi ko at kaharap namin sila Shania at Larissa, habang nasa pang isahang upuan naman sa pinakadulo ng table si JC, ang nag iisang lalaki sa barkadahan namin

Nag simula na kaming kumain, actually, we prefer to eat first before we report our chikas. Mas maeenjoy kasi namin yung pagkain pag ganun

"Hi guys" masayang bati samin ni Eloise, ate ni Larissa, habang dala yung tray nya na may pagkain

"Anong ginagawa mo dito?" nakakunot ang noo'ng tanong ni Larissa

"I want to join you, bawal ba?" tanong ni Eloise at nag puppy eyes sa kapatid

"Ate, naaalibadbaran ako sayo. Para sa kaalaman mo, this is the NBSB/NGSB Squad. Mga di pa nagkakajowa. Eh ikaw? MBSHS ka" pagtataray ni Larissa sa ate nya

"MBS-what?" naguguluhang tanong ni Eloise

"More Boyfriend Since High School! Umalis ka nga, nawawalan ako ng gana kumain eh" sagot ni Larissa

Natawa nalang si Eloise sa ugali ng kapatid nya "Kaya hindi ka kinacrushback kasi ang sungit mo"

"Alis! A-L-I-S!" pinandilatan ni Larissa si Eloise na syang pinagtawanan lang ng ate nya. Umalis naman ito at sumama na sa mga kaibigan nya

"Rude much?" pang aasar ni Jimjam kay Larissa

"Tantanan mo ko, Benjamin ha" pagbabanta ni Larissa na syang pinagtawanan lang naming. "Hindi ako kinacrushback ng mga crush ko, dahil sa kanya, bwiset"

"Haha chill, let's just finish our lunch" sambit ko

Eksakto namang tapos na kami nang biglang umimik si Jimjam "And the walking heartbreak finally arrived"

Iniinom ko ang chocolate drink ko at hindi na tinapunan ng tingin yung pinapatungkulan ni Jimjam.

Hindi na ko magtataka kung sino yun, dahil sa aming magkakaibigan, ako yung tumawag sa tao na yun ng 'walking heartbreak'

"Hey, speaking of the walking heartbreak. Remember that girl na laging nagpapa shout out tuwing Friday?" tanong samin ni Shania

"Alin? Yung mystery girl na laging nagdededicate ng kanta with message pa para kay walking heartbreak?" tanong ni JC

"Yep. Si Faith pala yun" sabi nya samin at muntik na kong mabulunan sa balitang yun ni Shania. "I know, girl, yan din yung reaction ko" sabi nya sakin

"Akala ko ba tomboy yun. Di ba in a relationship sila nung kasama nya sa banda?" tanong ko

"Omygosh, iba rin ang bagyong Claudius. Pati tomboy bumabaliktad mga bhieee" wika ni Larissa

"Teka, pano nalaman?" tanong ko ulit

"Eh sino ba yung kilala nyong magaling mag investigate sa campus na 'to? Hindi ba't ang Buklat Group lang naman" sagot ni Shania

"Ibang klase din nga maghanap yung mga yun" natatawang sambit ni JC

"Eh anong naging reaction ni Claudius?" tanong ni Jimjam

"Ano pa bang aasahan nyo, sis? Edi winasak ng mainit na kape ang lumambot na puso ng titibo tibo" sambit nya na parang yun na ang pinaka obvious

Well, mas magugulat pa ata ako kung nagpa sweet pa si Claudius kay Faith.I must admit, may hitsura sya, pero wala naman syang puso, same as my father

Kumukulo ang dugo ko sa tuwing naaalala ko yung ginawa ni papa sa mama ko. Wala talagang lalaking hindi mananakit ng babae

Naputol ang pag iisip ko nang hawakan ni Jimjam ang kamay ko, nang tignan ko ang iba pa naming mga kaibigan ay halata ang pag aalala sa mga mata nila.

"Change topic na tayo, guys" sabi ni JC

Well, after what happen ten years ago, hindi na talaga ako napalapit sa mga lalaki, nagkataon din na walang asawa si tita Mila.

Lahat ng mga kaibigan ko sa America ay puro babae. May mga lalaking sumubok na makipag close sakin pero umiiwas ako agad.

I always have this fierce face whenever there are boys around. Si JC naman, kaya ko lang sya naging kaclose ay dahil sya ang naging kaibigan ni Jimjam nung umalis ako. Sya yung kaklase namin na laging nag aabot kay Jimjam ng letter galing sa ibang section

At least there's still a man whom I can trust

I glanced at my wrist watch then I fixed my things

"Sorry, guys. May klase na kasi ako. Hintayin nyo nalang ako sa gymnasium mamaya" paalam ko sa kanila

After three hours ay dinismiss na kami. Dumaan na ko sa soccer field dahil malapit yun sa gym, kesa naman sa umikot pa ko. Sigurado naman akong kanina pa sila naghihintay sakin

Nasa kalagitnaan na ko ng field when someone yelled, it was too late for me to dodge since the ball is already in front of me.

