1 We were both young

"Hi! This is me Alexa, and welcome to my vlog." I said while holding my phone infront of me pero hindi nagrerecord. Well ganon naman ako lagi, trip ko lang.

Pero gusto ko talaga mag vlog, yun nga lang di ko alam kung paano, kailan ko sisimulan. Kasi alam ko sa sarili ko na hindi ko naman yun matutuloy-tuloy. Pagsasawaan ko din naman siguro yun.

"Ate! Maghain na daw!" Sigaw ng kapatid ko.

Chinarge ko muna yung cellphone ko at tumitig sa salamin ng ilang sagundo tsaka ko ulit narinig sumigaw ang kapatid ko, kasabay nito ang galit na boses ni Mommy.

"Ano ba Alexa?! Wala kang balak maghain?!"

Dali dali akong tumakbo pababa ng hagdan at nakangiting sinalubong ang mga taong nagagahol sa paghahain. Ewan ko din kung bakit nalang lagi silang nagmamadali sa tuwing kakain. Pwede namang easyhan lang nila

"Kumuha ka na ng yelo at lagyan mo ng tubig yung pitsel" sabi ni Mommy

"Mommy, pwede tayo magcoke?" Tanong ni Maria

Tumingin ako kay mommy at umaasang pumayag siya, pero as usual hindi papayag si Mommy kasi mainit ang ulo.

"Tumigil nga kayo. Ang babagal niyo nga kumilos tapos mag sosoftdrink pa kayo" sabi ni Mommy

Sumimangot naman si Maria at hindi ko napigilang ngumisi dahil sa itsura ng kapatid ko. Kitang kita ang pagkadismaya nito na siyang dahilan para mainis lalo si Mommy.

Dahil hindi ko na mapigilan ang tawa ko tumakbo ako papuntang banyo para tumawa ng tahimik, mahirap na baka kapag tumawa ako sa harapan nila ay sakin maibuntong lahat ng galit nila.

Nang palabas na ko ng banyo may napansin akong nakaipit sa aparador ko. Agad ko itong kinuha at binuklat ang papel. Ngunit di ko pa nakikita ang laman nito ay sumigaw nanaman si Mommy at nasa harapan ko na siya. Kaya dali dali kong tinago ang papel sa bulsa ng short ko at naglakad papunta sa lamesa.

"Tumatakas ka nanaman ate. Tsk" sabat ng kapatid ko

Lagi nalang akong nahuhusgahan na tumatakas sa tuwing maabutan nila ako sa banyo. Di pa pwedeng naghugas lang ng kamay or what? Nakakainis at nakakawala sa mood kapag bawat kilos mo laging masama.

avataravatar