2 PROLOGUE

"Ran!" buong lakas na sigaw ko. "Ran, tanggap kita! Gusto kita at mahal kita!" Napatigil naman sila sa paglalakad pati na ang mga tao sa paligid namin na nagbubulungan.

"Ano pa ba ang kulang para magsama tayong dalawa?" tanong ko sa kanya.

"Please, Atoz... Tama na."

"Kailangan ko bang maging bampira para lang magsama tayo?" tanong ko muli.

"Tama na, Atoz," naiiyak na wika niya.

"Ito ba?" tanong ko sa kanya at pinulot iyong nagkalat na plastic na may laman na dugo sa may sahig. "Ito ba ang kailangan para maging bampira ako at para... m-magsama na tayo?" Pagkasabi ko noon sa kanya ay agad kong ininom ang dugo.

Bahala na. Wala na akong pakialam. Ang mahalaga, maging kauri ko siya upang maging puwede kami sa isa't isa.

avataravatar
Next chapter