1 Prologue

𝐅𝐈𝐑𝐒𝐓 𝐊𝐈𝐒𝐒, sabi nila dapat daw na ito ang pinaka-memorable sa love story natin. Pero pano kung higit pa sa inaakala mong moment ang mangyari sa first kiss mo? Pano kung pitong lalaki ang magiging first kiss mo? Teka, possible nga ba yun? Pero pano nga kung mangyari talaga ito sa buhay mo? Pano kung ang first kiss mo ay sa mga pinapangarap mong lalaki? Pano mo kakayanin ang kilig sa mangyayari??

Like Justine, ang babaeng NBSB. At hindi pa talaga siya nahahalikan ng kahit kanino maliban nalang sa parents niya. Ngunit may nakasalamuha siyang isang matanda na nagpapanggap lang na tao, tawagin nalang natin siyang krimstix fairy na magbibigay sa kanya ng isang regalo na tutupad sa kanyang kahilingan, ang first kiss na sa mga lalaking pinapangarap niya makukuha.

avataravatar
Next chapter