webnovel

Simula

"Serene Lu, sinusundo kita" sabi ng isang lalaking naka suot ng purong itim na kasuotan. Habang nakatingin sa duguang dalaga na nakahandusahay sa daan. She's not wearing anything kahit pang loob na kasuotan ay wala ito.

"Cause of death—" he's about to say the cause of her death nang maramdaman niyang may humahawak sa kanyang mukha.

Mula sa pagkakaupo niya sa gilid ng babae ay napansin niyang bahagyang nagmumulat ang dalagang nasa harap niya. Lumalaban.

"Ikaw ba si Grim Reaper?" bahagyang nangingiting tanong sakanya ng dalaga. Hindi naman maka sagot ang lalaking nasa harap, nakatingin lang siya dito.

"Tulungan mo ko, gusto ko pang mabuhay. Kung ikaw na si kamatayan tulungan mo ko. Nagmamakaawa ako sayo" pakiusap ng dalaga.

Onti-onti ay tumulo ang luha nito, hindi naman mapakali ang lalaking nasa harap niya. He should be announcing her cause of death pero bakit natagpuan niya na lang ang sariling niyang ibinabalot ang babae sa kulay itim na kapa niyang suot at buhat ito palayo.

Next chapter