It's impact to my forehead made me fall to the grass. Sapo ko ang noo ko at ramdam ko ang pag ikot ng paligid ko

Someone approached me and helped me stand up.

"Hala, sorry, Noela. Hindi namin napansin na dadaan ka pala" Lester said, one of the soccer players, and my classmate

Sapo ko pa rin ang noo ko at hawak nya naman ang braso ko. Marahas kong inalis ang pagkakahawak nya sakin bago ko sya tignan

"Sinong sumipa ng bola?" galit tanong ko

"H-ha?" tanong nya pabalik

"I'm asking you who dumb ass kicked the fucking ball" iritableng saad ko sa kanya

"S-si Claudius" turo nya sa likod nya

I looked behind him and saw Claudius looking straight at us with his hands on his pockets, he's acting all cool but guilt is visible in his eyes.

"Fucking ass-hole" sambit ko. Wala na kong pake kung marinig pa ko ni Lester

I rolled my eyes at Claudius and he just looked down

Nakarating ako sa gym at padabog na binaba ang bag ko at irritable akong umupo sa tabi ni JC.

"Oh girl, anyare sa noo mo? Ganyan ka ba maglagay ng blush on? Ang weird" natatawang tanong ni Shania

"Anong nangyare sayo? Bakit namumula " tanong ni JC at talagang hinawakan pa ang part na yun kaya hinampas ko ang kamay nya

"Natamaan ako ng bola sa soccer field" iyamot na saad ko

Kaunting minuto rin lang ay natapos na sila Jimjam at Larissa sa pagpapractise nila ng sayaw. Sinenyasan nila kami na magpapalit lang daw sila at kakain na kami

"Napano yang noo mo, girl?" tanong ni Jimjam

"Hickey yan, girl. Sana ol nalang, mga bhie" sambit ni Shania na pinagtawanan naman nilang lahat

Kinuwento ko sa kanila ang nangyari kanina, at sinabi naman nilang kasama na daw ako sa mga nasaktan ni walking heartbreak.

Like eww. Katangahan nalang ang magkagusto sa kanya. Yes, I still admire men for their appearance, pero hanggang dun lang yun.

Dun lang naman kasi sila magaling, ang pumorma at magpacute, ang magpaasa at mang iwan sa dulo.

Napag desisyonan naming kumain sa isang carenderia malapit sa campus

"Magrereserve na ko ng table sa taas, give me your bags. Order me some siomai and fried rice" sabi ni JC at binigay nya samin ang pera nya. Binigay naman namin sa kanya ang bags namin

We're waiting for our orders when my eyes started to roam around. Since open carenderia to, I can see every passer by's outside

Tumigil ang tingin ko sa isang lalaking nakikipagtawanan sa mga kaibigan nya

Bagay pala sa kanya ang nakangiti, kahit papano nagmumukha syang hindi gago. Slight lang naman

"Di'ba, Noela?" sabi ni Larissa

"H-ha?" tanong ko. Bitbit na nila ang trays nila, dala na rin ni Jimjam ang para kay JC

"Kanina pa kami nagchichikahan, tapos hindi ka pala nakikinig. Sabi namin parang bagay si Ms Lea at si Sir Allen" sabi ni Shania

"A-ahh o-oo nga, bagay sila" kinuha ko na ang tray ko at sumunod sa kanila paakyat

Bago ako umakyat ay lumingon ulit ako at nakita kong nakatingin na sakin si Claudius at nakangiti

Agad akong umiwas ng tingin at sumunod na sa mga kaibigan ko.

We were peacefully eating when someone suddenly bumped on my chair

"What the-" react ni Jimjam

"Sorry, po" nakayukong paumanhin samin ng lalaki at nakayuko parin itong umalis

Isusubo ko na sana ang kutsarang may pancit palabok nang magsalita si JC.

"Dude, may tumatawag nga pala sayo kanina. Tignan mo nalang kung sino" sabi nya at kumagat sa siomai

I glanced at my side to get my bag but it's not there

"Yung bag ko?" nagsisimula na akong magpanic dahil nandun lahat ng cards ko, they also search in our area pero wala

Bigla akong tinignan no Jimjam na parang may narealize "Yung lalaki kanina" sabi ni Jimjam.

Tumayo ako at tumakbo pababa, tinatawag ako ng mga kaibigan ko at pinagtitinginan na ko ng mga tao pero patuloy parin ako sa pagtakbo

Hindi ko alam kung saan sya dumaan but I saw Claudius' friends waving at me and pointing at the right

Disperada na ko kaya tumakbo ako sa tinuturo nila

Malayo na ang natakbo ko, but still no sign of that fucker

I was about to punch the person who grabbed my shoulder, but I saw it was Claudius holding my bag, panting

"H-huh?" tanong ko

"It's yours, right. Be careful next time" inabot nya sakin ang bag ko at nakapamulsang umalis, pero halata pa rin sa balikat nyang hinihingal pa rin sya

"T-thanks" bulong ko