1 Task

"Mission completed" sambit ko sa earpiece at sumakay na sasakyan ko, nagsimula ng magmaneho papunta sa head quarter.

Habang nagmamaneho ako bigla kong naisip yung sinabi ng head chief namin na si Mr. de Guzman

"Ariana, I have a task for you" sambit ng head chief namin pagkapasok ko pa lang sa opisina n'ya. Agad akong naupo at nakinig sa kaniya. "Ano po yun chief" tanong ko rito.

May ibinigay na isang folder si Mr. de Guzman at agad ko naman itong kinuha at binuksan, binasa ko ang nakasulat. Napakunot ang noo sa nabasa ko.

Luh, ako na naman?

Pero teka lang!

"Chief naman eh, akala ko ba di muna ako makakatanggap ng mission sa loob ng isang buwan" pagmamaktol ko sa chief namin.

"Ariana alam naman ng lahat na ikaw lang ang makakagawa ng misyon na 'yan kaya pagbigyan mo na kami." pagmamakaawa n'ya. Napabuntong hininga na lang ako saka tumingin sa chief namin at tumango.

Napatalon naman ito sa tuwa pero napatigil s'ya sa pagtatalon nang bigla akong magsalita "Pero sa isang kundisyon"

"A-Anong kundisyon?" nauutal na tanong n'ya. Ngumisi ako sa kanya saka nagsalita muli.

"Bigyan mo ko ng isang sasakyan hehehe" sambit ko saka nagpa-cute.

ha! akala mo ha! nagtitipid kaya ako ngayon kasi bibili ako ng bagong bahay.

May gusto kasi akong bilhin na isang limited edition na sasakyan kaya lang wala akong budget para dito kasi bibili ako ng bahay. Hay buhay!

"Yung bagong labas, eto oh" sambit ko sa kanya at ipinakita ang gusto kong sasakyan. Nanlaki naman ang mata ni chief kaya tumawa ako. "Sige na tito please" sambit ko saka nag puppy eyes pa. Tumango naman ang tito ko kaya napayakap ako sa kanya.

"Yey thank you po" pagpapasalamat ko sa kanya. S'ya nga pala ang tito ko ang head chief namin. He's Vincent de Guzman kapatid s'ya ng nanay ko.

"Osya walang anuman basta gawin mo lang ang misyon mo" sambit nito at napabuntong hininga.

"Gagawin ko ang misyon ko because....?" pagbibiro ko sa tito ko. Sinamaan n'ya naman ako ng tingin ako kaya napa-peace sign ako "Joke lang po hehehe" sambit ko saka nagmamadaling lumabas sa opisina n'ya.

Bukas na!

Bukas ko na gagawin ang misyon ko. Taenang buhay to nakakaumay.

Spying on Russo Mafia!

Mafia!!!!

It's a fucking mafia! hays baka bukas pinaglamayan na ako. Hindi ba yun naisip ng tito ko? tsk tsk tsk! Buhay nga naman!

Pero teka lang, ano ba 'tong pinagsasabi ko. Parang ang weak ko naman sa mga sinasabi ko? Taena muntik ko ng makalimutan kung sino ako. Awit na 'yan. Haller ako lang naman si Ariana Carter ang pinakamaganda at pinakamagaling na Secret Agent dito sa Pilipinas.

To be continue....

avataravatar
Next chapter